76
unang Edition - 2016 Department of Domestic Labour ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG MANGGAGAWA KUWAIT SOCIETY FOR HUMAN RIGHTS

ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

unang Edition - 2016

Department of Domestic Labour

ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG MANGGAGAWA

KUWAIT SOCIETY FOR

HUMAN RIGHTS

Page 2: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16
Page 3: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

kanyang kamahalan SheikhSabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah

Amir ng estado ng KuwaitGod Save him and Protect him

Page 4: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16
Page 5: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kanyang Kamahalan SheikhNawaf Al-Ahmad Al-Jaber - Al-Sabah

Ang Crown PrinceGod save Him

Page 6: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16
Page 7: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kanyang Kamahalan SheikhJaber Al-Mubarak Al-Hamad Al-Sabah

Punong MinistroGod save Him

Page 8: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16
Page 9: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kanyang Kamahalan Deputy Prime Minister at Panloob na Ministro SheikhMuhammad Khaled Al-Hamad Al-Sabah

God save Him

Page 10: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

10

Page 11: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

UNANG KABANATA

Mga PangunahingKondisyon

11

Page 12: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Sa batas na ito, ang mga sumusunod na mga pananalita at ekspresyon ay magkakaroon ng parehong kahulugan sa magkasunod na mga salita.1. Pangtahanang Manggagawa: ay maaaring lalaki o babae na itinalaga sa gawaing pangtahanan sa loob ng pribadong pamamahay (at magkapareho) sa benepisyo sa mga indibiduwal at sumusunod sa nakasulat sa kontrata.2. Amo: Ang tao na kumuha sa pangtahanang manggagawa upang magtrabaho sa kanya ayon sa nakasulat sa kontrata na ginawa ng Ministry of Interior.3. Mga opisina na napapailalim sa mga kondisyon sa batas na ito: Mga opisina na nangangalap ng mga pangtahanang manggagawana binigyan ng lisensiya ng Ministry of Interior upang makapagpatuloy sa ganitong serbisyo o negosyo.4. Mga Dayuhang Opisina: Mga opisina sa labas ng bansang Kuwait kung saan maaari silang makapagpadala ng mga pangtahanang manggagawana maninilbihan, nabigyan ng lisensiya upang makapagserbisyo o gawin ang negosyo ng legal sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga pangtahanang manggagawana manggagaling sa opisyal na institusyon sa nasabing bansa at iniendorso sa mga embahada ng Kuwait sa nasabing bansa.5. Department of Domestic Labour: Ay ang Departmento ng mga Pagtahanang Manggagawa sa Ministry of Interior.

12

Artikulo (1)

Page 13: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

PANGALAWANG KABANATA

Mga Kondisyon upang Mabigyan ng Lisensiya

ang mga Opisina

13

Page 14: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kinakailangan na makompleto ang sumusunod na mga kondisyon upang mabigyan at makapagrenyu ng lisensiya para sa serbisyo o negosyo na mangangalap ng mga pangtahanang manggagawa:

1) Kinakailanga na ang kukuha ng lisensiya ay isang Kuwaiti nasyunal, may magandang rekord ng moralidad at reputasyon, hindi nahatulan ng isang mabigat na kasalanan o krimen kasama ang paglabag sa integridad o karangalan, kung saan hindi sila napawalang-sala.

2) Kinakailangan na ang kukuha ng lisensiya ay may edad na hindi bababa sa trenta at hindi hihigit sa pitumpong taon na gulang.

3) Kinakailangan na mayroong hayskul na diploma, at may magandang kalusugan, upang maiwasan ang anumang inkapasidad na makapagtrabaho.

4) Kinakailangan na ang kukuha ng lisensiya ay magbibigay ng sulat bilang garantiya na manggagaling sa lokal na bangko. Ang halaga ng pera bilang garantiya ay pagdedesisyunan na manggagaling sa Ministry of Interior.

Ang mga kompanya na magnenegosyo sa pangangalap ng mga pangtahanang manggagawakung saan ang bansa o isang pangpublikong mga institusyon ay may bahagi sa puhunan ng kompanya ay maaaring mabigyan ng lisensiya. Ang kikitain ng kompanya ay hindi dapat lalagpas sa sampung porsiyento (10%) bilang balik sa puhunan ng namumuhunan. Pinapayagan ang pagbigay ng lisensiya sa kompanya na may negosyong mangangalap ng mga pangtahanang manggagawa.

Artikulo (2)

14

Page 15: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Artikulo (3)

Hindi papayagan ang pagpapangalap ng mga pangtahanag manggagawa na walang lisensiya na ini-isyu galing sa Ministry of Interior.

15

Page 16: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

PANGTATLONG KABANATA

Mga Obligasyon ng bawat Partido sa

Kontrata

16

Page 17: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa loob o labas ng Kuwait ay hindi

papayagan na humingi ng bayad sa pangtahanang manggagawa( at sa sinuman kapareha) bilang

kapalit sa pagkakaroon ng amo o ang pagpapanatili sa kasalukuyang trabaho, maaring ang hihingiin na

kabayaransa paraan na direkta o hindi. Kung mapapatunayan na may binabayaran sa paahon ng

pag proseso aymapaparusahan ang may-ari alinsunod sa PenalCode

para sa mga krimen na pangingilikil at paghingi sa mga ipinagbabawal

na mga kabayaran. Ang opisina ay hindi dapat gawin bilang

pamamahay ng mga manggagawa.

17

Unang Bahagi

Mga Obligasyon sa mga Opisina

na Mangangalap

Artikulo (4)

17

Page 18: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ipinagbabawal sa mga opisina ang pagpapahayag, pagtaguyod, pagbigay pamantayan sa mga manggagawa ayon sa pananampalataya, kasarian, kulay, o pagpapahayag sa kanila sa mga paraang magpapababa ng kanilang moral.

Artikulo (5)

18

Page 19: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kinakailangan na kontakin ng opisina na nangangalap ng mga pangtahanang manggagawa ang Department of Domestic Labour kapag ito ay nagpapadala ng sulat sumon sa opisina.

Artikulo (6)

19

Page 20: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang amo ay kinakailangan namagbigay ng sweldo para sa manggagawa na naninilbihankada buwan sa napagkasunduang sahod. Ang resibo ng pagpapadala o resibo sa naibigay na pera ay mga uri ng katibayan na ang manggagawaay nakakatanggap sa kanyang sahod.

Artikulo (7)

20

Pangalawang Bahagi

Obligasyon ng Amo

Page 21: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang buwanang sahod sa pangtahanang manggagawaay simula sa aktuwal na araw kung kailan ito nagsimulang manilbihan sa amo. Hindi papayagan sa alinmang kadahilanan ang pagbawas sa anumang bahagi ng sahod.

Artikulo (8)

21

Page 22: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kinakailangan bigyan ng amo ang pangtahanang manggagawang pagkain, damit, gamot na inumin at medical na pagpapagamot at matutuluyan.

Artikulo (9)

22

Page 23: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ipinagbabawal ang paglipat sa manggagawasa mga lugar na delikado na maaaring magdulot ng peligro sa kalusugan o maglagay nito sa kahihiyan. Ang Department of Domestic Labour ay may kapangyarihan na pakinggan ang anumang

hinaing kaugnay sa ganitong pag-uugali.

Artikulo (10)

23

Page 24: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang amo ay dapat magbigay ng tamangmatutuluyan para sa pangtahanang manggagawa

Artikulo (11)

24

Page 25: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ipinagbabawal na itago o kukunin ng amo ang mga personal na pagkakakilanlan ng manggagawatulad ng pasaporte, civil status kard, maliban na lamang kung ang manggagawaay papayag sa kasunduan.

Artikulo (12)

25

Page 26: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kinakailangan na gagawin ng pangtahanang manggagawaang ibinigay na gawain sa kanya alinsunod sa nakasulat na mga kondisyon sa kontrata.

Artikulo (13)

26

Pangatlong Bahagi

Obligasyon ng Pangtahanang Manggagawa

Page 27: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Habang nasa trabaho, ang manggagawaay dapat na sumunod sa instruksiyon at direksiyon ng amo sa ayun sa nakasaad na kondisyon sa kontrata.

Artikulo (14)

27

Page 28: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

KInakailangan na proteksyunan ng pangtahanang manggagawaang kayamanan at mga kagamitan ng amo at ipinagbabawal din ang paglantad sa mga sekreto ng amo.

Artikulo (15)

28

Page 29: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

PANG-APAT NA KABANATA

Ang Gawain at Kontrata sa

Pangtatrabaho

29

Page 30: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Sa panahon na matapos na ang kontrata sa pagitan ng pangtahanangmanggagawaat nang amo, ang amo ay dapat magbayad sa manggagawasa lahat ng mga karapatan na nakasulat sa kotrata at itinakda sa batas na ito. Ang kontrata ay maaring awtomatikong i-renyu kung alinman sa hindi ang dalawang partido (pangtahanang manggagawao amo) ay magpapahiwatig na hindi magrerenyu sa panahon na hindi bababa sa dalawang buwan bago matapos ang kontrata.

Artikulo (16)

30

Unang Bahagi

Mga Mahalagang Kondisyon sa

Kontrata

Page 31: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Obligasyon sa Nagmamay-ari ngOpisina Ang tagapagpangalap na opisina ay magbibigay kasiguraduhan na ang trabaho ng pangtahanang manggagawaay magpapatuloy sa loob ng anim na buwan. Kinakailangan maibalik ng opisina ang manggagawasa kanyang bansa at kailangan mabayaran ang amo sa magkano mang halaga ang nabayad kung alinman sa mga sumusunod na pangyayari ang maganap:1. Kung may mga pangyayari na maghahadlang sa manggagawana hindi makagawa sa kanyang tungkulin, kung saan hindi na mabigyan ng amo.2. Kung ang manggagawaay magkakasakit ng malala at ito ay makakahawa o anumang pisikal o medical na problema o problema sa pag-iisip na siyang magpapapigil sa pagtatrabaho.3. Kung ang ang amo ay hindi makapagbigay ng residence status dahil sa mga legal na mga restriksyon na ibinigay ng publikong namamahala.4. Kung ang manggagawaay tinanggal sa lista ng publikong pamamahalaan.5. Kung ang opisina ay magbibigay ng maling impormasyon tungkol sa pangtahanangmanggagawa.6. Kung ang pangtahanang manggagawaay tatanggi na magtrabaho o umalis sa trabaho ng hindi ipinapaalam kung saan pupunta.Kung ang opisina ay tatanggi na magbayad para sa pagpapabalik samanggagawadoon sa kanyang bansa o pagbayad sa mga halangang kailangan ibalik sa amo, ipagpatuloy ng Department of Domestic Labour ang isyung ito sa pamamagitan ng pagbawas sa garantiyang kasulatan na nakatakda sa Artikulo 2 nitong batas.

Artikulo (17)

31

Page 32: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Hindi pinapayagan ang mga amo na mag-arkila ng pangtahanang manggagawang walang kontratang pangangalap (bilateral o trilateral ayun sa sirkumstansya) na ini-isyu ng Department of Domestic Labour sa Ministry of Interior. Ang kontrata ay gagawin sa linggwahe ng Arabic at English at kinakailangan na kasama ang mga sumusunod na detalye:

−Pangalangngpangtahanangmanggagawanamaykompletong impormasyo tungkol sa kanya.

−Pangalangngmagigingamonamaykompletongimpormasyo tungkol sa kanya

−TagalngKontrata.−Petsakungkailanmagsimulaangtrabaho.−Angnapagkasunduangsahodatparaanng

pagsweldo.−Uriatklasengtrabahonaibibigaysamanggagawa.−Detalyadongpaglalarawansalugarna

pagtatrabahuan.

Artikulo (18)

32

Page 33: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang salitang “sweldo” ay tumutukoy sa panimulang sahod na ibabayad sa pangtahanang manggagawana nakalagay sa kontrata sa pagitan ng dalawang partido. Ang sahod ay maaaring hindi bababa sa minimum na sahod na pinagdesisyunan ng Minister of Interior.

Artikulo (19)

33

Pangalawang Bahagi

Sa Sahod

Page 34: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Obligasyon ng amo na magbayad ng sahod bawat katapusan ng buwan na napagkasunduan sa kontrata.

Artikulo (20)

34

Page 35: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ipinagbabawal ang pagkuha o pagpapatrabaho ng pangtahanang manggagawa, mapa babae o lalaki man, kung ang edad ay hindi pa umabot sa 21 na taon na gulang o higit sa 60 na taon. Ang ministro ng kakayahan ay maaring magbigay ng eksepsiyon sa kondisyon ng edad.

Artikulo (21)

35

Pangatlong Bahagi

Page 36: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

36

Page 37: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

PANGLIMANG KABANATA

Sa Mga Oras ng Pagtatrabaho at

Bakasyon

37

Page 38: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang kontratang pangagalap ay gagawin ng Department of Domestic Labour at kinakailangan na isama ang mga sumusunod na mga karapatan ng mga pangtahanang manggagawa:

1. Obligasyon ng amo na magbigay ng pagkain, matutuluyan at damit ang kanyang manggagawa, kasama ang mga medikal na pagpapagamot kung sakaling kinakailangan sa trabaho at kabayaran sa mga pinsala sa trabaho.

2. Ang oras ng trabaho ay hindi hihigit sa dose oras bawat araw at masalitan ng oras ng pahinga.

3. Ang manggagawaay may karapatan na magkaroon ng pahinga bawat linggo at bakasyon bawat taona bayad.

4. Kinakailangan na may sugnay na magsasalaysay na ang pasaporte ng manggagawaay isang personal na dokumento na kinakailangan manatili sa posisyon ng manggagawa. Ipinagbabawal na ito ay kukunin ng amo maliban na lamang kung papayagan ng katulonng ang amo na gawin ito.

5. Ang amo ang magbabayad sa transportasyon kung sakaling mamatay ang manggagawaat ipapauwi ang katawan nito sa kanyang bansa, at kinakailangan na bayaran siya sa buwan kung kailang ito pumanaw.

Artikulo (22)

38

Page 39: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

PANG-ANIM NA KABANATA

Kabayaran Matapos ang Serbisyo

39

Page 40: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang bayad matapos ang serbisyo ay paglalaanan upang maibigay pagkatapos ng kontrata.Isang buwan na sahod bawat taon ng paninilbihanang naitakdang halaga na ibibigay.

Artikulo (23)

40

Page 41: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

PANGPITONG KABANATA

Mga Multa

41

Page 42: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kung hindi nasunod ang mga kondisyon sa Artikulo 25 sa batas na ito, ang Direktor ng Department of Domestic Labour ay maaaring magbigay ng administratibong aksyon laban sa opisina ng pangtahanang manggagawakung isa sa mga pangyayari ay magaganap:

a) Kung mabigong kontakin ng opisina ang Department of Domestic Labour sa oras na mabigyan ng sumon, maliban na lamamg kung makapagbigay ito ng pruweba sa pagiging sagabal nito.

b) Kung mabigo ang opisina na magpadala ng pangtahanang manggagawasa amo sa loob ng 24 na oras maliban lamang kung makapagbigay ito ng pruweba sa pagiging sagabal nito at ipagbigay alam ito sa Department of Domestic Labour.

c) Kung mabigo ang opisina na tanggapin kaagad ang pangtahanang manggagawasa oras na dumating ito galing sa kanyang bansa o pagkahuli na walang katanggap tanggap na pagpapaalam.

d) Kung ang opisina ay makikipag-ugnayan sa mga takas na manggagawa o kung nakuha nang ibang partido.

e) Kung pinagtibay ng opisina ang kontrata na may paglabag sa porma ng kontrata na inaaprobahan ng Department of Domestic Labour.

Ang ehekutibong regulasyon na batas na ito ay magpapaliwanag sa lahat ng panukalang administratibo na gagawin. Ang panukalang ito ay dapat magbibigay ng konsiderasyon sa at tutugma sa antas ng paglabag na nagawa.

Artikulo (24)

42

Unang Bahagi

Mga Panukalang Administratibo na gagamitin laban

sa Opisina ng Pangtahanang Manggagawa

Page 43: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Mapapawalang bisa ang lisensiya sa pagpapangalap ng mga manggagawasa ilalim ng mga sumusunod na pangyayari:

1. Kung ang may-ari ay mawalan sa anumang kodisyon na kailangan upang makakuha ng lisensiya.

2. Kung ang may-ari ay makakatanggap ng anumang halaga na manggagaling sa manggagawakapalit ang pagkuha o pagpapangalap ng manggagawa.

3. Kung mapapatunayan na ang may-ari ay nakakakuha ng lisensiya sa pamamagitan ng mali o gawa-gawang mga impormasyon.

4. Pagkatapos ng lisensiya o pagwawakas ng lisensiya sa desisyon ng may-ari at pagsara o likidasyon ng opisina.

5. Kung ang lisensiya ay ipapaubaya ng may-ari sa pangatlong partido.

6. Kung ang opisina na nangangalap ng mga manggagawaay ginagawang tuluyan ng mga manggagawa.

Maaring isuspende ng Minister of Interior ang lisensiya sa loob ng tatlong buwan sa halip na bawiin ito sa alinmang pangyayaring magaganap na nabanggit sa itaas. Kung ang mga paglabag ay paulit na mangyayari, ang lisensiya ay permanenteng babawiin.

Artikulo (25)

43

Page 44: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang mga desisyon na isuspende o bawiin ang lisensiya ay maaaring i-apila bago sa Ministry of Interior sa loob ng isang buwan kung kailan ipinagbigay alam ang desisyon sa may-ari. Ang may-ari aypagsasabihan sa desisyon ng Ministo upang tanggapin o ayawan ang apila sa loob ng animnapong araw simula sa araw na ilalabas ang desisyon.

Artikulo (26)

44

Page 45: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kung mahuli sa pagbayad ng sahod ang

amo sa napagkasunduang oras, ang pangtahanang

manggagawaay may karapatan na

bibigyan ng 10 KD sa bawat

buwan na hindi nabigyan ng sahod.

Artikulo (27)

45

Pangalawang Bahagi

Mga Multa Laban sa

Amo

Page 46: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kung ang amo ay tatangging magbayad sa overtime na trabaho ng manggagawa, ang manggagawaay may karapatan na magsumite ng reklamo laban sa amo sa Department of Domestic Labour. Pagkatapos masuri ang reklamo, obligasyon ng departamento na pagpapabayarin ang amo sa makatarungang bayad na hindi bababa sa dobleng sahod ayon pinagsang-ayunan sa kontrata.

Artikulo (28)

46

Page 47: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang sinumang mangangalap ng pangtahanang manggagawana ang edad ay mababa sa 21 na taon ay mapaparusahan ng pagkakulong ng hanggang anim na buwan at kinakailangan na magbayad ng piyansa na hindi hihigit sa 500 KD, o alinman sa dalawang parusa.

Artikulo (29)

47

Page 48: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Sa oras na mapatunayan ang reklamo laban sa amo bago sa Department of Domestic Labour, walang ibibigay na entry visa sa amo sa panahunang ibibigay ng ehekutibong regulasyon sa batas na ito.

Artikulo (30)

48

Page 49: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

PANG-WALONG KABANATA

Hindi Pagkakaunawaan

49

Page 50: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang tungkol sa hindi pagkakaunawaan na mangyayari sa pagitan ng dalawang partido ng kontrata, ang Department of Domestic Labour ay may kapangyarihan na ayusin ang hindi pagkakaunawaann ayun sa paraan na isinalaysay sa naipalabas na regulasyon para sa ganitog pangyayari. Kung hindi maaayos, ang hindi pagkakaunawaan ay ipaparating sa korte.

Artikulo (31)

50

Page 51: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kung maaayos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang partido, ito ay dapat nakasulat sa kontrata at bibigyan ng kopya ang pangtahanang manggagawaat ang opisina nito at ang Department of Domestic Labour.

Artikulo (32)

51

Page 52: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang Department of Domestic Labour ay ang magbibigay ng pansamantalang karagdagang permiso sa pagtira para sa manggagawahanggang sa mabigyan ng pangwakas na desisyon ang nagrereklamo at hanggang sa mabayaran ang manggagawasa lahat ng kanyang karapatan na makukuha.

Artikulo (33)

52

Page 53: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kung ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng pangtahanang manggagawaat ang amo ay mareresolba, kinakailangan ng Department of Domestic Labour na magpalabas ng quittance certificatesapangtahanangmanggagawanamagsasalaysay na wala na siyang karagdagang karapatan na makukuha o humingi ng iba pang bayad sa:

1. Amo2. Opisina na Mangangalap

Angkopyangcertificateayibibigaysa:−Amo.−OpisinanaMangangalap.−Pangtahanangmanggagawaoang

kanyang kinatawan.

Artikulo (34)

53

Page 54: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kung ang hindi pagkakaunawaan na mangyayari ay hindi maaayos, papahintulutan ang dalawang partido ng kontrata na ideretso ang kanilang kaso sa korte upang mapabilis ang paghingi ng konsiderasyon sa kaso bago pa man ang Labour Circuit.

Artikulo (35)

54

Page 55: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang lahat ng kaso para sa mga pangtahanang manggagawakung saan ang ang magrereklamo ay ang manggagawa, siyaay bibigyan ng libreng serbisyo sa hukuman sa lahat na lebel ng proseso.

Artikulo (36)

55

Page 56: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang tagapamahala ng Labour Circuit ang siyang responsable sa pagtala ng petsa para sa sesyon upang kusang mapabilis ang pag-ayos sa hindi pagkakasundo. Ang petsa ay hindi dapat na lalagpas ng isang buwan. Ang Department of Court Registrars ay responsable sa pagpapaalala ng petsa para sa sesyon sa dalawag hindi magkainitindihang partido upang pakinggan ang kaso ng hindi bababa sa dalawang linggo bago ang sesyon.

Artikulo (37)

56

Page 57: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang anumang paksa na hindi nabanggit sa batas tungkol sa proseso ng hukuman ay kinakailangan pamunuan sa mga kondisyon ng Decree Law No. 38 ng 1980 upang maipahayag ang batas ng Civil at Commercial Proceedings at ng matugonan ang mga pagbabago ng mga batas.

Artikulo (38)

57

Page 58: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

58

Page 59: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

PAGSIYAM NA KABANATA

Mga Pangkalahatang

Kondisyon

59

Page 60: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang kahilingan na makakuha ng lisensiya upang ipagpatuloy ang negosyo na mangangalap ng mga pangtahanang manggagawaay kinakailangan na isumite sa Department of Domestic Laboursapamamagitanngpafillupsaapplication form. Kinakailanngan na i-attach ang anumang mga importante na mga dokumento. Ang lisensiya ay ibibigay na nakaayonsadesisyonngUndersecretaryngMinistry of Interior. Ang may-ari ay hindi papayagan na makakuha ng higit sa isang lisensiya o makapagbukas ng iba pang sangay ng korporasyon o opisina na nabigyan nan g lisensiya.

Artikulo (39)

60

Page 61: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang lisensiya ayon sa kondisyon ng batas na ito ay para sa indibidwal at hindi maaaring pangatawanan ng ikatlong partido para mamahala sa negosyo. Ang lisensiya ay magtatapos sa oras na mamatay ang may-ari. Ang may-ariaymaaringmaghirangngofficemanagersakondisyonnaangofficemanageraykamag-anakhanggangseconddegree ng may-ari at ang manager ay makamit ang mga kondisyon na nabanggit sa Artikulo (2) sa batas na ito. Ito ay walang kinikilingan sa karapatan ng Department of Domestic Labour na magsumon sa may-ari ng opisina anumang oras na hindi ito angkop.Pinapayagan ang paglipat ng lisensiya sa ikatlong partido sa aliman sa mga sumusunod na kalagayan:

1. Kung ang may-ari ay mag-eedad nang lagpas 70 na taon na gulang, ang lisensiya ay maaaring ipasa sa asawa o isa sa mga anak.

2. Sa oras na mamatay ang may-ari, ang lisensiya ay maaring ipasa sa kanyang asawa o tagapagmana o isa sa mga anak.

Upangmailipatanglisensiyasaalinmansadalawangkalagayan, ang indibiduwal na malilipatan ng lisensiya ay dapat na makamit ang mga kondisyon na nakalagay sa Artikulo (2) sa batas na ito.

Artikulo (40)

61

Page 62: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang legal na kinatawan ng mga tagapagmana sa namatay na may-ari ay bibigyan ng oras na hindi lalagpas sa anim na buwan upang likidahin ang opisina ng negosyo at bayaran ang halaga ng garantiya kung walang pagnanais na ipagpatuloy ang negosyo.

Artikulo (41)

62

Page 63: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Kung ang lisensiya ay ipinalabas sa unang pagkakataon, ito ay bibigyan ng isang taon at maaring makapagrenyu taon taon. Ang napagddesisyunan na kontrata sa pagitan ng opisina at ang kapilas na bansa na magpapadala ng pangtahanang mga manggagawaay kinakailangan ipapakita sa oras na makiusap na magrenyu ng lisensiya. Ang nasabing kontrata ay dapat aprobado ng Embahada ng Kuwait ( sa bansang magpapadala), kung alinman, atsertipikado ng Kuwaiti Ministry of Foreign Affairs.

Artikulo (42)

63

Page 64: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang halangang mababayaran kapag mabigyan ng lisensiya ayon sa mga kondisyon ng batas na ito ay pagdedesisyunan ng Minster of Interior.

Artikulo (43)

64

Page 65: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang mga empleyadona mahirang batay sa desisyon ng Minister of Interior ay may karapatan na siyasatin ang opisina at mga pasilidad kung saan ang negosyo ay mangangalap ng mga pangtahanang manggagawa, sabay ang pagtingin sa mga ledgers at rekords at tingnan ang mga paglabag na makikita sa panahon ng pagsisiyasat. Kailangan ang mga report ay ihahanda at itutukoy sa karapat dapat na grupo upang mabigyan aksiyon.

Artikulo (44)

65

Page 66: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang may-ari ng negosyo sa pagpapangalap ng mga manggagawaay may limitasyon sa pagpangalap ng mga pangtahanang manggagawalamang na manggagaling sa ibang bansa upang magtrabaho eksklusibo sa loob ng Kuwait.

Artikulo (45)

66

Page 67: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Hindi papayagan ang amo na ipapadala ang manggagawaupang magtrabaho sa labas ng bansang Kuwait. Kung mangyari ito ng walang anumang kasunduan ang gagawin sa manggagawa ay maaring pauwiin ang manggagawasa kanyang bansa kung saan ang amo ang magbabayad ng ticket pauwi sa bansa.

Artikulo (46)

67

Page 68: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang hindi pagsunodsa mga kondisyon na nakalagay sa Atikulo 1 ng Batas Numero 111 noog 2013 na nagsasalaysay tungkol sa mga lisensiya sa pagnenegosyo, ay hindi na papayagan na maipagpatuloy ang negosyo na mangangalap ng mga pangtahanang manggagawamaliban na lamang kung ang lisensiya ay nakuha galing sa Ministry of Interion.

Artikulo (47)

68

Page 69: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang hindi pagsunod sa maraming parusa na ibinigay ng Penal Code o sa ibang mga batas, ang sinuman na magnenegosyo ng pagpapangalap ng mga pangtahanang manggagawang walang lisensiya na binigay ng Ministry of Interior ay mapaparusahan ng pagkakakulong ng hindi hihigit sa sampung taon at kinakailangan na magbayad ng hindi hihigit sa 10,000 KD. Ang parusang ito ay madudoble kung mangyaring maulit ang nasabing gawain sa loob ng dalawang taon simula sa unang pagsentensiya.

Artikulo (48)

69

Page 70: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang bagong dating na pangtahanang manggagawana hindi kinuha ng amo sa loob ng 24 oras simula sa pagdating ay kinakailangan na mabigyan ng pansamantalang matuluyan at pagrerentahan kada araw na pagdedesisyunan ng Ministry of Social Affairs and Labour. Ang tirahan na ito ay kinakailangan na sumusunod sa mga kondisyon na binibigay ng Ministry of Social Affairs and Labour.

Artikulo (49)

70

Page 71: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang opisina na mangangalap ng mga pangtahanang katulog na nabigyan ng lisensiya simula noong naipalabas ang batas ay kinakailangan na mag-adjust sa kanilang estado upang sundin ang mga kondisyon sa batas sa loob ng hindi hihigit sa tatlong buwan simula sa araw na ipinalabas ang ehekutibong mga regulasyon sa batas na ito.Ang paglabag sa mga kondisyon sa loob ng mga araw na nabanggit ay magreresulta sa pagbawi ng lisensiya.

Artikulo (50)

71

Page 72: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Sa oras na tumakas ang manggagawasa kanyang trabaho, ipapadeport ng Ministry of Interior ang manggagawasa kanyang bansa , pagkatapos makolekta ang bayad sa mga nagastos sa pagbiyahe, ticket at ang halagang nabayad ng amo, sa partido kung saan tumuloy ang tumatakas na manggagawa, o sa nangangalap na opisina kung sakaling hindi makontak ang nagpapatuloy sa takas na manggagawa. Ito ay upang mabigyan ng kapalit ang amo sa loob ng oras ng paggarantiya.

Artikulo (51)

72

Page 73: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang Minister of Interior ang responsable sa pagbibigay ng mga pangkaloobang regulasyon, palatuntunan, at mga desisyon na kinakailangan upang maisakatuparan ang batas sa loob ng anim na buwan simula sa araw nainilathalangOfficialGazette.

Artikulo (52)

73

Page 74: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Decree Law No. (40) ng 1992 tugkol sa regulasyon ng mga opisina ng pribadong paninilbihan ay nakansela.

Artikulo (53)

74

Page 75: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

Ang Prime Minister at ang mga Ministro- ang bawat isa ayun sa kani-kanilang mga responsibilidad- ay

kinakailangan na maisakatuparan ang batas.

Emir sa Bansang Kuwait,Sabah Al-Ahmad Al-Sabah

Artikulo (54)

75

Page 76: ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG  · PDF fileKABANATA Mga Obligasyon ng bawat Partido sa Kontrata 16. Ang may-ari o ang kanyang mga empleyado o kasamahan sa ... Artikulo (16

W W W. L P - K W. O R G

Tinuturuan ang migranteng manggagawa tungkol sakanilang mga karapatan sa Kuwait