12
ABC ng insulin ANO ITO AT PAANO ITO GINAGAMOT (Bersiyon sa Filipino) L’ABC dell’insulina (LINGUA FILIPPINA)

ABC ng insulin - · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

  • Upload
    vodiep

  • View
    260

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

ABC ng insulinANO ITO AT PAANO ITO GINAGAMOT

(Bersiyon sa Filipino)

L’ABC dell’insulina(LINGUA FILIPPINA)

Page 2: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

Bakit kailangan kong gumamit ng insulin?Sa karaniwang mga sitwasyon, ang type 2 diabetes ay ginagamot ng iniinom na pangontra sa diabetes, pati na rin ng diyeta at ehersisyo. Ang mga gamot na ito ay nakakatulong sa iyong lapay na lumikha ng mas maraming insulin o mas paganahin ito, kaya nagagawa nilang kontrolin ang mga antas ng glucose ng dugo. Gayon pa man, ang lapay pagdating ng panahon ay nagbibigay ng mas bumababa at mas bumababang dami ng insulin hanggang maging di-sapat ito

Sa puntong ito, maaaring kakailanganing gamutin ang diabetes gamit ang insulin. Ang insulin ay inilalapat sa pamamagitan ng turok sa ilalim ng balat. Magbibigay sa iyo ng paliwanag ang iyong doktor ukol sa paggamot gamit ang insulin

Page 3: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

Ano ang insulin at paano ito umeepekto?Ang insulin ay isang substansiya na nililikha ng mga beta cell ng iyong lapay; ang gawain nito ay papasukin ang glucose sa mga selyula. Ang insulin ay kumikilos tulad ng isang susi na nagbubukas ng pintuan, na nagpapahintulot sa glucose na pumasok sa mga selyula. Sa paraang ito, ang insulin ay nakakatulong sa pagpapababa ng antas ng glucose ng dugo. Sa ibang salita, ang insulin ay gumagawa ng tamang pampasigla (glucose) na makukuha ng ating katawan.

Page 4: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

Pinapalabas ng lapay ang insulin papunta sa daloy ng dugo sa dalawang iba’t ibang paraan:

Sa dami na sapat sa presensiya ng asukal sa dugo, kaagad kapag madiskubre ng mga beta cell ng lapay na ang glucose ng dugo ay mataas pagkatapos ng pagkain na may maraming asukal. Mas matamis ang pagkain, mas maraming insulin ang naipapalabas.

1

Sa panahon ng pag-aayuno, hal., sa pagitan ng mga pagkain o sa gabii habang tayo ay natutulog, ang atay ay nagpapalabas ng asukal papunta sa daloy ng dugo, upang matiyak na ang utak ay palaging nasusuplayan ng “pagkain”. Para ang “pagkaing” ito ay gagamitin ng ating katawan, kahit na hindi tayo kumakain, ang lapay ay nagpapalabas ng insulin sa paunti-unting dami, ngunit patuloy, upang mapigilan ang pagtaas ng glucose ng dugo. Nagaganap din ito sa gabi, dahil kailangan natin ang insulin upang mapanatili sa kontrol ang glucose ng dugo hanggang sa umaga.

2

Page 5: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

Ang itatagal ng insulin ay maaaring makahulugang mag-iiba-iba sa pagitan ng mga tao o sa parehong tao. Halimbawa, hinggil sa mga insulin na mabilis na tumatalab, ang epekto ay nagsisimula pagkatapos ng ilang minuto, mataas pagkatapos ng 1-2 oras, saka bumababa hanggang ganap na mawala pagkatapos ng 4-5 oras.

Insulin sa mga pagkain

Basal insulin

Glucose ng dugo

Kung may diabetes ka, maaaring kakailanganin na gamutin ito ng insulin.

Kailan? Karaniwan pagkalipas ng maraming taon ng paggamot gamit ang iniinom na gamit, lalo na kung ang dami ng glucose ng dugo ay hindi napapanatili sa kontrol. Ang insulin ay maaari ring kakailanganin bawat pagkakataon na ang iyong diabetes ay hindi mabuti ang pagkaka-kontrol, ibig sabihin, kapag ang antas ng asukal ng dugo ay napakataas at ang mga gamot ay hindi sapat.

Ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng insulin na mabilis na tumatalab bawat pagkakataon na ikaw ay kumakain, o ng basal insulin, na kilala rin bilang insulin na matagal na tumatalab, upang kontrolin ang glucose ng iyong dugo sa pagitan ng mga pagkain at sa gabi.

AGAHAN TANGHALIAN HAPUNAN

Page 6: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

Paano ginagamit ang insulin?

Ang insulin ay isang natural na hormone na mabisa lang kapag itinuturok sa ilalim ng balat, gamit ang naaangkop na mga hiringgilya o pen ng insulin.

Ang dami ng insulin na ituturok ay irereseta ng iyong doktor at tinatawag na dosis ng insulin. Mag-iiba-iba ang dosis batay sa mga pangangailangan at susukatin sa mga unit ng insulin (insulin IUs)

Ang insulin ay itinuturok pagkatapos maglinis upang maalis ang mikrobyo at pag-angat nang bahagya sa isang maliit na lupi ng balat sa ilang bahagi ng katawan.

Harap Likod

Sa paligid ng pusod

Sa harapan ng hita

Sa gilid ng braso

Sa gilid ng puwitan

SAAN ITO ITUTUROK?

Inirerekumenda na ikutin ang parte ng katawang tuturukan upang maiwasan ang pamamaga at pagkakapasa na lalabas kung napakaraming beses na uulitin mo ang turok sa kaparehong parte.

Page 7: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

MGA HIRINGGILYA

Mula nang ito ay madiskubre, itinuturok ang insulin gamit ang mga hiringgilya. Pagkalipas ng mga taon, ang mga hiringgilya ay patuloy na lumiliit at ang mga karayom ay numinipis.

May dalawang uri ng mga insulin pen:

• May laman na o disposable, na ibinibenta na may laman na insulin sa loob.• Rechargeable; ginagamit ang mga ito kasama ang mga cartridge ng

insulin.

Ang mga may laman na injection pen ay nagpapadali sa terapiya gamit ang insulin dahil:

• Hiwalay ang mga ito: katulad sila ng mga karaniwang pen tingnan at madadala at magaan.

• Hindi kailangang ang mta ito sa refrigerator pagkatapos ng unang paggamit.

• Pinapadali ng mga ito ang pagkontrol ng dosis.

Ang insulin, tulad ng ibang mga hormone, ay dapat pangangasiwaan nang may pag-iingat. Ang mga vial na naglalaman ng insulin ay sensitibo sa init, kaya dapat itabi ang mga ito sa malamig na lugar o sa ibabang bahagi ng refrigerator (huwag na huwag sa freezer!).

Bukod sa mga hiringgilya, ang mga insulin pen ay naging available sa higit sa 10 taon.

MGA PEN

Page 8: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

Paano itabi at itapon ang mga may laman ng injection penAng may laman na mga injection pen ay maaaring dalhin kahit saan.Tulad ng ipinapaliwanag sa ibaba, may iilang hakbang na sundin upang matiyak ang wastong paggana ng pen

Itabi ang lahat ng hindi ginagamit na pen sa refrigerator. Huwag i-freeze.

Pagkatapos ng unang paggamit, ngunit ilagay sa refrigerator ngunit sa normal na temperatura.

Huwag gamitin ang pen pagkatapos ng petsa ng pagkawala ng bisa sa label at sa pakete.

Protektahan ito mula sa sobrang init, halumigmig at ilaw.

Tanggalin ang karayom pagkatapos ng bawat paggamit; huwag itabi ang pen na may karayom pa sa loob.

Itapon ang pen pagkatapos ng 28 araw mula sa unang paggamit, kahit na may insulin pa sa loob.

Itapon nang wasto ang pen, batay sa naangkop na mga regulasyon.

Page 9: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

Ma aari bang makakapinsala ang insulin?Ano-ano ang mga panganib?

Ang insulin ay kailangan para sa paggana ng iyong katawan. Hindi tayo makakapamuhay nang walang insulin. Ang pangunahing trabaho ng insulin ay pababain ang glucose ng dugo. Ang mga taong gumagamit ng insulin ay maaaring mahaharap sa ilang mga panganib, partikular na sa mababang antas ng glucose ng dugo, lipodistrophy, at pagtaas ng timbang.

MABABANG GLUCOSE NG DUGO

Ang insulin na inilalapat sa sobrang dami ay makapagdudulot ng pagbaba sa glucose ng dugo, na nagdudulot ng kilalang glucose ng dugo o hypoglycemia, ibig sabihin, glucose ng dugo na mababa sa 70 mg/dl. Ang mababang glucose ng dugo ay maaaring maganap kahit na i-aantala ang pagkain o magpalusaw ng napakaraming glucose (hal., pagkatapos tumakbo). Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mababang glucose ng dugo at paano pangasiwaan ito, pakisangguni sa partikular na panggabay na brochure sa www.lillydiabete.it

PAGDAGDAG NG TIMBANG

Ang insulin ay makapagdudulot ng dagdag sa timbang (2-4 Kg), una dahil ito ay nagpapadali sa pagpasok ng glucose sa katawan, partikular na, kung pinagsama sa isang maling diyeta at di-aktibong uri ng pamumuhay. Upang makontrol ang pagtaas ng timbang, mahalagang sundin ang isang malusog na uri ng pamumuhay sa pamamagitan ng tamang nutrisyon at ehersisyo. Para sa mas detalyadong impormasyon, pakisangguni sa partikular na panggabay na brochure sa www.lillydiabete.it

LIPODYSTROPHY

Sa isang maliit na persentahe ng mga kaso, kung palaging itunuturok sa kaparehong parte ng katawan, ang insulin ay maaaring maging sanhi ng pagbabago taba sa ilalim ng balat, tulad ng lumulubog na balat, na maaari ring nag-uugnay ng kalamnan. Upang maiwasan ito, tandaan na ikutin ang parte ng katawan na tuturukan.

Page 10: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

Ang insulin ay hindi palaging kailangan upang gamutin ang diabetes. Gayon pa man, kung ikaw ay may diabetes sa loob ng maraming taon at ang lapay ay hindi na makakalikha ng insulin, kailangan mong magsimula at magpatuloy sa terapiya gamit ang insulin.Minsan, gayon pa man, ang insulin ay maaaring kakailanganin lang mga maiikling yugto ng panahon at sa natatanging mga sitwasyon. Kung tapos na ang mga yugtong ito, maaari ka nang bumalik sa iyong paggagamot gamit ang iniinom lang na gamot laban sa diabetes.

SA ANO-ANONG MGA SITWASYON GINAGAMIT ANG INSULIN PARA SA ISANG LIMITADONG YUGTO?

Sa panahon ng pangmatagalang terapiya gamit ang cortisone

Bago ang pamamaraan ng pag-oopera

Sa panahon ng atake sa puso o istrok

Bago at sa panahon ng instrumental na pagsusuri: hal., partikular na radiographic examination.

Kapag uncompensated ang diabetes, at kaya ang hemoglobin (HbA1c) ay napakataas.

Palagi bang kailangan ang terapiyang gamit ang insulin?

Page 11: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

BAKIT?

Ang cortisone ay sumasalungat sa aksyon ng insulin.

Nagpoprotekta ito mula sa posibleng masasamang epekto ng iba pang mga gamot na iniinom bago, sa panahon at kaagad pagkatapos ng pamamaraan.

Ang insulin ay pumoprotekta sa mga daluyan at sa puso. Ang pinaka-paborableng na mga antas ng glucose ng dugo ay nakakatulong na mapaglabanan ang malalang yugto ng myocardial infarction.

Ang ilang mga gamot laban sa diabetes na iniinom ay maaaring magdulot ng mga nakasasamang epekto. Ang insulin ang pinakaligtas na gamot upang maiwasan ang posibleng problema (hal., mga problema sa bato) sa panahon ng ilang radiological examination.

Sa sitwasyon ng uncompensated na diabetes, at minsan din kapag ang kondisyon ay unang nadiyagnos, inireresta ang insulin, karaniwang para sa maiikling mga yugto.

Panghabambuhay ba ito?

Page 12: ABC ng insulin -   · PDF fileSa paligid ng pusod Sa harapan ng hita Sa gilid ng braso Sa gilid ng puwitan SAAN ITO ITUTUROK? Inirerekumenda na ikutin ang parte ng

ABC ng insulinANO ITO AT PAANO ITO GINAGAMOT

(Bersiyon sa Filipino) L’ABC dell’insulina

(LINGUA FILIPPINA)

Tamang uri ng pamumuhayMGA REKUMENDASYON SA NUTRISYON AT EHERSISYO

(Bersiyon sa Filipino)

Il corretto stile di vita(LINGUA FILIPPINA)

SAKIT, BIYAHE AT MGA BAKASYON

Diabetes at natatanging mga sitwasyon

(Bersiyon sa Filipino)

Situazioni particolari(LINGUA FILIPPINA)

Mga Komplikasyon

ANO-ANONG MGA KOMPLIKASYON, BAKIT NAGAGANAP

ANG MGA ITO, AT PAANO MAIWASAN ANG MGA ITO

(Bersiyon sa Filipino)

Le complicanze

(LINGUA FILIPPINA)

Mababang

glucose ng dugo

PAANO ITO MAKILALA AT ANO ANG GAGAWIN

(Bersiyon sa Filipino)

L’ipoglicemia

(LINGUA FILIPPINA)

Ano ang

Diabetes

MGA SANHI AT RESULTA

(Bersiyon sa Filipino)

Che cos’è il diabete

(LINGUA FILIPPINA)

Ang kumpletong linya ng mga brochure na itinataguyod para sa Diabetes ay maaaring mai-download mula sa

www.lillydiabete.it

Makukuha rin sa sumusunod na mga wika:

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong doktor o tumawag nang walang bayad sa

Araw-araw mula 8:30 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi

Ingles Pranses Espanyol

IntsikHindi ArabeItalyano

Aleman Ruso Rumano Albanian

Ano ang Diabetes

Mababang glucose ng dugo

Mga komplikasyon

Diabetes at natatanging mga sitwasyon

Tamang uri ng pamumuhay

ABC ng insulin

800-117678

Cop

yrig

ht ©

201

2, E

li Li

lly It

alia

SpA

. Tut

ti i d

iritt

i ris

erva

ti.IT

DB

T002

84c