Upload
eries-nhoel
View
95
Download
12
Embed Size (px)
Citation preview
Joseph Luis Ejercito G. Cuepo4C
Alamat ng Adik
Isang araw na umaapoy sa kainitan, limandaan at apatnapu't
walong taon na ang nakalipas, naglakbay ang dalawang magkasintahan sa
gubat ng San Pablo. Mar ang palayaw ng lalaki samantalang Juana ang sa
babae. Sa kanilang paglalakbay, silay ay marahas na dinakip ng mga
tulisan.
“Huwag po, huwag po!” sigaw ni Juana.
“Kunin niyo na lang lahat, huwag niyo lang sasaktan ang
aking mahal,” sinabi ni Mar na ginapos ng mga tulisan. Kinuha ng mga
tulisan ang mga gamit ng magkasintahan, kasama na ang pagkain,
inumin, damit at tulugan (tent). Kinahinaan ng loob nina Mar at Juana ang
pangyayari kaya minarapat muna nina Mar at Juana na magpahinga sa
ilalim ng punong Acacia.
Kinagabihan, sila’y naghanap ng kung anu-anong makakain.
“Mahal, tayo muna ay maghiwalay. Maghanap tayo ng pwede
nating kainin pang hapunan.” sabi ni Mar.
Pagkalipas ng dalawang oras at dalawamput-tatlong minuto,
bumalik at nagkaharap na ang magkasintahan. Parehong silang nagulat sa
nasilayan sapagkat parehong walang dalang pagkain.
“Ipagpaumanhin mo mahal at wala akong nahanap.” ani
Juana. “Ganoon din ako. Ipagpaumanhin mo.” malungkot na sinabi
ni Mar. Dahil sa matinding gutom, pati ang mga halaman ay pinatulan na
ni Mar, at inayayahan pa si Juana na tumikim nito.
“Juana, Juana, mahal, tikman mo ‘to. Wala siyang lasa pero
pwede na ring pagtiisan!” masayang sinabi ni Mar. Dinikdik niya muna ito
upang mas madaling kainin, at pinatikim kay Juana.
“Ano ba ito?! Nakakadiri!” sabi ng nadismayang babae.
Iniluwa ni Juana ang pagkaing halaman. Pagkatapos ng ilang sandali,
biglang kinapkap ni Juana ang kanyang bulsa.
“Mar, may posporo ako sa bulsa!” tuwang-tuwang ibinalita ni
Juana. Hindi umimik si Mar. Walang laman ang tiyan ni Juana, ngunit mas
naisipan niyang magsaya at aliwin ang sarili. Dahil dito, ginamit ni Juana
ang posporo at sinindihan ang mga halaman para malibang. Sa ginawa ni
Juana, umusok ang mga halaman. Dahil sa bisyo ni Juana na manigarilyo,
naisip niyang subukang higupin ang mga halaman at maaliw. Ilang sandali
lang, ito’y nahilo at kung anu-ano na ang pinagsasabi.
“Mahal, nasaan ako?” wika ni Juana na tila’y lasing. Nagulat si
Mar. Sinubukan din niyang higupin ang halaman dahil sa pagtataka sa
sinapit ni Juana. Pareho silang nahilo.
Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ni Mar, agad
niyang ginising si Juana at tinanong kung ano ang nangyari noong
nakalipas na gabi. “Aaah, eeeh, ewan ko!” sagat ni Juana na tila walang
kaalam-alam sa nangyari noong gabi. Ganun din si Mar, at walang
matandaan ang dalawang magkasintahan.
Naisipan nanaman ni Juana na maglaro ng apoy. Alam niyang
ginawa niya ito kahapon ngunit hindi niya maalala ang nangyari
pagkatapos. Gutom man, mas pinili niyang aliwin ang sarili sa pagsindi
muli ng mga halaman. Hinigop niya ang mga abo. Nawala nanaman sa
sarili si Juana. Napansin ito ni Mar.
“Maaaring dahil nga ito sa mga halaman. Mukhang
napakasaya ni Juana at parang walang problema! Mukhang hindi rin siya
gutom!” gulat na winika ni Mar. Ginaya ni Mar si Juana at pareho silang
nalibang sa kinasapitan nila. Walang ni isang problema ang pumasok sa
isipan nila. Napakasaya ng mga oras na iyon.
Dahil sa kanilang karanasan at pagkawala ng kanilang mga
problema, patuloy silang naghakot at nagputol ng mga halaman.
Nangayayat ang dalawa ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang
umaapaw na kasiyahan. Sa tuwing may taong makikita o dadaan sa
kanila, tinatawag nila ang mga ito at binibigyan ng mga pinausukang
halaman. Araw gabi nila itong ginawa, at dito nagsimula ang mga adik.