20
Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010 Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Pamantayan ng Mamamayan 2010 ng PAGBABAGO Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010 Pamantayan ng Mamamayan 2010 ng PAGBABAGO

Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

Ang Hamonng Eleksyong 2010

Pamantayan ng Mamamayan 2010ng PAGBABAGO

Ang Hamon ngEleksyong Mayo 2010

Pamantayan ng Mamamayan 2010ng PAGBABAGO

Page 2: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

adyang hinihintay ng mamamayang Pilipino ang eleksyon sa Mayo 2010. Inaasahan nilang tatapusin nito ang kinasusuklamang rehimeng Arroyo

na naging bantog sa mga ekstrahudisyal na pagpatay, garapalang pandaraya sa eleksyon, korupsyon, isang lumulubog na ekonomya at pagsuko ng pambansang soberanya.

Gayunman, may mga pangamba na hindi matuloy ang eleksyon o mabigo ito nang sinasadya . Maaaring mangyari ito bilang resulta ng pagpalpak ng kauna-

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

ng PAGBABAGO! People's Movement for Change

1

Page 3: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

unahang “automated electoral system (AES)”; ng pagtindi ng karahasan sa elek-syon at malawakang pandaraya; o pareho. Anumang senaryo ay maaaring magresulta sa kwestyonable at walang-mandatong eleksyon. Maaari din itong humantong sa mga seryosong banggaan at protesta, at mas malala, sa proklamasyon ng mga di-karapat-dapat at nandayang kandidato.

Ang failure of elections ay maaaring isangkalan para sa deklarasyon ng emer-gency rule o batas militar at sa pagpapa-tuloy ng gobyernong Arroyo sa pansa-mantalang kaayusan o bilang pinuno ng ”transisyonal na gobyerno” (gaya ng iminungkahi ni Defense Secretary Gonza-lez). Maaaring magkaroon ng mga paniba-gong tangka na baguhin tungo sa parla-mentaryong anyo ang gobyerno kung saan

2

Page 4: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

si Mrs. Arroyo, na ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister.

At kahit na matuloy ang eleksyon nang walang sabit, ang mga posibilidad para sa makabuluhang pagbabago sa direksyon at gawain ng gobyerno ay pinalalabo ng pagtakbo ni Mrs. Gloria Arroyo sa Kong-reso sa distrito ng kanyang bayang-tinubuan sa Pampanga. Lubos na pinag-sisikapan ng mga Arroyo at ng kanilang mga alyadong pulitikal ang manalo ng maraming puwesto upang maging Speaker siya ng House of Representatives (HOR). Kapag nangyari ito, makaaasa tayong magkakaroon ng buwelo para sa Charter change na pumihit papunta sa isang parlamentaryong sistema ng gobyerno. Sa

3

Page 5: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

minimum, balak ng paksyong Arroyo na kontrolin ang malaking bloke ng HOR pagkatapos ng eleksyon. Kung mangya-yari ang gayon, mas masasagkaan ang lahat ng tangka na papanagutin si Mrs. Arroyo at iba pang matataas na opisyal sa gobyerno at ang mga katoto nila para sa kanilang mga kasalanan sa mamamayan.

Sa kasamaang palad, marami-rami ring kandidato ng Oposisyon ang nagkuku-lang sa pagpapakilala sa kanilang mga sarili bilang tunay na kaiba sa kasaluku-yang rehimen sa usapin ng track record, plataporma, katangian at istilo ng pamumuno.

Ang higit na masamang pahiwatig ay ito: nagiging mas malinaw na dala-dala ng parating na eleksyon hindi lamang ang

4

Page 6: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

lahat ng palatandaan ng nagdaang di-demokratikong ehersisyong elektoral sa bansa, kundi ang mismong paglala nito.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Mga kandidato lamang na suportado ng napakalaking pondo at rekurso ang may kakayahang maglunsad ng

epektibong pulitikal na kumpanya. Higit kailanman, ibayong lumalaki ang papel ng mga dayuhan at lokal na korporasyon, ng mga pinakamayayamang asendero at mga dinastiyang pulitikal sa pagtakda ng resulta ng eleksyon. May hindi makata-rungang bentahe ang mga kandidato ng administrasyon na ginagamit ang mga rekurso ng gubyerno at ang panlabang-kaban ng namamayaning partidong Lakas-KAMMPI-CMD. Yaong mga kandidatong

5

Page 7: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

dati nang opisyal, suportado ng mga pangunahing institusyong midya o inen-dorso ng mga artista, ay may di-matatawa-rang bentahe kung ihahambing sa mga kandidatong katamtaman lamang ang kakayahan sa paglunsad ng kanilang mga kampanya.

Napakalimitado ng mapagpipilian ng mamamayan gayong karamihan ng mga kandidato ay galing sa o pinon-

dohan ng iba't ibang bahagi ng iilang naghahari. Karugtong nito, walang mating-kad na pagkakaiba sa patakaran at progra-ma na maaaring magpakita ng kanilang pagkakaiba-iba. Ang mga kampanya ay may tendensiyang umikot sa kanilang per-sonalidad, estado sa buhay, mga ipinagma-malaking credential, mga inakong tagumpay at mabababaw na pangako. Ang

6

Page 8: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

mga mahahalagang isyu gaya ng reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, nagsasariling patakarang panlabas at karapatang-tao ay nalilimutan, pinapa-hapyawan lamang, o nauuwi sa bukam-bibig.

Sa kabila ng pagmamalaki ng gobyer-no sa pagtugis sa “private armies” na itinaon para sa eleksyon sa Mayo,

hawak pa rin ng militar, pulisya, mga puwersang paramilitar kasama na ang iba't ibang goons ng mga pulitiko, ang mga kasangkapan sa paglabag sa mga demokratikong karapatan ng mamama-yan. Kabilang sa mga demokratikong karapatan na ito ang kanilang karapatang iboto ang kanilang mga pinuno nang mala-ya at walang pamumuwersa. Nagamit na rin ang militar at pulisya sa paghahasik ng

7

Page 9: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

sindak sa mga maralitang komunidad sa kanayunan at kalunsuran, at pagpipigil sa mga botante na iboto ang ilang progre-sibong kandidato. Ginawa nila ito gamit ang maskara ng kontra-insurhensya. Sa kabilang banda, inilantad ng iskandalong “Hello Garci” ang paggamit ni Mrs. Arroyo sa Comelec at mga opisyal ng militar/ pulisya upang magsagawa ng malawakang pandaraya noong eleksyon para sa pagpili ng pangulo noong 2004. Wala sa mga sangkot ang seryosong inimbestigahan ni hinabol ng batas. Noong 2006, ginawang legal ng rehimeng Arroyo ang mga orihinal na pribadong hukbo ng mga angkang warlord sa buong bansa bilang ”civilian volunteer organizations” o CVOs sa pamamagitan ng EO 546. Lumaki pa ang kanilang bilang at nagtatag sila ng malaking arsenal ng mga sandata.Hindi lang nahasa sa layu-

8

Page 10: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

ning kontra-insurhensya ang mga CVO, nagsilbi rin silang mga pribadong hukbo ng mga alyado ni Arroyo sa pagpataw ng lubusang kontrol sa kani-kanyang mga kaharian at paghahatid ng maanomalyang tagumpay sa eleksyon para kay Mrs Arroyo at kanyang mga kandidato. Isang halimbawa ng ganitong kasuklam-suklam na relasyon ang mga Ampatuan sa Muslim Mindanao.

Napakahalaga para sa ating mamama-yan na maarmasan ng karampatang impormasyon at mga gabay upang mau-nawaan ang pangkalahatang konteksto at pulitikal na kapaligiran kung saan sila’y hinihilingang pumili ng kanilang mga susunod na lider. Kailangan nilang maunawaan ang mga posibilidad, gayundin ang mga limitasyon ng eleksyon

9

Page 11: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Ang Hamon ng Eleksyong Mayo 2010

bilang isang demokratikong ehersisyo. Batay rito, maaaring magsilbi bilang edukasyunal at mapagpalayang balangkas ang kulumpon ng Pamantayan ng Mamamayan sa pagpili ng kandidato, sa halip na maging tuntungan sa pagpapayabong ng mga ilusyon at paglikha ng pagkadismaya at sinisismo sa hanay ng mamamayan.

Kailangang maging paraan ang darating na eleksyon upang mapatalsik na si Mrs. Arroyo sa Malakanyang, makapaghalal ng mga maka-mamamayan, makabayan at demokratikong kandidato, maitaas ang kamalayan ng mamamayan, at itaas din ang kanilang kakayahang ipaglaban ang mga demokratikong karapatan at mga makabuluhang reporma lampas pa sa Mayo 2010.#

10

Page 12: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Pamantayan ng Mamamayan 2010

Pamantayan ng Mamamayan ng PAGBABAGO

Dapat maging MAKABAYAN, DEMOKRATIKO AT MAKA-MAMAMAYAN ang mga kandidato ng taumbayan.

Gayong ipinapamarali ng bawat kan-didato na siya’y para sa pagbabago o reporma, may pangangailangan para sa isang kulumpon ng pamantayan na maga-gamit upang kongkretong masukat iyon.

Layunin ng sumusunod na 12 katanungan na makatulong sa paggabay sa mga botante sa pamamagitan ng paglatag ng komprehensibo at kongkre-tong kulumpon ng mga palatandaan. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng plataporma at track record ng kandidato kaugnay ng

11

Page 13: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Pamantayan ng Mamamayan 2010

mga kongkretong isyu ng mamamayan, makatutulong ang mga katanungang ito upang malaman kung ang kandidato ay tunay na makabayan, demokratiko at maka-mamamayan – ang mga pinakamahahalagang katangian na kinakailangang angkin ng isang lider-pulitikal kung siya nga’y maghahatid ng makabuluhang pagbabago o reporma sa gobyerno at lipunan.

Ang 12 pangunahing tanong sa bawat pambansang kandidato:

Makikipagtulungan ka ba para mailatag ang katotohanan sa likod ng mga anomalya tulad ng “Hello, Garci”, NBN-ZTE scam, fertilizer

scam sa pamamagitan ng mga nagsasarili at lubos na kapanipaniwalang mga lupon?

12

Page 14: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Pamantayan ng Mamamayan 2010

Lilikha ka ba ng daan tungo sa pag-usig kay Mrs. Arroyo, kanyang mga kamag-anak, mga malalapit na alyado at iba pang

opisyal ng gobyerno na nakilahok sa malawakang pangungurakot at katiwalian, pandaraya sa eleksyon at pananakip-butas?

Itataguyod mo ba ang mga karapa-tang-tao at tatapusin ang mga pata-karan na nagpapaibayo sa mga pag-labag sa mga karapatang-tao gaya ng

ekstrahudisyal na pamamaslang, tortyur at sapilitang pagkawala? Ipatitigil mo ba ang pagtugis sa mga panlipu-nang aktibista, at mga luma-laban at pumupuna sa gob-yerno? Parurusahan mo ba ang mga pasimuno ng mga paglabag sa karapatang-tao?

13

Page 15: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Pamantayan ng Mamamayan 2010

Poprotektahan mo ba ang pamban-sang patrimonya at kalikasan sa pamamagitan ng pagtutol sa malawa-kan, maka-eksport, at pinangungu-

nahan-ng-dayuhang mga palahuthot na industriya tulad ng pagmimina at pagha-hanap ng langis? Itataguyod mo ba ang karapatan sa lupang-ninuno at pag-papasya-sa-sarili ng mga mamamayang katutubo at mga pamban-sang minorya?

Kikilos ka ba para sa tunay na repormang agraryo na pangu-nahing magpapamahagi ng lupa sa

mga nagbubungkal nito? Pabor ka ba sa paglusaw ng mga iskema gaya ng stock-distribution option, pagpapalit-gamit ng lupa at iba pa na nagpahintulot sa pag-

14

Page 16: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Pamantayan ng Mamamayan 2010

iwas sa reporma sa lupa at nag-dulot ng panganib sa seguridad sa pagkain?

Kikilos ka ba para sa pambansang industriyalisasyon? Babaligtarin mo ba ang mga patakaran ng libera-lisasyon, pribatisasyon at deregu-

lasyon? Pananatilihin mo ba sa Konsti-tusyon ng Pilipinas ang mga hakbang na nagbibigay ng proteksiyon sa ekonomya, at nagtatakda ng limitasyon sa dayuhang pagmamay-ari ng lupa?

Isusulong mo ba ang paglikha ng mga trabaho at itataguyod ang seguridad sa trabaho sa pamamagitan ng pag-bibigay ng proteksiyon sa mga lokal

na industriya? Sinusuportahan mo ba ang ipinaglalaban ng mga manggagawa na pag-taas sa minimum na sahod? Babaligtarin

15

Page 17: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Pamantayan ng Mamamayan 2010

mo ba ang pag-eksport ng paggawa at mga patakaran sa kontrakwalisasyon ng paggawa upang protektahan ang mga karapatan ng mamamayang gumagawa/ manggagawa, at isulong ang kanilang kapakanan?

Ititigil mo ba ang komersiyalisasyon at pribatisasyon ng edukasyon at mga serbisyong pangkalusugan? Tutuldukan mo ba ang awtomatikong pagbabayad-

utang? Uunahin mo ba ang paggastos ng pondo ng gobyerno sa mga kinakailangang programang pang-ekonomya at serbisyong panlipunan kaysa sa pagbabayad-utang at pag-gastos para sa militar?

Sang-ayon ka ba sa pag-alis ng reformed value added tax (RVAT) at iba pang regresibong pagbubuwis na lalong

16

Page 18: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Pamantayan ng Mamamayan 2010

nagpapahirap sa mamamayan? Kikilos ka ba para sa isang progresibong programa sa pagbubuwis?

Kikilos ka ba para sa isang nagsasa-riling patakarang panlabas? Sang-ayon ka ba sa pagbuwag sa Visiting Forces Agreement at iba pang di-pantay na

kasunduang militar? Ipatitigil mo ba ang permanenteng pananatili ng mga tropang militar ng US at iba pa sa teritoryo ng Pilipinas? Pananatilihin mo ba ang mga probisyon na laban sa base militar at armas nukleyar sa Konstitusyon ng Pilipinas?

Sang-ayon ka ba sa pagpapatigil ng patakarang “todo-gyera” bilang paraan ng paghimpil sa mga armadong tunggalian at, sa

halip, ay isulong ang kasalukuyang

17

Page 19: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

Pamantayan ng Mamamayan 2010 18

negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan, National Democratic Front at Moro Islamic Liberation Front?

Itataguyod mo ba ang pagkaka-pantay-pantay ng mga kasarian? Sang-ayon ka ba sa pagpapala-wak ng mga oportunidad para sa

kababaihan, bakla at lesbiana upang maipatupad ang kanilang mga karapatang pampulitika, pang-ekonomya, pangkultu-ra at iba pang karapatan?

Isusulong mo ba ang kulturang nagbibigay-diin sa nasyonalismo at paglilingkod sa sambayanan? Itataguyod mo ba ang Filipino

bilang pambansang wika?

Page 20: Ang Hamon ng Eleksyong 2010 Ang Hamon ng Eleksyong Mayo ...€¦ · Konstitusyon ng Pilipinas ay bawal nang muling tumakbo bilang Presidente, ay maging Prime Minister. At kahit na

[email protected]://www.pagbabago.org

Ang PAGBABAGO!-People’s Movement for Change ay isang kilusan ng mga progresibong indibidwal

at grupo na naghahangad ng makabuluhang pagbabago --yaong hindi lamang ayon sa isyu kundi nagtatangan ng mas komprehensibong

programa para sa reporma. Hinaharap ng PAGBABAGO! ang mga batayang problema ng

lipunang Pilipino at ipinahahayag ang mga batayang kahilingan at pinakataimtim na mithiin ng taumbayan para sa pag-unlad sa ekonomya,

katarungang panlipunan at tunay na kasarinlan at dignidad bilang mamamayan.