8
ni Leo David sundan sa pahina 3 LUCENA CITY - Isinusulong na ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa ilalim ni Gobernador David “Jayjay” Suarez at ni dating Congressman Danilo Suarez ang pagiging Aqua-culture Operator ng Quezon sa buong bansa. Naniniwala ang dating mambabatas na sa tulong ng nasabing aktibidad, liliit pa sa 28% ang bilang ng mga nagugutom, naghihirap at walang hanapbuhay sa lalawigan kumpara noong 2006 – kung saan umabot sa 36% ang mga naghihirap at walang hanapbuhay base sa datos ng National Statistics Office. Matapos na simulan ang operasyon ng Unisan Hatchery nito lamang nakalipas na buwan ng Hunyo, agad na nagbigay ng mga pagsasanay sa cage fishing ang mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilang mga mangingisda, municipal agriculturist officer, at mga mayor sa Quezon. Ayon kay Suarez, kinakailangan lamang na maging responsable ang lahat ng gustong maging operator ng cage fishing para matiyak ang tagumpay. Sa kasalukuyan, ang Unisan Hatchery ang kauna-unahan sa bansa na mag-aalaga at magpaparami ng isdang pompano at seabass na THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE ADN Taon 12, Blg. 493 Setyembre 2 – Setyembre 8, 2013 D IARYO NATIN ANG tingnan ang buong larawan sa pahina 4 PIROUETTE GAMING CORPORATION Daily Draw Results Philippine Charity Sweepstakes Office P 7 QUEZON, ISUSULONG BILANG AQUA- CULTURE OPERATOR SA BANSA Daang Palusot Iprinisinta ni Quezon Governor David C.Suarez sa audio-visual presentation (AVP) ang planong Quezon Special Economic Zone (QSEZ) sa unang pagkakataon sa mga miyembro ng Sangguniang panlalawigan, panglungsod, pambayan at sa publiko na isang susi upang ganap na mapaunlad ang lalawigan sa kaniyang State of the Province Address (SOPA), kamakailan sa Quezon Convention Center (QCC), Lucena City. Contributed by Danny J. Estacio “Alkansya project” ng Social Security System, suportado ng City Government of Lucena LUCENA CITY– Nagpahayag ng mala- king pasasalamat ang pamunuan ng Social Security System (SSS) sa pamahalaang pang- lungsod sa pangunguna ni Mayor Roderick Dondon Alcala dahil sa umano’y malaking suporta nito sa Alkansya Project ng SSS. Kamakailan lamang, sinabi ni Mrs. Victoria Liwanag, Branch Manager ng SSS Lucena na dumalo ang alkalde sa inilunsad nilang programa kung saan ang mga nasa sector ng transportasyon ang una nilang tinawagan para sa proyektong ito. Malaki rin kasi aniya ang paniniwala ng local na pamahalaan na sa pamamagitan ng proyektong ito, ang mga Tricycle Operators & Drivers Association o TODA at ang Jeepney Operators & Drivers Operators ay magkakaroon ng pagkakataon na maging miyembro ng SSS sa mas pinadaling pamamaraan o paghuhulog ng P10 kada araw sa kanilang mga alkansya. Binigyang diin ni Mrs. Liwanag na hindi dapat na ituring ng sinuman na ang paghuhulog sa SSS ay gastos o expenses mula sa kanilang bulsa kundi isa itong investment na may malaking pakinabang pagdating ng panahon. QPIO Si Ms Miled Ibias na pinarangalang natatanging kawani ng Lucena nitong nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Lucena na isinagawa sa Queen Margarette Hotel sa naturan ding lungsod. Raffy Zarnate LUCENA CITY – Isasagawa na sa susunod na mga buwan ng Traffic Management Council of Lucena (TMCL) ang isang experimental traf- fic scheme sa lungsod na inaasahang tuluyan nang magpapaganda ng daloy ng trapiko. Bunsod ng ilang matagumpay na pagpupu- long ng naturang konseho, ay napagkaisahan ng mga bumubuo nito na ipunin lahat ng mga magagan- dang suhestiyon at opinion upang mapag-aralan agad at nang makagawa ng mga karampatang hakbang sa lalong madaling panahon. Ayon sa Action Of- ficer ng TMCL na si G. Arnel Avila, handa na ang TMCL na baklasin muna ang mga traffic signages na kasalukuyang makikita sa iba’t-ibang bahagi ng ating mga lansangan at ipaisant- abi muna ang mga naipasa nang mga ordinansa ukol sa trapiko at nang maumpi- sahan na ang experimental sa susunod na mga buwan kung naaayon sa batas. Ayon naman kay City Legal Officer Atty. Ghandir Alejandrino na isa rin sa mga bumubuo ng TMCL ay walang masasagasaang legalidad ang isasagawang experimentasyon basta’t may siguradong takdang oras at panahon na kung kailan ito isasagawa; at kung maayos ang kala- labasan nito ay maari na itong masusugan ng Sang- guniang Panglungsod at magawan na ng karampa- tang ordinansa. QPIO Experimental Traffic Scheme, malapit nang isagawa sa Lungsod ng Lucena LUCENA CITY - Mahigpit na ipinatutu- pad ng City Engineering Office, sa pamumuno ni OIC City Engineer Ron- nie Tolentino, ang pagla- lagay ng mga “safety nets” sa itatayong bagong gusali sa lungsod. Ayon kay Engr. Tolen- tino, mahigpit ang kanil- ang tagubilin sa paglalagay nito dahil ito ay nakasaad aniya ito sa batas. Ito rin aniya ay upang makaiwas sa disgrasya ang mga taong magdadaan sa gilid ng itatayong estab- lisyemento sa mga debris o mga bagay na maaring malaglag dito at maging sa mga gumagawa rito. Nanawagan rin si To- lentino sa mga nagnanais na magtatayo ng mga gusa- li sa lungsod na maglagay ng kagamitang ito upang mapanatili ang kaligtasan sa paligid nito at makaiwas na rin sa kinauukulang multa sa paglabag dito. Matatandaang ilang mga itinatayong building sa lungsod ay tinungo ng kanilang mga tauhan at binigyan ng kaukulang aksyon hinggil sa hindi paglalagay ng mga safety nets. Johnny Glorioso Paglalagay ng mga “safety nets” sa bagong itatayong gusali, mahigpit na ipinatutupad ng City Eng’g Office

Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

The Number 1 Newspaper in Quezon Province

Citation preview

Page 1: Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

ni Leo David sundan sa pahina 3LUCENA CITY - Isinusulong na ngayon n g P a m a h a l a a n g Panlalawigan ng Quezon sa ilalim ni Gobernador David “Jayjay” Suarez at ni dating Congressman D a n i l o S u a re z a n g pagiging Aqua-culture Operator ng Quezon sa buong bansa.

N a n i n i w a l a a n g dating mambabatas na sa tulong ng nasabing aktibidad, li l i i t pa sa 28% ang bilang ng mga nagugutom, naghihirap at walang hanapbuhay sa

lalawigan kumpara noong 2006 – kung saan umabot sa 36% ang mga naghihirap at walang hanapbuhay base sa datos ng National Statistics Office.

Matapos na simulan ang operasyon ng Unisan Hatchery nito lamang nakalipas na buwan ng Hunyo, agad na nagbigay ng mga pagsasanay sa cage fishing ang mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilang mga

mangingisda, municipal agriculturist officer, at mga mayor sa Quezon.

Ayon kay Suarez, kinakailangan lamang na maging responsable ang lahat ng gustong maging operator ng cage fishing para matiyak ang tagumpay.

Sa kasa lukuyan, ang Unisan Hatchery ang kauna-unahan sa bansa na mag-aalaga at magpaparami ng isdang pompano at seabass na

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

ADN Taon 12, Blg. 493Setyembre 2 – Setyembre 8, 2013

DIARYO NATINANGtingnan ang buong larawan sa pahina 4PIROUETTE GAMING CORPORATION

Daily Draw Results

Phi l ippineChari tySweepstakesOff ice

P 7

QUEZON, ISUSULONG BILANG AQUA-CULTURE OPERATOR SA BANSA

Daang Palusot

Iprinisinta ni Quezon Governor David C.Suarez sa audio-visual presentation (AVP) ang planong Quezon Special Economic Zone (QSEZ) sa unang pagkakataon sa mga miyembro ng Sangguniang panlalawigan, panglungsod, pambayan at sa publiko na isang susi upang ganap na mapaunlad ang lalawigan sa kaniyang State of the Province Address (SOPA), kamakailan sa Quezon Convention Center (QCC), Lucena City. Contributed by Danny J. Estacio

“Alkansya project” ng Social Security System, suportado ng City Government of Lucena

LUCENA CITY– Nagpahayag ng mala-king pasasalamat ang pamunuan ng Social Security System (SSS) sa pamahalaang pang-lungsod sa pangunguna ni Mayor Roderick Dondon Alcala dahil sa umano’y malaking suporta nito sa Alkansya Project ng SSS.

Kamakailan lamang, sinabi ni Mrs. Victoria Liwanag, Branch Manager ng SSS Lucena na dumalo ang alkalde sa inilunsad nilang programa kung saan ang mga nasa sector ng transportasyon ang una nilang tinawagan para sa proyektong ito.

Malaki rin kasi aniya ang paniniwala

ng local na pamahalaan na sa pamamagitan ng proyektong ito, ang mga Tricycle Operators & Drivers Association o TODA at ang Jeepney Operators & Drivers Operators ay magkakaroon ng pagkakataon na maging miyembro ng SSS sa mas pinadaling pamamaraan o paghuhulog ng P10 kada

araw sa kanilang mga alkansya.

Binigyang diin ni Mrs. Liwanag na hindi dapat na ituring ng sinuman na ang paghuhulog sa SSS ay gastos o expenses mula sa kanilang bulsa kundi isa itong investment na may malaking pakinabang pagdating ng panahon. QPIO

Si Ms Miled Ibias na pinarangalang natatanging kawani ng Lucena nitong nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Lucena na isinagawa sa Queen Margarette Hotel sa naturan ding lungsod. Raffy Zarnate

LUCENA CITY – Isasagawa na sa susunod na mga buwan ng Traffic Management Council of Lucena (TMCL) ang isang experimental traf-fic scheme sa lungsod na inaasahang tuluyan nang magpapaganda ng daloy ng trapiko.

Bunsod ng i l ang matagumpay na pagpupu-long ng naturang konseho, ay napagkaisahan ng mga bumubuo nito na ipunin lahat ng mga magagan-dang suhestiyon at opinion

upang mapag-aralan agad at nang makagawa ng mga karampatang hakbang sa lalong madaling panahon.

Ayon sa Action Of-ficer ng TMCL na si G. Arnel Avila, handa na ang TMCL na baklasin muna ang mga traffic signages na kasalukuyang makikita sa iba’t-ibang bahagi ng ating mga lansangan at ipaisant-abi muna ang mga naipasa nang mga ordinansa ukol sa trapiko at nang maumpi-sahan na ang experimental sa susunod na mga buwan

kung naaayon sa batas.Ayon naman kay City

Legal Officer Atty. Ghandir Alejandrino na isa rin sa mga bumubuo ng TMCL ay walang masasagasaang legalidad ang isasagawang experimentasyon basta’t may siguradong takdang oras at panahon na kung kailan ito isasagawa; at kung maayos ang kala-labasan nito ay maari na itong masusugan ng Sang-guniang Panglungsod at magawan na ng karampa-tang ordinansa. QPIO

Experimental Traffic Scheme, malapit nang isagawa sa

Lungsod ng Lucena

LUCENA CITY - Mahigpit na ipinatutu-pad ng City Engineering Office, sa pamumuno ni OIC City Engineer Ron-nie Tolentino, ang pagla-lagay ng mga “safety nets” sa itatayong bagong gusali sa lungsod.

Ayon kay Engr. Tolen-tino, mahigpit ang kanil-ang tagubilin sa paglalagay nito dahil ito ay nakasaad

aniya ito sa batas.Ito rin aniya ay upang

makaiwas sa disgrasya ang mga taong magdadaan sa gilid ng itatayong estab-lisyemento sa mga debris o mga bagay na maaring malaglag dito at maging sa mga gumagawa rito.

Nanawagan rin si To-lentino sa mga nagnanais na magtatayo ng mga gusa-li sa lungsod na maglagay

ng kagamitang ito upang mapanatili ang kaligtasan sa paligid nito at makaiwas na rin sa kinauukulang multa sa paglabag dito.

Matatandaang ilang mga itinatayong building sa lungsod ay tinungo ng kanilang mga tauhan at binigyan ng kaukulang aksyon hinggil sa hindi paglalagay ng mga safety nets. Johnny Glorioso

Paglalagay ng mga “safety nets” sa bagong itatayong gusali, mahigpit

na ipinatutupad ng City Eng’g Office

Page 2: Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

ANG DIARYO NATIN2 setyembre 2 - setyembre 8, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

“Kailangan nating maniguradong hindi na maaabuso ang sistema,” declaimed President Aquino which scrapped t h e c o n g r e s s i o n a l Priority Development Assistance Funds (PDAF) and pro-posed a new system of budgeting for congressional projects.

H o w e v e r , t h i s was debunked with the continued negligence in disaster management and damage prevention efforts by the government.

T h i r d A l u b , spokesperson of the UPLB Serve the People Brigade, said that the hesitance of the Aquino administration on abolishing all existing pork barrel funds impede development of social

policies that would have prevented large-scale casualties and losses due to recent natural disasters.

“Bil l ions of tax payments that may have been given to social services like developing and restoring agricultural d a m a g e s f r o m t h e disasters, but, sadly, have been transported to corporations owned by these government officals through ghost projects, or misallocated through infinite debt payments,” Alub said.

Addit ionally, he questioned the eventual a d m i n i s t r a t i o n a n d implementation of the new, proposed system of budgeting, as Aquino described it as an ideal

process. He also doubted the destinations of the annual allocations for the calamity fund, which is at PHP 7.5 billion for 2013 and 2014, saying that this have not translated to any improvement in disaster risk management and reduction methods.

“Floods have never receded and casualties have never lowered through the years, and the calamity funds have never been a great help for it”, he said.

A l u b p r o p o s e d to channel the funds appropriated on PDAF to social services.

“Why not bui ld homes and a id poor families through housing and agricultural livelihood

projects? Every year, mil l ions of informal s e t t l e r s h a v e b e e n victimized and blamed due to misallocation and mismanagement of public funds and annual disasters. If the government is truly taking care of its people, then it may begin with these steps,” Alub said.

F o r t h i s y e a r , c o m m u n i t y r e p o r t s throughout Southern Tagalog have revealed that a total of 73,824 families were severely affected by the recent typhoons and monsoon.

A lu b , h o w ev e r, mentioned the little efforts of the citizenry to help alleviate the state of the poor.

“This relief corps

is a prime example of bayanihan. Even though

we don’t have a large amount of resources to

Gov. Suarez, tumulong sa mga nabiktima ng Bagyong

Maring sa Sampaloc, ManilaL A L A W I G A N N G

QUEZON- Tumulong sa mga nabiktima ng bagyong Maring ang mag-asawang sina Quezon Gov. David “JayJay” C. Suarez at Unang Ginang Anna Marie Villaraza-Suarez sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga relief goods sa ilang residente ng Sampaloc, Manila, kamakailan.

Mahigit 400 resi-dente ng naturang lugar ang napagkalooban ng gobernador ng iba’t ibang relief goods tulad ng bigas, sardinas, noodles at corned beef na nakalagay sa bawat timbang ipinamahagi at karagdagang limam-pung balot ng bigas para sa naturang lugar.

Ayon kay Gov. Suarez, hindi

niya nalilimutan ang gina-wang pagtulong ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa lalawigan ng Quezon noong 2004 nang makaranas din ito ng kalamidad kaya naman hindi sila nagdalawang-isip na tulungan ang naturang lugar.

Bukod sa Sampaloc, Manila, tumulong din ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga nabiktima ng bagyo sa bayan ng Bacoor sa Cavite. Nagpadala ang naturang tanggapan ng mga rescue team upang matulungan ang naturang bayan sa pagsasagawa ng rescue operation sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot ng

bagyong Maring na sinabayan ng habagat.

Samantala patuloy pa rin ang pangangalap ng mga tulong pinansyal, materyal na bagay, gamot, damit at mga pagkain tulad ng mga de-lata, bigas, tinapay, noodles at iba pa ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Quezon Provincial Information Office (QPIO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ang mga mal i l ikom na donasyon ay ipamamahagi sa mga nasalanta o naapektuhan ng bagyong Maring at habagat sa mga bayan sa mga karatig- lalawigan sa Region IV-A CALABARZON. QPIO

Nagtungo sa Sampaloc, Manila sina Quezon Governor David Suarez at ang kanyang maybahay na si Anna Villaraza-Suarez upang mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Maring noong ika-24 ng Agosto, 2013. (kaliwa) Mahigit apat na daang residente ng Sampaloc, Manila ang tumanggap ng mga relief goods mula sa Lalawigan ng Quezon. Ang donasyon ng lalawigan ay bilang ganti sa ginawang pagtulong ng Lungsod ng Maynila sa Quezon ng makaranas ito ng kalamidad noong 2004. (kanan) Contributed photos by QPIO

Relief ops present gov’t negligence, show masses are true heroes

BM Suarez, muling nahalal bilang PCL

Pres ng QuezonLUCENA CITY -

Muling nahalal bilang pangulo ng Philippine Councilors League (PCL) - Quezon Chapter si Bokal Jett Suarez sa isinagawang e leksyon ng bagong pamunuan ng liga nitong nakaraang linggo.

M a y k a b u u a n g bilang na 377 ang mga bomotong munic ipa l c o u n c i l o r s , k a s a m a ang ilang kinatawan ng Sangguniang Kabataan at Association of Barangay C a p t a i n s n g b a w a t munisipyo.

S i S u a r e z a y nakakuha ng botong 308 kumpara sa nakalaban nito na si Konsehal Aileen Malabanan-Dellosa na nakakuha lamang ng botong 64.

Wala namang naging gusot sa nakaraang halalan ng bagong pamunuan ng PCL katuwang ang mga kinatawan ng liga at ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government d i to sa lalawigan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Suarez na ipagpapatuloy niya ang lahat ng mga nasimulan nang programa a t p royek to ng l iga sa kanyang ikalawang termino.

Bukod dito, target din nila na makakuha ng representasyon kung hindi man sa nasyunal na liga ay sa regional level. Ito

umano’y upang makakuha sila ng mas malaking suporta para sa kagalingan ng lahat ng miyembro ng PCL Quezon Chapter.

Samantala , Bise Presidente naman ng PCL si Konsehal Ricardo Rico ng bayan ng Lopez.

Secretary General naman si Kenneth Nantes ng Sampaloc habang Treasurer si Daruis Castro, Auditor si Alezander Morales ng Mulanay, Business Manager s i Gemson Boonggaling at PRO si Konsehal Juancho Mercurio.

Board of Directors naman sina Konsehal R o m m e l C a l z a d o , Konsehal Ruel Valencia ng Panukulan, Konsehal Juanito Casal ng Catanauan, Konsehal Brando Rea ng Tayabas, Edilbert Ilagan ng Pitogo, Konsehal Rowena Espina ng Padre Burgos, Konsehal Cirilio Pareja ng Calauag, at Konsehal Ernesto Deseo.

Ticke t ng Team Suarez ang lahat ng nanalong opisyal ngayon ng Philippine Councilor League sa Lalawigan ng Quezon.

Matapos manumpa ang mga bagong opisyal ng PCL kay Maybeline Fernander Se General PCL National manunumpa naman ang mga ito kay Quezon Governor David “Jayjay” Suarez. QPIO

SUNDAN SA PAHINA 4

Page 3: Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

ANG DIARYO NATIN 3setyembre 2 - setyembre 8, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

1 whole page Php 20,000.001/2 page 12,000.001/4 page 7,000.001/8 page 4,000.001 year subscription 1,440.00

Contact person: TESS ABILA0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm)e-mail add: [email protected]#52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS?

Mga parking area sa bisinidad ng Maryhill College,

inumpisahan nang isaayos

LUCENA CITY – Isa sa nakikitang dahilan kung bakit naglalayas sa kanilang mga tahanan ang ilang mga kabataan sa Lungsod ng Lucena ay ang problema sa pamilya.

Ito ay ayon kay Mrs. Ma. Rosario Ebron, ang facilitator ng Reception and Action Center ng CSWDO sa naturang lungsod.

Ayon kay Ebron, ang paghihiwalay ng mga magulang ang malaking dahilan kung bakit ang mga bata ay umaalis sa

kanilang tahanan at mas ninanais pa ang mamalagi sa mga lansangan.

Isa rin sa nakikitang dahilan aniya ng kanilang tanggapan ay ang pagiging pabaya ng kanilang mga magulang.

Sa paliwanag ng facilitator, ang sitwasyong ito ay nangyayayri dahil na rin sa karamihan ng kanilang nagiging anak kung kaya’t ang ilan sa mga ito ay hindi na napagtutuunan ng pansin.

Kung kaya naman patuloy ang kanilang ahensiya sa pagkupkop

sa mga batang nasa lansangan at maging ang mga batang nagkakaroon ng mga problema sa kanilang pamilya at lipunan; at kanila itong pansamantalang pinatitira sa RAC.

Nanawagan rin si Ebron sa lahat ng mga magulang na gawin ang kanikanilang mga responsibilidad sa pagaalaga sa kanilang mga anak upang lumaki ang mga ito nang maaayos at upang maiwasan ang paglaboy ng mga ito sa lansangan. QPIO

LUCENA CITY – Inumpisahan nang i s a a y o s n g Tr a f f i c Management Council ng lungsod o TMCL ang mga parking area sa may bisinidad ng Maryhill College na nasa bahagi ng M.L. Tagarao at mga kalapit na kalye nito.

Bunsod ng i lang pagpupulong ng naturang konseho, ay natukoy ng mga bumubuo nito na ang nabanggit na lugar ay isa sa mga pinagmumulan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko lalo na sa mga oras ng paghahatid at pagsusundo ng mga mag-aaral mula sa nabanggit na ko leh iyo ; kaya ’y kanilang minabuti na ito’y pagtuunan ng pansin at magawaan ng kaukulang hakbang.

A g a r a n n a m a n g i s i n a g a w a n g m g a opera t iba ng Traff ic Management Section ng lungsod ang pagsasaayos ng pagparada sa lugar s a p a m a m a g i t a n n g pakikiusap sa mga nagma-may-ari ng mga sasakyang kadalasan na nahihimpil doon upang maituro ang tamang paradahan at ang paglalagay ng mga kulay dilaw na linya sa magkabilang gilid ng kalye na siyang dapat maging paradahan ng mga sasakyan na tumitigil sa nabanggit na lugar.

Ating magugunita sa nakaraang isyu ng ADN na ipinatupad na ang pagbabago ng sistema ng pagpaparada sa mga kalye ng Allarey at M.H. Del Pilar na kung saan

ay parallel parking na ang sinusunod kontra sa dating diagonal o palihis. Sa hakbang na ito, naging kapans in -pans in ang pagluwag ng daloy ng mga sasakyan kung kaya’t sa direktiba ng Action Officer ng TMCL na si Arnel Avila ay ang bisinidad naman ng kolehiyo ng Maryhill ang sinunod na maisaayos.

Isa sa mga plano ng kabuuan ng TMCL ay ang gawing both side parking o maparadahan ang magkabilaang tabi sa ilang one-way street sa lungsod.

I n a a s a h a n g magiging maayos na ang daloy ng mga sasakyang bumabagtas sa mga lugar na naumpisahan nang maisaayos. Contributed by Quezon PIO

Problema sa pamilya, kadalasang sanhi ng

pagiging palaboy ng mga batang lansangan na nasa RAC

SUNDAN SA PAHINA 4

Iyam bridge, uumpisahan nang isaayos

LUCENA CITY – Uumpisahan nang isaayos ang Pleasantville bridge sa bahagi na nagdurugtong n g k a l y e G o m e z s a Pleasantville Subdivision ayon sa tanggapan ng City Engineering Office.

Ay o n O I C - C i t y Engineer Ronnie Tolentino a y p a n s a m a n t a l a n g isasarado sa publ iko ang nabanggit na tulay upang ma i sadaan sa malawakang pagkumpuni at pagsasaayos.

Naging kapansin-pansin na may katagalan na ang inirereklamong

sira sa bahagi ng tulay na ito na kung minsan ay nagiging sagabal para sa mga motorista. Nagiging dahilan tuloy ito ng ilang mamamayan ng lungsod na mag-isip na hindi ito pinag-tutuunan ng pansin ng kinauukulang ahensya.

Nagbigay naman ng kasagutan tungkol sa isyung ito si Engr. Tolentino at ayon sa kaniya ,ang naging problema ay kanilang binuksan na nga ang proyektong ito para sa mga bidder, ngunit wala pang mga contractor na

nagparamdam ng kanilang kanaisang makiisa sa pagsasaayos ng nabanggit na tulay, marahil ay dahil na rin sa kaliitan ng project cost nito; kaya’t minabuti ng pamunuan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na ang Pamahalaang Pang lungsod na ang umako sa proyektong ito.

A n g t u l a y n g P l e a s a n t v i l l e a y pansamantalang isasarado s a pub l i ko s a i ka -2 hanggang sa ika-30 ng Setyembre ngunit ayon pa rin ay Tolentino, maaari pa itong mapaaga. QPIO

CCTV, gagamitin sa pagdisiplina sa mga pasaway na driver

LUCENA CITY – Gagami t in na sa pagdidisiplina sa mga pasaway na driver ang mga Closed Circuit Tele-Vision Camera o CCTV na matatagpuan sa ilang stratehikong mga bahagi sa lungsod ng Lucena.

Bunsod ng patuloy na talakayan sa pamamagitan ng mga miyembro ng Tra ff i c Managemen t Council of Lucena at transport sector ng lungsod, ay napagkasunduan ng mga kinauukulan na gamitin ang mga CCTV na ito para matukoy at madisiplina ang mga driver na matitigas

ang ulo sa hindi pagsunod sa mga tamang pagbababa at pagsasakay ng mga pasahero partikular sa panulukan ng C.M. Recto at Gomez na kung saan ay matagal nang napapansin ang problemang ganito.

S a h u l i n g pagpupulong na isinagawa ng TMCL, nagkaisa naman ang lahat ng mga pangulo ng mga asosasyon ng mga driver at operator sa lungsod na sumang-ayon sa plano hinggil sa paggamit ng mga CCTV at nagkasundo ang lahat na magsumite ng talaan ng kani-kanilang mga

miyembro upang mas mabilis na matukoy ang mga nagkakamaling mga drayber.

Patuloy pa rin ang Tra ff i c Managemen t Counci l ng Lungsod sa pagtanggap ng mga suhestiyon at pagsasagawa ng mga hakbang tungo sa ikagaganda ng sitwasyon ng trapiko sa lungsod at hindi kalaunan ay magsasagawa na ito ng experimental traffic scheme na kung saan ay inaasahang makikita ang malaking pagbabago sa usapin ng trapiko sa lungsod. Contributed by PIO Lucena

Transport sector, nagpasalamat sa pagkakataong ibinigay

ng TMCL upang madinig ang kanilang hinaing at suhestiyon

LUCENA CITY – Nagpasalamat ang ilang pangulo ng mga asosasyon ng transport sector sa pagkakataong ibinibigay sa kanila n g p a m a h a l a a n g panglungsod partikular kay Mayor Dondon Alcala at sa Traff ic Management Council ng lungsod o TMCL na pinangungunahan naman ni G. Arnel Avila, sa pagkakataon at sa pagpansin na ibinibigay sa kanila.

Ay o n s a i l a n g p a n g u l o n g a t i n g

n a k a p a n a y a m a y s a m a h a b a - h a b a n g p a n a h o n a y n g a y o n l a n g s i l a n a i s a s a m a s a m a h a h a l a g a n g p a g p u p u l o n g n a isinasagawa ng TMCL at ngayon lang nadinig ang boses ng kanilang sector.

I s a s a m g a pagkakataong naibigay sa mga ito ay ang isang pagpupulong ng TMCL at ng pederasyon ng mga operator at mga driver sa lungsod na kinatawan ng mga pangulo ng kani-kanilang mga asosasyon na isinagawa sa Eastern

P r e m i e r C u i s i n e kamakailan; at dito ay napakinggan ang mga pananaw at mga hinaing ng bawat isa tungo sa ikagaganda ng sitwasyon ng trapiko sa lungsod.

Sa pagkakataong ito ay nadinig nga ang mga boses ng mga pangulo na kasapi sa grupong PISTOL na pinamumunuan naman ni G. Freddie Bravo at naisali sa mga plano ng Tra ff i c Managemen t Council ng lungsod ang i lang puntos ng mga ito. Contributed by PIO Lucena

Page 4: Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

ANG DIARYO NATIN4 setyembre 2 - setyembre 8, 2013

Ang DiAryo nAtinSandigan ay Katotohanan, Walang KinatataKutan

JOHNNy G. GLORIOSOPublisher

CRISELDA C. DAVIDEditor-in-chief

SHERyL U. GARCIAManaging Editor

DARCIE DE GALICIA, BELL S. DESOLO, LITO GIRON, BENG BODINO, BOOTS GONZALES,

MAHALIA LACANDOLA-SHOUP, LEO DAVID, WATTIE LADERA, REyMARk VASQUEZ, RONALD

LIM, JOAN CLyDE PARAfINA, MADEL INGLES, CHRISTOPHER REyES, RAffy ZARNATE

Columnists/Reporters

MICHAEL ALEGREVolunteer Reporter

TESS ABILA, MICHELLE OSERAMarketing Managers

ATTy. REy OLIVER S. ALEJANDRINO

ATTy. RAMON RODOLfO R. ZABELLA JR.Legal Consultants

ANG DIARyO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa no. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City,

Tel. No. (042) 710-3979, Email: [email protected]

DTI Cert. No. 01477125

Hindi na dapat siya nag-uurong-sulong pa sapagkat ang isyu sa “misused” ng pork barrel ay parang cancer nang kumakalat sa bansang ito. Matagal nang nalulustay ang pera ng taumbayan at sa kabila niyan patuloy pa ring isinasama sa budget taun-taon.

Malinaw na nais lang ni Aquino na payapain ang malawakang protestang inilunsad laban sa pork

barrel . kahit nabulgar na ang ginawang kabulastugan ng negosyanteng si Janet Napoles sa pork barrel ng mga kongresista sa pamamagitan ng pekeng NGOs, isinama pa rin ito sa 2014 budget. Nakakadismaya.

Dapat agad nagpasya ang Presidente na alisin na ito. Dapat inatasan niya ang Department of Budget and Management na huwag nang isama sa allocation, pero sa kamalas-malasan ay hindi naman ito ginawa ng mamang kalbo.

kaya malinaw pa sa sikat ng araw na ang nabago lamang ay ang pangalan. Wala na ngang PDAf pero naroon pa rin ang pork. Pinakalma lang ng Presidente ang kalooban ng mamamayan nang sabihin niyang “panahon na para buwagin ang PDAf’’, pero hindi na maaaring lansihin ang mamamayan sa kasalukuyan. Tama na ang “pagsamba” sa pork barrel. Panahon na para ito alisin. Panahon na para ibasura.

Nitong nakaraang linggo ay nagtipon ang maraming tao sa Luneta para ipakita ang kanilang pagnanais na ibasura nang tuluyan ang pork barrel ng mga mambabatas.

Ang panawagan: pag-abolish sa “pork barrel” na pinag-uugatan ng kurapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan ng pangkaniwang Juan at Juana dela Cruzes.

Bawat taon, may P70 milyon na alokasyon ang mga kongresista, habang P200 milyon naman sa mga senador.

Sa ginawang pahayag ng Pangulo, maraming mga “miron” ang “nga-nga” at inis sa Pangulo. Bakit kanyo, ay sadyang “pangalan” lang ang binuwag niya sapagkat meron pa ring pork barrel. Long-overhaul lang ang sistema sa pagbibigay ng pondo. Wala na raw ang non-government organizations (NGOs). Hindi na raw magka karoon ng deal ang mga mambabatas at NGOs. Aayusin daw ang pamamahagi ng pondo para sa constituents. Magiging transparent na raw ang mga transaksiyon.

Maraming nadismaya sa ginawa ng Presidente na taliwas sa lagi niyang sinasabi sa kanyang mga talumpati na ang mamamayan ang kanyang “boss”’. kung ang mamamayan ang kanyang “boss’’ dapat pinapakinggan niya ang kahilingan nang marami na alisin o ibasura ang pork barrel.

eDiToryAl

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Slip of the tongueSa bibig nahuhuli ang isda.Nang tawaging “Mam” ni DILG Secretary Mar

Roxas si Janet Napoles, taas kaagad ang kilay ng ilang mga miron. I, like most, if not, all of us--never address anyone Sir or Ma’am unless he or she has influence over somebody’s income or is “somebody” to me. If he is overly courteous to address everyone Sir or Ma’am, the sudden shift from “Ma’am” to “Miss” is indeed unnecessary and can lead to a malicious conclusion.

LOL. His subconscious just gave him away indeed. Hehe..Huli ka, balbon!

***

Sadya namang ang Pinoy, lalo kung “budget” ang pinag-uusapan, ay likas na reklamador. Mantakin mo kasing ikaw na pangkaraniwang Juana dela Cruz, working girl baga naman, kaltasan ng katakut-takot na withholding tax, na mapupunta lang sa bulsa ng

mga taong kagaya ni Janet Napoles?FYI mga kapatid, ang pork barrel ay isang “lump-

sum” budget na ibinibigay sa presidente at mga mambabatas taon-taon at malaya nilang nailalaan kung saan nila gustong gastahin. May 200M ang bawat senador, samantalang 70M naman ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan. Maaaring hindi sila ang humahawak ng pondo subalit sila ang nasusunod kung ano ang mga proyekto na dapat puntahan ng mga pondong ito.

Ayon pa sa research ng inyong lingkod, aabot sa P27 bilyon ang matatanggap ng lahat ng mga

senador at kongresista sa budget sa taong 2014.Huwaw! Tila nga naman mahirap paniwalaan

na ang mga perang ito ay talagang maibubuhos sa serbisyong pampubliko. Malinaw pa sa sikat ng araw na ito ay bunga ng samu’t-saring estilo ng mga pulitiko at mga kakuntsaba nilang mga contractor upang nakawin ang pera ng bayan.

Sa maraming pagkakaton, halos lahat ng nakalaang pondo ay napupunta sa bulsa ng mga pulitiko (80 porsyento), samantalang 20 porsyento lamang ang napupunta sa proyekto. Huwag na tayong magtaka na kung hindi “overpriced” ay “substandard” ang pagkakagawa ng maraming public infrastructure projects.

Ang isang matinding problema ay nangangailangan ng matinding solusyon. Ang pork barrel ay hindi nakatuon sa pagpapaunlad ng bayan kundi sa pagbili ng suporta ng taumbayan. Ugatin natin ang problema. Kung walang pork barrel, walang sistemang aabusuhin. Abolish pork barrel now!

www.bulatlat.com

ilustrasyon ni Tilde Acuña

Relief ops present...Ireporma o ibasura?

AlimpuyoNi Criselda Cabangon

from page 2create homes or to sustain them for a lifetime, we know that we have helped them in what was possibly their darkest hours,” he said.

For a week, the Serve the People Brigade has gathered the support of more than 200 volunteers and more than 300 donors from all walks of life. It has given help to four barangays and 500 families within Bay and Los Baños towns in Laguna, and aims to spread their reach until Cavite, the most hardly-hit province in Southern Tagalog as per current records.

“However, we won’t stop here. With trillions of pesos at his helm, President Aquino has the capital to end all social problems in a short period of time; but he has retained the corrupt practices of the past administrations, thereby nullifying potentials for

social change. It has been clear, therefore, that the masses are the true heroes,” Alub explained.

Alub then called on the people to voice out their concerns by joining the event at Luneta on August 26, in calling for the total abolition of the pork barrel, including the proposed reforms to the congressional PDAF and the Presidential Social Fund.

“It is time to claim what is truly ours,” Alub exclaimed. Contributed by UPLB Serve the People Brigade*

*The UPLB Serve the People Brigade is an alliance of student formations aimed to reach out to victims of natural or man-made calamities. Established in the 1970s, it has since expanded its reach to the region-wide Serve the People Corps

Page 5: Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

ANG DIARYO NATIN 5setyembre 2 - setyembre 8, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

eDisyoNmulA sA piA

Ni Lito Giron

Mutya ng Quezon-TurismoWalong taon na pala ang nakalipas

matapos i lunsad ang 1996 Mutya ng Quezon Turismo na pinalunan ni Marianne Obena ng Tayabas, Quezon noon.

Nagsimula ang konsepto sa pagkakaroon ng Mutya ng Quezon-Turismo sa isang kwentuhan sa loob ng conference room ng SM City Lucena sa pagi tan nina Li l ibeth Azores , publ ic re la t ion manager ng SM City, Jet Claveria , publ isher ng Eye Watch at isang ‘miron’ .

Simula noon hanggang ngayon, tuwing Agosto ay ginaganap ang taunang pagpi l i ng Mutya ng Quezon-Turismo.

Ngayong 2013, ginanap noong Agosto 25 ang 8th Mutya ng Quezon Turismo sa SM City Lucena na di to ay kinoronahan na reyna s i Ma. Ahtisa Manalo ng Candelar ia , Quezon.

Bagama’t walang masyadong nakukuhang suporta mula sa lokal na pamahalaan, ang taunang pat impalak na i to ay patuloy na ginaganap sa tulong ng ibang ahensya at business es tabl ishments .

Hangad ng organizer ni to na makakuha ng suporta mula sa lokal na pamahalaan

upang higi t na mapayabong ang adhikain ng pat impalak na i to .

Salamat sa mga grupo at tao na tumutulong na walang hinihinging kapal i t tu lad nina Ms. Mignon Tan at ng mass communicat ion students ng Calayan Educat ional Foundat ion, Inc. (CEFI) na s i la ang humahawak ng produksiyon sa loob din ng maraming taon.

Nariyan din ang designer na s i Mr. Jojo Alidio ng Candelar ia , Quezon, na s iyang nagpapahiram ng mga long gowns, casual dress at shorts na is inusuot ng mga kandidata .

Salamat din kay Li l ibeth Azores a t sa SM City na sa bawat taon ay l ibreng pinapagamit ang Event Center ng SM City Lucena. Si Edgar Yap na s iyang candidate’s coordinator

sa mahigi t na pi tong taon.Sa taong i to ng pat impalak maraming

bago at dat ihang kaki la la ang nagbigay ng suporta sa pageant . Nariyan ang grupo ng mga photographers a t videographers na s ina Enzo Panganiban, Rhet Pasupi l a t Jhe Mercado. Si Janet Buelo, na palaging nagiging host ng ‘Mutya’ na nagbigay ng korona para sa mga winners . Ngayon taon ay sumuporta ang Department of Tourism (DOT)-Region IVA.

Bagong discovery ng Mutya ng Quezon-Turismo si JC Constant ino ng provincial tourism off ice bi lang ‘host’ . Firs t t ime niyang mag host ng isang beauty contest pero naki taan na s iya ng gal ing sa pag-ho-host a t t iyak ko na i to ang nag-open ng bagong career ni JC sa ‘host ing’ .

Bagama’t mahirap humawak ng gani tong ur i ng pat impalak, saludo kami sa ta tag ni Jet Claveria na ipagpatuloy ang pat impalak na i to sa kabi la ng mahirap na pagkuha ng mga sponsors .

Minimithi ng organizers ng Mutya ng Quezon-Turismo na sa mga susunod na taon ng pat impalak, nawa’y maraming mabubuting tao ang sumuporta di to upang higi t na maitaguyod ang kagandahan ng at ing la lawigan.

12-anyos, tinangkang papakin ng bading,

arestadoM A U B A N ,

QUEZON - Kulungan ang binagsakan ng isang binabae makaraang tangkain nitong papakin ang isang 12-anyos na batang lalaki sa Brgy. Poblacion nitong nakaraang linggo.

Ang biktima ay itinago sa pangalang “Junjun” (hindi tunay na pangalan), residente ng nasabing bayan. Arestado naman ang binabaeng kinilalang si Fernando Guisihan Cortez, 34, negosyante at tubong-Dimasalang, Masbate at pansamantalang

naninirahan sa Brgy. Sta.Rosa, Mulanay, Quezon.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa, galing si Junjun sa kanyang kaklase ng mga oras na iyon at pauwi na ito sa kanilang bahay nang masalubong ang suspek sa isang makipot na eskinita.

Bigla umano siyang tinutukan ng patalim sa kaliwang balikat at tinakot na papatayin pag may nakaalam sa kanilang gagawin. Agad na niyakap ng suspek ang biktima, hinalikan sa labi at hinimas ang kanyang

sandata.Dahil sa takot ng bata

ay bigla itong kumalas sa pagkakayakap ng manyakis na binabae at nagtatakbo ito. Siya namang pagdating ng mga barangay tanod at isinumbong ni “Junjun” ang mga pangyayari na nagresulta ng pagkakaaresto sa suspek.

Detinido ngayon sa lock-up jail ng Mauban PNP ang suspek at sinampahan na ng kasong Acts of Lasciviousness at Grave Treats for Violation of RA 7610. Raffy Sarnate

Mahigit 1-libo sako ng salt fertilizer, ipinamahagi ng PCA sa mga magniniyog sa Lucena

LUCENA CITY – Tinatayang aabot sa 1,008 sako ng salt fertilizer ang ipinamahagi ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng PCA-KAANIB Program kahapon ng umaga. Masayang tinanggap ng mahigit sa 137 magsasaka sa lungsod ang mga naturang pataba kung saan ang pamamahagi ay pinangunahan mismo ni Mayor Dondon Alcala.

Dumalo din sa okasyong ito sina PCA – Quezon I Manager Ronaldo Rosales at Jovelito Edan, ang Acting Senior Agriculturist ng

naturang tanggapan.Ayon kay Mr.

Rosales, masaya sila sapagkat sa ngayon ay napagtutuunan na rin ng pansin ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka ng niyog sa lungsod ng Lucena. Hindi aniya tulad noong nakaraang panahon na pawang mga magsasaka lamang ng palay.

Sinabi naman ni Mr. Edan, na sa lungsod ng Lucena ay mayroong 2 site ng programa, kung saan ang mga beneficiaries ay nakakatanggap ng ayuda para sa tulong pangkabuhayan, mga seedlings at livestock.

Masayang-masaya naman ang mga magsasaka na tumanggap ng tulong sapagkat malaking bagay umano ito para sa alternatibo nilang pagkakataan, habang ang mga salt fertilizer na ipinamahagi ng PCA ay malaking tulong sa mga pananim na puno ng niyog.

Sa Lucena, aabot sa 7-ektarya pa ng mga niyugan ang p i n a k i k i n a b a n g a n at ito ang sinisikap ngayon na mapayabong sa pamamagitan ng pagtulong sa mga coconut farmers. Contributed by QPIO

Bakit kay PNoy Sumuko si Janet Lim NapolesMadami ang nagtatanong at nagtataka kung

bakit kailangang mismong kay Pangulong PNoy sumuko ang nagtatago sa batas na si Napoles, at papanu ba humantong sa Malakanyang ang sikat na fugitive?

Miyerkules ng gabi ng August 28 makaraang mabalitan ni Secretary Lacierda na may planong sumuko si Napoles ay kaagad na tinawagan nito ang Abugado ng akusado na si Atty Lorna Kapunan. Si Atty. Kapunan ay dating kasamahan ni Sec Lacierda sa law office ni dating Senador Raul Roco. Sa paguusap ng da,awa, kinumpirma ni Kapunan na gusto na ngang sumuko ni Napoles, subalit ang gusto nito ay mismong sa Pangulo lamang sumuko dahilan sa mga pagbabanta sa kamyang buhay. Ipinasiya ng mga ito sa magkita sa sementeryo ng Heritage Park noong gabi ding iyon, dakong alas Nuebe na.

Alas nuebe y medya, tinawagan ni Lacierda sa telepono ang Pangulo at makaraang makapagusap ng may sampung minuto ay nagtungi na ang mga ito sa Malakanyang kasama ni Napoles ang isang alalay na siyang taga bitbit nito ng kanyang mga kagamitan. Dumaan ang mga ito sa security check sa gate ng Malakanyang bago pa makapasok at makaraan ang madaling paguusap ay pinatawagab

ng Pangulo sina DILG Secretar Mar Roxas at PNP Chief Director General Alan Purisima. Wanted si Napoles dahilan sa kasong illegal detention kay Benhur Luy at walang nakatakdang piyansa para dito. Wla pa ding naiisampang kaso laban kay Napoles na may kinalaman sa diumano ay hindi maipaliwanag na 10 bilyong pisong Pork Barrel fund. Ang pagsuko ni Napoles ay naganap may ilang oras lamang makaraang i announce ng Pangulo na may nakalaang 10. Milyong piso para sa ikadarakip nito.

“Inihatid” pa umano ng Pangulo si Napoles at Atty Kapunan sa Kampo Crame kasama sina DILG Secretary Mar Roxas at PNP Chief Alan Purisima.

Makaraan ang necessary proceedings at kaukulang Medical Examination ay inilipat din ang

akusado sa Makati City jail hindi sa ordinaryong kulungan kundi sa isang air conditioned na kuarto bago tuluyang dalhin sa lugar na pinagdalhan kina dating Pangulong Erap at Nur Misuari, sa Fort Sto Domingo, sa Sta Rosa, Laguna na fully furnished at air conditioned pa rin.

Maraming mga katanungan ang ating mga kababayan at umaalma ang samahan ng mga whistle blowers sa bansa, bakit itinuturing na special si Napoles na itinuturong mastermind ng Sampung Milyong Pisong Pork Barrel Fund?

PAPANO NAKILALA AT SUMIKAT SI JANET LIM NAPOLES?

Sa pakikihalubilo sa mga matataas na opisyal ng militar natutunan ni Napoles ang pagkita ng pera mula sa gobyerno may 15 taon na ang nakakaraan. Sa pagiging malapit sa mga opisyal ng militar, nakuha nito ang isang malaking deal na mag su spply ng Kevlar Helmet sa Philippine Marines sa halagang 3.8 milyong piso. Nagkarun ng malaking question sa delivery nito at nakarating ang kaso sa Sandiganbayan. Taong 2010 naparusahan ang ilang opisyal ng militar at ilang sibilyan dahil dito at himalang nakaligtas si Napoles sa desisyong ngayon

ANo BA yAN!!!Ni Johnny Glorioso

SUNDAN SA PAHINA 6

Page 6: Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

ANG DIARYO NATIN6 setyembre 2 - setyembre 8, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

REPUBLIC OF THE PHILIPPINESREGIONAL TRIAL COURTFOURTH JUDICIAL REGIONOFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFFLucena City NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALEE.J. CASE NO. 2013-180Upon petition for extra-judicial foreclosure sale of real estate mortgage under Act 3135 as amended by Act 4118, filed by SANGLAAN NG BAYAN, represented by its Branch Manager ALAN ZURBANO, with address at 2nd Floor Prestige Building, Quezon Avenue corner Evangelista St., Lucena City against Mortgagor/s SPOUSES DANILO ALIDO ODIAS and NELITA D. SOL with address at #139 Ibabang Iyam, Lucena City, to satisfy the mortgage indebtedness in the amount of TWO MILLION EIGHT HUNDRED EIGHTY THOUSAND PESOS (Php 2,880,000.00), Philippine Currency, as outstanding obligation inclusive of principal and interest claimed per statement of account as of July 31, 2013, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on October 7, 2013 at 10:00 o’clock in the morning, at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff of Quezon, Regional Trial Court Building, Lucena City, to the highest bidder,

for cash or manager’s check and in Philippine Currency, the following property/ies with all improvements thereon: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-67826“A parcel of land (Lot 2163-A-1-A-1-A-1-C, of the subdivision plan (LRC) Psd-134914, being a portion of Lot 263-A-1-A-1-A-1-C, Psd-11959, LRC Cad. Rec. No. 220), situated in the Barrio of Iyam, City of Lucena, Island of Luzon. Bounded on the NE., and N., points 2 to 4 by Provincial Road (15.00 m. wide); on the E., points 4 to 5 by Lot 2162-A-1-A-1-A-1-B, Psd-11959; and on the SW., points 1 to 2 by Creek (4.00 m. wide). x x x containing an area of ONE HUNDRED SEVEN (107) SQUARE METERS.”All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date.In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on October 14, 2013 (same time) without further notice.

Lucena City, Philippines, August 13, 2013.

(Sgd) JOEL S. DALIDA Sheriff-in-Charge (Sgd) TRISTAN JIFF B. CLEDERAOIC-Clerk of Court andEx-Officio Provincial Sheriff

CSWDO, nagsagawa ng round-up sa mga batang lansangan sa LucenaLUCENA CITY -

Nagsagawa kahapon ng umaga ang tanggpan ng City Social Welfare and Development Office (CWSDO) ng round-up

operation hinggil sa mga batang lansangan sa lungsod.

Sa nabanggit na operasyon, limang kabataan ang kanilang

nasagip sa lansangan..Ang mga batang

ito ay nagmula pa sa mga barangay ng Cotta, Marketview, Dalahican, Ibabang Talim at

Malicboy.Matapos na masagip

ang mga bata ay agad itong dinala sa Reception and Action Center sa Zaballero Subdivision kung saan ay pinakain ang mga ito, binigyan ng mga damit, ginupitan ang buhok at mga kuko at pinaligo.

Ayon kay Mrs. Ma. Rosario Ebron, ang facilitator ng RAC, pansamantalang maninirahan ang mga nasabing kabataang ito sa kanilang pasilidad habang nakikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa mga magulang ng mga ito at mapauwi na sa kanilang tahanan. Ronald Lim

Hand tractor, ipinagkaloob ng tanggapan ni Mayor Alcala sa Brgy. Mayao CastilloLUCENA CITY

– Isang hand tractor ang personal na ipinagkaloob ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa kinatawan ng Barangay Mayao Castillo kamakailan.

Ang hand tractor na ito ay isa lamang sa mga kahilingang nakararating sa tanggapan ni Mayor Dondon Alcala na agarang napagbigyan ng alkalde.

Bukod sa nabanggit na kagamitan, matatandaang una nang nakapagbigay si Mayor Alcala ng mga knapsack sprayer sa barangay Silangang

Mayao na siyang malaki ang maitutulong sa mga magsasaka dito.

Humihingi naman ng pasensya ang punong-lungsod sa ilang mga magsasaka na humihiling rin ng mga farm equipments sa kanilang tanggapan na hindi agad mabigyan dahil sa hinihintay pa niya ang karagdagang pondo na ilalaan para sa sector ng pagsasaka sa Lucena.

Kasamang nagbigay ng hand tractor ni Mayor Dondon Alcala ang hepe ng City General Services Office na si Engineer Delfin Ilao.

Alcala, nagbigay ng tulong pinansyal sa grupo ng PISTOL

Nagbigay ng tulong pinansyal si Lucena City Mayor Dondon Alcala sa grupo ng PISTOL sa isinagawang pagpupulong ng mga transport sector sa Premier Cuisine noong nakaraang biyernes ng umaga.

Ang nabanggit na tulong pinansyal, na nagkakahalaga ng P10, 000 piso, ay bilang pambayad ng grupo para sa accreditation ng mga ito sa Security and Exchange Commission na

hindi nabayaran sa loob ng sampung taon.

Ayon kay PISTOL President Freddie Bravo, kakulangan sa pondo ang naging dahilan kung bakit inabot ng sampung taon na hindi sila nakapagbayad sa SEC.

Ngayon pa lamang aniya sila magsisimulang magpatupad ng monthly dues para mabayaran ang nasabing penalty dito.

Lubos naman ang pasasalamat ni Bravo kay Mayor Dondon Alcala sa pagbibigay nito ng tulong sa kanilang samahan. PIO Lucena

ay kumukuestiyon sa Huwes na nagbaba ng hatol. Si Napoles ang napatunayang siyang nag encash ng tseke na nagkakahalaga ng tatlong milyon at walong daang libong piso.

Hindi signatory si Napoles sa deal na ito, subalit ginamit nito ang kanyang biyenan, kapatid at mga bayaw sa pagtatayo ng mga kumpanyang lumahok sa bidding. Kasama din dito ang militar na asawa subalit hindi din ito naparusahan.

Ang kabuuang halaga ng transaction ay umabot sa 3.8 milyong piso at mangangailangan ito ng lagda ng Amed Forces Chief of Staff. At upang hindi na ito dumaan dito , hinati ang transaksiyon sa 14 at nagisyu ng 14 na tseke na nagkakahalaga bawat isa ng P293,763.56 at dahil dito, tanging ang Commander na lang ng Philippine Marines ang pipirma at hindi na ang Chief of Staff ng Armed Forces.

Kahit walang delivery ng Kevlar helmets natanggap ni Napoles ang Full payment na 14 na tseke at naencash ito sa pamamagitan ng kanyang account sa Security Bank sa Pasong Tamo, Makati Branch noong January 7, 1999. Buwan ng October ng taon ding iyon ng mabuko na wala pang nagaganap na delivery kung kayat kaagad nagkarun ng partial delivery na 201 helmets at ang kabuuan ay nadeliver ng taong 2000. Ang masakit nito, ang mga helmet ay hindi U.S. Made tulad ng specifications kundi

Taiwan made at syempre pa ay mahinang klase.Makaraan ang siyam na taon, o noong October

28, 2010 napatunayan ng korte ang maanomaliyang transaksiyon at naparusahan ang kapatid ni Janet Napoles na si Reynado Luy-Lim, ang hipag na si Ana Marie Dulgime at ilang opisyal ng Marines sa kasong falsification of public documents. Ang magasawang Napoles, nakalibre, courtesy of Sandiganbayan Judge na ngayon ay nabuko na kung sino.

Subalit hindi dito natapos amg lahat, ang magasawang Reynaldo at Ana Marie ay hindi nakulong kahit isang minuto. Humingi ng probation ang mga ito sa katwirang hindi sila mga hardened criminals at hiniling sa Samdiganbayan 4th division Judge Gregory Ong na bigyan sila ng second chance to maintain their place in society thru proper reformation sa katwirang sila ay mga first time offenders. The Court granted their petition, noong January 21, 2013

Diyan nagpasimulang mamayagpag si Napoles, sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa mga big shots at pakikisalamuha sa mga ito, naakyat ng magasawang Napoles ang kanilang kinalalagyan sa kasalukuyan sa pamamagitan ng mga perang mula sa kabang yaman na pinaghirapan ng bawat isang mamamayang Pilipino.

ANo BA yAN!!!Ni Johnny Glorioso

...mula sa pahina 5

Page 7: Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

ANG DIARYO NATIN 7setyembre 2 - setyembre 8, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

PIROUETTE GAMING CORPORATION Daily Draw Results

Phi l ippineChari tySweepstakesOff ice

Saturday | August 24

Sunday | August 25

Monday | August 26

Tuesday | August 27

Wednesday | Aug 28

Thursday | August 29

Friday | August 30

Morning Afternoon EveningDay | Date

33x17 17x37 28x9

27x34 31x34 4x14

36x20 21x22 15x4

31x19 6x19 5x15

21x2 33x29 17x22

38x26 4x15 38x16

9x8 1x13 7x6

Sa kabila ng pagdagsa ng mga mamimili ng NFA rice sa mga Outlet nito sa Lucena Public Market, tinitiyak ni NFA-Quezon Provincial Manager Nestor C. Balina na nanatiling nasa ceiling price nito ang lokal na producto sa halagang P 26/27,32 sa bawat kilo.S a panayam ng ADN, binanggit ni Balina na palagian niyang inaatasan ang mga bumubuo ng “Palengke watch” na siguruhing wnalang NFA rice Retailers outlet ang magtataas ng presyo katulad ng Commercial Rice na tumataas ang halaga ngayon. Raffy Sarnate/Tony Sandoval

QUEZON ISUSULONG...

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa

Lungsod ng TayabasTAYABAS CITY -

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang tadtad ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa Brgy. Mateuna. Ayon sa mga pulis, isang tawag sa talepono ang kanilang tinanggap hinggil sa naturang bangkay na nasa gilid na National Road.

Nakasuot umano ang biktima ng puting

t-shirt na may nakasulat na “Joker Worldwide” naka gray na short pants, purple ball cap at grey Merrel shoes. May taas na 5’6” ito, maikli ang kulot na buhok, “medium built at fair” ang complexion. Tadtad umano ito ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinasawi.

Ayon sa ilang testigo, ang mga suspek ay tumakas

sakay ng isang motorsiklo patungo sa direksiyon ng bayan ng Pagbilao. Apat na basyo at dalawang live na bala ng kalibre 45 ang natagpuan ng mga pulis sa ligar na pinangyarihan ng krimen. Dinala na sa isang punenarya ang labi ng biktima habang iniimbestigahan pa rin ng mga pulis ang naturang insidente. Johnny Glorioso

kapwa high-value species na bihirang matagpuan sa bansa.

Tiniyak naman ni Wesley Rosario, hepe ng BFAR Integrated Fisheries Technology Development Center, ang pagtutok ng suporta ng pamahalaan para sa proyekto.

N a n i n i w a l a s i Rosario na malaki ang posibilidad na umunlad

ang cage f i sh ing sa lalawigan dahil malapit ito sa Metro Manila na siyang sentrong pamilihan ng mga matataas na uri ng isda, kumpara sa Dagupan at Davao na mas mataas ang presyo dahil malaki ang gastos sa transportasyon.

Samantala, patuloy naman ang pamamahagi ng tanggapan ni Gov. David Suarez at ng Provincial

Agriculturist Office ng mga libreng fish cages.

Ay o n k a y PA O Roberto Gajo, aabot na sa 70 cages ang kanilang naipamahagi sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan. Bukod pa rito ang mga itinayong fish cages ng BFAR sa mga bayan ng Tagkawayan, Perez, at Padre Burgos, Quezon. With reports from QPIO

mula sa pahina 2

Tricycle driver, patay sa riding-

in-tandemCANDELARIA,

QUEZON - Papauwi na sana sa kanilang bahay sa Brgy. Masin, ng biktimang si Noelito del Rosario, 43 anyos, sakay ng kanyang tricycle nang biglang sumulpot mula sa gawing likuran ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Isang beses na nagpa-putok ang mga suspek na tumama sa likurang bahagi ng ulo ng biktima na ikinasawi nito agad. Nagawa pa ng kapatid ng biktima na maisugod ito sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival. Mabilis namang nakatakas ang riding-in-tandem patungo sa direksiyon ng

Maharlika highway.Isang basyo mula

sa kalibre 45 baril ang narekober ng mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril. Dinala na ito sa PNP Crime Laboratory upang masuri kasabay ng paglalagay ng dragnet subalit bigo ding madakip ang mga suspek. Johnny Glorioso

Page 8: Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

ANG DIARYO NATIN8 setyembre 2 - setyembre 8, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

ADN Taon 12, Blg. 491DIARYO NATIN

Agosto 19 - Agosto 25, 2013

ANG

Mga taga-Quezon, nagsagawa ng rally sa Lungsod ng Lucena

LUCENA CITY - Nakiisa ang ilang progresibong grupo sa Quezon sa isinagawang “Million March” para alisin ang PDAF. Sa pamamagitan ni German Mercado, conveyor ng grupo, nagtipun-tipon sa Perez Park sa Lungsod ng Lucena dakong alas-diyes ng umaga ang

mga grupo mula sa Alay Kapwa, Indigenous Tribal Council ng Quezon, Ugnayan ng Magsasaka sa Gitnang Quezon, Lakambini sa Bondoc Peninsula at Quezon Association for Rural Development.

Matigas na ipinahayag ng mga ito ang mahigpit na pagtutol

sa pagpapalabas ng pondo ng pork barrel, ang kaukulang imbestigasyon at ang pagbibigay ng kaukulang kaparusahan sa mga opisyal na m a p a p a t u n a y a n g nagkasala. Binatikos din ng grupo ang ginagawa ng pamahalaan sa pagbawi sa naipamigay na CLOA o Certificate of Land

Ownership, ang putol-putol na mga isinagawang barangay roads.

Dumalo din sa naturang okasyon si Joey de los reyes, isang guro sa UST na siyang sumulat ng “Dear Janet” na nagtrending ng husto sa social media. Ayon sa mga ralyista, karamihan sa kanilang mga kasamahan ay dumiretso sa Luneta at doon lumahok sa isinagawang pagkilos. Johnny Glorioso

CALABARZON’s most wanted arrested after 20 yrs

LUCENA CITY - After almost 20 years of hiding, the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Quezon finally arrested a double murder suspect listed as CALABARZON’s 14th

most wanted felon.C I D G - Q u e z o n

head Chief Insp. Alvin Consolacion identified the arrested suspect as farmer Sonny Ocfemia, 59, native of Bgy. Dalupacon, Pasacao, Camarines Sur, and currently residing in Bgy. Sta. Catalina, Atimonan, Quezon.

He said the suspect is among the 10 most wanted felons of Quezon and has

a Php90,000 bounty for his capture.

In his report to CIDG-Calabarzon head Senior Supt. Felipe Natividad, Consolacion said Ocfemia went into hiding after hacking to death Antonio Asaldo and Rogelio Mirandillo in Bgy. San Luis, Guinayangan, Que-zon, on June 15, 1994.

Consolacion said the arrest was carried out on the strength of warrant issued by Judge Rodolfo Garduque, of Calauag Regional Trial Court Branch 63, with no bail recommended.

He said Ocfemia was farming when they accosted him. He said the

suspect did not resist but insisted that he was not the subject person in the arrest warrant.

“The incident hap-pened almost 20 years ago, so it’s but normal for the suspect to make a denial,” he said.

Ocfemia will be turned over to the Quezon Provincial Jail after submitting him to the Calauag RTC for issuance of a commitment order.

Consolacion said the suspect’s arrest was the result of intensified Oplan Pagtugis, one of the flagship projects of CIDG Director Francisco Uyami. Contributed by Gemi Formaran

Suspect Sonny Ocfemia with CIDG-Quezon head, Chief Insp. Alvin Consolacion shortly after his arrest. Photo by Gemi Formaran

Masterlist ng mga plate number ng bawat miyembro ng transport sector, hiniling ng TMCLLUCENA CITY –

Hiniling ng pamunuaan ng Traffic Mangement Council of Lucena o TMCL, sa pamumuno ni Mr. Arnel Avila, ang masterlist ng plate number ng mga miyembro ng bawat transport sector sa lungsod ng Lucena.

Ayon kay Mr. Avila, ito ay upang maditermina kung sino ang tunay

na mga miyembro ng isang samahan at ang mga kolorum dahil sa dumaraming mga pumapasadang jeepney sa lungsod.

Isa rin itong paraan aniya upang agarang madisiplina ang mga driver na lumalabag sa mga batas trapiko.

Ayon naman kay PISTOL President Freddie Bravo, malapit ng ilabas

ng Land Transportation Office ang mga bagong plaka para sa mga PUJ kung saan nakalagay dito ang ruta ng kanilang pinapasadahan.

Dagdag pa ni Bravo, agad nilang ibibigay ang hinihingi ng TMCL Action Officer sakaling lumabas na ito upang maisaayos ang pamamasada sa kanilang hanay. Contributed by PIO Lucena

Lalaki, patay sa saksak ng

kainuman sa Lungsod ng Lucena

LUCENA CITY - Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang lalaki makaraang saksakin ito ng kaniyang kainuman nitong naka-raang linggo.

Kinilala ng Lucena City police ang biktimang si Gerry Magpantay Lerum, 37 anyos, habang nakilala naman ang suspek na si Dennis Reyes Rioveros, 32 anyos, kapwa-residente ng Purok Bagong Buhay, Brgy. Ibabang Talim sa nasabing lungsod.

Base sa imbesti-gasyon, nagkakainuman

ang biktima at ang suspek nang sa biglang magtalo ang mga ito. Dahil na rin sa sobrang kalasingan, nauwi ang pagtatalo ng dalawa sa pananaksak ni Rioveros kay Lerum.

Nagtamo ng saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na agad isinugod sa ospital ng kaniyang mga kaanak ngunit idineklara na itong patay.

Kasalukuyan naman ngayong nagsasagawa ang mga awtoridad ng manhunt operation para sa pagkadarakip ng suspek. Ronald Lim

Wanted na magnanakaw, natimbog sa lungsod

ng LucenaLUCENA CITY

- Matapos ang halos limang-taong pagtatago sa batas, natiklo ng mga awtoridad ang wanted na magnanakaw sa Lungsod ng Lucena nitong nakaraaang linggo.

Nakilala ang wanted person na si Ronald Valerio alyas “Balut,” 27 anyos at residente ng Graceland Subd., Bliss, Mayao Crossing sa naturang lungsod.

ayon sa ulat ng Lucena City Police, nadakip nina SPO2 Tobias Carreon, SPO1 Norman Ayala, SPO1 Adonis Loterte, at PO3 Ariel Cartago, si alyas Balut pasado alas kwatro ng hapon sa tahanan nito.

Nasakote si Valerio dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Dinah Evangeline Belulia-Bandong dahil sa kasong Robbery.

Matatandaang noong Agosto ng taong 2008

ay pwersahang pinasok ng wanted person at ng kasamahan nito ang Motorwheels Inc.-Lucena City Branch at tinangay ang mga piyesa ng motor na nagkakahalaga ng mahigit sa P277, 000 piso.

K a s a l u k u y a n ngayong nakaditine ang suspek sa Lucena City lock-up jail matapos na hindi makapaglagak ng kaukulang piyansa. Ronald Lim