12
ANG LIPUNANG FILIPINO: Isang Paglilimi Ukol sa Modernisasyon at Globalisasyon

ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

ANG LIPUNANG FILIPINO:Isang Paglilimi

Ukol sa Modernisasyonat Globalisasyon

Page 2: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas
Page 3: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

ANG LIPUNANG FILIPINO:Isang Paglilimi Ukol sa Modernisasyonat Globalisasyon(Binasa sa Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang Filipino [International Congress on Philippine Studies], Agosto 2-4, 2017, National Museum, Manila)

ni Randolf S. DavidPropesor Emeritus sa SosyolohiyaUnibersidad ng Pilipinas

Marami pong salamat sa inyong paanyaya na ako’y makibahagi sa pambihira at napapanahong pagtitipong ito. Malugod kong binabati ang aking mga kapwa tagapagsalita at lahat ng kalahok sa ating Kongreso. Nagpapasalamat din ako sa mga institusyon at organisasyong nagbuhos ng oras at pagod upang maisakatuparan ang mga layunin ng Kongresong ito na itampok ang mga araling Filipinas sa wikang Filipino.

Ang pamagat ng aking panayam ay: “Ang lipunang Filipino: Isang Paglilimi Ukol sa Modernisasyon at Globalisasyon.” Hindi naging madali sa akin ang pagsulat sa panayam na ito. Tulad ng iba pang mga sangay ng agham panlipunan sa Filipinas, ang disiplina ng Sosyolohiya na aking kinabibilangan ay nahubog at nasanay sa wikang Ingles. Dahil dito, lubhang naging limitado ang pakikipag-usap ng aking disiplina sa kinapapalooban nitong lipunan at kultura.

Ang Lipunang Filipino: Isang PaglilimiUkol sa Modernisasyon at Globalisasyon

Karapatang Sipi © 2017, Randolf S. David

Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring sipiin o gamitin sa alinmang paraan nang walang pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Editor: Manre KilatesBook & Cover Design by MKExecuted in In-Design by Nica GinezCover Photo: Dinadiawan (Aurora) Cliff Face by Laurence Bañez

National Library of the Philippines CIP Data

ISBN

Inilathala ng

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, 1005 Maynila Tel. Blg. (02) 733-7260 • (02) 736-2525 Email:[email protected]•Website:www.kwf.gov.ph

PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING 633 Kalye Heneral Luna, Intramuros, 1002 Maynila Tel. Blg, 527-2192 to 97 • Fax: 527-2191 to 94 Email:[email protected]•Website:www.ncca.gov.ph

The National Commission for Culture and the Arts is the overall coordination and policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as dynamic part of the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).

Page 4: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

Isang Paglilimi 5

na kahirapan at kamangmangan, lumalawak na agwat ng mahirap at mayaman, lumolobong populasyon na walang kinabukasan, at marami pang iba.

Bakit hanggang ngayon talamak pa rin ang katiwalian sa pamahalaan, wala pa ring katatagan sa ating sistemang pampulitika, at ang katarungan ay hawak pa rin ng iilang may pera at impluwensya? Pitumpung taon na tayong nagsasarili pero lito pa rin ang marami sa ating national identity o pambansang pagkakakilanlan. Di ba’t kaakibat nito ang kawalan ng kumpiyansa sa sariling kakayahan, at ang ugat nito’y ang ating sistemang pang-edukasyon?

Higit pang tumitingkad ang mga lumang problemang ito kapag nakikita natin ang tagumpay ng mga kapitbahay natin sa Silangang Asya sa larangan ng ekonomiya at teknolohiya, sa edukasyon at kultura. Ang ganitong paghahambing ay lubos na nagpapabigat sa ating mga kalooban.

Isipin na lang: Mas nauna ang Filipinas sa maraming bansa sa Asya sa pagtamo ng pambansang kalayaan. Nauna rin tayo sa pagtahak sa landas ng modernong pamumuhay—sa edukasyon, sa pulitika at pamahalaan, sa ekonomiya, sa komunikasyon, sa siyensiya at teknolohiya. Katunayan, madalas sabihin, na hanggang noong dekada Sesenta, pangalawa lamang tayo sa bansang Hapon sa halos lahat ng sukatan ng kaunlaran. Pero, huwag na ang Japan—nasaan ba tayo ngayon kung ihahambing sa Singapore, sa Tsina, sa Malaysia, sa Thailand at South Korea? Malayo na rin ang narating ng mga bansang ito.

Ang Tsina marahil ang pinaka-nakamamangha sa larangan ng kaunlarang pang-ekonomiya. Sa loob lamang ng tatlong dekada, ganap na napawi ng Tsina ang gutom at kahirapan ng nakararami sa kanilang mamamayan. Sa gitna ng krisis sa pandaigdigang ekonomiya, nagpatuloy ang paglakas at pamamayagpag ng bansang ito dahil sa kaniyang matatag na lideratong pampulitika. Kahit ang Vietnam, na kailan lang ay inabo ng giyera, ay matagal nang nakabangon, at ngayo’y isa nang maunlad na bansa. Hindi magtatagal at iiwanan din tayo ng Vietnam.

Una kong napansin ang malaking kakulangang ito nang pumasok ako sa telebisyon noong 1986, sa gitna ng pambansang pagsasaya at talakayang binuksan ng mapayapang pag-aalsa sa Edsa. Mula sa pagtuturo sa pamantasan, nahikayat akong maging anchor ng isang talkshow sa wikang Filipino. Dito ko unang napagtanto ang kahalagahan ng wika sa proseso ng demokratisasyon. Sa loob ng mahigit isang dekada, ang programang “Public Forum” ay nagsilbing daluyan ng aktibong paglahok ng mga panlipunang disiplina ng bansa sa malawak na daigdig ng pangmadlang komunikasyon at pambansang kumbersasyon. Ngayon, marami nang gising sa katotohanan na ang agham panlipunan ay may mahalagang papel na maaaring gampanan sa pagmamasid ng lipunang Filipinosakaniyangsarili.SawikangIngles,“atoolof socialreflexivity.”

Ito’y isang papel na hindi madaling gampanan. Ang sinumang pumapasok sa ganitong larangan ay kaagad nahaharap sa isang hamon. Hindi raw kumpleto ang anumang pag-aaral ukol sa lipunan, kung di nito kaakibat ang pagtukoy sa tamang direksyon ng pagbabago ng lipunan. Sa mga salita ni Marx: “Philosophers have only interpreted the world in various ways; the point however is to change it.”

Dahil dito, malaking responsabilidad ang nakaatang sa balikat ng mga panlipunang siyentipiko. Lagi silang inuusig ng kasaysayan at pirmeng tinatanong: ano nga ba ang dapat gawin para mapabilis ang pag-unlad ng lipunang ating pinag-aaralan?

Matindi ang presyur ng ganitong paniniwala, laluna para sa mga panlipunang siyentipiko dito sa Filipinas. Hindi mahirap ipaliwanag kung bakit ganito kalawak at kabigat ang inaasahan mula sa ating mga social scientists.

Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas bilang isang bansa. Kung tutuusin, malayo na dapat ang narating nito. Pero bakit patuloy pa ring binabagabag ang mga Filipino ng mga lumang problema? Laganap

Page 5: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

Isang Paglilimi 76 Isang Paglilimi

Bagong instructor ako sa UP nang ipataw ang Batas Militar. Ang natural na reaksyon naming mga guro at estudyante sa diktadura ni Marcos noon ay ang tutulan at labanan ito. Dahil walang puwang sa isang demokrasya ang paggamit ng kamay na bakal para lutasin ang mga batayang problema ng bayan—kahit pa halos lahat ng bansa sa Timog Silangang Asya noon ay nasa ilalim ng sistemang diktadura. Marami sa mga teknokrat na kinuha ni Marcos para sa kaniyang gabinete ay galing sa aming pamantasan. Sa halip na ito’y magpanatag ng loob, ito’y lalo lamang nagpaapoy sa aming galit.

Sa aming paningin, taliwas ang awtoritaryanismo sa tradisyon ng demokrasya at malayang debate na nakagisnan at nakasanayan na sa ating lipunan. Hindi namin pinansin ang argumento ng mga teknokrat noon na hindi angkop ang pampulitikang sistemang hango sa Amerika sa atrasadong lipunang Filipino.

Ayon sa kanilang pananaw, sa halip na human rights at civil liberties ang itampok, ang dapat daw pagtuunan ng pansin ay ang pagpapaunlad sa ekonomiya, at ang pagkakaisa ng sambayanan o “social harmony” sa ilalim ng pamunuan ng isang malakas na estado. Hindi kami naniwala rito; sa aming paningin, ang mga teknokrat ay lumilikha lamang ng shortcut para sa mga problemang higit na masalimuot kaysa sa kanilang nakikita sa kanilang mga makitid na lente. Marahil ganun din kami. Ang tanging nakita namin kay Marcos ay isang tiwaling diktador na naghahangad lamang maging pangulo panghabambuhay, isang pulitikong suportado ng mga Amerikano bilang isang matatag na kaalyado laban sa komunismo.

Bakit ko binabalikan ang mga panahong yaon? Sa isang dahilan lamang. Nais kong ipakita kung gaano kahirap ipaghiwalay ang siyentipikong pagsusuri ng isang lipunan sa isang pulitikal na programa ng pagbabago.

Ano ang ipinagkaiba natin sa mga bansang ito? Wala akong maisip na dahilan kundi ang pagkakaroon ng isang matatag na pambansang liderato. Ng isang pambansang bisyon na nananatiling buhay sa kabila ng pagpapalit ng mga pinuno. Isang matibay na pambansang mithiin at plano na hindi binabago para mapagbigyan lang ang nakaupo.

Madalas tukuyin ang panlipunang disiplina at katatagang natamo ng mga bansang ito sa ilalim ng kanilang mga nagpundar na lider na kilalang may kamay na bakal—sina Lee Kwan Yew ng Singapore, Deng Hsiaoping ng Tsina, at Park Chunghee ng South Korea. Sadyang hindi matatawaran ang kalidad ng kanilang pamumuno. Mahirap maunawaan ang narating na ng Singapore nang hindi tinutukoy ang kakaibang pamumuno ni Lee Kwan Yew. Subalit, para sa akin, ang pamamaraang kamay na bakal na ginamit sa Singapore, Tsina, at South Korea ay isa lamang estilo ng pagbuo ng isang matibay na pambansang pagnanasa o “national will.” Ito’y isang estilo na hango sa sariling karanasan at kultura ng mga lipunang ito. Hindi nila ito basta kinopya na lang sa iba. At hindi rin ito maaaring basta na lang kopyahin ng ibang bansa.

Sa halip na mangopya, dapat matuto ang mga bansa sa mas malawak na palitan ng mga karanasan. At sa ganitong paraan marahil matutuklasan na ang bawat tagumpay sa isang larangan ay may kaakibat na pasakit sa ibang larangan.

Hindi ako naniniwala na ang awtoritaryanismo o kamay na bakal ay angkop sa lahat ng pagkakataon, o sa lahat ng lipunan. Ginamit na ito ni Marcos noong 1972, nang mag-deklara siya ng Martial Law—hindi lamang para supilin ang rebelyon kundi para magtayo ng tinawag niyang isang “Bagong Lipunan.” Hindi ito ang pagkakataon para himayin ang lahat ng sanhi ng pagkabigo ng eksperimentong ito. Sapat nang sabihin na halos labing-apat na taon din ang nawala sa atin dahil sa mapangahas na proyektong ito ni Marcos. May dahilan kung bakit dapat nating balik-balikan ang madilim na yugtong ito ng ating pambansang kasaysayan, at itanong kung saan tayo nagkulang, at kung ano ang naging kapalit ng sakripisyong ito.

Page 6: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

Isang Paglilimi 98 Isang Paglilimi

rin ang sandalan ng ating ekonomiya—ang mahigit dalawang bilyong dolyar na ipinadadala ng ating mga OFW bawat buwan.

Gustuhin man nating kumalas sa ganitong sistema ng makabagong pagka-alipin, hindi na natin kaya. Halos bawat institusyon ng ating lipunan ay umaasa rito—ang mga bangko, ang mga shopping malls, ang mga airline companies, ang mga telecommunication companies, ang mga real estate companies, mga pribadong eskuwelahan, at ang di mabilang na karaniwang pamilya at komunidad na nakatali rito.

Sa ganitong paraan unti-unting nahuhubog ang isang lipunan—halos hindi mapapansin ang mabagal na pag-iibang anyo nito.

Ito ang dapat pinagtutuunan ng pansin ng mga panlipunang pag-aaral—kung paano nagiging mas kompleks at nadaragdagan ang mga problema ng lipunan, at dumarami ang estilo ng pag-iisip at pamumuhay sa pagdaan ng panahon, at kung paano natin tinutugunan ang mga hamong dulot ng kompleksidad. Hindi lamang ang ating lipunan, kundi ang buong mundo ang nagbabago—katulad ng ipinahihiwatig ng salitang globalisasyon. Nasa gitna tayo ngayon ng prosesong ito, ngunit ito’y hindi pa natin gaanong nauunawaan.

Dahil sa malaking atensyong ibinubuhos natin sa pulitika, akala nati’y ang lahat ng problema ng mamamayan ay kaagad-agad mahahanapan ng solusyon ng pamahalaan. Dahil dito, madali tayong nagsasawa sa mga namumuno sa atin, at laging nakatuon ang ating interes sa susunod na election. Nananatili tayong bulag sa iba pang dimensiyon ng panlipunang pagbabago at sa mga naiibang hamong dala nito.

Nariyan ang hamon ng migrasyon at ang tinaguriang “financialization”ngekonomiyanakaakibatngumiiralnaglobalisasyon.Nariyan ang hamon ng bagong teknolohiya ng komunikasyon, ng Internetatsocialmedia,ng“artificialintelligence,”atngmgatinatawagna “life sciences.” Nariyan ang mga bagong modelo ng kapitalismo—

Dahil sa tindi ng mga problemang kinakaharap ng ating lipunan, madalas ituring na isang kalabisan, “a luxury,” sabi ng iba, ang siyentipiko at obhektibong pag-aaral ng lipunan. Kaya naman, maraming iskolar ng bayan ang nahikayat na iwaksi ang pag-aaral, upang tutukan ang sa kanilang paningi’y higit na mahalagang tungkulin ng rebolusyunaryong pagbabago. Ang ibinunga nito, sa kalaunan, ay ang labis na pagbibigay halaga sa ideolohiya kasabay ng pagmamaliit sa siyensya. At ang paglaganap ng paniniwalang lahat ng agham panlipunan ay mapanlinlang na anyo lamang ng burgis na ideolohiya.

Malaki ang naging epekto nito sa aking disiplina, ang disiplina ng Sosyolohiya. Sa halip na masusing pag-aralan ang nagbabagong hugis ng lipunang Filipino, maraming oras ang ginugol namin sa mga tagisang idyolohikal. Kapitalista ba ang Filipinas o mala-pyudal? Sosyalismo ba ang tugon o pambansang demokrasya? Ang estado ba ay bulag na kasangkapan lamang ng naghaharing uri, o ito ba’y isa ring kumplikadong larangan ng tagisan ng mga uring panlipunan. Ito ang naging sustansya ng mga debate noon. Sa halip na maging gabay sa pananaliksik at pag-aaral, ang teorya’y nagsilbing isa pang larangan ng mga tagisang ideolohikal.

Bumagsak ang diktadurang Marcos matapos ang mahigit isang dekada, sa paraang hind inaasahan. Naibalik ang demokrasyang kaniyang winasak. Ngunit, taliwas din sa inaasahan, hindi nagbago ang sitwasyon ng nakararaming maralita at naghihikahos. Sa ilalim ng pamumunong iniluwal ng mapayapang protesta sa Edsa, nanatili ang lumang sistema ng pag-aari at pamahalaan. Sa kabila ng matatayog na pangako ng isang bagong saligang batas, nanatiling buhay ang mga lumang problema at lumang sistema ng pamamalakad sa bansa.

Noong 1974, sinimulan ni Marcos ang konsepto ng overseas contract workers o ang pagpapadala ng mga Filipino sa ibang bansa bilang pansamantalang tugon sa kawalan ng trabaho sa Filipinas. Tatlong dekada matapos mapabagsak si Marcos, patuloy pa ring humuhugot ng pag-asa sa pangingibang bansa ang maraming Filipino. Hanggang ngayon ito pa

Page 7: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

Isang Paglilimi 1110 Isang Paglilimi

hindi ang dami ng pera; sa larangan ng siyensya—katotohanan, hindi ang pananampalataya o moralidad; sa pamilya—pagmamahalan o pagmamalasakit. At marami pang iba. Ang proseso ng unti-unting pagbubukod o differentiation ng iba’t-ibang larangang ito sa lipunan ay higit marahil mapapansin sa panahon ng transisyon—kung saan ito’y nagbubunga ng kalituhan na malimit humantong sa away.

Krisis ang kadalasang epekto ng di-pagkakaunawaan sa komunikasyon. Sapagkat mga lumang pamamaraan pa rin ang pilit na iginigiit sa loob ng dapat sana’y mga bagong panlipunang istruktura at institusyon.

Magandang ihalimbawa ang krisis na idinulot ng trahedya sa Mamasapano noong Enero 25, 2015—kung saan apatnaput-apat na pulis na miyembro ng Special Action Force ang namatay nang sila’y pagtulungan at paputukan ng nagsanib na puwersa ng mga rebeldeng Moro sa Maguindanao. Inatasan silang hulihin o patayin ang diumano’y kilabot na teroristang si Marwan at ang kaniyang kasamang si Basit Usman sa pamamagitan ng isang surgical strike na dinisenyo at pinondohan ng mga Amerikano.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng PNP Board of Inquiry na ang puno’t dulo ng maraming kapalpakang naganap sa operasyong ito ay ang paghahalo ng personal na relasyon at propesyunal na pananagutan. Sa isang lumang lipunan, sadyang malawak ang saklaw ng pagkakaibigan. “Walang iwanan,” ika nga. Tila ganoon na nga ang dahilan kung bakit ipinagkatiwala ni Pangulong Aquino ang pangangasiwa sa Oplan Exodus sa nuo’y suspendido nang hepe ng pambansang kapulisan na si Hen. Alan Purisima, gayong alam niyang wala na itong legal na karapatang makialam sa anumang operasyon ng pambansang kapulisan. Isang malaking palatandaan ng isang tradisyunal na lipunan ang pagbibigay puwang sa matalik na pagkakaibigan sa mundo ng opisyal na panunungkulan. Pinagbigyan at pinagkatiwalaan ng dating Pangulong Aquino si Hen. Purisima dahil sa kanilang matibay na pagkakaibigan. Nagtiwala at nakinig

tulad ng tinatawag na “sharing economy,” na makikita sa tagumpay ng Uber at airBnB. (Ang Uber marahil ang pinakamalaking pandaigdigang kumpanya ng transportasyon na walang sariling pag-aaring sasakyan, at ang airBnB ang pinakamalaking kumpanya sa pag-hohotel na walang pag-aaring kahit isang kuwarto o dormitoryo.) Nariyan din ang mabilis na pagbabago ng mga relasyon natin sa isa’t-isa bunga ng Facebook, Viber, Instagram, Twitter at marami pang plataporma ng social media. Mabilis na nagbabago ang ating lipunan, ang ating ugnayan sa isa’t-isa, at pati na ang ating mismong mga sarili, subalit hindi natin ito ganap na nakikita at nasusuri. At hindi makasabay ang ating mga batas at mga kinagisnang institusyon sa bilis ng mga pagbabagong ito.

Ako’y naniniwala na halos lahat ng krisis na kinakaharap natin tuwi-tuwina ay salamin lamang ng ating masalimuot na transisyon mula sa isang tradisyunal at mala-piyudal na lipunan tungo sa isang modernong lipunan. Akala natin matagal na tayong moderno, pero sa totoo lang, ngayon lang natin natututuhan at unti-unting naisasabuhay ang mga reglamento nito. Sa yugtong ito, hayaan niyong ilarawan ko kahit sa isang pahapyaw na paraan lamang ang buod ng sosyolohikal na pananaw sa isang lipunang nagdaraan sa proseso ng modernidad o modernity.

Simple lang ang pakahulugan ko sa modernity. Ito’y isang uri ng lipunan na ang pangunahing katangian ay ang pagbubukod ng mga panlipunang komunikasyon at interaksyon ayon sa gamit o “function.” Halimbawa, kung dati ay lahi, angkan o pamilya, o uring kinabibilangan, o kasarian, ang pangunahing gabay sa komunikasyon—sa modernong lipunan, ang mga ganitong katangian ay unti-unting nawawalan ng halaga.

Dito, ang bawat larangan—halimbawa ang batas, pulitika, kabuhayan, pamilya, sining, o relihiyon—ay may kanya-kaniyang takdang midyum ng komunikasyon. Sa negosyo, wastong produkto o serbisyong kapalit ng salapi ang tanging kinikilala, hindi koneksyong pulitikal o di-kaya’y pangakong kaligtasan sa kabilang buhay. Sa pulitika, ang nangungusap ay ang lehitimong kapangyarihan; sa batas, katuwiran,

Page 8: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

Isang Paglilimi 1312 Isang Paglilimi

Masdan na lamang ang malimit na paghahalo ng relasyong pulitikal, negosyo, pagkakaibigan, kapamilya, ka-eskwela, ka-fraternity, kababayan, hustisya at personal na atraso sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Sinasalamin nito ang paggamit sa puwersa ng lumang autokratikong pamumuno upang tugunan ang mga problemang tila hindi makayanang solusyunan ng mga hiram na demokratikong institusyon ng ating lipunan. Gaano man kasalimuot ang mga problemang ito—maging ito man ay ang paglaganap at paggamit ng bawal na droga, krimen, katiwalian, insurhensiya, kahirapan, lumalaking agwat ng mayaman at mahirap, mabagal na sistema ng hustisya—tila ang tanging solusyon ay kamay na bakal. Sa halip na dumaan sa wastong proseso ng batas, ang nakikitang lunas ay ang pagpataw sa hustisya ng gantihan—mata sa mata, at ngipin sa ngipin—at kaakibat nito, ang kagyat na pagparusa, upang magsilbing leksyon sa lahat. Alam nating lahat na ito ang sinapit kamakailan lang ng kontrobersyal na pamilyang Parojinog, na minsan nang tinagurian ni Pangulong Duterte na isang sindikato sa droga.

Totoo nga marahil na ang pagkiling sa pamumunong kamay na bakal ay bunga ng isang bigong demokrasya. Iniaatang ng ganitong sistema ng pamumuno sa balikat ng isang matapang na lider ang lahat ng pananagutan para sa anumang desisyon. Walang duda na nakuha ni Pangulong Duterte ang tiwala ng nakararaming Filipino dahil wala siyang pag-aatubiling umako sa responsabilidad na ito. Madalas niyang sabihin na wala siyang takot na mabilanggo kung siya’y nagkasala o mamatay kung kailangan. At ganundin, na wala rin siyang takot na pumatay at magpawalang-sala sa sinumang inutusan niyang pumatay. Paulit-ulit niya itong idinidiin sa kaniyang mga talumpati, at wala pang pagkakataon na ito’y hindi niya pinanindigan.

Masdan ang kaniyang determinasyon na ibalik sa puwesto si PNP Superintendent Marcos kahit siya’y nahaharap sa kasong pagpatay kay Mayor Espinosa ng Albuera Leyte, dahil sa ito’y hindi pa napapatunayang may-sala. Subalit, taliwas sa lohikang ito, masdan din ang kaniyang utos na ipabilanggo ang kaniyang mahigpit na kritikong si Senador Leila de Lima

naman si Hen. Napeñas, ang naatasang tagapangasiwa ng maselang operasyong ito, kay Purisima dahil sa kilalang malapit na relasyon nito sa Pangulo. Ganundin, umasa si Purisima na kahit wala na siyang opisyal na awtoridad na mag-utos, pakikinggan pa rin siya ni Hen. Gregorio Catapang, ang pinuno ng sandatahang lakas, sapagkat magka-klase sila sa PMA. Ang ganitong paghahalo ng tradisyunal na relasyon at modernong pananagutan ay matingkad na lumalabas laluna kapag nagkakabulilyaso. Ganun na nga ang nangyari sa Mamasapano. Hind nasunod ang “chain of command.”

Hindi ako abogado, kaya’t hindi ko tiyak kung saklaw pa rin ng lehitimong kapangyarihan ng Pangulo ang pagbibigay papel sa isang suspendidong opisyal sa paglulunsad ng isang operasyong pangseguridad. Ngunit, sa pananaw na sosyolohikal, sa sitwasyong ito, ay tila nagkulang si Presidente Aquino sa pagbubukod o “differentiation of functions.” Sa isang banda, hindi siya nangiming makialam sa pagpaplano sa mga taktikal na aspekto ng maselang operasyong ito kahit wala siyang kasanayan dito. Ngunit, sa kabilang banda, nakaligtaan niyang magbigay ng payo at paalala tungkol sa mga bagay na, sa modernong lipunan, ay bahagi ng tungkulin ng isang pangulo. Tulad ng pagbabalanse ng iba’t-ibang layunin ng pamahalaan. Kung meron mang dapat sana’y nagpaalala kay Hen. Purisima at Napeñas na dapat silang mag-ingat upang hindi makompromiso o malagay sa alanganin ang usaping pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front—si Pangulong Aquino dapat iyon. Sa kanyang lebel nagaganap ang pagtitimbang at koordinasyon ng iba’t-ibang patakaran at mithiin ng pamahalaan. Dahil sa ibinungang trahedya ng pagkukulang na ito, lubos na naapektuhan ang pagbabalangkas ng isang makatarungan at matibay na kapayapaan sa Mindanao.

Bagamat magkaiba ang kanilang estilo ng pamumuno, si Pangulong Duterte na pumalit kay Pangulong Aquino ay higit pang matingkad na produkto ng lumang lipunan at kultura.

Page 9: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

Isang Paglilimi 1514 Isang Paglilimi

Batid ng maraming Filipino ito. Subalit, tila ubos na ang kanilang pasensiya sa bulok na sistema ng umiiral na demokrasya sa bansa. Ito ang ipinakita nila noong nakaraang eleksyon, bagay na ikinagulat ng maraming analyst. Naintindihan nila ang mensahe ni Mayor Digong noong panahon ng kampanya nang sabihin niya na siya ang “huling baraha” ng bayan. Ito’y kaniyang pinatotohanan sa pamamagitan ng walang habas na pagpatay sa mga libu-libong drug suspects sa unang taon pa lang ng kaniyang pamumuno.

Subalit, ito nga ba ang solusyon sa problema ng droga—ang lipulin ang lahat ng gumagamit nito upang ganap nang mawalan ng mga bumibili ng bawal na droga ng mga sindikato? Hindi maiwasang pansinin na—bukod sa tatlong mayor na pinatay—ang malaking bilang ng mga napapatay sa kampanyang ito ay mula sa hanay ng mahihirap.

Malaking balakid sa ating pag-unlad ang patuloy na pagdami ng maralita at nagugutom sa ating lipunan. Dala ng kanilang karalitaan, hindi sila kasali sa iba pang mahahalagang larangan na makapagpapabuti sa kanilang kalagayan—sa edukasyon, kalusugan, at negosyo. Ang karaniwang trato sa kanila’y mga pasanin ng lipunan. Kasali sila sa pulitika, ngunit bilang sunud-sunurang botante lamang na walang kakayahang papanagutin ang mga opisyal na iniluklok ng kanilang mga boto. Tuwing eleksyon, sila rin ang nagbebenta ng kanilang mga boto at umaasa sa mga pulitiko sa kanilang bawat pangangailangan. Ganitong mga kalakaran ang nagpapahina sa ating sistemang pampulitika. Ito rin ang dahilan kung bakit tila lalong dumadami ang mga political dynasties, at lalong nagiging mas magastos ang tumakbo sa eleksyon.

Sa tradisyunal na lipunan, ang tugon ng mga nasa kapangyarihan sa kahirapan ay gawin silang mga alila at mga kapanalig na pinaasa sa iniaabot na biyaya. Sa isang modernong lipunan, ang sagot sa kahirapan ay hindi simpleng pagbibigay biyaya—bagkus pagbibigay ng kakayahan at oportunidad sa lahat, upang sila’y makatakas sa iba’t ibang anyo ng pagka-alila. Sa pamamagitan ng pagbibigay libre o abot-kayang edukasyon,

kahit hindi pa ito napapatunayang may-sala at kahit pa ang mga tumestigo laban sa aniya ay pawang mga convict at bilanggo sa Muntinlupa.

Masdan din ang kaniyang matibay na desisyon na makipagkasundo sa bansang Tsina sa harap ng agresibong asta nito sa West Philippine Sea. Masdan ang mabilis na pag-ako niya sa responsabilidad na payagang ilibing ang mga labi ng dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng maraming Filipino. Parehong taliwas sa popular na opinyon ang dalawang desisyong ito ng Pangulo, subalit naipatupad niya at pinanindigan ang mga ito.

Sa tingin ng marami, ito ang lider na kailangan para isang bansang katulad natin—bukas at walang itinatago, mabagsik sa sinumang kaaway, magaspang sa pananalita subalit maawain sa mga salat sa buhay. Walang patawad sa mga kriminal na hindi marunong magpahalaga sa buhay ng iba, at handang pumatay sa sinumang kaaway ng bayan. Ngunit, gaano man siya katalino at katapang, ang ganitong pinuno ay hindi maaaring nasa lahat ng lugar sa lahat ng oras. Kung wala siyang kakayahang makita ang lahat, kanino siya magtitiwala? Sa huling suma, sino ang kaniyang pakikinggan? Ano ang pagbabatayan niya sa kaniyang mga desisyon?

Hindi maiiwasang pansinin na ang lahat ng katangiang aking nabanggit ay salungat sa anyo ng pamumuno na makikita sa isang modernong lipunan. Sa isang modernong lipunan, ang kapangyarihan ng estado ay hawak ng magkakapantay pero magkakahiwalay na sangay ng gobyerno. Pamilyar tayo sa konseptong ito. Tungkulin ng lehislatura ang magpasa at magrepaso ng mga batas, tungkulin naman ng ehekutibo ang magpatupad sa mga ito nang naayon sa batas. Nasa kamay naman ng hudikatura ang pagtiyak kung ano ang naaayon sa batas. Ayon sa teorya ng modernidad, isang malaking kapamahakan para sa isang lipunan na ipagkatiwala ang magkakahiwalay na tungkuling ito sa iisang tao lamang at sa kaniyang mga piniling ka-trabaho.

Page 10: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

Isang Paglilimi 1716 Isang Paglilimi

Dito, sa aking paningin, kinakailangan ang liderato ng isang maalam at may panindigang pamahalaan. Isang gobiyernong may malinaw at pangmatagalang plano, at ginagabayan ng makabagong siyensiya at sariling kultura’t kasaysayan. Ang planong ito ang siyang magsisilbing giya o pilosopiyang nasa likod ng mga patakaran ng pamahalaan sa bawat larangan.

Ang isang bansang walang malinaw na plano o mithiin para sa sarili ay tiyak na matatangay lang sa mabilis na agos ng globalisasyon. Ang pinakamalakas na sangay ng pandaigdigang puwersang ito ay ang ekonomiya. Nararanasan ito ngayon bilang “financialization of theglobal economy” – ang di-mapantayang kontrol ng mga bangko at financial institutions sa buong pandaigdigang sistema ng pananalapi,pag-aari, at paggawa. Ito ang nagdidikta ngayon sa katayuan ng bawat bansa—angmgafinancialconglomeratesatinvestmenthouses.Lubhangmakapangyarihan ang mga proseso ng pandaigdigang ekonomiya kung kaya’t halos wala nang magawa ang gobyerno laluna ng maliliit na bansa para protektahan ang kanilang mamamayan.

Laganap ang pangingibabaw ng pera at merkado sa halos lahat ng larangan ng buhay. Ang sukatan ng pagganap ng bawat institusyon sa lipunan ay tila iisa lamang—kung magkanong ang kikitain. Isipin na lang kung ano ang epekto nito sa mga eskuwelahan, sa mga ospital, sa sining, siyensiya, sa relihiyon, at mismong sa loob ng pamilya.

Sa harap ng ganitong realidad, hindi maiwasang magtanong: Hawak pa ba natin ang ating buhay, ang ating mga programa at institusyon at ang direksyon ng ating sariling bansa? May kakayahan pa ba tayong lumikha ng sariling mapa, at dalhin ang mga sarili natin at komunidad sa direksyon ng ating mga mithiin? Masinop at palagiang pagtanaw at pagtatanongsasarilio“reflexivity”angnakikitakongtangingpananggasa masalimuot na panganib na ating hinaharap—sa antas man ng personal na pamumuhay o sa antas ng mas malawak na lipunan.

suporta sa kabuhayan, kalusugan, at pabahay, inaako ng isang modernong pamahalaan at komunidad ang pag-aangat sa katayuan ng bawat mamamayan, bilang batayang pananagutan ng pambansang pamunuan, at hindi bilang kapalit ng isang personal na obligasyon.

Naniniwala ako na ang kalayaan ng bawat mamamayan ay dapat may matibay na pundasyon sa kabuhayan. Imposibleng ipatupad ang demokrasya sa isang lipunang kalahati ng mamamayan ay lubog sa gutom at kahirapan. Kinakailangan ng malawak na pagbabago sa ekonomiya para mabigyan ang bawat Filipino hindi lamang ng pagkain, kundi ng kabuhayan at pag-asa.

Mahalaga ang pagpapalakas sa ekonomiya at ang makatarungang pagbabahagi ng mga bunga nito. Pero huwag nating isipin na ang pagkakaroon ng malaki at malakas na ekonomiya ang pinakamataas na mithiin ng isang lipunan. Maraming bansa ang patuloy na yumayaman ngunit nanatiling salat sa layunin, at bigong makalikha ng makatao at malayang lipunan.

Marami ring bansa ang walang pakundangang ipinagpapalit ang taglay na kagandahan ng kanilang kultura’t lipunan at kapaligiran matamo lang ang mga materyal na biyaya ng kaunlaran. Itinataya ang kapakanan ng kanilang pamilya at pamayanan kapalit ng isang kinabukasang hitik man sa materyal na biyaya ay salat naman sa kahulugan.

Nasa bingit tayo ng ganitong panganib. Wala akong maisip na higit pang masakit na halimbawa nito kaysa ang walang-tigil nating pagpapadala ng mga manggagawa at mga kasambahay sa ibang bansa. Sa halip na sariling mga anak ang alagaan, ibang pamilya ang kanilang inaaruga at pinaglilingkuran. Sa halip na ipagsabay ang pagpapaunlad sa bansa sa pagpapaunlad sa sarili, nasasakripisyo ang isa kundi man ang parehong layunin.

Page 11: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

18 Isang Paglilimi

Notes Dito ko nakikita ang kahalagahan ng panlipunang pagsusuri bilang instrumento ng panlipunang reflexivity. Mahalagang tungkulinng mga panlipunang disiplina na suriin ang lipunan mula sa loob at labas nito, at iulat sa nakararami ang napag-aalaman—kung paano tayo nabubuhay bilang isang lipunan, kung paano tayo nagpapasya, at kung paano nagbabago ang ating mga pinahahalagahan (values) sa paglipas ng panahon. Hindi natin kailangang mangaral mula sa isang utopian na pananaw upang gampanan ang tungkuling ito.

Wala sa kamay ng mga social scientists ang modelo ng isang mabuting lipunan. Bagkus ito’y isang paksang nararapat pagtalunan ng malayang mamamayan ng isang lipunan. Ang bagay na ito’y saklaw ng larangan ng pulitika, hindi ng siyensya.

May iba’t-ibang landas tungo sa modernidad, at naniniwala akong mas mapapadali ang ating paghahanap sa angkop na landas kung tayo’y ginagabayan ng imahinasyong sosyolohikal.

Hayaan niyong ako’y magtapos sa pamamagitan ng isang pangungusap na kakaiba man ay hindi taliwas sa sinabi ni Marx: “Politicians and revolutionaries of every generation have tried to change the world in various ways. The point however is to understand what is happening to this world.” Nilalayon ng mga pulitiko’t rebolusyunaryo ng bawat henerasyon na baguhin ang mundo sa iba’t ibang paraan. Datapwat ang punto ay ang maunawaan kung ano ang nangyayari sa mundong ito. Ito, para sa akin, ang tunay na gamit ng Sosyolohiya at iba pang panlipunang disiplina sa ating panahon.

Hanggang dito na lang at marami pong salamat.

Page 12: ANG LIPUNANG FILIPINO - kwf.gov.phkwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/ANG-LIPUNANG-FILIPINO.pdf · Unibersidad ng Pilipinas M ... Mahigit pitumpung taon nang nagsasarili ang Filipinas

Notes