4
ALAMIN ANG MGA KATOTOHANAN Ang iyong guide para mapanatiling nakakatuwa ang paglalaro ng lottery. #PlaySmartOLG Nais panatilihin ng OLG ang parokyano na napaalaman tungkol sa mga opsyon na makukuha kung sakaling sila ay makaranas ng mga problema sa pagsusugal. Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga serbisyo para sa problemang pagsusugal tumawag sa: Ang Ontario Problem Gambling Helpline 1-888-230-3505

ALAMIN ANG MGA KATOTOHANAN · PDF filekalalabasan ng isang laro. Dahil sa pasumalang katangian ng draw, ... sa 170 iba’t ibang mga wika. Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa anuman

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ALAMIN ANG MGA KATOTOHANAN · PDF filekalalabasan ng isang laro. Dahil sa pasumalang katangian ng draw, ... sa 170 iba’t ibang mga wika. Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa anuman

ALAMIN ANG MGA KATOTOHANAN

Ang iyong guide para mapanatiling nakakatuwa ang paglalaro ng lottery.

#PlaySmartOLG

Nais panatilihin ng OLG ang parokyano na napaalaman tungkol sa mga opsyon na makukuha kung sakaling sila ay makaranas ng mga problema sa pagsusugal.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa

mga serbisyo para sa problemang pagsusugal

tumawag sa:

Ang Ontario Problem Gambling Helpline

1-888-230-3505

Page 2: ALAMIN ANG MGA KATOTOHANAN · PDF filekalalabasan ng isang laro. Dahil sa pasumalang katangian ng draw, ... sa 170 iba’t ibang mga wika. Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa anuman

21

Ang mga lottery ay panlibangan, hindi isang paraan para kumita ng pera.

Maging ito ay mga larong Jackpot tulad ng LOTTO 6/49 o INSTANT scratch na mga laro tulad ng CASH FOR LIFE, ang lottery ay isa sa pinakapopular na mga uri ng pagsusugal sa Ontario.

Natatagpuan ng mga taga-Ontario na nakakatuwang maglaro ng mga larong lottery. Masayang maranasan ang pag-asa na manalo at, siyempre, ang mag-imagine kung ano ang iyong gagawin kung ikaw ay manalo. Ngunit bago magpasiyang maglaro, mahalagang tandaan na ang mga larong ito ay panlibangan, hindi isang paraan para kumita ng pera.

Ang Ontario Problem Gambling Helpline 1-888-230-3505

Ano ang kalamangan na manalo?Ang pangkalahatang kalamangan na manalo ng isang premyo, tulad ng isang libreng ticket o isang cash na premyo, ay nag-iiba-iba para sa lahat ng mga larong lottery. Para sa mga larong tulad ng LOTTO 6/49, ang iyong kalamangan na manalo ng anumang premyo ay humigit-kumulang 1 sa 6.6, habang ang iyong pagkakataon na manalo ng pinakamataas na premyo ay halos 1 sa 14 milyon. Kung maglalaro ka ng mga INSTANT ticket, depende sa laro, ang kalamangan ay nag-iiba-iba mula sa halos 1 hanggang 3.67 (para manalo ng anumang premyo) hanggang sa humigit-kumulang 1 hanggang 1.5 milyon para sa pagpanalo ng isang pinakamataas na premyo. *subject to change

Sa pagkakataon ang karamihan ng mga regular na manlalaro ng lottery ay nanalo na ng isang maliit na premyo ng lottery sa isang pagkakataon o iba pa. Subali’t, kung magsimula kang gumastos ng mas maraming pera sa mga lottery ticket na makakayanan mo, ang iyong mga pagkakataong manalo ng isang malaking premyo ay wala pa rin sa iyong pabor.

Maaari mo bang mapataas ang iyong kalamangan na manalo?Hindi. Ang iyong mga personal na estratehiya o mga suwerteng ritwal ay walang epekto sa huling kalalabasan ng isang laro. Dahil sa pasumalang katangian ng draw, imposibleng mahulaan kung anong kombinasyon ng mga numero ang mabubunot o kung aling INSTANT ticket ang magiging panalo.Hindi mo maaaring mapataas ang iyong kalamangan sa pamamagitan ng:

Paglalaro ng parehong mga numero bawat linggoMas madalas/mas madalang na pagpili ng mga numero kaysa sa mga dati noong nakaraanPagbili ng mga ticket sa isang tindahan na kung saan ang isang nanalong ticket ay nabili

Ang Ontario Problem Gambling Helpline 1-888-230-3505

Page 3: ALAMIN ANG MGA KATOTOHANAN · PDF filekalalabasan ng isang laro. Dahil sa pasumalang katangian ng draw, ... sa 170 iba’t ibang mga wika. Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa anuman

43

Saan mo mas higit na malalaman ang tungkol sa mga larong lottery, kagaya ng mga kalamangan na manalo?Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga kalamangan ng premyo at mga payout sa mga ticket ng lottery, bumisita sa website ng OLG sa olg.ca o kontakin ang OLG Support Centre, nang libreng tawag, sa 1-800-387-0098. Maaari ka rin dumampot ng isang kopya ng aming “Lottery Player’s Guide” na gabay sa alinmang tagapagtingi ng lottery.

Paano panantilihing nakakatuwa ang paglalaro ng lottery.

Unawain ang mga kalamangan ng laro at maging makatotohahan tungkol sa mga inaasahan para manalo o mataloTandaan na walang espesyal na paraan ng paglalaro na makakatulong sa iyo upang talunin ang mga kalamangan Magtakda ng isang risonableng limit sa kung magkanong pera ang handa mong gastusin– at tupadin itoHuwag na huwag gumastos ng mas maraming pera kaysa sa maaari mong makayananIntindihin at kilalanin ang mga babala ng problemang pagsusugal Humingi ng tulong sa oras na magsimula kang matalo ng mas maraming pera kaysa sa binalak mo o maaari mong makayanan

Maaari bang dumadanas ka ng problem sa iyong paglalaro ng lottery? Ano ang problemang pagsusugal?Ang problemang pagsusugal ay pagsusugal na nagiging sanhi ng pinsala sa pamilya o personal na buhay ng isang tao, sa trabaho, mga pinansiya o kalusugan.

Ang iyong panganib na magkaroon ng isang problema sa pagsusugal ay nadadagdagan kung may pinanghahawakan kang mga maling paniniwala tungkol sa kung paano gumagana ang mga lottery at iba pang mga uri ng pagsusugal.

Ang Ontario Problem Gambling Helpline 1-888-230-3505

Mga babala na ang paglalaro ng lottery ay isang problema

Naggugugol ng maraming panahon o pera kaysa sa iyong binalak o kaya mong makayanan

Umuutang ng pera para magsugal

Pagsusugal ng pera na para sa ibang mga responsibilidad (gaya ng pagkain, renta, atbp.)

Napapabayaan ang mga mahahalagang tungkulin tulad ng trabaho o pamilya upang magsugal

Nagsisinungaling tungkol sa, o pinagtatakpan, kung gaano kalaki na ang iyong nagastos o natalo

Hinahabol ang iyong mga talo upang mabawi ang pera

Nakikipagtalo sa mga kaibigan at pamilya, lalo na tungkol sa mga isyu ng pera

Nagkakautang dahil sa pagsusugal

Kung ang alinman sa mga babalang ito ay na-a-apply sa iyo, may mga mapagkukunan na maaaring makatulong.

Ang Ontario Problem Gambling Helpline 1-888-230-3505

Page 4: ALAMIN ANG MGA KATOTOHANAN · PDF filekalalabasan ng isang laro. Dahil sa pasumalang katangian ng draw, ... sa 170 iba’t ibang mga wika. Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa anuman

65

Paano ka makakakuha ng tulong?Ang mga serbisyo ay makukuha sa maraming mga komunidad sa buong Ontario para sa mga taong nakakaranas ng mga problema na kaugnay sa pagsusugal pati na rin para sa pamilya o mga kaibigan ng mga may problemang sugarol.Para sa mga serbisyo sa iyong lugar, tumawag sa Ontario Problem Gambling Helpline (OPGH) sa 1-888-230-3505 o maghanap sa Virtual Treatment Directory ng OPH sa www.problemgamblinghelpline.ca. Ang helpline ay nagbibigay ng impormasyon at mga pagsasangguni– ito ay libre, kumpidensiyal at makukuha 24 oras isang araw, 7 araw sa isang linggo. Ang interpretasyon ay makukuha sa mahigit sa 170 iba’t ibang mga wika. Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa anuman sa mga babala, ang tulong ay makukuha sa pamamagitan ng pagtawag sa:

Ang Ontario Problem Gambling Helpline

1-888-230-3505

Nag-aalala tungkol sa pagkapribado?Ang kumpidensiyalidad ng information ay isang mahalagang elemento sa lahat ng mga serbisyong panggamot. Ang personal na impormasyon ay pananatilihing kumpidensiyal. Ang mga tagapagbigay ng panggagamot sa problemang pagsusugal ay hindi naroon para manghusga; sila ay naroroon upang tumulong.

Ang Ontario Problem Gambling Helpline 1-888-230-3505

Iba pang mga mapagkukunan ng impormasyonBilang karagdagan sa OPGH, ikaw ay maaaring makahanap ng ibang impormasyon, mga balita, pananaliksik at mga mapagkukunan tungkol sa pagsusugal at problemang pagsusugal sa mga website na nakalista sa ibaba. Ang OLG ay nagbibigay ng polyetong ito para suportahan ang mga parokyano. Ang mga indibidwal ay kailangang gumawa ng desisyon tungkol sa kung anong tama para sa kanila, pati na ang pagpili na humingi ng tulong upang harapin ang mga epekto ng isang potensiyal na problema sa pagsusugal.

The Centre for Addiction and Mental Healthwww.problemgambling.ca

The Responsible Gambling Councilwww.responsiblegambling.org

OLGPlaySmart.ca

Ang mga lottery ay may limit sa edad na mga produkto.

Sa batas, ang pagtitinda ng mga produktong lottery sa (o pagtutubos ng mga produktong lottery para sa) mga menor de edad ay ilegal at mapaparusahan ng mga mahalagang kaparusahan. Ang pagbibigay ng mga ticket sa mga menor de edad bilang mga regalo o hingiin sa kanila na magkiskis ng mga ticket para sa iyo ay maaaring magbigay ng mga hindi nagtutugmang mensahe tungkol sa kung para kanino sinadya ang mga produktong ito. Bahagi ng pagtataguyod ng responsableng paglalaro ay ang pagsisiguro na walang taong mas bata sa edad na 18 taon ang pahihintulutan na bumili o tumubos ng mga produktong lottery. Kung sa iyong paniniwala ang isang tagapagtingi ng OLG ay maaaring nagbebenta ng mga lottery ticket sa (o tumutubos ng mga lottery ticket para sa) mga menor de edad, paki tawagan ang OLG Support Centre, nang libreng-tawag, sa 1-800-387-0098 para mag-ulat ng iyong mga alalahanin.