12
Ang Mamamayang Pilipino Ang Pagiging Mamamayang Pilipino

Ang mamamayang pilipino

Embed Size (px)

Citation preview

Ang Mamamayang Pilipino

Ang Pagiging Mamamayang Pilipino

Ayon sa Saligang Batas 1987 Artikulo IV, Seksyon I, ang mga mamamayang Pilipino ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa pagkakatibay ng Saligang Batas na ang ina o ama ay mga mamamayan ng Pilipinas, yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, at yaong mga naging naturalisadong Pilipino.

Uri ng Mamamayang Pilipino

1.Kapanganakan

2.Naturalisasyon

Mga Katutubong Mamamayan

Ang mga taong natamo ang pagkamamamayan simula sa kanilang kapakangangan.

Basehan ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan

• Jus Sanguini Ang pagkamamamayan ayon sa relasyon sa dugo.

Basehan ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan

• Jus Soli Ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan

Mga Naturalisadong PilipinoNaturalisasyon - Ito ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng mga karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.

Maari itong makamit sa pamama-gitan ng hatol ng hukuman o batas ng kongreso

Mga katangiang kailangan taglayin ng isang dayuhan para sa naturalisasyon:

1. Edad na 21 taong gulang sa araw ng pagdinig sa kaso

2. Sampung taon na nakapanirahan sa Pilipinas nang tuloy-tuloy

3. May mahusay at malinis na record ng pagkatao4. Naniniwala sa Saligang Batas ng Pilipinas5. Nagmamay-ari ng lupain o matatag na trabaho6. Nakapagsasalita ng isa sa mga pangunahing wika

sa bansa7. Nagnanais na matutuhan at tanggapin ang

kulturang Pilipino8. Nagpapaaral ng mga anak sa paaralang itinuturo

ang kasaysayan at kultura ng Pilipinas

Pagkawala ng Pagkamamayang Pilipino

Ang nawalang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring makamit muli sa pamamagitan ng alinman sa mga ito:1. Muling naturalisasyon

2. Pagbabalik sa sariling bansa at pagsumpa sa Republika ng Pilipinas; at

3. Tuwirang aksyon ng kongreso

Muling Pagkakamit ng PagkamamayanAng mga sumusunod ay sitwasyon na maaaring maging dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino:1. Pagtataksil sa Armed Forces of the Philippines sa

oras ng digmaan

2. Tahasang pagtatakwil sa pagkamamamayan

3. Pagsumpa ng katapatan sa konstitusyon ng ibang bansa

4. Pagiging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa

5. Pagsisilbi o pagtanggap ng komisyon sa hukbong sandatahan ng ibang bansa

A. Lagyan ng tsek ( 3 ) ang mamamayan ng Pilipinas.

1. Ang magulang na lalaki ayisang Espanyol at ang ina ay Pilipina

2. Ang mga magulang ay parehong Amerikano at ipinanganak sa Pilipinas

3. Ang ina ay ipinanganak sa Mindoro at ang ama ay isinilang sa Bisayas

4. Ang tatay ay tubong Canada at ang ina ay tubong Vietnam

5. Ipinangank sa Pilipinas noong 1969 at ang ina ay Pilipina

PAGLALAGOM

II. Sagutin ang mga tanong. 5 puntos bawat isa.

1. Ano ang kaibahan ng naturalisdong Pilipino sa katutubong Pilipino?

2. Ano ang kaibahan ng Jus Soli sa Jus Sanguinis?