16
ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 2 BLG. 4 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • SETYEMBRE 2020 10M PILIPINO TARGET NA MA-TEST 10M PILIPINO TARGET NA MA-TEST PARA SA COVID-19 SA 2021 – DOH PARA SA COVID-19 SA 2021 – DOH 2 R. CABUGWANG 6 R. CABUGWANG Edad 18-59, pasok sa clinical trial SPUTNIK V PARATING NA SA OKTUBRE NOGRALES: NOGRALES: GOBYERNO GOBYERNO HINDI BIGO HINDI BIGO SA LABAN SA SA LABAN SA COVID COVID - - 19 19 2 M. LADISLA 2 M. LADISLA at I. ATOMPAG COVID-19 testing capacity ng Pinas, nanguna sa Southeast Asia – DOH One Hospital Command Center, binuksan na 7 B. DORANGO MEDIAMAN ‘We will rise as one’ Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_gov bcs.gov.ph bcs_gov Panahon na para mawala na ang pila –PRRD 8 V. LANDIG ‘BIDA SOLUSYON ‘BIDA SOLUSYON SA COVID SA COVID - - 19’ 19’ INILUNSAD INILUNSAD NG DOH NG DOH 7 R. CABUGWANG 10M PILIPINO TARGET NA MA-TEST 10M PILIPINO TARGET NA MA-TEST PARA SA COVID-19 SA 2021 – DOH PARA SA COVID-19 SA 2021 – DOH

‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 2 BLG. 4 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • SETYEMBRE 2020

10M PILIPINO TARGET NA MA-TEST 10M PILIPINO TARGET NA MA-TEST PARA SA COVID-19 SA 2021 – DOHPARA SA COVID-19 SA 2021 – DOH

2 R. CABUGWANG

6 R. CABUGWANG

Edad 18-59, pasok sa clinical trialSPUTNIK V PARATING NA SA OKTUBRENOGRALES:NOGRALES:

GOBYERNOGOBYERNOHINDI BIGOHINDI BIGOSA LABAN SASA LABAN SACOVIDCOVID--1919

2 M. LADISLA

2 M. LADISLA at I. ATOMPAG

COVID-19 testing capacity ng Pinas, nanguna sa Southeast Asia – DOH

One Hospital Command Center,binuksan na 7 B. DORANGO

MEDIAMAN‘We will riseas one’

Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_govbcs.gov.ph bcs_gov

Panahon napara mawalana ang pila–PRRD

8 V. LANDIG

‘BIDA SOLUSYON‘BIDA SOLUSYONSA COVIDSA COVID--19’19’INILUNSADINILUNSADNG DOHNG DOH

7 R. CABUGWANG

10M PILIPINO TARGET NA MA-TEST 10M PILIPINO TARGET NA MA-TEST PARA SA COVID-19 SA 2021 – DOHPARA SA COVID-19 SA 2021 – DOH

Page 2: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

2Setyembre 2020 BalitaBalita

Edad 18-59, pasok sa clinical trialSPUTNIK V PARATING NA SA OKTUBRE

Nina Monica N. Ladisla at Ivy E. Atompag

Sa darating na Oktubre, sisimulan na ang simultaneous third phase clinical trials ng Sputnik V sa pangunguna ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology ng bansang Russia at ng Pilipinas.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology Philippine Council for Health Research and Development at isa sa mga nakipagpulong sa manufacturers at scientists ng Sputnik V, makakatanggap ang humigit kumulang 1,000 katao ng kanilang first dose sa Oktubre matapos maging pormal ang kasunduan ng dalawang bansakamakailan lamang.

Matatandaang sa Phase 2 ng clinical trial, 76 katao ang binigyan ng vaccine at wala ni isa man sa mga ito ang nakapagtala ng anumang nakababahalang side effect. Naging mabisa umano ang vaccine matapos iulat ng Gamaleya Institute na minor adverse effects lamang ang kanilang naitala mula sa kanilang Phase 1 at Phase 2 clinical trials.

“They have shown that it was effective. It produced sufficient antibodies in the people that were given the vaccine. It was safe, only minor adverse effects such as fever for a few days after the injection,” paglilinaw niDr. Montoya.

Kinumpirma rin ng Palasyo na magsisimula ang medical research ngayong Oktubre at matatapos sa Marso 2021. Ito ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria angpwedeng sumali.

Sa inilabas na guidelines ng panel, ang mga nasa edad 18 hanggang 59 taong gulang na maituturing na “high risks” ang prayoridad na sumailalim sa Phase 3 ng clinical trialsng bakuna.

Ipinahayag ni Secretary Francisco Duque III na “target” ng Department of Health (DOH) na makapagsagawa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests para sa 10 milyong Pilipino pagpasok ng taong 2021.

Sa ginanap na televised briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging

Binigyang-linaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, co-chairperson ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), ang lumabas na balita noong Hulyo 22 na bigo ang gobyerno sa laban nito sa Coronavirus disease2019 (COVID-19).

Ito ay matapos ipahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagkadismaya sa IATF at sinabing bigo ito sa pagresolba ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bwelta ni Sec. Nograles, ito ay isang hindi patas na assessment ng mga isinasagawang hakbang ng IATF dahil nasa “good place” ang bansa kumpara sa ibang maunlad na bansa. Bumaba aniya ang fatality rate at umangat ang healthcare capacity ng bansa dahil sa pagsasagawa ng mga lockdown.

Dagdag pa niya, maging ang mga eksperto ay sang-ayon sa pamamaraan ng IATF at “hindi ito haka-haka or gut feel lamang” kaya’t hindi umabot sa 1.3 milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“The fact that that had not yet happened, shows that the IATF, the President has acted fast,” ani Sec. Nograles.

10M Pilipino target na ma-test 10M Pilipino target na ma-test para sa COVID-19 sa 2021 – DOHpara sa COVID-19 sa 2021 – DOH

Ni Raiza F. Cabugwang

( ▶ 12 )

Pwede rin maisali ang mga senior citizen, pero depende ito sa magiging resulta ngprimary trials.

Bukod sa bakuna ng Russia, nauna na ring inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang clinical trials ng mga bakunang kasalukuyan pa ring ginagawa ng ilang pharmaceutical companies sa China at Taiwan.

Kinumpirma rin ng Palasyo na kasali ang Pilipinas sa Phase 3 ng medical research na isasagawa at popondohan ng bansang Russia. Magsisimula umano ito ngayong Oktubre at matatapos sa Marso 2021. Kritikal umano ang yugtong ito sapagkat libu-libong pasyente ang kailangang bakunahan upang malaman kung mabisa angnaturang bakuna.

Nilinaw din na tanging malulusog na tao lamang, mula sa mga lugar na mataas ang virus transmission, ang maaaring mag-volunteer upang matukoy kung magiging immune sila sa COVID-19matapos mabakunahan.

Matapos makalap ang lahat ng impormasyon mula sa tatlong yugto ng clinical trial, ibabahagi ng Russia ang kanilang ulat sa Pilipinas upang pag-aralan ng Food and Drug Administration kung papasa ba ito para sa mass distribution.

Matatandaang nagboluntaryo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang maunang mabakunahan subalit iginiit ng Palasyo na mangyayari lamang ito sa Mayo 1, 2021 kung kailan tapos na ang third phase ng clinical trial na gagawin sadalawang bansa.

Dagdag pa rito, kailangan din ng go signal mula sa Presidential Security Group bago tuluyang mabakunahan si Pangulong Duterte. ■

VACCINE IN TRIAL — Sisimulan na sa Oktubre ang simultaneous third phase clinical trials ng Sputnik V sa pangunguna ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology ng bansang Russia at ng Pilipinas. (Photo credit: TASS Russian News Agency)

Nograles: Gobyerno hindi bigo sa laban sa COVID-19Ni Monica N. Ladisla

TARGET TESTING — Inanunsyo ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na “target” ng ahensya na makapagsagawa ng COVID-19 testing sa 10 milyong Pilipino sa 2021. (Photo credit: National Task Force Against COVID-19)

Inihayag din niya ang mga inisyatibo ng pamahalaan upang mas mapalawak pa ang bed capacity ng intensive care units, bilang ng ventilators at personal protective equipment, gayundin ang pagtaas ng testing capacity sa bansa.

Ayon pa sa kanya, naging mas maayos ang pangangasiwa ng bansa laban sa COVID-19 kumpara sa ibang first world at developed countries. Kung ikukumpara sa mga ito, mas mataas ng ‘di hamak ang confirmed cases, bilang ng nasawi gayundin ang community transmission sa mga bansang ito.

Samantala, sa datos ng Department of Health noong

Setyembre 13, nakapagtala ang bansa ng 20,472 bilang ng recoveries na naging daan para sumampa sa 207,568 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa COVID-19.

Ang pagtaas ng bilang ng mga naka-recover ay alinsunod sa alituntunin ng Oplan Recovery program ng Kagawaran kung saan gumaling na ang turing sa mild at asymptomatic cases batay na rin sa discharging criteria ng World Health Organization na gumagamit ng time-based at symptoms-based strategy sa pagsuri sa mga pasyente. ■

Infectious Diseases noong Hulyo 21, sinabi ni Sec. Duque na katumbas ito ng 10 porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa at 32,000 hanggang 40,000 na pagsusuri bawat araw.

Inamin naman ng Kalihim na hindi kayang masuri ang lahat ng Pilipino sapagkat wala pa aniyang kahit anong bansa ang nakagagawa nito.

“Hindi naman po natin pwede i-test ang bawat

mamamayan. Wala pong bansa ang nakakagawa nito, kahit na po ang pinakamayaman, katulad ng United States of America,” saad ng Kalihim.

Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong Setyembre 11, umabot na sa 3,040,790 ang naisagawang tests sa 2,859,987 na indibidwal sa bansa, at ang average daily testing capacity ng bansa ay nasa 36,857.

Sa datos ng DOH, 8.46 porsyento ng testing capacity ay nagmula sa mga isinagawang tests ng Research Institute for Tropical Medicine na nakapagtala ng 1,803 samples kada araw sa nakalipas na linggo opitong araw.

Ayon naman sa tala ng bilang ng licensed testing laboratories sa bansa noong Agosto 6, mayroon nang 100 testing sites na awtorisadong magsagawa ng RT-PCR testing para sa COVID-19.

Samantala, kaugnay sa planong expanded testing ng DOH, magkakaroon ng apat na subgroups na idadagdag sa listahan ng mga susuriin.

‘IN GOOD PLACE’ —Biniweltahan niCabinet SecretaryKarlo Nograles angpahayag ni Sen.Franklin Drilon nabigo ang pamahalaansa laban nito saCOVID-19. Aniya, nasa“good place” angbansa kung ikukumparasa ibang mauunladna bansa.

Page 3: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

EditoryalEditoryal 3Setyembre 2020

EDITORIALBOARD

MA. FLORINDAPRINCESS DUQUE

Editor-in-Chief

EILEEN CRUZ-DAVIDManaging Editor

VANESSA LANDIGAssociate Editor

JOAN ALCANTARAIVY ATOMPAG

BENJIE DORANGORAIZA CABUGWANG

KC CORDERO MONICA LADISLA

Writers / Researchers

DAVID VERIDIANOPhotographer

KEVIN LARANANGArt Director / Cartoonist

ENREL TAN Layout Artist

CAROLINA TONGKOProduction Manager

ARLENE BARRIENTOSCirculation Manager

BALITA CENTRAL is published bimonthly by the Bureau of

Communications Services with office address at PCS Bldg. 310 San

Rafael St. San Miguel Malacañang Complex, Manila 1005.

BALITA CENTRAL is freelydistributed by the Bureau of

Communications Services. Anyperson caught selling copies of

the tabloid will be penalized.

For any inquiries, you maycontact us through the following:

Phone: (02) 8734-2117E-mail: [email protected]

Facebook: bcs.govWebsite: www.bcs.gov.ph

We will rise as

one

MEDIAMANNi Martin M. Andanar

Mahaba-habang panahonna ang ginagawang pakikibaka ng gobyerno at sambayanan sa epektong dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa at patuloy na lumalaban ang mga Pilipino para sa kanilang kalusugan, kaligtasan, at kabuhayan.

Buwan ng Marso nang ipatupad ng gobyerno ang mahigpit na community quarantine sa bansa at hanggang ngayong buwan ng Setyembre ay ipinaiiral ang community quarantine status sa iba’t ibang panig ng bansa dahil nananatili ang banta at panganib ng COVID-19sa mamamayan.

Agad namang kumilos ang gobyerno para suportahan at tulungan ang halos lahat ng sektor ng lipunan na naapektuhan ng pandemic lalo na yaong mga nawalan ng trabaho at mapagkakakitaan.

Iba’t ibang programa angipinatupad ng Duterte administration sa pamamagitan ng mga ahensya ng gobyerno upang matulungan ang mga Pilipino sa dinaranas na krisis sa ilalim ng COVID-19 pandemic kabilang na rito ang tulong-pinansyal sa pinakamahihirap na pamilya na umabot sa P205 bilyon; sa sektor ng agrikultura na umabot sa P18 bilyon; at sa libu-libong overseas Filipino workers na pinauwi sa bansa matapos mawalan ng trabaho sa ibang bansa na umabot sa P1.5 billion.

Ilan lamang ‘yan sa mga pangunahing sektor na agad tinulungan ng gobyerno dahil sila ang direktang naapektuhan ng pandemya.

Tinutukan din ng pamahalaan ang kapakanan

ng frontliners lalo na ang medical workers na siyang naging pangunahing sundalo at humaharap sa digmaan laban sa bagsik ng COVID-19 sa pamamagitan ng pinalawak na testing capacity para mapigilan ang mas lalo pang pagkalat ng kontaminasyon ng virus.

Ang mga health worker na nakapitan ng COVID-19 ay binigyan ng gobyerno ng health insurance coverage, bukod pa sa special risk allowance, hazard pay, at personal protectiveequipment (PPE).

Dahil sumadsad ang ekonomiya at nasaid ang kaban ng bayan sa epekto ng COVID-19 crisis, kumilosang ingat-yaman ng gobyerno sa pamamagitan ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte at nagsulong ng mga inisyatiba para pondohan ang mga pangangailangan ng bansa.

Sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11494 o ang “Bayanihan to Recover as One Act”, maisusulong na ng gobyerno ang recovery plan ng bansa upang makalikha ng mga t r a b a h o para sa m g a

Pilipino at upang makabawi at makabuwelo ang ekonomiya ng Pilipinas.

Nakalinya na ang iba’t ibang malalaking proyekto para sa pagbangon ng bansa at paglikha ng mga trabaho na magbibigay ng pag-asang magkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipino lalo na ang mga direktang naapektuhan ng pandemya.

Kasabay ng recovery plan ay inilatag na rin ng National Task Force on COVID-19 ang National Action Plan 2 o NAP-2 para sa patuloy na pagtugon sa problema ng pandemya sa bansa.

Gagamitin po ng gobyerno ang “Hammer and Dance Theory” kung saan habang unti-unting pinapalakas ang ekonomiya ay tuluy-tuloy naman ang pagpapatupad ng mga aksyon upang mapigil ang mas lalo pang pagkalat ng kontaminasyon ng virus.

Magpapatupad pa rin ang gobyerno ng lockdowns sa mga lugar na mataas ang COVID-19 cases sa pamamagitan ng local government units (LGUs) para

masigurong hindi lumala ang mga nahahawaan ng COVID-19.

Sa NAP-2 ay paiigtingin ang healthcare capacity ng bansa sa pamamagitan ng testing, tracing, treatment, isolation, at pagdaragdag ng ICU bed capacity sa mga ospital ng gobyerno.

Aktibo po ang apat na COVID Czars sa kani-kanilang trabaho kaya naman marami ng mga Pilipino ang nasusuri at nabibigyan ng atensiyon sa tulong na rin ng maraming naitayong laboratoryo at testing centers sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa.

Itinalaga sina Secretary Vivencio “Vince” Dizon bilang Chief Testing Czar; Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Chief Tracing Czar; Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar bilang Chief Isolation Czar; at Department of Health Undersecretary Leopoldo “Bong” Vega bilang Chief Treatment Czar.

Katuwang ni NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. ang apat na czars sa pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para tutukan ang mga hakbang na isinasagawa ng LGUs sa pagharap sa matinding problemang tumama sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Umaasa po tayo na sa mga susunod na araw ay matatapos na ang pandemyang ito at makakabalik na sa normal na pamumuhay ang lahat sa tulong ng Maykapal. Huwag po tayong panghinaan ng loob, bagkus ay manalig lang na isang araw ay darating na ang bakuna na magtutuldok sa dinaranas na kalbaryo ng mga Pilipino at ng sangkatauhan.

Umaapela kami sa publiko na makiisa sa gobyerno. Sumunod sa mga panuntunan at minimum

health standards na ipinatutupad para maiwasan ang pagkalatng virus.

Tandaan, ang mga pagsubok na ito ay may katapusan lalo na kung magkakapit-bisig ang

bawat isa tungo sa pagbangon ng ating bansa.

We will rise as one! ■

Page 4: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

4Setyembre 2020

EditoryalEditoryalUGNAYANNi Ma. Florinda Princess E. Duque

Gaano ba kahanda angPilipinas sa pandemya?

Mabigat na pagsubok ang naging dulot ng COVID-19 sa mga Pilipino, at kung iisipin, marami pang pwedeng umusbong na ibang mga sakit o kaya’y panibagong pandemya na kakaharapin. Tinataya ring pwedeng mauwi ang mga pangyayari sa isang biological warfare na dapat nating paghandaan.

Simula pa man ng krisis na ito, tiniyak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahandaan ng gobyerno para tugunan ang kaliwa’t kanang hamon ng COVID-19 outbreak. Sa paglipas ng anim na buwan, sa pakikipagtulungan ng gobyerno at ng World Health Organization (WHO), medicalsocieties, at private sectorspara tugunan ang mga panga-ngailangan kontra COVID-19,handa na nga ang Pilipinas upang bumangon mula sapandemyang ito at harapinang anumang pandemyangmaaari pang dumating.

Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), ang Pilipinas ang nanguguna sa ranking pagdating sa testing capacity sa buong Southeast Asian Region. Sa tala noong Agosto 6, meron na tayong 76 licensed RT-PCR laboratories at 24 GeneXpert laboratories na may kapasidad na magsagawa ng tests para sa COVID-19 sa buong bansa. Sa kabuuan, nakapag-test na rin tayo ng 1,577,270 na indibidwal base sa DOH Case Bulletin #146.

Kasabay ng pagpapaigting ng testing capacity at contract tracing ng bansa, mas pinalawig din ng pamahalaan ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programang “One Hospital Command Center” at “COVID-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE)”. Layunin ng mga programang ito na mas mapaigting ang “whole-of-society” approach upang labanan ang COVID-19.

Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng Community Quarantine Guidelines at Localized Lockdowns na ayon nga sa mga eksperto ay nakatulong sa pagkontrol sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nagsasagawa rin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng economic revival programs at initiatives upang matulungan ang business sectors at ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Dahil sa mga hakbang na ito, masasabing mas handa na ang gobyerno sa anumang pagsubok pa na darating dulot ng pandemyang ito. Bagamat kailangan pa natin ng mas madaming doktor sa larangan ng epidemiology, medical technology, at iba pang mga specialization na pwedeng makatulong sa ganitongmga hamon.

Sa ngayon, ang tangi nating magagawa upang ang bawat isa ay maging parte ng solusyon ay makiisa at makipagtulungan sa ating lokal na pamahalaan at komunidad upang matiyak ang ating kaligtasan at ng ating pamilya. Ugaliin ang pagsusuot ng face mask at face shield. Maghugas ng kamay at manatili sa ating mga tahanan hangga't maaari. Ang paghahanda ng gobyerno ay mababaliwala kung tayo ay walang disiplina.

Tunay nga, napakaraming pagsubok at hamon ang kinakaharap ng Duterte administration bunsod ng pandemyang ito, ngunit nananatiling matatag ang buong pwersa ng gobyerno. Katuwang ang private sectors na hindi maikakaila ang mga nagawang hakbang, gayundin ang ating magigiting na frontliners, we are definitely ready to beat this virus for the future of our nation.

We will heal. We will rise. We will recover as one! ■

TanglawNi Eileen Cruz-David

Magpakatatag ka, Pilipino!Tunay na malaking

dagok sa buhay ng bawat Pilipino ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Upang mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit na ito, matatandaang agad na nagpatupad ang ating pamahalaan ng iba’t ibang quarantine measures nitong mga nakaraang buwan.

Napigilan nito ang malawakang paglaganap ng pandemya ngunit naapektuhan naman nang lubos ang ating buhay, kabuhayan, edukasyon, at maging ang ating relasyon sa kapwa. Sa gitna ng lahat ng ito, marami sa atin ang nakararamdam ng labis na kalungkutan at kawalanng pag-asa.

Hindi maikakailang nagdarahop ang Pilipino dahil sa pandemya. Naging alalahanin ng bawat pamilya ang biglaang pagkawala ng mapagkukunan ng ipangtutustos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Ang ilan naman sa atin ay nababahala na bukas-makalawa’y mawawalan sila ng hanapbuhay. Ang pagkaubos ng ipon at ng inaasahang mapagkukunan ng kabuhayan ay magiging malaking problema ng pamilya kung hindi agad masosolusyunan ang paglaganap ng pandemya.

Karamihan din sa atin ay nakararanas ng pagkabagot o pagkainip sapagkat hindi na natin nagagawa ang mga dati nang ginagawa tulad ng pakikisalamuha sa ating kapwa o madalas na pakikilahok sa mga gawaing pisikal. Hindi na rin tayo nakadadalo sa iba’t ibang okasyon, kapistahan, kasalan, kaarawan, o ang simpleng salu-salo ng pamilya sa labas.

Dahil sa mabilis na paglaganap ng COVID-19 sa mga komunidad ay ipinagbabawal pa rin ang pagsasagawa ng mga pagpupulong at pagtitipon ng iba’t ibang organisasyon at mga simbahan. Bawal pa rin ang pagbiyahe sa malalayong lugar para sa paglilibang o pagbisita sa kamag-anak.

Hindi pa rin normal ang daloy ng transportasyon sa bansa kung kaya’t nahihirapan pa rin ang mga pasahero na makarating sa tamang oras sa kani-kanilang trabaho o patutunguhan.

Ilan lamang ito sa mga pagbabago sa ating komunidad, ngunit napakalaki ng naging epekto sa ating pagkatao.

Sa ganitong mga pagkakataon, magkakaiba rin ang naging pagtugon ng bawat indibidwal upang malampasan ang mga

pagsubok na nararanasan sa pang-araw-araw na gawain. May ilang hirap na maiangkop ang kanilang sarili at tila nangangapa kung paano makikisabay sa mga pagbabagong dulotng pandemya.

Dahil dito, alalahanin natin na habang patuloy na nagbabago ang buhay at mga pangyayari, gayundin naman ang nangyayari sa kundisyon ng kalooban, pag-iisip, at pagharap sa sitwasyon. Kung minsan, normal lang na makaramdam ng iba’t ibang damdamin tulad ng pagkabalisa, pag-aalala, takot, kalungkutan, paghihinala, galit, at iba pang emosyon. Nagiging problema lamang ang mga damdaming ito kapag patuloy natin itong hinahayaan na makaapekto sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

Ito ay isang malinaw na indikasyon na dapat nating pagtuunan ng pansin ang mga kakayahang dumipensa’ sa mga hamon at pagsubok na kinakaharap ng ating buhay sa kasalukuyan, at mapanatili ang kalusugan ng ating kaisipan. Sinasabi na ang tunay na nag-iingat ng kanyang buhay ay ‘isang katalinuhan.’

Kung kayo ay nakararamdam ng pagkabalisa at pag-aalala sanhi ng pandemya, huwag agad mahintakutan. Bagkus, pag-isipan muna ang mga pangyayari at magkaroon ng tamang impormasyon upang makagawa ng makatwirang pag-iingat na nakabase sa katotohanan at hindi dahilsa takot.

Halimbawa, ang pagsunod sa pinag-uutos ng ating pamahalaan o awtoridad para maingatan ang ating kalusugan ay magandang hangarin para sa ating kaligtasan at mabuting kalagayan. Makabubuti rin ang pagiging handa sa pagharap sa mga suliraning pangkaisipan lalo na kapag nakaramdam ng malubhang kalungkutan o yaong damdaming wala kang karamay sa pagdadalamhati.

Mas mabuting lumikha ng talaan ng iyong personal “Emotional First-Aid Kit” na maaari mong pagtuunan upang sa sandaling makaramdam ng kakaibang damdamin, ito ang maaaring magkontrol sa iyong naiisip o nadarama, depende ito sa iyong kinasasangkutang sitwasyon.

Maaari mong isulat sa iyong talaan ang mga numero ng mga taong nais mong tawagan kapag nalulungkot ka — ang iyong magulang, kamag-anak, guro, o mga mabubuting kaibigan; mga paboritong awitin na nakapagpapasaya at nakapagpapagaan ng iyong kalooban sa tuwing iyong

mapakikinggan; inspirational quotes at mga babasahin na nagbibigay pag-asa at lakas ng loob; mga teksto sa Bibliya na nakapagpapagaan ng pakiramdam; mga bagay na nagpapaalala na may nagmamahal sa iyo; at isang diary o talaan na maaari mong pagsulatan ng iyong mga positibong pananaw at mga magagandang karanasan.

Makatutulong din ang mga pisikal na aktibidad tulad ng pag-eehersisyo, pagkain ng masustansya, at pagtulog nang sapat. Ilan lamang ito sa maaaring gawin upang maibaling ang iyong atensyon sa ibang bagay na makapagpapagaan ngiyong kalooban.

Huwag mag-atubiling humingi rin ng tulong sa mga eksperto sa pangangalaga ng kalusugan sa pag-iisip o mental healthcare professionals. Maaaring sumangguni sa mga institusyon katulad ng Philippine Mental Health Association, University of the Philippines - Diliman Psychological Services, at Ateneo Bulatao Center for Psychological Services.

Makatutulong ang mga nasabing institusyon upang malapatan ng angkop na paggamot ang mga kakaibang nararanasan sa kaisipan at maipaliwanag ang mga kundisyong ito nang sa gayo’y makapagpatuloy sa pagpapagamot at konsultasyon. Mas mainam rin kung naririyan ang presensya at suporta ng inyong pamilya at mga kaibigan.

Tandaan, natural lamang na dumaan sa mga paghihirap sa panahon ng pagsubok. Kung kaya’t kailangan ang pakikiramay at pang-unawa sa ating kapwa-tao. Importanteng alagaan ang ating sarili at kapwa na nakapaligid sa atin. Maging positibo at tumulong tayo sa mga nangangailangan. Ito rin ang tamang panahon ng pagbibigay ng tulong sa taong higit na nangangailangan maging ito man ay tulong-pinansyal, pisikal, emosyonal, sosyal, o ispiritwal.

Bilang pahimakas, paigtingin natin ang ating pananampalataya at personal na pakikipag-ugnayan sa ating Maylikha — ang Diyos Ama. Sapagkat makakaasa tayo ng tunay na kapayapaan at kaaliwan sa Kanyang banal na presensya. Paigtingin natin ang ating ispiritwal na kalakasan upang magbigay ng kaliwanagan sa ating pag-iisip sa panahon ng krisis. Kung magkagayo’y sabay-sabay nating magagapi ang kalaban at sisikat ang araw ng kaluwalhatian.

Pilipino tayo! Matapang at matatag sa hamon ng buhay! ■

Page 5: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

Setyembre 2020EditoryalEditoryal 5

On the SWS National Mobile PhoneSurvey on the Filipinos’ Quality of LifeThe Social Weather Stations

(SWS) National Mobile Phone Survey showing a big majority of Filipinos indicated that their quality of life got worse this year compared to a year ago is a cause of concern.

We understand this public sentiment considering that our government economists have mentioned that prior to COVID-19, the Philippines was among the fastest growing economies in the region, with low and stable inflation and lowest ever rates of unemployment, underemployment, and poverty. The coronavirus has indeed adversely affected our economy and people’s livelihoodand business.

To mitigate the socioeconomic impact of COVID-19, government

economists have prepared a whole-of-society program paramount in our recovery plan called Recharge PH, which seeks to refocus, sharpen the design, and accelerate the implementation of programs under the 2020 General Appropriations. We will implement Recharge PH within 2020 and into 2021 and will be incorporated in the Updated Philippine Development Plan 2017-2022.

The government’s priority Build, Build, Build programs have also started, subject to health and safety protocols, to create jobs and stimulatethe economy.

We are guided by Ingat Buhay para sa Hanapbuhay as we resolve torecover gradually. ■

From the Deskof Spokes

Ni Presidential Spokesperson Harry Roque

On tourism during COVID-19The President’s marching

order is to gradually reopen the economy, including the tourism sector, with the assurance that health and safety measures are in place.

Having said this, the national government, through the Department of Tourism (DOT), is working in concurrence with the local government units (LGUs) as they determine when tourism operations would resume in their respective areas. A good case in point is Baguio City with a September reopening target schedule. We must, however, emphasize that there must be proper and close coordination between

the national government and the LGUs regarding the implementation of health and safety protocols when travelling.

On the issue of the Manila Bay rehabilitation, per the Department of Environment and Natural Resources (DENR), the report that “white sand” is being used to fill the stretch of the baywalk is erroneous. DENR added “crushed dolomite boulders” would be utilized for the aforesaid project. This forms part of the cleaning up of the Manila Bay Rehabilitation Program with an allocated budget, which began even before the outbreak of the COVID-19 pandemic.■

On the opening of classes forAcademic Year 2020-2021

We confirm that the Office of the President has issued a memorandum on August 14 to Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones to defer the opening of classes for Academic Year 2020-2021 to October 5, 2020.

The President’s decision is based on the recommendation of the DepEd, in response to the implications of the imposition of modified enhanced community quarantine (MECQ) in Metro

Manila and in the provinces of Cavite, Bulacan, Laguna,and Rizal.

Per DepEd, the deferment shall apply to both public and private schools. However, for private schools which have started to conduct online classes they shall proceed holding classes, subject to present health protocols following the declared quarantine classification in their respective areas.

DepEd will release the necessary guidelines. ■

SIBOLNi Vanessa R. Landig

Zero Hunger by 2030Pinangunahan ni Cabinet

Secretary Karlo Nograles ang serye ng virtual orientation at consultation workshop upang isapinal ang Joint Memorandum Circular of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) noong Agosto25, 2020.

Bilang chair ng Task Force on Zero Hunger, pinasalamatan ni Cab Sec. Nograles ang EPAHP National Program Management Office (NPMO) na pinamumunuan ni Director Resty Macuto maging ang mga miyembro ng National Convergence Team (NCT) para sa kanilang pagsisikap at koordinasyon upang matagumpay na maidaos ang nasabing serye ng gawain.

Aniya, sa pamamagitan ng aktibong pagtugon ng mga partner agencies sa regional level, magiging mabilis ang implementasyon ng EPAHP Joint Memorandum Circular na tiyak na makatutulong sa epektibo at matagumpay na pagpapatupad ng programa pababa sa mga lokalna komunidad.

Isa lamang ang EPAHP sa mga itinataguyod na programa ng Inter-Agency Task Force Zero Hunger na nabuo sa bisa ng Executive Order 101 at mayroong layuning wakasan ang pagkagutom sa bansa, patatagin ang food security, at palakasin ang sektor ng agrikultura hanggangtaong 2030.

Maituturing na matalino at praktikal na hakbang ng pamahalaan ang pagsusulong sa programa ng Task Force Zero Hunger lalo na sa panahon ng pandemya kung kailan higit na nakaramdam ng “food insecurity” angmga Pilipino.

Ayon kay Nograles, lumala ang estado ng bansa pagdating sa pagkagutom nitong mga nakaraang buwan bunsod ng krisis. Ayon sa isang survey, 16.7% o tinatayang 4.2 milyong

pamilya ang nakaranas ng “involuntary hunger” isang beses sa loob ng nakalipas na tatlong buwan — halos doble kumpara sa naging resulta ng survey noong Disyembre 2019.

Dahil sa report na ito, tinutukan ng pamahalaan ang limang pangunahing prayoridad upang patataging muli ang food security at sektor ng agrikultura sa bansa.

Sa isang webinar na isinagawa ng European Chamber of Commerce of the Philippines noong Hunyo 18, inilahad ni Nograles sa publiko ang limang istratehiya na nakasaad sa report ng IATF Technical Working Group for Anticipatory and Forward Planning sa ilalim ng Agriculture and Fisheries Sector: (1) to ensure unhampered movement of agriculture and food goods and services through efficient transport and logistics systems; (2) to intensify provision of support services and farm machineries and equipment; (3) to strengthen online marketing of agricultural produce; (4) to ensure safety of food and agricultural products supplied in the market; and, (5) to intensify research and development for agriculture.

Kaugnay nito, inilunsad ang Supply Chain Analytics (SCan) IATF Reporter Mobile App na magbibigay ng mga mekanismo upang i-troubleshoot ang mga problema sa supply chain para sa mga kalakal at input sa produksyon, pati na rin sa pagpaplano ng mga interbensyon na nauugnay sa supply-chain.

Ayon kay Nograles, dahil sa impormasyong makakalap ng Scan Dashboard, mas mabilis na natutugunan ng pamahalaan at ng pribadong sektor ang mga isyu na nagpapabagal sa pagdaloy ng mga kalakal at input parasa produksyon.

Upang tuluyang masugpo ang hunger rate sa bansa, kinonsidera rin ng task force ang potensyal ng “adlai” o adlay, isang gluten-free grain na

maaari ring maging staple food ng mga Pilipino bilang pamalit sa kanin na nakasanayan na.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), isinusulong ni Nograles ang pagtatanim ng adlai at paglalaan ng karagdagang budget para makabili ng mga binhi nito na ipamamahagi sa mga magsasaka at iba pang benepisyaryo sa Caraga region at iba pang bahaging Mindanao.

Itinuturing na mas masustansya kaysa mais, brown, at white rice, kinakitaan ng malaking potensyal ang adlai na maging pangunahing pagkukunan ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka, katutubo, at kahit iyong mga nakatira sa mga liblib na lugar, ayon pakay Cab Sec.

Bilang suporta naman sa mga magsasaka at lokal na mga negosyo, nanawagan si Nograles sa publiko na tangkilikin ang mga lokal na produktong nasa groceries o pamilihan, partikular na ang pagkain upang matulungang mapanatiling buhay ang mga kabuhayan ng ating mga kababayan na nasafood sector.

Bukod sa DA, katuwang din ni Cab Sec. Nograles ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa adhikaing wakasan ang hunger rate sa bansa.

Nariyan ang Department of Social Welfare and Development, Department of Agrarian Reform, Department of Budget and Management, Department ofEducation, Department of Environment and Natural Resources, Department of Health, Department of Labor and Employment, Department of the Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, Presidential Communications Operations Office, National Economic and Development Authority, at Commission on Higher Education. ■

Page 6: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

6Setyembre 2020

BalitaBalita

COVID-19 testing capacity ng Pinas, nanguna sa Southeast Asia – DOH

Ni Raiza F. Cabugwang

“We have nothing to hide.”Ito ang mariing pahayag

ni Palace Spokesperson Harry Roque matapos maghain ng resolusyon ang ilang senador upang magsagawa ng special audit sa nagastos ng gobyerno sa laban kontra COVID-19.

Noong Hulyo 28, naghain ng Senate Resolution 479 sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, minority leader Franklin Drilon, at sina Senador Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, Leila de Lima, Panfilo Lacson, at Juan Edgardo Angara upang malaman kung saan inilaan ang mga donasyon at pondo para sa COVID-19 response at atasan ang Commission on Audit na ilabas ang kanilang mga findings sa Kongreso bago magsimula ang deliberasyon sa 2021 National Budget.

Palasyo sa COVID-19 funds: ‘We have nothing to hide’

Ni Monica N. Ladisla

50% ng COVID cases sa Pinas, galingsa ‘working age group’ – WHO

Ni Raiza F. Cabugwang

Nakapaloob sa resolusyon ang ilang overpricing issues sa personal protective equipment sets na nagkakahalaga ng P1,800 kada isa kumpara sa 400-1,000 pesos sa merkado, automated nucleic extractors na umabot sa apat na milyong piso kumpara sa 1.75 milyong piso mula sa pribadong sektor.

Dagdag pa rito ang pagbili ng pamahalaan ng RT-PCR kits sa bansang China at South Korea na umano’y mas mahal kumpara sa gawa ng mga eksperto sa University of the Philippines.

Ayon kay Sen. Hontiveros, kailangan nilang matukoy kung napunta ang tulong sa mga dapat tulungan. Dagdag pa niya, “This health crisis should not allow us to relax our accountability measures. The people should be able

( ▶ 12 )

( ▶ 12 )

Source: Our World in Data

Nanguna ang Pilipinas sa hanay ng mga bansa sa Southeast Asian region pagdating sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19)testing capacity.

Ito ang ibinalita ng Department of Health (DOH) base sa datos na inilabas nito noong Agosto 4, kung kailan, ayon sa Kagawaran, ay nakapagsagawa na ang bansa ng kabuuang 1,643,539COVID-19 tests.

Ayon pa sa DOH, nakapagtala ang bansa sa nakalipas na isang linggong iyon ng 28,938 average COVID-19 tests kada araw mula sa 99 na lisensyadongtesting laboratories.

Base na rin sa tala ng DOH noong Agosto 4, umabot sa 1.5 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang sumailalim na sanasabing pagsusuri.

Ang naitalang pagtaas sa testing capacity ng Pilipinas ay resulta ng patuloy na pagpupursige

Ayon sa inilabas na ulat noong Agosto 18 ng World Health Organization (WHO), mahigit sa kalahati ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ay nagmumula sa mga indibidwal na may edad 20 hanggang 40 taong gulang, o iyong mga kabilang sa kung tawagin ay “productive age group” ng bansa.

Sinang-ayunan naman ito ng Department of Health (DOH) na nagsabing nasa higit 113,000 ng kaso sa bansa ang kabilang sa working age group o iyong mga aktibosa paghahanapbuhay.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa bilang na ito, 37,188 na kaso ang kasama sa 20 hanggang 29 na age group; 34,700 naman ang may edad 30 hanggang 39

ng pamahalaan na mapalawig ang kakayahan nitong matukoy ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, alinsunod sa 5-point response strategy nito sa paglaban sa virus. Bukod sa testing, ang naturang istratehiya ay kinabibilangan ng prevention o pag-iingat, isolation, contact tracing, at treatmento paggagamot.

Saad pa ng DOH, nakabuti rin ang pinalawak na testing capacity ng bansa sa pagpapahusay ng disease surveillance strategies nito, kabilang na ang aktibong paghahanap ng DOH, kasama ang local government units (LGUs) at iba pang mga ahensya ng gobyerno, sa mga posibleng apektado ng virus. Dahil sa pinaigting na disease surveillance ng bansa, nasa 148 karagdagang lugar na may clustering o mga “kumpulan ng kaso” ang natukoy at naiulat sa nakaraang linggong iyon.

Bagamat may pagtaas sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa base sa araw-araw na ulat ng DOH, nananatiling mababa pa rin ang Case Fatality Rate (CFR) ng bansa na nasa 1.8% o 2,123 katao base sa hulingtala nito noong Agosto 5.

Nabanggit din ng Kagawaran na ang pagbaba ng CFR sa bansa ay dulot ng pinaigting na overall case management at treatment protocols dito.

Kasama rin sa ginagawang pagsisikap ng pamahalaan na mapaigting ang laban kontra COVID-19 ay ang pagkakaroon ng “community-focused strategy”, kung saan ginagawang localized ang pagresponde sa pandemya sa pamamagitan ng pagtutok at pagbabantay sa mga “kumpulan ng kaso” sa mga barangay kung saan nagmumula ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit. ■

‘THE WORKING GROUP’ – Mahigit kalahati ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay galing sa “working age group” ng bansa, edad 20 hanggang 40 anyos , ayon sa pag-aaral ng World Health Organization.

taong gulang; 23,939 ang nasa 40 hanggang 49 taong gulang; at 18,087 naman ang kabilang sa age group na 50 hanggang 59 taong gulang.

Ayon kay WHO Programme Area Manager Tamano Matsui, nakababahala ang ulat na ito sapagkat ang kabilang sa nasabing aktibong age groups ay mas may tsansang magkaroon ng mild na sintomas o maging asymptomatic lamang kaya’t maaari silang makahawa nang hindi nila namamalayan.

Base naman sa pahayag ni Usec. Vergeire, maaari ring sanhi ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga kabataan ang pagkahawa mula sa miyembro ng pamilya na kabilang sa working age group na kinakailangang lumabas ng bahay para magtrabaho.

Page 7: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

BalitaBalita 7Setyembre 2020

‘BIDA Solusyon sa COVID-19’ inilunsad ng DOH Ni Raiza F. Cabugwang

One Hospital Command Center,binuksan na

Ni Benjie Dorango

DOH babantayan ang mga barangay kontra COVID-19Ni Raiza F. Cabugwang

( ▶ 12 )

Katuwang ang United States Agency for International Development (USAID), mga ahensya ng pamahalaan at ilang miyembro ng pribadong sektor, inilunsad online ng Department of Health ang “BIDA Solusyon sa COVID-19” communication campaign noongHulyo 24, 2020.

Layunin ng kampanya na itaas ang kamalayan ng madla at hikayatin ang mga Pilipino na baguhin ang kanilang gawi at pag-iisip tungo sa pagiging responsableng mamamayan na isinasaisip lagi ang kalusugan at sama-samang nagsasagawa ng mga hakbang upang makaiwas sa virus.

Ang BIDA ay kumakatawan sa apat na gawi na dapat isagawa ng mga mamamayan para makaiwas sa virus: Bawal walang mask, I-sanitize ang kamay at Iwas-hawak sa mga bagay, Dumistansya ng isang metro, at Alamin ang totoong impormasyon.

Sa kampanyang ito, ang COVID-19 ay itinuturing na

Babantayan ng Department of Health (DOH) ang mga barangay bilang bahagi ng kanilang “community-focused strategy” sa pagpigil ng paglaganap ng Coronavirus disease2019 (COVID-19).

Ito ang inanunsyo ng DOH noong Agosto 3 matapos lumobo ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular na sa mga lugar na kasalukuyang nasa ilalim ng modified enhancedcommunity quarantine kabilangna ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna,at Rizal.

Base sa datos ng DOH, ang pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ay mula sa mga

COntraVIDa o kontrabida na maaaring magapi ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nabanggit na health protocols.

Kumakatawan sa kampanyang ito ang aktor na si Alden Richards na tinaguriang “BIDA Champion”. Upang lalo pang hikayatin ang publiko na makiisa, bumida si Richards sa isang patalastas tampok ang kampanya tungkol saBIDA Solusyon.

Makakasama rin ni BIDA Solusyon Ambassador Alden Richards ang iba pang personalidad na sina Diether Ocampo, Matteo Guidicelli, James Deakin, EJ Falcon, at Paolo Bediones upang tulungan siyang lalong mahikayat ang mga Pilipino na suportahan angnasabing kampanya.

Samantala, si CommunicationsTechnical Advisor to the DOH Amor Maclang ang itinalaga upang makipag-ugnayan sa mga lider ng iba’t ibang pampubliko at pribadong sektor para epektibong

maiparating at maibaba ang mensahe ng kampanyang BIDA Solusyon hanggang sa barangay level.

Nagpahayag naman ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ang Philippine Information Agency (PIA) ng kanilang buong pwersang pagsuporta sa nasabing kampanya.

Ani PCOO Undersecretary George Apacible, kasama ng DOH, puspusan ang ginagawang paglalabas ng PCOO ng mga mahahalaga at totoong balita ng gobyerno para malaman ng publiko ang mga hakbang at maramdaman na ang pamahalaan ay kumikilos upang mapanatiling maayos ang kanilang buhay kahit mayroong kinakaharapna krisis.

Dagdag pa niya, nariyan ang PCOO upang magbigay-alalay sa mga impormasyon ng gobyerno tungkol sa COVID-19.

Kahit si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nakatanggap din ng tawag mula sa isang pasyente ng COVID-19 na walang mapuntahang ospital para magpagamot. Sa maagap na aksyon at koordinasyon ng Task Force, nakahanap din agad ang mga kawani ng ospital para sa pasyente.

Kaugnay ng pangyayaring ito, naisip ng Kalihim na posibleng dahil sa kakulangan ng sistematikong koordinasyon kung bakit pahirapan ang paghahanap ng ospital, kahit pa base sa datos ng Department of Health. Marami pang pagamutan ang kayang tumanggap ng mgabagong pasyente.

Para kay Sec. Lorenzana, tamang-tama ang pagkakaroon ng Central Command Center para sa COVID-19 response. Ito ang ONE HOSPITAL COMMAND CENTER (OHCC)na inilunsad noong Agosto 6.

“Ang lugar na ito ay accessible 24 hours a day para kahit anong oras ng araw, meron silang matawagan at matugunan ang kanilang p a n g a n g a i l a n g a n , ”ani Lorenzana.

Trabaho ng OHCC na i-coordinate ang pampubiko

at pribadong ospital, treatment, at isolation facilities na pwedeng magamit para sa triage at referral system.

Magsisilbi rin itong call center para sa lahat ng mga naghahanap ng pagpapagamutang ospital. Sistematiko ang pagkuha at pagbibigay ng impormasyon.

Una, tatanggapin ang report sa pamamagitan ng hotline, cellphone app, o QR codes. Mayroong mga personnel na naka-standby para tumanggap ng tawag.

Kapag nakuha na ang lahat ng impormasyon sa pasyente, agad itong ipapasok sa computer aided dispatch system. Kukunin naman ito ng healthcare coordinators ng OHCC bilangbagong kaso.

Sa pamamagitan naman ng updated dashboard ng OHCC, malalaman ang mga ospital na may kakayahan pang tumanggap ng pasyente, at may available pang kama at equipment. At kung kinakailangan ng agarang responde para sa tumawag na pasyente, ang healthcare coordinators ng OHCC na rin ang hahanap ng resources.

lugar na may “kumpulan ng kaso”. Kaya kung matututukan ang kada barangay sa pamamagitan ng community-focused strategy, mas matutugunan ng DOH ang problema mula sa ugat nito. Isa sa kanilang nakikita ay ang mas mahigpit na localized lockdowns at pagpapatupad ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) simula Agosto 3, 2020.

Ang CODE ay isang patient and community-focused response strategy na may mga mahahalagang bahagi hango mula sa Prevent-Detect-Isolate-Test-Treat strategyng DOH.

Sa ilalim ng CODE, magkakaroon ng community

engagement activities na naglalayong isulong ang mga gawi na maaaring makapigil sa pagkakaroon at paglaganap ng nasabing virus, ng active case finding sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga kabahayan kung may sintomas ba ng COVID-19 ang mga naninirahan dito, RT-PCR testing para sa symptomatic na mga pasyente, at ng Oplan Kalinga application, kung saan tutulungan ng local government units (LGUs) na mailipat sa quarantine facility ang mga asymptomatic at mild cases na pasyente ng COVID-19 ngunit walang maayos na home quarantine setup para makapagpagaling.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, ibibigay ng national government ang suporta sa LGUs, partikular na sa mga lugar na may high-risk community transmission at iyong mga lugar na limitado lang ang kapasidad at mapagkukunan.

Sa tulong ng CODE, mabibigyan din ng panahon ang healthcare workers na makabawi mula sa pagkapagod at makapaglalaan din ng oras ang DOH na makapagbalangkas ng substitution team na makatutulong sa pagpapalakas sa healthcare workforceng bansa. ■Photo credit: National Task Force Against COVID-19 ( ▶ 12 )

Page 8: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

Istriktong health protocols, ipinatupad sa SONANi Monica N. Ladisla

Mahigpit na health protocols ang ipinatupad sa Batasang Pambansa Complex para sa pagdaraos ng 5th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 27.

Naglatag ng dalawang plano ang Presidential

Security Group at Office of the President upang matiyak ang kaligtasan ng Pangulo at ng mga dumalo sa SONA.

Sa unang plano, iminungkahi na idaos pa rin sa Batasang Pambansa Complex ang SONA, ngunit

mas pinahigpit ang health protocols. Hindi tulad ng nakagawian, mula 500 katao ay nilimitahan na lamang sa 50 katao ang maaaring makapasok sa loob. Kasama sa bilang na ito ang Pangulo, piling miyembro ng Gabinete,

29 na mambabatas mula sa Kongreso, at walong opisyal mula sa senado.

Kabilang sa mga mambabatas na dumalo sina House Speaker Alan Peter Cayetano, Rep. Luis Raymund Villafuerte, Rep. Martin Romualdez, Rep. Jonathan Sy-Alvarado, Rep. Bambol Tolentino, Rep. Bienvenido Abante, Rep. Eric Yap, Rep. Elpidio Barzaga, Rep. Janette Garin, Rep. Michael Defensor, Rep. Robert Ace Barbers, Secretary General Jose Luis Montales, Deputy Secretary General Brian Raymund Yamsuan, Sergeant-at-Arms Ramon Apolinario, at Rep. Divine Yu.

Naroon din sina Rep. Lani Cayetano, Rep. Chicoy Alvarez, Rep. Dan Fernandez, Rep. Rannie Abu, Rep. Dong Gonzales, Rep. Juan Miguel Arroyo, Rep. Rodante Marcoleta, Rep. Wes Gatchalian, Rep. Jesus Crispin Remulla, Rep. Lord Allan Velasco, Rep. Claudine Diana Bautista, Rep. Paolo Duterte, Rep. Jayjay Suarez, at Rep. Sharky Palma.

Nagkaroon naman ng teleconference para sa mga mambabatas at opisyal na hindi nakadalo sa SONA noong Hulyo 27.

Samantala, hindi na naisagawa pa ang ikalawang plano na idaos ang SONA sa Malacañang dahil maagang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magaganap ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa Complex.

Upang matiyak ang kapakanan ng mga dadalo, ipinatupad ng House of Representatives ang mahigpit na screening protocol kung saan pinagsumite ng health declaration form ang mga dadalo, gayundin ang pagsasagawa ng temperature checks bago payagang makapasok sa loob ng Batasang Pambansa.

Mahigpit ding ipinatupad ang pagsuot ng face mask at face shield sa loob ng venue pati na ang dalawang metrong physical distancing. Isinailalim ang Batasang Pambansa sa lockdown sa pamumuno ng Quezon City Police District at fire marshall upang matiyak ang seguridad sa lugar.

Tanging ang Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang (RTVM) ang pinahintulutang magsagawa ng SONA coverage na sabay na napanuod sa Facebook page ng People’s Television Network, gayundin sa Facebook at YouTube channel ng RTVM. ■

Panahon na para mawala na ang pila – PRRDNi Vanessa R. Landig

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang 5th State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27 na ipatupad ang online system sa lahat ng serbisyo at transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno upang matuldukan na ang pisikal na pagpila ngmga Pilipino.

Ayon sa Pangulo, pangungunahan ng national government ang pag-transition ng bansa sa online o “contactless” na sistema ng operasyon sa gitna ng banta ng pandemya.

“The national government shall lead the way in our transition to online systems. I reiterate my call for all government instrumentalities to implement systems that shall make physical queuing a thing of the past. Panahon na para mawala na ang pila para mapagsilbihan ng gobyerno nang walang kahirapan para sa tao,” pahayag ng Pangulo.

Sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government, Department of Budget and Management, at Anti-Red Tape Authority, inatasan

niya ang lahat ng sangay ng pamahalaan na isagawa nang elektroniko ang lahat ng serbisyong ibinibigay ng kani-kanilang tanggapan.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, dapat na aniyang makiangkop at makisabay ang gobyerno sa “paperless” na pag-proseso ng mga transaksyon bilang bahagi ng new normal, gayundin upang mabawasan ang “red tape”sa sistema.

“We need e-governance [to provide] our people with the services they need [from] the comfort of their homes and the workplaces. It will enable our bureaucracy to better transition into the ‘new normal’ and cut or minimize red tape,” ani PRRD.

Samantala, tiniyak din ng Pangulo ang proteksyon at kaligtasan ng mga Pilipino sa mundo ng e-commerce kung saan mataas ang banta sa security, data privacy, at “misrepresentation”.

“I direct the Department of Trade and Industry to ensure the empowerment of Filipinos on consumer rights, and coordinate strategies between public and private

organizations in building a fair, safe, resilient, and sustainable economy,” saad ni Pangulong Duterte.

Ipinahayag rin niya ang pagbuo ng mga batas ukol sa privacy at data protection ng mga mamimili sa cyberspace bilang proteksyon mula sa

mga mapagsamantalang online scammer.

“We must continue to protect Filipinos in the new normal, and remind the world that we are responsible stewards of data. I am committed to protect both the physical and digital lives of

our law-abiding countrymen,” paliwanag ni PRRD.

Ginanap ngayong taon ang ikalimang SONA ng Pangulo sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City na dinaluhan lamang ng 50 katao dahil na rin sa matinding bantang COVID-19. ■

PRESIDENTIAL PHOTO

PRESIDENTIAL PHOTO

Page 9: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

Hati ang posisyon ng mga senador sa isyu ng pagbabalik ng death penalty sa pamamagitan ng lethal injection matapos itong bigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang 5th State of the Nation Address noong Hulyo 27.

Matatandaang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati na makatutulong

Mga senador hati ang posisyon sa isyu

PRRD NAIS BUHAYIN ANG DEATH PENALTYNi Raiza F. Cabugwang

SONA naging mapayapa – PNPNi Joan Alcantara

ang death penalty sa pagpigil sa paglaganap ng krimen at maililigtas aniya nito ang mga kabataan mula sa panganib bunsod ng iligal na drogasa bansa.

“I reiterate the swift passage of law reviving the death penalty by lethal injection for crimes and specified under the Comprehensive Dangerous Drugs Act of

2002,” pagbibigay-diinng Pangulo.

Kaugnay rito, ipinahayag ni Senador Richard Gordon, lider ng Senate Committee on Justice and Human Rights, na hindi magiging madali ang hakbang na ito dahil ang Pilipinas ay isa sa mga bansang lumagda sa International Covenant on Civil and Political Rights of 1976 na nagsasaad na ang bawat indibidwal ay may karapatang mabuhay at walang sinuman ang dapat pagkaitan nito. Ang nasabing kasunduan ay inaprubahan din ng Senado noong 1986.

Saad pa ng Senador na tutol sa nasabing hakbang, lahat ng mga bansang lumagda sa kasunduan ay hindi maaaring magpataw ng death penalty at maaari aniyang magkaroon ng isyung konstitusyonal sakaling pahintulutan ito.

“I’m the chairman of the Committee on Justice. If they think that I’m going to be biased… but I promise you if we do hearings, we will hear everybody and if they think that I’m not able to do the job fairly and objectively then sasabihin ko,” pahayagng Senador.

Sa kabila nito, nagbigay naman ng kanilang suporta ang ilang mga Senador sa muling pagpapatupad ng nasabing capital punishment, katulad na lamang ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ang chair ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

“As a former military officer, law enforcement officer, and Bureau of Corrections chief, and now as a lawmaker, I

cannot, and will never be, at peace as I continue to witness, with so much desolation, the sufferings of our countrymen and women in the hands of drug-crazed individuals,” wika ni Dela Rosa sa kanyang privilege speech sa Senado noong Hulyo 29.

Aniya, bagama’t batid niya ang obligasyon ng bansa na tumupad sa mga pandaigdigang kasunduan, naniniwala siyang nararapat na dinggin pa rin ang isyung ito ng Kongreso.

Nagpahayag din ng kaniyang pagsuporta sa muling pagsasabatas ng death penalty si Sen. Christopher “Bong” Go.

“In addition to the strengthened campaign of law enforcers to eradicate illegal drugs and criminality, reimposing the death penalty can be a strong deterrent for the commission of heinous crimes. In effect, if we can stop crimes from happening, unfortunate encounters in police operations will also be avoided and lives of both police and the public can be protected,” sabi ni Sen. Go.

Handa naman si Sen. Gordon na gumawa ng sub-committee, sa pangunguna ni Sen. Manny Pacquiao, na didinig sa nasabing usapin.

“I already told Manny Pacquiao. Gustong-gusto niya no’n. ‘Ikaw ang mag-sponsor,’” pahayag ni Sen. Gordon.

Sang-ayon naman sina Senador Vicente Sotto III, Imee Marcos, at Sherwin Gatchalian sa kagustuhan ng Pangulo kung ipapatupad lang aniya ito sa mga bigating

indibidwal na lumalabagsa batas.

“I’ll be willing to sponsor if they want me to. I will make myself available if the committee or the members of the Senate wish. I will make myself available only if it is confined to high-level drug trafficking,” ayon saSenate President.

Bagamat isa si Sotto sa mga nagsulong ng death penalty noong 1990s, sinabi niya na nakikita niya na ngayon ang punto ng mga salungat sa pagsasabatas nito sapagkat ang pagsasakdal sa maling suspek ay posible umano sa halos 95 porsyento ngmga krimen.

Ayon naman kay Sen. Imee Marcos, ang death penalty ay nararapat lamang na ipatupad sa mga “big-time” na kriminal, katulad ng drug lords, at dapat aniyang ikonsidera ang bilang ng mga biktima, lebel ng karahasan, at social impact sa paggawa ng desisyon.

Naniniwala rin si Sen. Sherwin Gatchalian na nararapat na isabuhay ang nasabing batas para lamang sa mga malawakang paglabag ukol sa iligal na droga at mga krimeng may kinalaman sa sekswal na pananamantala sa mga kabataan.

“Criminals who wage war against our society by corrupting it with drugs and sexual violence against children must be put to death. They cannot be rehabilitated, and they should not be forgiven, [as] this type of criminal is beyond saving,” ani Sen. Gatchalian. ■

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang ginanap na 5th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 27 sa Batasang Pambansa sa kabila ng mga kilos protesta, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Pinasalamatan ng PNP ang mga grupong nagsagawa ng protesta sa ibang pamamaraan maliban sa malawakang pagtitipon dala na rin ng

Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

“We would like also to commend the National Capital Region Police Office and Quezon City LGU for their preparations and well-coordinated efforts in observing maximum tolerance toward protesters who followed quarantine protocols set by the IATF,” pahayag ni PNP ChiefArchie Gamboa.

Para sa SONA ngayong taon, naitala ng PNP ang 1,790 bilang ng mga raliyista na istrikto at mapayapang sumunod sa itinakda lamang na oras ng protesta sa mga lugar gaya ng University of the Philippines Diliman, Commission on Human Rights Main Gate, Barugo Road (Caloocan City), Plaza Rizal sa Naga City (Camarines Sur), Legazpi City (Albay), Freedom Park sa Virac (Catanduanes), atBaguio City. ■

PRESIDENTIAL PHOTO

PRESIDENTIAL PHOTO

Page 10: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

BalitaBalita10Setyembre 2020

PRRD aprubado ang karagdagangbenepisyo para sa healthcare workers

Ni Raiza F. Cabugwang

“Batid namin ang pasanin ng bawat isa, lalo na ang ating gobyerno. Sa dami ng problemang kailangan nilang tugunan at desisyon na kailangang timbangin, sana lang po makasama kami sa priority na mapakinggan at masuportahan nang tama sa labang ito. Kaming nasa frontline na unti-unti nang nauubos ay humihingi ng sapat na kompensasyon, hindi para sa sarili namin, kundi para sa mga pamilya naming naiwan habang kami ay nagseserbisyo parasa bayan.”

Ito ang pahayag ni Christian Distor, isang nurse sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Isa si Christian sa libu-libong frontline healthcare workers sa bansa na kasama sa mga itinuturing na sundalo sa gitna ng laban kontra Coronavirus disease2019 (COVID-19).

Aniya, sa loob ng ilang buwan na nagseserbisyo siya bilang isang nurse para sa mga pasyenteng may COVID-19, ang pinakamabigat na hamon para sa kanya ay ang sakripisyo para sa pamilya.

“‘Yong pagod, puyat, at gutom sa pagseserbisyo kaya naming tiisin, pero ‘yong dumistansya ka sa pamilya, iwasan silang makasalamuha, hindi mo magawang alagaan sila, hindi mo matulungan asawa mo sa gawaing-bahay at pag-aalaga, ‘yon ang nagpapahirap sa amin. Naiyak na lang kami,” pagkukwento ni Christian sakanyang karanasan.

Sa kabila ng mga panganib at hirap na kasalukuyang dinaranas sa kanilang propesyon, patuloy pa rin si Christian at ang kanyang mga kasamahan sa pagseserbisyo sa bayan. Ayon sa kanya, ito ay dahil sa sinumpaan nilang tungkulin. “Call of duty” aniya nila ito, at bukod sa kulang sila sa tao, hindi nila matitiis

Bago muling ibinalik ang Metro Manila at iba pang lugar sa ating bansa sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ay nagkagulo ang mga taga-National Capital Region sa pagpila sa main office ng PhilHealth. Nang tanungin ng isang reporter kung bakit, naghahabol pala ang mga ito na makakuhang ID.

Mamimigay raw kasi ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga lugar na nasa MECQ at kapag walang ID ay hindi mabibigyanng ayuda.

Isa sana sa pipila sa PhilHealth si Melchor, 26, para kumuha rin ng ID. Hindi naman dahil sa ayuda ang kanyang rason kundi kailangan daw ng ID sa pag-aaplayan niyang trabaho. Wala raw kasi siyang ibang hawak na identification maliban sa kanyang barangay ID, pero tatlo ang hinihinging ID ng kanyangmagiging employer.

Nang makita niya ang kumpol ng mga tao ay hindi na nakipila pa si Melchor.

“Wala nang social distancing,” aniya sa reporter na kumausap sa kanya. “Sa sobrang siksikan, baka hindi na ako nga umabot sa closing time ay mahawaan pa akong COVID-19.”

Totoo nga naman. Nakaka-stress makita na parang mga nagsisiksikang sardinas ang mga taong nakapila makakuha lang ng ID nang hindi na iniisip na baka ang mga katabi nila, o sila mismo, ay carrier na ng virus.

Ganito rin ang sistema nang ipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang second tranche ng Social Amelioration Program. Maghapon at

na iwan ang bawat isa sa laban na ito.

Batid ang mga sakripisyong ito, dininig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinaing na ito ni Christian at kapwa niya healthcare workers sa bansa na kasama sa giyera laban sa pandemya.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Agosto 3 na aprubado na ng Pangulo ang karagdagang benepisyo para sa kanila, katulad ng pagbibigay ng P10,000 hanggang P15,000 para sa healthcare worker na magkakasakit, life insurance, libreng matutuluyan, libreng transportasyon, at libre at malimit na COVID-19 testing.

Mariing inirekomenda ni Pangulong Duterte na isama ang mga karagdagang benepisyong ito sa “Bayanihan 2” — ang panukalang batas na nagtataglay ng “stimulus package” para makabangon ang Pilipinas sa epektong COVID-19.

Bukod pa sa mga nasabing benepisyo, mag-i-empleyo rin ng karagdagang 10,000 medical professionals upang mas mapaigting ang kasalukuyang healthcare workforce ng bansa.

Bagama’t magandang balita ang mga ito sa healthcare workers, hiling ni Christian na sana ay hindi maging limitado ang mga benepisyong ito sa iilang medical workers lamang at magkaroon daw sana ng monitoring team na tututok sa implementasyon ng nasabing hakbang upang tiyaking naibibigay ito sa mga nararapat na makatanggap.

Masaya namang ibinalita ni Christian na maayos naman siya at ang kanyang mga kasamahan na nakatatanggap ng personal protective equipment mula sa pamunuan ng ospital na kanilang pinaglilingkuran at mulasa Department of Health.

Nabigyan din aniya sila ng Special Risk Allowance

noong panahon ng enhanced community quarantine, pero hiling niya na sana ay patuloy na ibigay sa kanila ito, lalo pa ngayon na nakaharap sila ng kanyang kapwa healthcare workers sa mas matinding panganib bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa kabilang banda, may kahilingan din si Christian sa mga Pilipino upang matulungan silang healthcare workers sa paggapi sa virus.

“Sa kababayan natin, nakikiusap po kami, ngayon po natin ipakita na may disiplina po tayong mga Pilipino. Stay at home. Perform the minimum health protocols. Malaking ambag na po ‘yon bilang isang Pilipino. Maawa po kayo sa frontliners, may pamilya rin po kami,” pakiusap ni Christian.

Samantala, bilang patuloy na pagbibigay-prayoridad at pagtugon sa mga kahilingan ng healthcare workers sa bansa, at dala na rin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na sa iilang lugar sa Luzon, idineklara ni Pangulong Duterte noong Agosto 2 ang pagsailalim muli sa modified enhanced community quarantine ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal mula Agosto 4 hanggang Agosto 18 ngkasalukuyang taon.

“I have heard the call of different groups from the medical community for a two-week enhanced community quarantine in Mega Manila. I fully understand why you, health workers, would like to ask for such a time-out. They have been in the frontlines for months and they are exhausted,” pahayagng Pangulo.

Umapela siya sa healthcare workers na habaan pa ang pasensya at manatili ang pagnanais na makapagserbisyo sa mga pasyenteng may COVID-19. Dagdag pa niya, kinikilala rin niya ang lahat ng pagsisikap ng mga ito.

“Huwag kayong mawalaan ng pag-asa, nakikita at kausap ko ang iba sa inyo. Habaan ninyo lang — you stretch your patience and your — not endurance because you can only also take so much, your fervor. Habaan na lang ninyo ‘yong pasensiya ninyo and your fervor na ikaw ay isang medical na tao at tiwala kami sa inyong kakayahan. We are aware that you are tired, that you have worked almost even beyond 24 hours a day. Pero ito kasi ‘yong… Wala kaming matakbuhan. Kayo ‘yong nag-aral, kayo ‘yong may alam,” mensahe ng Pangulo sa healthcare workers. ■

FEATURELagi tayong may problema sa ID

Ni KC Cordero

BENEFITS APPROVED – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang benepisyo para sa healthcare workers at ang pag-hire sa medical professionals upang mas mapaigting ang kasalukuyang healthcare workforce ng bansa laban sa COVID-19 pandemic.(Photo credit: National Task Force Against COVID-19)

PHOTO CREDIT: Avito C. Dalan - PNA

magdamag nang nakapila ang mga benepisyaryo sa mga remittance center. At dahil tayong mga Pinoy ay hindi naman talaga disiplinado pagdating sa pagpila, at kung bakit kahit alam naman nating mapanganib ang kasalukuyang virus at baka tayo mahawa, lagi pa rin tayong nakadikit sa ating sinusundan — at ‘yung kasunod natin, ayaw ring dumistansiya man lang. Malaki ang tsansa na magkahawaan talaga.

Ang puno’t dulo nito ay ang kawalan natin ng national ID na magagamit sana sa lahat ng transaksyon — na puwede ring maging bank account para hindi na kailangan ang mga pila-pila na tulad nito.

Kaya nga marami ang nagnanais na sana nga ay maipatupad na nang todo ang national ID system sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

At tama ang sinabi ni Land Bank of the Philippines (Landbank) President and Chief Executive Officer (CEO) Cecilia Borromeo na sakaling ipatupad na ang Philippine Identification System (PhilSys ID) o national ID, dapat na ito ay magagamit din bilang “bank and transactional accounts”. Para sa tuwing may ibibigay na ayuda ang gobyerno sa mga tao ay may maayos na database ng mga mamamayan, hindi magkakaroon ng anomalya dahil madaling matukoy kung sinu-sino talaga ang residente sa kada barangay. Madali na rin ang proseso sakali mang magsagawa ng contact tracing o katulad na aktibidad.

At hindi na sana problema ni Melchor at ng libu-libong gaya niya na walang valid ID ang paghahanap pa ng ekstrang ID at maging ang pagpila kapag may benepisyong ipagkakaloob ang ating pamahalaan. ■

Page 11: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

BalitaBalita 11Setyembre 2020

‘May pondo na kami para saCOVID-19 vaccine’ – Isko Moreno

Ni Benjie Dorango

Nakahanda na ang P200 milyong piso na pondong gagamitin ng lungsod ngMaynila pambili ng COVID-19 vaccine sa oras na ito ay maging available na.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasabay ng pagbubukas ng pinakabagong quarantine facility noong Agosto 7 sa Manuel L. Quezon University (MLQU) saQuiapo, Manila.

Aniya, ang pondo ay nakatengga lang muna, pero habang naghihintay, kaliwa’t kanan naman ang pagkilos ng kanyang lokal na pamahalaan para kahit papaano, mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Bukod sa mga pasaway na “tolonges” na ayaw mag-mask at mag social distancing, isa sa nakikita niyang problema ay ang isolation ng mga nahawa na. Buti na lang aniya, nakapagtayo na sila agad ng mga quarantine facility tatlong buwan na ang nakalilipas.

Sa kasalukuyan, ayon kay Mayor Domagoso, halos puno na ang mga ito, kaya’t habang hindi pa ginagamit ang gusali ng MLQU College of Law ay napagpasyahan itong gawing isang quarantine facility.

Binubuo ng dalawang palapag, ang nasabing quarantine facility ay kumpleto sa pasilidad para sa kumportableng pagpapagaling ng mga pasyente. Mayroong 28 air-conditioned cubicles kada isang palapag.

Sa kabuuan, 56 na pasyente ang pwedeng gumamit sa dalawang palapag ng bagong isolation facility na mayroon ding family room para sa privacy ng isang pamilya.

Ipinahayag naman ni National Action Plan Against Covid-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon ang kanyang pagsaludo kay “Yorme” Domagoso.

Aniya, importante ang mga ganitong hakbang lalo’t tumataas ang bilang ng nagkakasakit sa bansa kabilang na ang lungsodng Maynila.

Tulad ni Yorme, naniniwala rin si Sec. Dizon na dapat ay mabilis ang responde sa ganitong panahon. Dagdag pa ni Dizon, natutuwa ang gobyerno dahil mayroon nang 17 quarantine facilities ang Maynila na katumbas ng 500 bed capacity.

“Pinakamarami ito sa kahit na anong LGU sa bansa. Madadagdagan pa ‘yan,”ani Dizon.

Pormal nang nilagdaan noong Agosto 5 nina Makati City Mayor Abigail Binay kasama ang grupo sa likod ng Project ARK ang memorandum of agreement upang maging pilot testing site ang lungsod at maisagawa ang pooled testing kontra COVID-19.

Sa isang virtual meeting, inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na sampung libong residente ng Makati na kinabibilangan ng mga market vendors, drayber ng mga pampublikong sasakyan, at mga residenteng naninirahan malapit sa Makati Coliseum ang naging prayoridad sa proyektong ito na sinimulan na noong Agosto 15.

Sa pamamagitan ng pooled testing, paghahatian ng isang grupo ang isang RT-PCR kit

Makati City napiling pilot site para sa COVID-19 pooled testingNi Monica N. Ladisla

kumpara sa nakagawiang sistema na “one RT-PCR kit per person”. Kapag lumabas na positibo ang resulta, saka lamang isasailalim sa individual assessment ang grupo.

Ayon kay Concepcion, ang istratehiyang ito ay isang “game changer” at aniya, “ it could speed up testing, increase the capacity, and make it cheaper. Testing will create greater visibility.”

Ang datos na makukuha sa test na isasagawa ay siya namang gagamitin ng lokal na pamahalaan bilang gabay sa kanilang COVID-19 response policy-making.

Ikinatuwa naman ito ng alkalde ng Makati at sinabing isang karangalan na mapili ang Lungsod ng Makati bilang pilot site. Dagdag pa niya, indikasyon

Samantala, sa tulong ng Department of Public Works and Highways, dalawang bagong quarantine facilities pa ang planong itayo sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at sa San Andres Sports Complex sa lungodng Maynila.

Ayon kay Mayor Domagoso, nasa 2 porsyento lamang ang death rate sa Maynila at target aniya ng kanyang lokal na pamahalaan na ibaba ito sa 0 porsyento. Ngunit mababalewala aniya ang lahat ng pagsisikap ng gobyerno kung “tolonges” angmga tao.

“Tolonges ka na lang kung hindi ka magma-mask. Dahil akala mo di ka magkakasakit. Sa mga nanay natin, nasa huli ang pagsisisi. Mababalewala lahat ‘yan kung tayo ay magpapabaya sa sarili. Matuto kayong pagmalasakitan ang [ating] sarili,” saad ni Domagoso.

Nagsimula nang magbukas at magbigay-serbisyo sa publiko ang MLQU quarantine facility noong Agosto 10. ■

umano ito ng tiwala ng grupo sa COVID-19 policies at protocols ng lungsod.

“Hopefully, the pooled testing would be the answer for us to put a social end to the pandemic,” pahayag niMayor Binay.

Plano ring isailalim sa pooled testing ang iba pang lungsod sa Metro Manila at target ng Project ARK na maisagawa ang pooled testing sa 160,000pang katao.

Kabilang din sa mga nakiisa sa virtual signing ng memorandum of agreement sina Project Ark Chief Implementor at Iloilo Representative Janette Garin, BDO Unibank Chairman Tessie Sy-Coson, at sina Dr. Julius Lecciones at Dr. Raymond Lo ng Philippine Children’s Medical Center. ■

Ikatlong walk-in COVID-19 testing centersa Maynila, binuksan na

Ni Carolina Tongko

Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ikatlo noong libreng walk-in COVID-19 testingcenter nitong Hulyo 29.

Pormal nang binuksan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ikatlo nitong libreng walk-in COVID-19 testing sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) upang tuluyang mapaigting ang kampanya ng lungsod para sa libreng mass testing.

Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa nasabing testing center na inaasahang magagamit ng mga residente ng Maynila at mga kalapit nitong lugar.

Gaya ng ibang libreng testing centers sa Kamaynilaan, gagamit din ang JJASGH ng serology machine na siyang mangungulekta ng blood samples at aalam sa presensya ng novel coronavirus mula sa mga nakulekta nitong dugo.

Ang pinakabagong walk-in COVID-19 testing ay may kakayahang magsuri ng mula 400 hanggang 500 indibidwal, ngunit hanggang sa 300 pagsusuri muna ang kanilang gagawin bilang pagsisimula.

“Ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na accessible, efficient, and free for all COVID-19

mass testings ng Maynila. Hangga’t may pera, libre ito, whether it is for peace of mind or work, available ito para sa lahat,” saad ni Mayor Domagoso sa pagpapasinaya ng JJASGH testing facility.

Dagdag pa ng alkalde, ang paglalagay ng libreng walk-in COVID-19 testing ay maituturing na maliit na ambag ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa bansa para sa patuloy nitong kampanyakontra COVID-19.

Bukod sa mga walk-in testing centers, nakapaglunsad din ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng drive-thru testing centers at mobile testing trucks na magtutungo sa bawat barangay sa lungsod na may mataas na kaso ng COVID-19.

Susunod na lalagyan ng walk-in COVID-19 testing center ang Ospital ng Tondo na naitala sa kasalukuyan na may pinakamataas na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sabuong lungsod.

M a t a t a n d a a n g magkasunod na binuksan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang walk-in testing centers nito sa Ospital ng Sampaloc at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center nitong Hulyo 20 at 23. ■

Page 12: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

12Setyembre 2020

BalitaBalita

CENTRALIZED SYSTEM - Inilunsad ang One Hospital Command Center (OHCC) upang maisaayos ang sistema ng pagresponde sa COVID-19. Trabaho ng OHCC na i-coordinate ang pampubliko at pribadong ospital, treatment, at isolation facilities na pwedeng magamit para sa triage at referral system. Pinangunahan nina DOH Sec. Francisco Duque III, Defense Sec. Delfin Lorenzana, at NTF Chief Implementer Sec. Carlito Galvez, Jr. ang pagbubukas sa publiko ng OHCC.

One Hospital Command Center, mula sa pahina 7 10M Pilipino target na ma-test 10M Pilipino target na ma-test mula sa pahina 2

Ang subgroups na ito ay ang Subgroup G na kinabibilangan ng mga residente sa mga lugar na may active COVID-19 transmission; Subgroup H na binubuo ng frontliners sa tourist zones; ang Subgroup I na kung saan kasama ang mga empleyado ng manufacturing companies at public service providers; at ang Subgroup J kung saan napapaloob ang

mga Public Utility Vehicle driver, konduktor, piloto, waiter, restaurant manager, cashier, bank teller, security guard, at mga guro.

Sa gitna ng lahat ng ito, patuloy pa rin ang ginagawang implementasyon ng gobyerno sa Test, Trace, Isolate, and Treat strategy nito upang mas lalo pang mapaigting ang laban nito kontra COVID-19.

“Tuloy-tuloy lang po tayo. At sa tulong ng ating LGUs (local government units) at ng private sector ay kailangang paigtingin pa natin ang ating pagte-test dahil ‘yon lang ang paraan para mahanap natin ang mga maysakit sa ating mga komunidad at ma-isolate natin sila para hindi makahawa at mapabagal sa pagkalat ng COVID-19,” pahayag ni Sec. Dizon. ■

Palasyo sa COVID-19 funds mula sa pahina 6

to trust the government that no one is lining their pockets with taxpayers’ money”.

Iginiit naman ni Sec. Roque na naging transparent ang administrasyon at lingguhan itong nagsusumite ng report sa Kongreso magmula nang ipatupad ang Bayanihan to Heal as One Act.

“Walang pong tinatago ang Presidente at ang Malacañang. Lahat ng gastos, lahat po

ng pera na ginastos para sa COVID-19 napunta po ‘yan para sa COVID-19 response ng gobyerno,” paliwanag ni Sec. Roque.

Sinegundahan din ni Secretary Carlito Galvez, Jr., COVID-19 chief implementer ang pahayag na ito ni Sec. Roque at tiniyak sa publiko na naging maayos ang lahatng transaksyon.

“Maitataya po namin ang aming integridad sa pagbili ng mga pangangailangan ng ating mamamayan dito sa paglaban sa COVID,” saad ni Sec. Galvez.

Prinesenta ng Palasyo noong Agosto 3 ang breakdown ng COVID-19 loans, donations, gayundin ang mga nagastos ng gobyerno sa COVID-19 responseng bansa. ■

50% ng COVID cases sa Pinas mula sa pahina 6“Part of the households

are children so maaari na ‘pag umuwi sila (working group), maaaring naapektuhan ‘yong mga bata at na-i-infect,” pahayag ng tagapagsalitang DOH.

Ayon naman kay Dr. Takeshi Kasai, regional director ng WHO Western Pacific, nasa “new phase”

na aniya ng pandemya ang Asia Pacific kung kaya’t ang maagang pagtuklas ng virus sa mga apektadong indibidwal at ang agarang pagresponde ng pamahalaan ukol dito ang magiging susi upang magwagi sa laban kontra COVID-19.

“The direction [of] the epidemic now depends on the action of the government

and [the] people,” ani regional director Kasai.

Iginiit din niya ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng lahat sa giyera kontra sa pandemya.

“What's important is everybody pays attention and [takes] action as if you might be infected,” dagdag pa ng WHO regional director. ■

‘BIDA Solusyon sa COVID-19’ mula sa pahina 7Ipinangako rin ni PIA

Director General Ramon L. Cualoping III na ibibigay ng kanyang ahensya ang anumang kinakailangang tulong ng DOH at iba pang stakeholders upang labanan ang COVID-19.

“In the PIA, in our 17 regional offices and 73 provincial offices, in our network of information officers, in our network of social media platforms, we will help explain, explain, explain the needed variables for people to change their behaviors,” pahayag niya.

Todo suporta rin sa kampanyang ito ang Department of the Interior and Local Government (DILG). Kaugnay rito, inilahad ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na inilunsad ng kanyang Kagawaran noong nakaraang taon ang “Disiplina Muna” campaign na naglalayong muling buhayin ang kultura ng disiplina sa mga Pilipino at itaguyod ang partisipasyon ng mga mamamayan kaugnay sa road-clearing programng DILG.

Ayon pa kay Usec. Malaya, magpapakalat sila ng posters

at campaign materials sa lahat ng local government offices na nagtatampok ng mga larawan ng mga bayani ng bansa na nakasuot ng face masks.

Nakatakda rin aniya ang DILG na magsagawa ng isang online training tungkol sa anti-fake news campaign para sa public information officers ng iba’t ibang local government units sa bansa.

Bukod pa rito, nagpahayag din ng kani-kanilang mensahe ang lider ng iba’t ibang pribadong kumpanya ukol sa pagsuporta nila sanasabing kampanya. ■

Ang sistemang ito ay bahagi ng second phase ng National Action Plan Against COVID-19 para mapababa ang mortality rate ng COVID at non-COVID patients na ayon kay Sec. Carlito Galvez, Jr., chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, nakabase rito ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

“‘Yon po ang sinasabi ni Secretary Francisco Duque III, na kailangang pababain natin ang ating fatality rate to the minimum level so that we can open up our economy. Without doing that, we cannot open up and recover our economy,” pahayag ni Galvez.

Pero may pakiusap sa mga ospital si Sec. Duque. Agad mailipat sa isang isolation facility ang mga mild at asymptomatic patients. Aniya, wala naman problema sa mga pampublikong ospital, pero malaking hamon ito sa mga pribadong ospital.

“Ang term po ng mga private hospitals, e, mahirap talikuran ang mga ‘yan komo may mga kaya ang demanding,” sabi pa ni Duque.

May naisip namang solusyon ang Health Secretary ukol dito: hanapan sila ng

hotel na gagawing step-down facility para dito na ituloy ang kanilang gamutan at para maibigay naman sa iba ang kamang babakantihin nila sa pinanggalingang ospital.

Dagdag pa ni Duque, “Gusto po nating maiwasan, they’re overwhelming of our hospitals. And the less or the shorter period that they’re staying in the hospitals, (the mild and the asymptomatic), I believe is better.”

Pero aminado ang Kalihim, nasa mga private hospitals na ang bola kung paano makakapag-adopt sa bagong sistema.

Bagamat limitado ang attendance, kasama sa maikling programa sa Orense sina MMDA Chairman Danilo Lim. Sumaksi rin sina Sec. Vince Dizon, IATF Deputy Chief Implementer, at DPWH Usec. Emil Sadain.

Narito ang mga hotlines na itinatalaga ng ONE HOSPITAL COMMAND CENTER:Cellphone numbers:

09199773333 / 09157777777 Landline number:

02 88650500.Maaari rin itong ma-access

sa pamamagitan ng pag-install ng Pureforce App. ■

Page 13: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

BalitaBalita 13Setyembre 2020

15 taong nagtago, ‘Philippines Most Wanted’ tikloNi Joan Alcantara

Arestado na ang Abu Sayyaf leader na si Anduljihad “Edang” Susukan ng Philippine National Police (PNP) sa tulong ni ChairmanNur Misuari.

Inihain ang warrants of arrest para sa 23 kaso ng murder, 5 para sa kidnapping at serious illegal detention, at 6 para sa frustrated murder sa mismong tahanan ni Misuari sa Yñigue Subdivision Maa,Davao City noong Agosto 13.

“We thank Chairman Nur Misuari for facilitating the negotiation between the PNP headed by PCol Kirby John Kraft, Davao City Director and Edang Susukan,” pahayag ni PNP Chief Police General Archie Gamboa.

Nagsimula ang negosasyon matapos mapag-alaman ng PNP na nasa Davao si Susukan para sa atensyong medikal.

Siniguro rin ni Mayor Inday Sara Duterte ang buo niyang suporta sa mapayapang transfer of custody ni Susukan samga awtoridad.

Mananatili muna si Susukan sa Camp Quintin Merecido Hospital para sa kanyang medical checkup bago dalhin sa Armed Forces of the Philippines General Headquarters sa Camp Aguinaldo. ■

Nasamsam sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng Philippine National Police (PNP) ang P81.6M kabuuang halaga ng marijuana sa nakaraang tatlong linggo. Tatlong marijuana farms din ang nawarak ng mga operatiba ng kapulisan kasama na ang dalawang matagumpay na buy-bust operations sa Valenzuela at Antipolo.

Naharang noong Agosto 9 ng 3rd Regional Mobile Force Battalion ang 107 bricks high-grade marijuana na may bigat na 133 kilo mula sa dalawang suspek na sakay ng white van na may plakang CAO5719 sa isang police checkpoint sa Clark, Mabalacat City ng 9:00 A.M. Kinilala ang

Nanguna bilang most outstanding district sa police community relations (PCR) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Quezon City Police District (QCPD) ngayong taon.

Kasama ni Philippine National Police Chief Directorial Staff PLTGEN Cesar Hawthorn R. Binag si NCRPO Director PMAJ GEN Debold M. Sinas sa pagkilala sa

Winakasan na ng Philippine National Police (PNP) Intelligence Group sa pakikipagtulungan ng mga lokal na yunit ng pulisya ang 15 taong pagtatago ng dalawa sa most wanted persons ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa magkahiwalay na operasyon nito sa Davao del Norte at Ilocos Norte.

Nalambat si Willer Salbosa Advincula sa bisa ng alias warrant of arrest na inisyu noong 2005 para sa kasong murder ng mga operatiba ng Regional Intelligence Unit 11 at tauhan ng Island Garden City of Samal Police Office noong Agosto 4 sa Purok 2 Brgy. Kanaan Kaputian District 3 Island Garden City ng Samal, Davao del Norte. Si

Advincula ay may patong na P90,000 sa tala ng DILG.

Nadakip din ang murder suspek na si Zaldy Pineda Zabala ng mga operatiba ng PNP noong Agosto 4 sa Brgy. 12 Namuroc Vintar, Ilocos Norte na may naitala nang P140,000 pabuya.

“Even in times of pandemic, our police operations and intelligence-driven initiatives are underway against criminals, threat groups, and most wanted persons,” pahayag ni PNP Chief Police General Archie Gamboa.

Nauna nang nahuli ng PNP sa San Fernando, Pampanga ang ex-congressman na si Ruben Ecleo, Jr. na No. 1 Most Wanted ng DILG sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Sandiganbayan First Division dahil sakasong graft. ■

PHOTO CREDIT: PNP PIO

Lider ng Abu Sayyafarestado sa tulongni Misuari

Ni Joan Alcantara

3 marijuana farms wasak, P81.6M nasamsam3 marijuana farms wasak, P81.6M nasamsam Ni Joan Alcantara

QCPD, most outstanding police district ng NCRPOQCPD, most outstanding police district ng NCRPO Ni Joan Alcantara

dalawa na sina Morgano Manalastas at Ronald Miranda ng Angeles City, Pampanga. Nagkakahalaga ang 107 MJ bricks ng P13M.

Tatlong suspek naman ang arestado ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District sa Valenzuela at Antipolo. Sa serye ng operasyon, nakumpiska ang 34 kilong marijuana at 156 gramo ng high-grade Kush na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P4.3M.

May kabuuang bilang na 286,150 naman na marijuana plants ang sinira ng tatlong marijuana eradication operations ng PNP sa Tinglayan, Kalinga sa Cordillera at Toledo City

sa Central Visayas. Ang marijuana plants ay tinatayang nagkakahalaga ng P59.3M.

Sa Quezon, Isabela, 42 kilo naman ng abandonadong marijuana ang nakuha ng pulis matapos madiskubre ng isang jogger sa Quezon Boulevard Botanical

Park na nagkakahalaga ng P5M sa drug market.

Sinabi ni PNP Chief Police General Archie Gamboa na sinasamantala ng drug traffickers ang pandemya. Pero nangako ang hepe na mas pagtitibayin pa ang kampanya laban sa mga sindikato ng iligal na droga. ■

QCPD noong Agosto 3 sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig.

Tanda ang parangal ng pinaigting na ugnayan ng pulisya sa komunidad na kailangan lalo na ngayong panahon ng COVID-19 na pandemya.

Ayon kay QCPD Director PBGEN Ronnie S. Montejo, “The award is certainly the result of the collaborative efforts of everyone. Kaya po

tayo nananawagan na patuloy po tayong magtulungan lalo na sa panahong ito ng pandemya, at nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa lahat para sa mas magandang serbisyo sa tao at sa bayan.”

Hinakot din ng ilang indibidwal na kapulisan ng QCPD ang ibang parangal gaya ng Outstanding PCR Senior Police Commissioned Officer (PCO) sa katauhan ni Chief

of the District Community Affairs Development Division PLTCOL Christian Dela Cruz at Outstanding PCR Junior PCO ni Talipapa Police Station 3 PCPT Senalice B. Nato. Ang Batasan Police Station 6 naman sa pamumuno ni PLTCOL Romulus Gadaoni ang nagkamit ng Outstanding City Police Station in PCR ngayong taon. ■

PHOTO CREDIT: PNP PIO

PHOTO CREDIT: PNP PIO

Page 14: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

14Setyembre 2020

Sa nakalipas na limang taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, anu-ano nga ba ang mga pagbabagong naganap sa ating bansa? Natupad nga ba ang kanyang mga ipinangakosa taumbayan?

Tunghayan ang mga naging kasagutan ng ilan sa ating mga ka-Centralians.

Ang Pilipinas sa Nakalipas na LimangTaong Panunungkulan ni Pangulong Duterte

BalitaBalita'OK lang maginghindi OK'

Ngayong panahon ng pandemya, ilan sa mga naging alalahanin ay kawalan ng katiyakan sa maaaring mangyari sa hinaharap, pagkawala ng mahal sa buhay, pagsunod sa tinatawag na “new normal”, at mga hadlang sa pagkuha ng agarang serbisyo, pagbabahagi ng mental health advocate na si Dr. Raymond John S. Naguit sa Online National Convention: CARE ng non-profit organization na Youlead Initiative.

Nagdulot ang mga ganitong sitwasyon ng iba’t ibang lebel ng emosyon na direktang nakaaapekto sa mental at psychosocial na katayuan ng mga tao. Dahil dito, bukod sa physical health, pinag-uusapan na rin ang mental well-being ngayong kasagsaganng COVID-19.

Ngunit sa kabilang banda, normal lamang ang mga naturang reaksyon sa isang “abnormal” na sitwasyon. “Hindi naman por que

meron ka nang mental health condition, meron ka nang mental health problem,” pangungumbinsi ng doktor.

Lahat ay nakararanas ng kaparehong sitwasyong dala ng COVID-19 kaya naman hindi kinakailangang sarilinin ninuman ang stress habang nakikibagay sa hinihingi ng kontekstong panahon.

Ang magandang balita, may libreng 24/7 na crisis at suicide services na hatid ang National Center for Medical Health (NCMH) ng Department of Health (DOH) para sa lahat.

Nakatao sa 24/7 hotlines ang mental health crisis responders na handang magbigay ng kumpidensyal na konsultasyon o magrekomenda ng lisensyadong psychiatrist sa mga ospital sa sinumang nangangailangan ng suportang psychosocial.

“Ang pagkakatutok natin sa mga panganib na dulot ng COVID-19 ay maaaring magdulot ng pagkawala

natin ng focus sa mental health. Napakaimportante na pagtuunan din ito ng pansin upang i-manage ang stress,” pahayag ni DOH Undersecretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire.

“It’s ok na hindi maging ok. Kaya hinihikayat namin na tumawag sa aming hotline para makipag-usap sa aming mental health crisis responders,” paghihikayat ng DOH spokesperson.

Sinegundahan namanito ni NCMH psychiatrist Dr. Bernard Argamosa. “We believe that napakaimportante po ng mental health sa ating bansa, sa ating mga kababayan. It must be front and center of every country’s response to and recovery from the COVID-19 pandemic,” ayon sa psychiatrist.

Handa ring sumuporta ang University of the P h i l i p p i n e s - D i l i m a n Psychosocial Services (UPD PsycServ) gamit ang kanilang librengtelepsychotherapy hotline.

“Ang mental health, o lusog-isip, ay hindi lang kawalan ng sakit sa isip. Ang mental health ay tungkol sa well-being o kahusayan ng buong pagkatao,” paliwanag ni UPD PsycServ Director Dr. Violeta Bautista. “Sa panahong ito ng krisis, ang

mahalaga ay alagaan natin ang ating sarili.”

Maaaring tumawag sa NCMH Crisis Hotline 0917-899-USAP (8727) o (02) 7-989-USAP, o makipag-ugnayan sa UPD PsycServ sa fb.com/UPDPsycServ or o 0916-757-3157. ■

Sa nakalipas na limang taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, masasabi ko pong satisfied ako sa kanyang pamumuno sa ating bansa. Napakarami niya talaga kasing nagawa. Ilan na po rito ang pagbaba ng kriminalidad, pagbuwag sa sindikato ng iligal na droga, at ang boluntaryong pagsuko ng mga nalulong sa droga. Nilagdaan din ng Pangulo ang mga mahahalagang batas na tuluyang nagpabago sa buhay ng mga Pilipino kabilang na rito ang libreng matrikula sa state universities at colleges; Universal Healthcare Program, at Murang Kuryente Act. Naipatupad rin ni Pangulong Duterte ang hindi nagawa ng mga nakalipas na administrasyon gaya ng pagtaas ng pensiyon ng mga miyembro ng Social Security System maging ang pagtaas sa sahod ng mga pulis at sundalo, jail officers, at mga bumbero. Hindi rin naging bulag ang Pangulo upang labanan ang korapsyon sa bansa kahit na marami siyang matatapakang matataas na opisyales. Sa paglaban naman sa COVID-19, nakikita naman natin na ginagawa ng Pangulo ang makabubuti sa bansa. Sa gitna ng laban na ito, naniniwala ako na dapat ay magkaisa tayo. Sabi nga. ‘di ba, ‘We will heal as one, we will recover as one’.

Mary Ann Batiancila35, Navotas City

Sa totoo lang, super satisfied ako sa naging performance ni Pangulong Duterte sa nakalipas na limang taon. Napakarami sa mga ipinangako niya ang talagang natupad. Halimbawa diyan ang Build, Build, Build Program. Malaking tulong ang mga karagdagang tulay na nagdudugtong sa mga karatig-lugar na mas mabilis at mas ligtas. Ngayon nga lang ako nakakita ng Pangulo na sobrangsimple lang. Bihira ko nga lang makita sa TV na naka-suit. Sa kanya ko rin nakita ang isang lider na may will na masugpo ang drugs. Kung hindi nga lang dahil sa pandemic na ito, malamang mas marami pa siyang magagawa. Pero sa ngayon, focus muna ang Pangulo sa pagsugpo sa COVID-19. Sa’yo, President, we believe in you po. God bless the Philippines!

Kat Leyla37, Pasig City

Wala naman kasing perpektong pangulo. Kasi iba-iba sila ng plataporma, ‘di ba? May mga nagawa

naman si Presidente Duterte na magaganda like sa free tuition fee para sa

mga estudyante ng state universities at colleges. Pero marami ring hindi gaya sa drugs. Mahirap naman talaga supilin ang drugs. Pero sana mag-focus pa ang government sa pagbibigay ng ayuda sa mga walang ikinabubuhay lalo na ang kaligtasan ng mga healthcare workers natin.

Bernadeth Tupaz37, Navotas City

Sa limang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte, masasabi ko na napakalaki ng naging transformation

ng Pilipinas — sa infrastructure, health, education, science and technology.

Masyadong marami para isa-isahin. Basta sana ingatan ng Pangulo ang sarili niya. Marami pa siyang magagawa para sa bansa.

Jovan Inocencio40, Tondo, Manila

Naku, marami. Para sa akin kasi, siya lang ang tanging pangulo na tumupad sa kanyang mga pangako sa mga Pilipino. Itinaas ni President Duterte ang sahod ng mga nagseserbisyo sa gobyerno gaya ng mga pulis at sundalo. May isinulong siyang batas para sa kalusugan, edukasyon. Iyong Build, Build, Build program. Gustung-gusto ko ‘yan. Bumilis talaga ang mga byahe mula Maynila pa-probinsya. Nakakalungkot lang talaga na nagkaroon tayo ng pandemic. Talagang naging malaking problema ito sa bansa. Pero ‘di ba, ginagawan naman niya ng paraan sa abot ng kanyang makakaya. Hmmm, basta, naniniwala ako sa Pangulo. Kahit anong paninira ang gawin ng mga kritiko niya, para sa akin, ‘the best’ s’ya.

Dulce Francisco48, Quezon City

FREEDOM PARKNi Joan Alcantara

Page 15: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

S U D O K US U D O K U

Mga sagot sa nakaraang isyu

DISTANCELEARNING

BAYA

IH

N

RON

LINERS

M

ME

ELF

REE

WNORMAL

O N A

C Q

A G I N G H A N D AE A L T H C A R E

T I M U L U S

F O R W A R D

R E C V E R Y

P N D E M I C

V A C C I N E

M

864

723 9

51

156

847 2

93

587

291 3

46

73

681 5

9

627

359 1

84

942

736 8

51 73

15

64 9

82

873

625 4

19

596

418 2

734 2

Page 16: ‘BIDA SOLUSYON INILUNSAD NG DOH...ngayon ang pinaghahandaan ng bansa, pero pili lamang ang pwedeng mabakunahan at may criteria ang pwedeng sumali. Sa inilabas na guidelines ng panel,

BalitaCentralLike and follow us :

Dami ng nagpapakamatay ikinabahala ng IATF, gobyerno humingi ng tulong sa religious leaders

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na naaalarma ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa dami ng insidente ng pagpapakamatay o suicide sa mga buwan na ang mundo ay iginugupo ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Ang pagkabalisa na sanhi ng pandemya ang nag-uudyok sa mga Pinoy na humanap ng “mental health support”. Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Agosto 26.

Aniya, ang hotline ng National Center for Mental Health ay nakatatanggap ng maraming tawag mula pa noong Abril hanggang Hulyo nang isailalim ang ating bansa sa community quarantine para makontina ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“The peak was last June 2020 where we received 1,115 calls,” ani Vergeire. “For August 2020, the top reason for calling was anxiety-related concerns due to the pandemic with 109 calls, at hindi pa po tapos ang Agosto.”

Para naman sa suicide-related calls, natuklasan niya na ang average monthly

Ngayong maraming pamilyang Pinoy ang nahihirapang pakainin ang kanilang pamilya sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na isusulong ng pamahalaan ang pagtatanim ng adlai o adlay, isang gluten-free grain, para matiyak ang seguridad sa pagkain at malabanan ang kagutuman at kahirapan.

“We will push for the planting of adlai in the Caraga region as part of the residents’ staple food and as a source of livelihood for farmers, indigenous peoples, rebel returnees, as well as those located in geographically isolated and disadvantaged areas to ensure we have food security and to continue the fight against hunger and poverty,” ayon kay Nograles, na siya ring chair ng Zero Hunger Task Force.

Aniya, ang adlai ay may malaking potensyal bilang

GIVE HOPE — Nanawagan si Justice Secretary Menardo Guevarra sa simbahan at religous leaders na magbigay ng patnubay at mensahe ng pag-asa sa kanilang mga miyembro at tagasunod na dumaranas ng depresyon sa gitna ng pandemya.

“I received a phone call today (Aug. 22) from Sec. Carlito Galvez, Jr., chief implementer of the IATF national task force, regarding the alarming increase in the number of suicides during these pandemic times,” pahayag ni Guevarra sa mga taga-media.

Hiningi ng Kalihim ang tulong ng mga simbahan at spiritual leaders sa pagbibigay ng payo at patnubay sa kanilang mga miyembro at tagasunod na dumaranas ng depresyon sanhi ng kawalan ng hanapbuhay, pagkabahala na mahawa o mamatay sanhi ng virus, kalungkutan na hatid ng pag-iisa, at kawalan ng pag-asa na makabalik pa sa normal na buhay.

“I share Sec. Galvez’s concern and respectfully request our spiritual leaders to bring this much-needed message of hope to our suffering countrymen in order to stave off more incidents of self-destruction,” ani Guevarra.

Sinabi rin niya na ang hiling ng pamahalaan ay naipahatid na sa lahat ng religious groups. (Benjamin Pulta – PNA) ■

Pagtatanim ng ‘adlai’isusulong ng pamahalaanna solusyon sa kagutuman

“food and livelihood source” sa nasabing rehiyon.

Ayon pa sa kalihim, “Adlai is more nutritious than corn and brown and white rice. Its propagation is appropriate for upland and highland areas in Mindanao where there is a higher incidence of poverty and hunger.”

Ideyal din aniya ang adlai para sa inter-cropping kasama ang ibang pananim at hindi kailangan ang dagdag na irigasyon dahil nabubuhay ito sa mga lugar na padahilig at halumigmig ng ulan.

Masustansiya rin ang adlai at nagbibigay ng dagdag na enerhiya at magandang pagkunan ng protina.

Mataas din ang dietary fiber nito at nakatatanggal ng bad cholesterol. Mataas naman ang calcium kaya maganda sa mga buto at ngipin, maayos na daloy ng dugo, at pagkilos ng mga masel.

Sa kasalukuyan, ang adlai ay sikat sa Bukidnon at iba pang lugar sa Region 10, at nakikilala na rin sa Region 11. (Azer Parrocha – PNA) ■

ZERO HUNGER — Isinusulong ng pamahalaan ang pagtatanim ng “adlai”, isang gluten-free grain bilang alternatibong staple food upang matiyak ang seguridad ng pagkain at malabanan ang kagutuman at kahirapan sa bansa sa gitna ng pandemya. (Photo credit: Department of Science and Technology)

Pagkabalisa, depresyon dahil sa pandemya sanhing paghahanap ng mga Pinoy ng ‘mental health support’

number of calls ay nasa 53, pinakamataas noong Hulyo na may 115 tawag.

“Hindi po lahat nang tumatawag ay bago, mayroon pong na-ta-tag na repeat call iyon. Basta ang mga tawag na ito ay binibilang natin per call and not per individual,” ayonsa opisyal.

Noong Mayo, nagbabala ang World Health Organization (WHO) ng “massive increase in mental health conditions in the coming months.”

Nakadaragdag sa pagkabalisa ng mga tao ang “social distancing and enforced isolation, as well as massive job losses and uncertain future” ayon sa ulat ng WHO.

Ang sinuman na kailangan ang mental health support and assistance ay pinapayuhan na tumawag sa NCMH Crisis Hotlines 0917-899-USAP (8727), (02) 7-989-USAP, at 1553

(landline to landline,toll-free).

“This is free, this is confidential, so anyone who calls here, no information will go out because we had an agreement with our responders. They’re trained to refer, triage, to assess who needs (a) higher level of facility,” ayon kay Vergeire.

Sa datos ng NCMH noong Agosto 15, makikita na may kabuuang 9,494 Pinoy ang napagkalooban ng mental health services sa mga nakalipas na taon.

Noong Marso 17, ang DOH, sa pamamagitan ng NCMH, ay nagtalaga ng isang team na binubuo ng mga doktor, psychologists, at mga nars para sa operasyon ng 24/7 DOH COVID-19 Hotline.

Layunin ng hotline na makipag-ugnayan at magbigay ng health and psychosocial support sa mga Pinoy na dumaranas ng pagkabalisa at depresyon. (Ma. Teresa Montemayor – PNA) ■