85
1 A N G Y A W Y A W I ⅃ ӘИAԳ AI TA D A G L I ӘИIƧIIAM AӘM ӘИ ИOYIƧƎ⅃OYAƧYA⅃AƧ TA AYЯOTƧI ,AИA ,ITAԳA,ATAAM ,WO ӘИAƧI ӘИ AЯƎTƎƆTƎ ,ATUԳ ,AИYƎЯ ,A⅃AZƎЯAV⅃A IИAƎTƧ IИ

A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

1

A N G Y A W Y A W I ⅃

ӘИAԳ AઘI TA

D A G L I ӘИIƧلاIIAM AӘM ӘИ ИOYIƧلاƎ⅃Oلا

YAƧYA⅃AƧ TA AYЯOTƧI

AM ,WᆿO ӘИAƧI ӘИلاATA, لاAИA ,ႧITAԳAلا,

AЯƎTƎƆTƎ ,ATUԳ ,AИYƎЯ ,A⅃لاAઘ

ZƎЯAV⅃A Ⴑ IИAᆿƎTƧ IИ

Page 2: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

2

Ang Liwayway At Iba Pang Dagli

Stefani J Alvarez

Page 3: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

3

PARA KAY TATAY

Isa sa pinakamemorableng alaala ko kay Tatay, kada Linggo ang kaniyang pag-uwi, may bitbit siyang Manila Bulletin kalakip ang Panorama gayundin ang lingguhang isyu ng Liwayway. Nakakandong ako sa kaniya habang nagbabasa siya ng dyaryo at kinagigiliwan ko namang buklatin ang magasin. Parang picture book, nakakaengganyo ang makukulay na illustrations at nakasasabik ang pag-aabang sa mga kuwentong serye. Maaaring sa kaniya ko namana ang pagbabasa, at pagmamahal sa amoy ng bawat pahina ng mga kataga. Muli ko ring maaalala si Tatay sa huli naming pinanood na pelikula, ang Dito Sa Pitong Gatang ni FPJ noon sa betamax. Umaambon sa aming pag-uwi. Ipinatong niya ang bitbit na nakatuping Manila Bulletin sa aking ulo. Nabasa ang kaniyang polo at pantalong maong, gayundin ang kaniyang sapatos na balat. Pagdating sa bahay, nakasanayan kong hubarin ang kaniyang sapatos. At pupunasan ko iyon. Nababakas ko roon ang tubig-ulan, sa kaniyang sapatos, sa newspaper, sa aking mukha. Hanggang sa dumating ang isang mahabang tag-ulan ng kaniyang paglisan. Ang kaniyang pamamaalam nang ako’y pitong taong gulang. Hawak niya ang nakatuping pahayagan. Naglakad siya papunta sa sakayan, at sa may waiting shed ko siya huling masusulyapan. Ang tinutukoy kong alaala ay katulad rin ng imahinasyon, iyong pagsasanib ng memorya at ng aking pandama. Minsan ito ang aking realisasyon sa mga bagay-bagay, ng pagtatagpi-tagpi sa mga nakalipas, ng pagtatagpo nito sa kasalukuyan at maging sa pagbalangkas ng mga ito sa hinaharap. Kaya mananatili sa aking gunita ang paghihintay ko kay Tatay. Kipkip ang paborito niyang newspaper at magasin. Umuulan. At hindi na siya kailanman darating. Sa isang iglap, mararamdaman ko muli ang ulan. Basang-basa ako’t masusuka sa di maipaliwanag na sangsang. Aalingasaw at maninikit ang amoy ng basang papel na naghalo sa putikan. Mananahan ang memoryang ito. Lilitaw na parang lumang pelikula sa abuhin na iskrin. Animo’y lulusawin ako sa gitna ng maputik na daan pauwi sa aming tahanan. At ang ulan, sintahimik ng maburak na estero sa aking isipan.

Page 4: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

4

TUNGKOL SA DAGLI ‘Weder-weder lang!’ Ito ang unang bungad ni Rolando Tolentino sa kaniyang intro sa Dagling Tagalog 1903-1936. ‘Ang pormang dagli, halimbawa, ay pormang malaganap sa unang dekada ng 1900, ang panahon ng paglaganap din ng diyaryong Tagalog. Matapos nito... ito ay naglahong parang bula.’ Sa kasalukuyan, una kong nasilip ang ilang akda ni Eros Atalia lalo na ang Wag Lang Di Makaraos na tuwirang tinawag na koleksiyong binubuo ng 100 dagli. Kaya sinubukan ko rin ‘ang pagtatangkang bigyan ng kabuluhan ang isang mayaman subalit nakaligtaang anyong pampanitikan sa kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas’, ayon pa nga sa panimula ni Aristotle Atienza na kasamang editor ni Tolentino sa Dagling Tagalog. At maging si Reuel Aguila, diin niyang naunang nagkaroon ng dagli, at ‘hindi katumbas nito ang flash fiction’ na malimit itawag sa maiiksing naratibo. Kaya tahasan kong ginamit ang katawagang dagli na sinasabing nakaligtaan, at weder-weder lang, na hindi katumbas ng flash fiction sa Ingles. Dito nabuo ang ‘mga dagling testimonya at rebelasyon...’ sa titulo ng aking unang aklat, Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga. At sa pagkakataong ito, nais ko naman ihain ang isa pa ng koleksiyon ng mga dagli. Ito ay mga akdang nailathala sa Liwayway magasin simula taong 2012 hanggang 2019. Sa pagsusulat ng dagli, minsan iniugnay ko ang daloy at ritmo nito sa musika at tulad rin minsang nakikinig ako ng kanta habang nagsusulat. May mga musikang repetitive, less chorus, at beat-based. Halimbawa ang mga klasikong sonata, at kahit pa rock songs ng Radiohead, mga alternatibong kanta ni Bjork, gayundin sa mapapanglaw na rhythm and blues ni Amy Winehouse na may timplang soul-jazz, kahit pa ang paulit-ulit na koro sa mga kanta ni Lady Gaga, ang matulain at malalalim na emosyon ni Lana del Rey, at ang kasisibol na indie artist na si Billie Eilish sa kaniyang tila mga himig na pabulong. Tulad rin ng pagkalito ko minsan kung saang genre maaaring ihanay ngunit wala roon kung saan, at kung ano ang itatawag sa iyong akda kundi kung papano pinahahalagahan ang mga pag-uulit, ang minimalismo, ang pagwasak at pagbuo, kung papano sa kaiksian mapagbuklod ang bawat kataga, ang bawat saknong ay makakatayong buo/ at malayang akda. May nagsasabing ang dagli ay tulad ng ‘fashion’, sa kadahilanang nasisipat itong pauso o trend lang ang pagsusulat nito. Ngunit matagal nang merong pormang dagli. Noong 1900s meron na tayo nito. Kaya ito ay katulad rin ng iba pang porma at istilo ng pagkukuwento. Kaya hindi pauso lang. Hindi fashion. Sabihin nating tulad ito ng ating pangkaraniwang kasuotan. Ngunit hindi lang basta sinusuot, kundi maaaring pantakip sa kahubdan at maging paghuhubad sa saplot, sa ating samu’t saring hubad na katotohanan. Kung sa maiikling kuwento at personal na sanaysay ay kailangan mong magdagdag nang magdagdag para sa kahingian at kabuuan ng naratibo, kabaligtaran naman sa dagli. Kailangan mong magbura nang magbura. Walang limitasyon ang saklaw ng tema, hindi rin ito pagtitipid sa mga pangungusap, o sa

Page 5: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

5

dapat na bilang ang mga katagang bumubuo sa dagli kundi pag-highlight sa pokus ng kuwento. Maaaring minimalismo ang balangkas. FB comment ni J Luna, ‘economy of words, brevity... na wag masyadong matalinghaga at mabulaklak ang salita, hindi tula ang dagli.’ Para itong pagpapasilip mula sa isang maliit ba siwang sa isang napakalawak ba entablado. Sa dagli, di naman kailangan na laging naroon ang imagery, symbolism, emotional appeal, at iba pang teknik na akala nating magpapatingkad sa akda. Dahil sa kaiksian ng porma maaaring tataliwas tayo sa ganoong pamamaraan. Limitahan mo ang iyong akda ng mga abstraktong kahulugan. Sa paggamit ng motif, hayag man o kaya subtle ito ngunit tahasang inuulit para mas ma-emphasize ang konkreto at aktwal na materyal sa naratibo. Para itong paglaladlad sa iyong sariling kahubdan, parang pakikipagtalik sa iyong sariling libog. Sa kaiksian ng dagli, wala na akong pagkakataong dumistansya tulad ng sinasabi nilang ilayo ng manunulat ang kaniyang sarili sa akda. Tinatangay ako sa bawat tauhan, nagpapahinuhod ako sa takbo ng plot, sinasabayan ko ang climax hanggang sa pagtatapos ng aking kuwento lalo na sa unang draft. At sa tuwing nailapat na ito sa papel, ang basahin ito tulad ng isang mambabasang unang nasilayan ang bawat kataga ng aking naratibo, iyon ang oras na hihiwalay ako sa aking akda. Maliban sa literal na pakahulugan, may ilang mga bagay akong tinatawag na ‘realidad’ sa non-fiction man o fiction, sa mahahabang akda o sa maiiksing dagli. Pinanghahawakan natin ang ‘writing with authority’. Babanggitin ko uli si Ricky Lee, sabi niya, hanapin mo ang iyong boses. Gayundin ang payo ni Reuel Aguila, ang pagiging tapat sa pagkukuwento at habang kachika ko si Luna Sicat Cleto, wika niya, lahat naman tayo nagsimula sa konti lang ang nalalaman, minsan kahit sa wala. Maaaring ‘writing is both a vocation and avocation’ at dito sumisibol ang responsibilidad gayundin ang kamalayang ito sa iba pang lebel ng kamalayan sa patuloy na pagtatanong, hindi lang sa ano ang nais mong isulat kundi para kanino ka nagsusulat. At ito ang bumubuo sa ilan pang tinatawag kong realidad. Isa pang mode ng dagli, tulad ng personal essay hindi lang ito naratibo na nililinyahan natin ang galaw ng istorya. Maaaring topical o kaya reflective ito. Parang nasa loob ka ng isang cube na gawa sa salamin at habang iniikot ng iyong paningin, repleksiyon na umiikot rin ang nakikita mo sa iyong palibot. Hindi na natin sinusundan ang latag o kaya pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, ng bawat detalye ng characterization at setting kundi sa dagli maaaring hindi pagkukuwento sa mismong kuwento ng may-akda. Sa pagkakataong ito, nais nating ikuwento kung ano ang nasa loob ng isipan at damdamin na umiikot sa ating mga kuwento dahil ang ating realidad at imahinasyon ay salamin ng ating mga pandama at saloobin.

Page 6: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

6

Ang dagli ay binubuo rin ng mga taludturan, at ang pagbabasa nito ay parang pagtula, pagbigkas sa bawat taludtod, hindi lamang pagsuyod sa mga pangungusap. Maaaring ito ang pamantayan sa mga “pandama” (sensation) at sa “pagdama” (perception) maaaring makatimbang itong dalawa. Kung minsan, detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit ang huli. Sa loob ng isang naratibo, laging may mga tanong na nangangailangan ng kasagutan, itong mga katanungan na lumilikha ng tension, ang tension na humihingi ng resolusyon, at ng simula patungo sa wakas. Isa sa mga naging problema ko sa pagbubuo ng dagli ang di pag-usad ng kuwento at ang pinakamalala ay ‘di ko maisulat’ ang patuloy na gumagambala sa akin. Tinanong ko minsan si Ricky Lee nang magkaroon ng open forum sa isang palihan, at ang natatandaan ko lang na sabi niya, ‘hayaan na muna ito at kusang maisasalaysay kalaunan. Hindi mo kailangang magbuntis ngayon upang maikuwento mo ang panganganak.’ Ngunit mapilit ako. Gusto kong buksan ang aking sinapupunan. Magdadalantao’t mailuwal lang ang aking kuwento. Sasabihin kong di ako naniniwala sa writer’s block, dahil tulad ng karamihang personal essays, trauma ang aking launchpad. Hinuhugot ko rito ang laman ng aking mga isinusulat. At habang binubuo ko tila patuloy akong nakikipagbuno sa aking takot at bangungot. Kaya kung minsan, hindi ko nagagawang buhayin ang mismong naratibo. Parang flatline sa isang ECG machine habang nakaratay ang nag-aagaw-buhay kong dagli, wakwak ang tiyan, nagkalat ang laman-loob, kinakatay ang sariling kahinaan. Naratibo ang dagli. Sa naratibo karaniwang nagsisimula tayo sa pagkukuwento, karaniwang balangkas ng pagsasalaysay sa ating mga personal na danas. At inilalatag natin sa pagkakasunod-sunod, tila paghahabi ng kapanahunan: binabalikan natin ang noon, isinusulat sa ngayon, at minsan pa nga tinatanaw na natin ang hinaharap. Karaniwan ding pinipihit natin ang mga pangyayari, maaaring magsisimula tayo sa dulo, o magwawakas sa simula, o kaya’y pagsasalabirin ang plot at timelines. Dahil sa kaiksian ng dagli, mag-aakala tayong isang tuwid na linya ang taglay nitong naratibo. Na iisiping tuloy-tuloy lang ang pakukuwento mula simula hanggang wakas. Parang isang mamamana na may layong tumbukin lamang ang target. Hawak lang ng manunulat ang busog at palaso. Ngunit ang dagli ay ang mismong iglap na paglipad ng pana. Literal kong nililinyahan ang daloy ng naratibo. Ganoon ko sinisipat ang personal essays dahil kung minsan nag-aanyong sanaysay ang isang dagli. Hindi ito pangongopya sa istilo kundi paghahambing dahil may parehong danas ang bawat manunulat, sa fiction man o non-fiction na laging may bagong mga ideya at humahantong kalaunan sa ‘wala’. Iyong may nais kang isulat, ilalapat sa papel pagkatapos lalamukusin mo lang pala. Kung minsan naman, susubukan mong i-revise at naroon pa rin ang pagdududang ‘wala sa ayos’ ang iyong akda. Kung ilalarawan ko ito sa paglilinya, una; nagsisimula ako sa tuldok, ikalawa; parang linyang pabalik patungo sa isang direksiyon, ikatlo; pakurbang linya upang

Page 7: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

7

marating ang nais na balangkas, ikaapat; gumamit ng samu’t saring anggulo hanggang sa marating ko ang katanungan: Nasaan na ba ako sa aking pagkukuwento? Nasa rurok na ba ako at ano ang nakikita ko mula roon? Dito mapapansing nais kong patunayan kung papano ang pagkukuwento sa iba’t ibang paraan, porma, at laman. Nagpapalit-palit tayo ng anyo sa mga isinusulat, ayaw natin ng predictable ang paglalahad, ayaw natin ng generic forms. Ngunit paano nga ba ito sisimulan? Sinisimulan ko ito sa pamamagitan ng pagtingin/ paghahambing sa ilang kahilera nitong paraan ng pagsusulat at mismong writing process. Para itong pagsilip sa magkabalalay na biswal sa ating realidad at imahinasyon, kung saan tayo magsisimula sa mas personal, mas unique, at mas buhay sa mambabasa. Sa pagkukuwento laging laman ang dalawang katotohanan, ang facts plus opinion. At sa iksi ng paghahambing nito sa dagli, sa direkta man o understatement, laging isipin na ang mga naoobserbahang realidad (facts) ay maaaring magkatimbang, o kaya magkasalungat sa ipapahayag na mga opinyon, (o ‘yung mga personal na pagtingin sa mga bagay-bagay, at mga palagay). Para itong pagkurap minsan o paglunok ng iyong laway sa harapang pagkatay. Sa paggamit ng wika sa pagsusulat ng dagli ay walang pinagkaiba sa iba pang porma ng panitikan. Ngunit napagkakamalang tipid, pili, at bilang ang mga salita. Maaaring simple at direkta ito. Kaya kadalasan sa dagli ay iniiwasan ang mabulaklak na panag-uri at mahahabang deskripsiyon ng lunan o extensibong detalye sa mga karakter. At dahil limitado ang exposisyon, kailangang paigtingin ang pinakadiwa na hindi apektado ang kabuuang paglatag ng akda. Para itong tahimik na pagpapalutang ng bulong sa hangin o kaya pagpapatining ng hiyaw sa napakalalim na tubig. At sa kadahilanang karaniwang iniisip natin na katangian ng manunulat ang magkuwento. Hindi sapat iyon para maglatag ng isang napakagandang prosa, mga detalyadong eksena o kaya natatanging angking boses ng awtor. Ang pagkukuwento ay hindi lang tungkol sa kuwentong naiintindihan, hindi lang basta maganda at naipapaabot sa mambabasa. Mas totoong kuwento ang nagpapabatid ng katotohanan at realidad para sa karaniwan at karamihan (general audience), mambubulahaw sa ating pananahimik, hinahamon ang ating pagtitimpi. Ang totoong kuwento ay naghihimagsik sa loob at labas ng pagkukuwento tulad ng isang malayang dagli.

Page 8: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

8

MGA NILALAMAN

9. ɒnɿɘɈni-ɒγɿomɘm

22. ɒɈɒdmoɿɒl

29. ɒγɿoɈƨi-ɒɿoqƨɒib

36. wɒɿɒ-idɒϱ

43. noiɈɔiʇ-ƨnɒɿɈ

54. noiɈɒzi)lɒnoƨɿɘq(ɘb

61. wɒlɒb

76. nɒɒbnɒϱnɒƨ

85. …γolυɈυɈi

Page 9: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

9

ɒnɿɘɈni-ɒγɿomɘm

The idea of eternal return is a mysterious one…

The Unbearable Lightness of Being, MILAN KUNDERA

Page 10: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

10

ӘAWAT

Tumawag siya sa Pinas. Balak kausapin ang kapatid tungkol sa plano nitong pag-a-abroad ngunit out of coverage area ang cellphone nito.Sumunod niyang

tinawagan ang kanyang mama.

“Nag-away kami, kasi sumama na naman sa mga barkada niya” sumbong ng kanyang ina. “Tigas talaga ng ulo” dagdag pa.

Bisyong droga at barkada ang sakit ng kanyang kapatid hanggang isang araw, nakagigimbal na tawag sa telepono ang kanyang natanggap. Patay na raw ang

kanyang kapatid matapos makipag barilan ito sa mga pulis nang mangholdap.

Hindi siya nakapagsalita hanggang maibaba ang telepono “Paanong nangyari iyon?”

Ang alam niya ay tumawag ang kanyang kapatid at nangakong magbabago na

ito.

Ngunit ang oras at araw ng kanyang tawag ay oras at araw din ng kaniyang

kamatayan.

Page 11: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

11

OYӘAઘ

Nakakasikip ng dibdib ang mga natunghayang pangyayari. Lampas-tao ang tubig-baha. Inilubog ang mga kabahayan, ari-arian at pati buhay.

Tila nakamamatay na katahimikan ang dumalaw sa kanya habang pinapanood

ang live coverage sa TV ng bagyong Ondoy na sumalanta sa Pinas.

Umiiyak ang isang ama habang ini-interbyu. Kalunos-lunos ang nangyari sa kanyang dalawang anak na inanod at nalunod sa baha. At hindi niya naisalba ang buhay.

Naalala niya ang kanyang Tatay nang abandunahin sila, isang dekada na ang lumipas. Tinalikuran ang responsibilidad dahil mas pinili nitong panindigan ang pagiging ama sa legal niyang pamilya.

At tulad ng bagyo, may mga pangyayaring hindi kayang kontrolin ng tao. At tao

rin lang naman ang ama niya.

Pinatay niya ang telebisyon.

Page 12: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

12

YAWYAWI⅃

Akala niya tuluyan nang abandunahin ang pluma’t papel. Sa kanyang pagpunta sa Gitnang Silangan, walang-lingon likod niyang tinalikuran ang parangap na maging manunulat. Ngunit nang sinubukan niyang magsumite ng akda sa Liwayway ay hindi siya nabigo. Nakatanggap siya ng e-mail ng editor na

malalathala ang kanyang dagli o flash fiction stories.

Agad-agad niyang tinawagan ang kanyang ina sa Pinas.

“Liwayway?” tanong ng kanyang ina na tila nagbuklat ng isang pahina sa magasin upang muling magbalik sa kanyang alaala ang taong 1990.

Labandera ang kanyang ina sa isang mayamang Instik na may junk shop. Tuwing Linggo ang schedule ng labada. Dahil walang pasok sa eskwela ay

sumasama siya sa kanyang ina.

Napansin niya ang shop malapit sa labahan. Nakita niya ang nagkapatong-patong na mga lumang komiks at dyaryo. Ang iba ay nasa timbangan. Nakasako.

Nakakahon. Animo’y nakatambak sa iisang mass grave.

“Liwayway.” Ang nabasa niya sa pabalat. Binuklat-buklat. Nilingon niya ang paligid. Walang katao-tao. Binitbit niya ang magasin.

Sumunod ang isang Linggo, pinatawag ang mag-ina. Iniharap ng among Intsik ang laundry bag na nagkakalaman ng mga lumang magasin.

Humahagulhol ang ina habang ang anak ay nakaluhod at nakadipa. Sa magkabilang kamay nito nakapatong ang diumano’y ninakaw na Liwayway magasin.

Page 13: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

13

WAلاA⅃A⅃Uઘ

At namangha siya sa nakabitin na chandelier. Parang pumpon ng mga bituin sa langit. Diyos ang may-ari. Ang babala ng nanay niya, nakakabulag kapag nakatitig sa ilaw na iyon. Ngunit isang araw habang abala ang kanyang nanay sa pagsunod sa utos ng diyos, nangahas siyang abutin iyon. Ang pumpon ng mga bituin. Matagal na niyang pinagmamasdan ang mga tulad niyon lalo’t madilim ang gabi at nasisilip niya sa butas-butas nilang bubong.

“Putang-ina!” Narinig niya ang pagmumura ng diyos. Umaalingawngaw iyon sa buong mansyon. Dali-dali siyang bumaba sa chandelier. Ngunit nahuli siya sa

akto. Hawak-hawak niya ang isang bituin.

“Anak, ‘wag na ‘wag hawakan dahil maaari kang maging bulalakaw.” Wika ng kanyang ina at kusa niyang inabot ang patay na bituin.

Tinawag ng diyos ang kanyang ina. Inutusan nitong ibalik ang bituin sa chandelier. Pinalinisan na rin nito ang iba pang bombilya na napupundi na’t

malamlam ang liwanag.

“Pindutin mo ang switch.” Utos ng diyos sa kanya.

Tumingala siya at hinintay ang sasabihin ng ina. Sundin ang utos ng diyos, iyon

ang laging paalala nito.

At muling nagliwanag.

Nang biglang kumulog. Kumidlat ang langit. Nag-apoy ang pumpon ng mga bituin.

At ang kanyang nanay na nakabitin sa chandelier. Ay naging bulalakaw.

Page 14: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

14

OИƎЯAZAИ

“Wala kasi si Papa kaya si Mama ang maghahatid ng krus,” paliwanag niya sa kaibigan habang nakamasid sila sa lamiseta sa harap ng kanilang bahay. Nakapatong si Birheng Maria at ang nakapako na si Hesus sa isang makintab na krusipho katabi ang isang plorera ng bulaklak ng bougainvillea. “Hindi naman daw mabigat ang krus sabi ni Tatay,” sagot ng kanyang kaibigan nang maramdaman ang pag-aalala niya sa kanyang ina. Tatlong kalye rin ang layo sa unang istasyon. Natatanaw na nila ang papalapit na prusisyon at pasan-pasan ng kanyang ina ang kahoy na krus. Alam niyang kayang pasanin ng kanyang ina ang krus. Ngunit parang krus ang hindi na muling pagpapakita ng kaniyang ama.

“Kung nandito lang sana si Papa,” iyan ang lagi niyang naibulong. Parang

panata.

“Kailan daw ba uuwi ang Papa mo?”

“Himala kung babalik ‘yun.”

Malayo pa rin ang kaniyang tanaw. Tila nakikisimpatiya sa malungkot na usad ng

prusisyon.

“Naniniwala ka sa himala?” muling nagtanong ang kanyang kaibigan.

Tumango siya. “Di ba nabuhay si Papa Jesus pagkatapos ng tatlong araw noong

namatay siya?”

Sumang-ayon ang kaibigan.

At marahang-marahang idinikit niya ang ginupit na retrato ng mukha ng kanyang

ama sa rebulto ng Nazareno.

Page 15: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

15

⅃ƎHӘИA

Kabubukas lang ng National Bookstore. Sinimulan niyang pagapangin ang kanyang hintuturo mula sa pocketbooks na may kanya-kanyang loveteam sa pabalat. Nakahiligan din niya ang mga ito nang nasa hayskul siya. Pinangarap niya noong maging isang Zoila, Helen Merez, Gilda Olividado at ilang pang hinahangaang awtor. Sa katunayan, nang mabasa ang isang ad sa huling pahina ng pocketbook, sumubok siyang magsulat ng romance novel. Ipinadala sa publisher ngunit walang natanggap na sagot. Ni hindi niya alam kung natanggap ang manuscript o kaya rejected. Pero hindi iyon ang dahilan kumbakit itinakwil niya ang pagbabasa ng mga romance novel. Nabaling ang kanyang atensyon sa bagong tuklas na mga aklat. Iilan lang ang mga ito. Mabibilang lang. Parang

endangered species.

Ilang minuto ang lumipas tila buhol-buhol na trapik ang mga mambabasa na karamihan ay kabataan sa Romance Novel section. Umusad siya papunta sa istante ng itinuturing na bagong tuklas. Nakamasid siya mula sa kabilang hilera ng mga aklat. Mag-isa. Parang ipa-firing squad.

Muling ibinaling ang atensyon sa kaharap na shelves. Tahimik na pinagdudugtong-dugtong ng kanyang mga mata ang bawat titulo ng libro. Parang nagsasaulo ng isang tula. Hinaplos ang Gapo ni Lualhati Bautista. Hinaplos na parang puso. Binilang ang ilang kopya na maayos na nakahanay roon. Inabot ang isang pinakamamahal niya. Tinantiya kung ilang kabanata ang kabuuan. Tila kinausap ang hawak na nobela. Tinungo niya ang pinakahuling row ng bookshelves na may nakapaskil na Religion. Sa gitna ng sandaang kopya ng Bibliya, tinawag niya ang Diyos. At humingi ng tulong na sana hindi siya mahuli sa akto. At mabilis na ibinulsa ang nobela.

Iginiya siya ng munting panalangin. Unti-unting naglaho ang samu’t saring boses ng mga abalang customer at sales attendant. Pumailanlang papalayo ang animo’y nagrorosaryong avid readers ng mga romance novel. Sumalubong ang katahimikan. At lumutang siyang parang anghel palabas ng National Bookstore.

Page 16: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

16

OႧઘƎH ƎI⅃ЯAHƆ

12 empleyado ang pinatay kabilang ang apat na cartoonists, editor at gwardiya sa isang opisina ng weekly magazine at dalawa pang police officer. Hinihinalang mga militanteng grupo na nagalit sa publikasyon ng magasin tungkol kay Muhammad, ang propeta ng mga Muslim.

Ilan sa mga nabasa niyang headlines sa online news. Nakakabulahaw rin ang nasabing balita sa newsfeed ng Facebook at Twitter. Gumuhit ng samu’t saring hinaing at opinyon sa online media.

Inabot niya ang sharpener. Ipinasak ang lapis. At nagsimulang pinagapang ang panulat sa malinis na papel.

Allahu Akbar! Allahu Akbar! Allahu Akbar!

Naririnig niya sa di kalayuan ang pag-alingawngaw ng adhan. Hudyat sa

pagsisimula ng huling salah sa araw na iyon.

Sinalat niya ang drawing paper sa kanyang harapan. Mapapansin sa mukha ng papel ang maamong mukha si Jesus kasama ang labindalawang disipulo. Parang pako na idiin niya ang lapis sa dibdib ni Kristo. Pagkatapos, pinutol-putol niya ang pangguhit sa labindalawang parte. At inihanay pahalang sa leeg ng mga apostoles.

Inabot niya ang eraser. Isa-isang binura ang mukha ng iginuhit. Tila pugot ang mga ulo nito. Napapikit siya. Sabay nilamukos ang drawing paper. At itinapon sa basurahan.

Page 17: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

17

ИITƎ⅃⅃Uઘ A⅃IИAM

Weekend ang laging uwi ng kanyang ama. Maliban sa groceries at pasalubong, laging may bitbit na Manila Bulletin ito. At inaabangan naman niya ang nakalakip

na lingguhang isyu ng Panorama sa newspaper.

Grade two siya noon. Pinagbabawalan siyang magbasa ng komiks na nakahiligan niya. Bawal raw sa isang bata. Kaya tinitipid niya ang kanyang baon minsan o kaya iniipon niya ang pera kapag binibili ng kanyang ama ng limang piso ang bawat perfect score sa exam sa ekswela.

Lumipas ang ilang Sabado at Linggo, di na niya nasilip ni anino ng kanyang ama. Sa newstand na lang niya nakikita sa araw-araw ang bawat isyu ng pahayagan.

“Umuwi na siya sa kanyang tunay na pamilya,” pahayag ng kanyang ina habang nililigpit nila ang mga lumang magasin at Manila Bulletin. Isinama na rin niya ang ilang test papers na may markang 100%. Grade 3 na pala siya sa susunod na

pasukan.

Bitbit niya ang halos kalahating sako papunta sa junk shop.

Umuwi siyang may bitbit na isang kilong bigas at sardinas.

Page 18: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

18

ЯƎƧIЯИUƧ ƎHT

Editor-in-chief siya ng kanilang school organ. Junior year siya sa mga panahong iyon.

Gusto man niyang ilathala sa kanilang school paper ang ilang mga sanaysay at feature story tungkol sa illegal logging at pagmimina sa kanilang lugar, ang kanilang school paper Adviser ang magpapasya. Hindi ito pumayag.

“May limitasyon ang school journalism,” ang abiso ng tagapayo at ibinalik sa kanya ang isinumite niyang artikulo.

Hindi na rin niya kinuwestiyon ang kanilang adviser.

Itinupi niya ang ni-reject na article.

Kinabukasan, nasa barikada siya kasama ang ilan pang estudyante. Hawak-hawak ang plakard. “ITIGIL ANG ILLEGAL LOGGING! ITIGIL ANG ILLEGAL NA

PAGMIMINA!”

Natanaw niya sa di kalayuan ang kanilang adviser. Hawak-hawak ang napulot na isang pahina na nagkalat na letter-size paper sa kalsada. Isang photocopy ng

kaniyang artikulo.

Nilapitan siya nito. Inabot ang isang papel. Imbitasyon para sa isang National Schools Press Conference.

Theme: CAMPUS JOURNALISM, VANGUARD OF FREEDOM.

Parang mga dambuhalang dumaan ang ilang ten-wheeler trucks sa checkpoint. Lulan ang animo’y mga kinatay na katawan ng mga punong-kahoy.

Itinupi niya ang inabot na papel. Itinaas ang hawak na plakard.

Page 19: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

19

ӘИAӘIИIƧ

Gusto niyang mag-sinigang. Pork belly at buto-buto sana ngunit haram1 sa Saudi Arabia kaya bangus na lang. Nagpunta siya sa Kadiwa, isang tindahan sa Al-Khobar2 kung saan may mga produkto at pagkaing Pinoy na mabibili. Isang bungkos ng kangkong, tali ng sitaw, gabi, okra, talong, kamatis, sibuyas, sili at iba pang rekado. Kumuha na rin siya ng patis at siyempre, Mama Sita's sinigang mix. Pagkatapos magbayad sa counter, naupo siya sa bench sa labas ng tindahan habang hinihintay ang sundo. Nakatabi niya ang isang lalaki. Tantiya niya’y nasa late 40s. Abala ito sa cellphone. Sinipat niya ang screen ng telepono. Napangiti siya. Nag-i-FB ang katabing lalaki. Nagkunwari rin siyang abala sa cellphone. Napalingon saglit ang katabi nang mapansin ang palihim niyang pagsilip. Muling ibinaling ang atensyon sa hawak na telepono. Panakaw niya uling tiningnan. Nakabukas sa panlasangpinoy.com. Isang site tutorial sa pagluluto. Ilang saglit, nag-FB uli ang lalaki. Pinindot ang Photos, pagkatapos ang Album. Lumitaw ang napakaraming larawan. May isang ginang na siguro’y kaedad ng lalaki. Sumunod ang kahawig na binata. Ini-scroll ang ilang pictures na may mga bata. Tahimik na pinagmamasdan ang bawat retrato. Parang pag-isa-isa sa bawat hinahalong ingredients. Parang pagmamasid nito kanina sa step by step instructions sa pagluluto. Natanaw na niya sa kabilang kanto ang sundo. Bago siya tumayo, nilingon niya ang katabi. Nagpalitan ng ngiti bilang pamamaalam sa estrangherong kababayan. Mga ngiting nagbahagi sa kanya ng isang katanungan: Kailan ko ba huling sinilip ang retrato ni Mama, ng aking mga kapatid, ng aking mga pamangkin? At sa gabing iyon, binuksan niya ang FB. Inisa-isa ang mga larawan ng kanyang mga mahal sa buhay. Pagkatapos, inhanda niya ang isda at ang mga gulay. Hiniwa ang iba pang sangkap ng sinigang. At isinalang ang kanyang

kalungkutan.

Page 20: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

20

ƧAӘIઘ

May mga alaalang nais isilid habang bitbit niya ang limang kilong Thai rice na kaya na niyang bilhin sa halagang 30 riyals o nasa tatlong daang piso. May mga Filipino restaurant rin sa Saudi Arabia, may Jollibee at Chowking sa Al-Ramaniyah Mall3 kung tinatamad siyang magluto. Ngunit, hinahayaan niya minsang maubos ang bigas. Siguro, para hamunin ang sarili na balikan higit dalawang dekada na ang nakararaan.

Magigising sa madaling-araw ang bunso niyang kapatid. Papainumin niya ng tubig. Pampamanhid sa humahapding tiyan. Patutulugin niya uli hanggang pagdating ng umaga. Upang makakalimutan ang kalam ng sikmura hanggang sa

pagpasok sa eskwela.

Tuwing tanghali, maghihintay ang kanyang dalawang kapatid sa bungad ng kanyang classroom. Maghihintay naman siya sa kanyang kaklase na iaabot ang limang pisong bayad sa ginawang assignment. Sa tapat ng gate sa paaralan, bibili sila ng puto na tigpipiso. May sukli pang dalawang piso para sa juice na paghahati-hatian nilang tatlo.

Sa pagtatapos ng klase sa hapon, aasa siyang may takdang-aralin o kaya

proyekto na ibibigay ang kanilang guro.

Pagsapit ng gabi, parang picture book na ikukuwento niya sa kanyang dalawang kapatid ang tungkol sa kanilang ama. Apat at limang taong gulang pa lang ang kanyang nakababatang kapatid nang bumalik ito sa legal na pamilya. Kaya mas malinaw sa kanyang alaala dahil Grade two na siya nang mangyari iyon. Ipagmamayabang niyang may dalang isang sakong bigas kada buwan, mga de lata at groceries ang kanilang ama. Hindi pa nagtatrabaho noon bilang kasambahay ang kanilang ina sa isang maykayang pamilya sa lungsod. Tahimik na makikinig ang kanyang mga kapatid hanggang sa makatulog. Tatapusin naman niya ang tinanggap na gagawing assignments mula sa kanyang mga kaklase.

At bukas, aasahan niyang may pambili sila ng isang kilong bigas.

Page 21: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

21

ӘИOلاӘИAلا

Kanina pa niya tinititigan ang bungkos ng kangkong. Isang bungkos na sandakot ng kanyang palad. 3 riyals o nasa tatlumpung piso ang halaga sa isang bakalah4

sa Al-Khobar. Naalala niya, pinipitas lang ito sa kanilang likod-bahay.

Hindi na ito mahal dahil sa mga bansa sa Gitnang Silangan, himalang makapagtanim ng gulay sa bakuran kung ang init ay aabot hanggang 50 degrees Celsius. Ngunit noong sumalanta ang El Nino taong 1997 sa kapuluan ng Pinas, kinalbo ang taniman at tila kasintuyo ng disyerto ang mga pananim. Hindi na tumubo't lumago ang mga gulay na halos pang-araw-araw nilang ulam. Galit na galit pa nga noon ang kanilang kapitbahay nang mahuli siyang nangunguha ng

natitirang kangkong sa kabilang bakuran.

Kumuha siya ng gunting. Pinutol ang gomang pantali. Tila nakalaya sa pagkakasakal. Isa-isang ginupit ang mga dahon at bawat tangkay. Hinugasan. Inadobo.

Nagsandok siya ng kanin. Isang plato ng mainit na kanin para sa kanyang hapunan. At itinapat ang mangkok ng nilutong gulay. Kung nasa Pinas lang sana siya, tatawagin na niya ang kanyang ina at ang dalawa pang nakababatang

kapatid.

Kumuha siya ng kutsara't tinidor. Parang paglalatag ng metapora sa isang tula. Marahang-marahang inihanay sa plato ang kanin at adobong kangkong.

Sumubo. Ngumuya.

Kailanma'y hindi pantawid-gutom ang mga alaala.

Ilang Tala:

1Arabic, ipinagbabawal sa relihiyong Islam

2Al-Khobar, isa sa siyudad sa silangang bahagi ng Saudi Arabia. Dito rin matatagpuan ang The Half Moon Beach at

Khobar Corniche na madalas puntahan ng mga Pinoy

3isang mall sa Al-Khobar na paboritong pasyalan ng ating mga kababayan lalo na tuwing Biyernes at Sabado

4Arabic, isang tindahan o local convenience store

Page 22: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

22

ɒɈɒdmoɿɒl

Ang bughaw mong kilapsaw ay kanlungan ng kansusuwit at paliguan ng mga batang

sumirko, walang takot na sumisid…

Ilog, ROMULO P. BAQUIRAN JR.

Page 23: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

23

ƧOƧƎԳ 00Ɩ ,ԳATO

Lumapit ang isang dalagita sa pinakadulong mesa sa veranda ng CBTL sa Robinson’s Manila. Naka-backpack. "Kuya, pandagdag lang po sa enrollment ko." Nag-alok ng otap sa kanya. Itinabi niya sandali ang binabasang poetry book, ang Histories ni Charlie Samuya Veric. Inipit ang bookmark sa ika-87 na

pahina.

"Naku, overbaggage na 'ko!" Biniro niya ang may hawak ng paninda. Dahil kanina lang buhat-buhat niya papunta sa LBC ang isang kahon. Ipinabagahe ang ilang gamit at padala papuntang CDO. Isang linggo siyang mananatili muna sa Maynila nang dumating siya mula sa Saudi, bitbit ang 40 kilos niyang bagahe.

Inabot niya sa dalagita ang sandaan. Kapalit ng isang balot na may 25 pirasong otap. Iningiti ang pasasalamat. At lumisan ang nagtitinda habang humihigop siya

ng Americano at pumailanlang ang usok ng hinihitit niyang Marlboro.

Inabot niya ang libro. Nakarehistro pa rin sa kanya ang mga pagitan ng bawat kataga.

Some mornings

I see him tread

past students

who have yet

to gather…

Papalayo ang naglalako ng otap habang tinatantiya niya ang bigat na dala.

Page 24: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

24

ƧOƧƎԳ टς ,ИOЯAHƆIHƆ

Kaninang madaling araw, chicharon ang nabili niya sa isang paslit.

Happy hour na ng mga bar sa Ermita at nasa kalsada pa rin s’ya.

Naaamoy niya ang beer sa kaniyang hininga. Parang paglanghap sa isang mahabang kuwento sa kaniyang mga kaibigan matapos ang dalawang taong pamamalagi sa Saudi Arabia bilang isang migranteng manggagawa. Malutong ang chicharon. Sinlutong ng bawat kagat niya sa naramdamang lungkot sa kaniyang muling pag-iisa.

Page 25: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

25

ƧOƧƎԳ 00Ɩ ,ƧAƧOЯ

Parang may isang plorerang naglalakad, yakap-yakap ng maliliit na braso ang mga bulaklak. Lumapit ang batang babae sa table na nasa pinakadulo ng comedy bar. Tila nagpitas ng rosas sa hardin, pinili niya iyong puti, "Magkano 'to iha?"

Inilitaw na batang babae ang kanyang murang mukha sa likod ng pumpon ng mga rosas na nakabalot sa plastic. "wan handred po." Iniilawan ng makukulay na disco lights ang kanyang ngiti.

Nagpalit-palit ng kulay ang ilaw sa bar, habang nanghahagilap siya ng alaala. At itinabi niya ang bulaklak. Humihiyaw ng Open Arms ang baklang singer sa

entablado.

Ilang saglit, lumapit ang floor manager sa bata. Tinawag ang waiter. "Pakainin n'yo 'to."

Umikot uli ang disco lights. At bigla siyang nakaramdam ng matinding

pagkagutom habang nakamasid sa paslit na ngayo’y nasa harapan ang pagkain.

Page 26: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

26

OTIMIAلا

Madaling-araw sa isang palengke. Muntik na siyang madulas nang maapakan niya ang balat ng kaimito na nagkalat kung nakaparada ang kaniyang kotse. Nahagip ng kaniyang mga mata ang isang bata. Kasing-edad siguro nito ang kaniyang bunsong tulog pa nang umalis siya sa condo. Hila-hila ng bata ang isang basket. Puno ito ng kaimito. Bumaba siya sa sasakyan. Tinulungang buhatin ang basket. Ngumiti ang bata. Ngiting may ikinubling hiya sa

estrangherong lalaki.

“Ang aga-aga pa at nandito ka na sa palengke. Sino kasama mo?”

“Nanay ko po.”

Hinagilap ng lalaki ang ilang ale na abala sa pagdi-display ng kani-kanilang

panindang gulay at prutas.

Nagpatuloy ang bata sa pagpunas ng binasang towel sa mga kaimito, at isa-isa nitong inilalapag sa isa pang katabing sisidlan.

“Bakit mo pala pinupunasan ang mga iyan?” nagtataka ang lalaki.

“Para daw mas presko pong tingnan at siyempre po ‘pag presko at malinis mas magugustuhang bilhin ng mga mamimili. Galing pa kasi ito sa baranggay namin. Tatlong oras na biyahe po sa dyip papunta rito sa lungsod.” Tila matandang nagpaliwanag ang bata.

Tumatango-tango lang siya. Iyong pagpapakitang naiintidihan niya ang bawat

sinasabi ng kausap.

“Pasensya po, nadumihan tuloy ang inyong sapatos.” Inabot ng bata ang isa

pang basahan at dagling pinunasan ang sapatos ng lalaki.

Nagbitiw ng pasalamat bago bumalik sa kaniyang kotse. Umupo sa driver’s seat, nag-buckle up. Pinindot ang engine start. Umilaw ang headlight. Mas malinaw ngayon ang imahen ng bata sa harap ng basket sa gitna ng madaling-araw. Binuksan niya ang salaming bintana. Tinanong niya kung magkano ang halaga ng isang basket. At sa tantiya niya, iti-triple ang presyo nito kumpara sa suot niyang running shoes.

Marahan niyang pinaatras ang minamahenong sasakyan. Sinilip uli ang bata sa rear-view mirror. Sa di kalayuan, pinahinto niya ang kotse sa tapat ng isang ATM.

Page 27: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

27

AلاӘИA⅃

Bago mag-flag ceremony, kani-kaniyang bitbit ng panglinis ang mga mag-aaral. Nililinis nila ang kanilang silid-paaralan, ang hallway, Teachers’ at principa’s office. Walang janitor ang kanilang paaralan. Hindi tulad ng private schools, ang paglilinis ay hindi kasama sa kanilang mga Gawain s apagapasok sa eskwela.

Winawalis nila ang mga nangalaglag na tuyong dahon sa paligid. Palibhasa’y napapalibutan ng mga punong mahogany, acacia, at samu’t saring bulaklak ang buong campus. Kapansin-pansin ang pamumunga ng punong langka. Lalo na’t

may hinog na bunga.

Napansin niyang umiiling ang kanilang principal nang mapansing nabulok ang isang bunga ng langka.

“Binabalot po dapat ng sako ang bunga.” Pahayag niya sa principa. Itinuro ng kaniyang ama na balutin ng sako ang bunga ng langka hanggang sa ito’y

mahinog sa puno. Hindi inuuod at hindi rin malalanta.

Napalingon ang principal sa kaniya. Namangha ito sa kaniyang ipinakitang kaalaman sa pangangalaga sa prutas.

TInanong ng principal kung saan nagtatrabaho ang ama niya.

“Forester po si Papa.” Tiningala niya ito. Sa tantiya niya, kasing-edad at kasintangkad ng kaniyang ama.

Simula noon, sa tuwing may mapapansin silang bungang sisibol sa punong langka ay binabalot nila ito ng sako. At totoong natikman nila ang hinog, sariwa, at napakatamis na bunga.

At isang araw, siya naman ang nakita ng principal na tinitingala ang puno.

Tinanong siya nito kung anong meron

“Matagal ko na po kasing hindi nahawakan ang bagong sibol na langka. Nais ko sanang mahipo ang bunga nito bago balutin ng sako. Noong narito pa si Papa, noong hindi pa niya kami iniwan, sinisung-ay niya ako upang abutin ang mga

bunga. “

Lumuhod ang principal. At inalok ang mga balikat nito sa kaniya.

Page 28: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

28

ӘИIӘAƧ

Isang buwan nang umalis ang kanilang ina patungong Maynila upang makipagsapalaran bilang kasambahay. Tatlo silang magkakapatid. Siya ang panganay. Sabi ng nanay nila, huwag na nilang asahang babalik pa ang kanilang amang ilang taon nang hindi na nagpakita. Umuwi na raw ito sa legal niyang pamilya. At ang diin ng nanay nila, kabit lang ako. At hindi sila lehitimong mga anak.

Nagsimula nang magparamdam ang gutom. Paubos na ang kanilang bigas. Wala nang tindahang magpapautang sa kanila. Ilang buwan pa ang hihintayin nila para sa ipinangakong padalang pera ng kanilang ina. Isang siping saging ang nasa gitna ng kanilang lamesa. Binilang niya, walong saging. Naisip niyang bigyan ng tigtatlo ang dalawa niyang kapatid. Dalawa ang sa kaniya.

“Hindi pa puwedeng kainin iyan.” Saway niya sa bunso na nagmamadaling balatan ang prutas.

“Bakit?” Nakakunot-noo ito.

“Hilaw pa siyempre. Tingnan mo, green pa ang kulay at matigas.” Paliwanag ng

isa.

Tinuruan niyang balutin nila ito ng papel at ng ilang damit na di na ginagamit.

Inilagay nila ito sa ilalim ng kanilang kama.

“Bakit?” tanong uli ng bunso.

“Para madaling mahinog.”

Gabi-gabing nagkukuwento sila tungkol sa saging. Napapaginipan nila. Ilang

araw ang lumipas, hinog na ang saging.

Sa kanilang bintana, laking tuwa nila nang mapansin nilang nagbalik ang kanilang mga alagang kalapati. Binalatan niya ang isang saging, at ang isa pa.

Araw-araw silang nagkukuwento tungkol sa kalapati. Napapaniginipan nila.

“Sana maging kalapati sina Mama at Papa…” ang nawika niya.

Page 29: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

29

ɒγɿoɈƨi-ɒɿoqƨɒib

My mother asked me to go with her to sell the house. She had come that morning from the distant town where the family lived, and she had no idea how to find me…

Living To Tell The Tale, GABRIEL GARCIA MARQUEZ

Page 30: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

30

WA⅃AႧӘAԳ

Sa loob ng isang restawran, magkaharap na nakaupo ang magkapatid sa isang dining table na may apat na upuan. Dalawa ang bakante. Isa sa kanan ng bunso na umorder ng Red Horse. Rum and coke naman sa panganay na nakapuwesto

ang bakanteng upuan sa kaliwa.

"Father's day pala ngayon", pahayag nito.

Pareho silang may kuwentong nambubulahaw sa kanilang pagtulog. Nagsalin ng beer sa basong may ice tubes. Patuloy namang iniikot ang stirrer sa hawak na baso.

Tila paghahalo ng alak at cola, tila pagkalunod ng yelo sa serbesa ang higit dalawang dekada nang nakalipas nang sila ay inabandona. Pareho nila ngayong hinuhulaan ang kaarawan ng kanilang ama. Hindi nila matandaan. Hanggang sa dalawang bote na ng beer ang naubos. Naka-dalawang round naman ng double shot ng Bacardi.

Nilisan ang restawran na tila may maiiwang isang palaisipan ang di nahulaan. At muling maging bakante ang isang dining table na may apat na upuan. Ngunit

nabuo ang isang kasunduan, dadalawin nila bukas ang puntod ng kanilang ama.

Page 31: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

31

ИAƧI⅃ӘAԳ

Naalala pa kaya nila na ayaw niyang nasisilayan ang paglubog ng araw? Na, ayaw niyang umuwi sa mga panahong tulad nito hangga't hindi pa tuluyang maglalaho ang paghihingalo ng takipsilim. Dahil nalulungkot siya lalo na kapag malapit nang lalapag sa NAIA ang eroplano. Ayaw niyang makikita mula sa alapaap ang mga kalawanging yero, maiitim na usok mula sa mga pabrika, mga barong-barong na patuloy na nagsisikhay tumindig sa gitna ng mga dambuhalang gusali, baradong kalsada ng dyipni at bus, ang mapanglaw at maruming lungsod na kaniyang nadudungawan tila isang hulagway ng tagpi-tagping basahan. Hindi tulad kung gabi, nasisilip niya ang konstelasyon ng mga bituin sa langit. Sa ibaba naman, animo’y mga pumpon rin ng estrelya ang mga

naghihikahos na ilaw-dagitab sa siyudad na nilamon ng karimlan.

Naalala pa kaya nila na sinabi niyang parang bulalakaw itong sinasakyan niyang eroplano tuwing gabi? Ngunit hindi ito tulad ng nalalaglag na bituin sa kalawakan. Ang kanyang pagbabalik ay may patutunguhan kung saan siya nais mananahan.

At sana maitanong rin nila bago siya mamamaalam kumbakit gabi ang

kanyang muling paglisan.

Page 32: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

32

I⅃AઘAઘӘAԳلا

Tahimik na tahimik ang buong bahay. Tulad ng dati. Nakasarado ang pinto. Tila bilang niya ang pagkatok. Parang isang estranghero. Kasabay ng kanyang pagkataok ay umihip ang hangin. Marahang-marahang humaplos sa kaniyang pisngi, sa kaniyang mga kamay, sa buong pagkatao, yumayapos.

Narinig niya ang pagkalansing ng wind chimes na nakasabit sa pintuan. Ang sabi ng kaniyang inang ang wind chimes ay hindi lamang isang dekorasyon kundi isang instrumentong nagsasabi ng damdamin, ng panahon, ng mga bagay na hindi maipaliwanag. Hindi niya maintindihan noon, basta ang alam lang niya, kapag tumunog ang wind chimes ay dahil sa ihip ang hangin.

Ngayon, ang tunog ng wind chimes ay hudyat ng kaniyang pagbabalik na hindi aasahan ng mga mahal niya sa buhay.

Naulinigan niyang may papalapit sa pinto. Pinihit ang door knob. Bumungad ang mukha ng kaniyang ina. Abuhin na ang lampas-balikat na buhok. Ang pisngi nito’y tila tuyong kayumangging lupa. Parang buwan ang mga mata. Nakikita niya roon ang kalungkutan at pangungulila. Ngunit kulay-kristal pa rin ang mga luhang muling bumalong nang tumingala sa wind chimes.

Muling umihip ang hangin. At lumutang siya papalayo.

Page 33: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

33

ԳIYႧ

Nakasakay siya sa isang dyip. Nagsimula siyang kabahan nang mapansing may konduktor itong nakaupo katabi ang driver. Nakasanayan niyang mag-wantutri. Iyong magkukunwaring nagbayad na. Iyong magkukuwaring taga-abot ng pamasahe ng ibang pasahero. Iyong hindi talaga namamasahe. Minsan pa nga, pasimpleng nangungupit ng sukli.

“Sa’n po kayo bababa?” may tono ng pagsusupetsa ang konduktor na babae nang magtanong ito sa kanya.

“Sa may sakayan po ng bus,” Ang agad niyang tugon. Ang natatandaang binabaan din niya noong nakaraang linggo. Hindi na niya mabilang kung nakailang sakay na siya ng dyip sa araw na iyon, kasabay ang iba’t ibang

komyuter, sa iba’t ibang oras, sa iba’t ibang ruta, sa iba’t ibang paradahan.

“SP. Sampu roon,” pahayag ng konduktor nang mapansin ang suot niyang uniform. Kulay-alikabok na ito at tanging ang nakaimprintang high school sa

kaliwang bulsa ang mababasa.

Mag-isang pasahero na lang pala siya. Kipkip niya ang kanyang backpack. Naisip niyang magtulug-tulugan na karaniwan niyang ginagawa ngunit napakalakas ng stereo at imposibleng paniniwalaan siyang tulog gayong ilang

kalye na lang ang lalagpasan at darating na sa kaniyang sinabing babaan.

“Asawa n’yo po?” Tinanong niya ang babae. Tinutukoy ang katabi nitong driver.

Simpleng tango ang itinugon ng babae.

“May anak po kayo?” Sabay ng kanyang paglunok sa uhaw niyang lalamunan at

di pagkurap sa maalikabok na daan, napaluha siya.

Pumarada ang dyip sa kanto. Pinatay ang stereo. Nagkatinginan ang mag-asawa. At tila mga baryang panukli na nangalaglag ang mga luha habang

nakatunghay sa kaniya.

Page 34: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

34

OلاЯAઘ

Tandang-tanda niyang lulan siya ng barko sa kasagsagan ng Bagyong Ondoy nang magpunta siya sa Maynila mula sa kanilang probinsya sa Mindanaw. Nakituloy muna siya noon sa kaniyang pinsang nag-asawa ng seaman na may dalawang anak. Masuwerteng nakahanap siya ng trabaho sa isang recruitment agency sa tulong ng isang malapit na kaibigan ng kanilang pamilya. At nang makapag-ipon siya, balak niyang magbakasyon. Kaya man niyang bumili ng plane ticket ngunit naisipan niyang magbarko. Ngunit hindi sa economy tulad ng kaniyang unang sakay sa barko, kundi isang suite ang kaniyang kinuhang tiket. May malaking kama, pandalawahan. Sariling banyo na may bath tub. At may sala, naroon ang isang maliit na ref, TV, at telepono. May wardrobe at tokador na napapalamutian ng plorera’t lampshade. Sa tapat ng pinto, masisilayan ang tanawin sa labas. Nasa unang bahagi siya ng barko. Hinawi niya ang kurtina at natuhangyan ang maalong dagat. Matagal siyang nakamasid roon mula sa salaming bintana. Nakikipag-unahan sa daluyong ang kaniyang isipan.

“Nasaan kaya sila?” Parang paghahanap iyon ng isla sa gitna ng karagatan. Paulit-ulit na gumagambala sa kanyang diwa. Paikot-ikot siyang parang isda sa loob ng isang aquarium.

Page 35: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

35

OИA⅃ԳOЯƎ

Pinili niya ang front row nang mag-book ng ticket kahit pa may 300 pesos ang charge. Gusto niyang maupo sa unahan. Siguro, naisip niyang mas mauuna siyang lumabas pagkalapag ng eroplano. Para siyang nagmamadali. Hindi nga maayos ang tulog niya kagabi.

Nag-anunsyo ang stewardess na magti-take off na. Dalawang oras ang biyahe mula Maynila papuntang Laguindingan Airport. Sinilip niya saglit ang bitbit na nobela ni Murakami. Nasa kalagitnaan na siya ng Kafka On The Shore. Napagod siya dahil puyat. Kaya itiniklop niya uli. Inipit niya ito sa kanyang tagiliran. Inihilig nang bahagya ang upuan at pumikit.

At nanaginip siya. May katabi siyang walang mukha, o para itong nababalot ng

ulap.

Hindi siya makapagsalita. Sinubukan niyang sumigaw. Ngunit ngiyaw ang lumabas sa kaniyang bunganga. Ngumiyaw siya nang ngumiyaw. Iyong parang kuting na iniwan ng nanay.

Nagising siyang tila nakabaon ang kanyang mga kuko sa upuan. Nagising siyang parang tinubuan ng mga balahibo sa naramdamang ginaw. Nagising siya sa anunsyo uli ng stewardess sa isang palaro.

“Sino sa inyo ang may picture sa kanilang wallet?” Ayon sa nakaunipormeng

babae.

Agad siyang nag-angat ng kamay. Mabilis niyang binunot ang wallet. Kinuha ang nakasiksik na retrato. Isang lumang retrato na tila nababalot na ng ulap sa tagal ng panahong pagkakasiksik sa kaniyang wallet. Isang hulagway ng taong kaniyang binabalikan sa Cagayan de Oro. Isang tao na hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya.

“Kaano-ano n’yo po ang nasa picture?” Pagtatakang tanong ng stewardess.

Pinahid niya ng palad ang mga mata. Parang naghawi ng ulap sa pagpatak ng ulan.

Page 36: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

36

wɒɿɒ-idɒϱ

So, this is where people come to live. It seems to me, though, that it’s dying that happens here...

The Notebooks of Malte Laurids Brigge, RAINER MARIA RILKE

Page 37: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

37

WAЯA ӘИI⅃UH

Nakadisenyo ba sa hugis ng mga bituin ang Christmas lights? Naisip niya nang masilip sa siwang ng bintana ang ningning ng langit.

Pinatay-sindi niya ang de-kuryenteng ilaw na tanging tumatanglaw sa kaniyang kuwarto. Para siyang batang nanghuhuli ng alitaptap. Nakikipaghabulan ang kaniyang mga daliri sa bawat kislap ng mga mumunting liwanag. Nakikipaglaro

ang kaniyang balintataw sa bawat kurap ng ilaw.

Bago pa man niya mabasa sa Science textbooks noong nasa elementarya siya, sinabi na ng kaniyang ama na hindi kumikislap ang mga bituin sa kalawakan. Ngunit hindi naglalaho ang bituin. Para itong pananda. Naging makahulugan din nang ikuwento ng kaniyang ama batay sa Bible story na naging giya para sa

tatlong magi upang mahanap ang batang Hesus sa Bethlehem.

Nakikita mo ba ang napakaliwanag na bituin? Sinundan niya ang itinuro ng kaniyang ama. At tinandaan ang bituin na tinutukoy nito. Ngunit tila iyon ang huling palatandaan ng huling araw at hindi na ito muling nagpakita.

Ang wika ng kaniyang ina, tinangay ng mga mumunting dagitab sa lungsod. At

tuluyang nagbalik sa kalawakan.

Sinabayan niya ng paghiyaw ang alingawngaw ng New Year’s countdown mula sa TV sa sala. “9, 8, 7…” At sinimulan niyang binaklas at pinatid ang kable ng Christmas lights. “6, 5, 4…” Pinisa na parang mga kulisap ang mumunting bombilya. “3, 2, 1… Welcome 2018!” Sa telebisyon, nag-apoy at nagwala ang fireworks. Durug-durog ang mga paputok. Sumabay na sumabog ang kaniyang dibdib. Nagdilim ang kaniyang silid. At ang mga alaala nagmistulang mga bituing

nangabasag sa kaniyang paligid.

Page 38: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

38

WAЯA ӘИAИU

Magdedekada na ring parang pangkaraniwang araw lang ang buong buwan ng Disyembre. Napagod siya sa kaka-scroll sa Facebook newsfeed. Samu’t saring greetings at posts tungkol sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon.

Idinuyan siya ng kaniyang paboritong playlist mula sa kaniyang earphones. Pinindot niya ang Play button, at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Iyon ang nakasanayan niyang pagsalubong sa unang awit na Himig ng Pag-ibig ng Asin. Sinasabing ito raw ang unang love song na isinulat ni Lolita Carbon. Paulit-ulit niya itong pinakikinggan tila hinahanapan ng rason kung bakit ito ang unang

kanta na laging nauuna sa kaniyang pandinig.

Maaari ring tulad noon, sa paghihintay ay nakakatulog siya. Maaari ring kasabay ng awit nasasambit niya nang paulit-ulit, “Tay, kung nasaan ka man ngayon, lagi at lagi kitang hihintayin sa paradahan. Madatnan mo sana ako sa last trip, pauwi

sa kung saan mo kami iniwan.”

Nagising siya mula sa pagkahimbing. Madaling-araw na. Ang unang araw ng taon. Nagisnan niya ang kaniyang panaginip. Nakabitin sa kisame. Parang mga

Christmas lights. Parang mga parol. Parang nagpapatiwakal.

Page 39: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

39

WAЯA ӘИAWA⅃AلاI

Gusto niyang gayahin ang isang bida sa napanood niyang pelikula kaya bumili siya ng bagong notebook at ballpen. Nais niyang sa pagsisimula ng unang araw ng taon, araw-araw niyang isusulat ang mga mahahalagang bagay na naganap sa kaniyang buhay. Isang talaarawan.

Marami siyang hinintay sa araw na iyon kasama ang mga alaala. Ngunit parang si Santa Claus na hindi na niya aasahang darating pa. Nakatulog siyang hindi man lang nadampian ng tinta ang mukha ng papel.

Napaginipan niya ang kaniyang ama na laging may bolpen sa bulsa ng polo at

nakasiksik na maliit na notebook.

“Bibilhan kita ng ganito kung nasa Grade 3 ka na.” Wika ng kaniyang ama nang

iabot ang hinihintay niyang panulat.

Dalawang taon pa ang kaniyang hihintayin bago siya makakagamit ng bolpen sa eskwela. Hinintay niya iyon. Ngunit ang panahon ang hindi nagbigay ng

pagkakataon.

Ilang taong nakalipas, sa isang mall na lang niya namamasdan ang katulad ng bolpen at ang maliit na notebook ng kaniyang ama. Naka-display ito sa isang

salaming eskaparate, nakabalot sa plastic. Nakakahon, parang nasa kabaong.

Inabot niya ang kaniyang notebook. At sinimulan niyang isulat ang kaniyang

panaginip.

Page 40: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

40

ИOOM ЯƎԳAԳ

Nang malaman ng therapist niya na isa siyang manunulat, nagduda itong manipulado niya ang kaniyang kinukumpisal na kabaliwan. "Most writers are slightly hypochondriacal, neurotic imaginers who even commit crimes for art's sake."

"Perhaps on some level, and I thought, writing is therapeutic." Kinumbinse niya ang doktor. "But writing makes me more neurotic. I need therapy and I consult you, a therapist."

"Nobody's sane..." ang usual na tugon ng therapist. Magtatapos na ang kanilang introspection session nitong weekend. Tanging mensahe lamang nito, "Both of us in our therapeutic procedures. For you, you put it on writing. For me, in psychotheraphy. For you, words on paper. For me, personal interaction with you, with my clients. Good writing and good theraphy are but not the same. But we have same stories to tell and will put it in our thoughts and in our hearts."

Nakatingin ang kausap sa hawak niyang brown envelope. Tinapos niya ang huling pangungusap at tinuldukan bago inabot sa kaharap ang halos isang ream ng bond paper na nakasilid roon.

... until it was nothing more than a gray paper moon, hanging in the sky.

At itiniklop niya ang nobelang 1Q84 ni Murakami.

Page 41: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

41

ƎᆿI⅃ TƧƎઘ

Tinitigan niya ng ilang saglit. Pinahupa ang kaniyang galit. Nilingon sa altar ang imahen ni Birheng Maria na nakadungaw sa lalaking nakahiga sa medical bed.

Animo'y nag-aabuloy ng awa.

Hindi ako santo, bulong ng isip niya.

Nilapitan niya ang lalaki. Naririnig niya ang mahinang tinig nito. Tila nagsasaulo

ng isang orasyon na di niya naiintindihan. Siguro, iyon ay pamamaalam.

Siya ang itinuturing kong Diyos sa loob ng dalawang dekada. Hindi na ako natatakot ngayon. Hindi ako ang mamamatay, tila pag-oorasyon niya.

Want to live your best life? Get out Depression newsletter for health tips, wellness updates and more. Ang lumitaw sa kaharap na iskrin sa kaniyang muling pagkurap.

Nakatitig lang siya. Sa iskrin na kapag pipikit ay karimlan. Tanging karimlan ang nakapagitan.

Klinik niya ang x.

Hinintay niyang magdilim ang iskrin.

Hindi ako pipikit.

Page 42: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

42

ƎԳOH ᆿO ƎƧUOH

Nakapaskil ang isang bahagi ng plywood sa tuktok ng entrance. WELCOME… Binilang niya ang bawat letra sa katagang iyon. Parang naniniguro. Parang nag-

aalangan.

Pumasok sila sa isang opisina. Pinaupo siya at pinakilala sa mas matandang madre. Pagkatapos may ibinulong. Kapwa sila napangiti.

“Kinahanglan ka namo.” Pahayag ng kaharap na madre na kailangan nila ang dumating na panauhin. Kinumbinse nilang doon siya pansamantalang tumira

hanggang sa maging fulltime volunteer sa naturang institusyon.

Paano nila nalaman na hindi na siya umuwi sa kanila? Na, wala na siyang inuuwian? At hindi na niya maalalang nag-apply siya bilang volunteer.

Nasisilip niya sa labas ng bintana, may ilan na nakaunipormeng puti na tantiya

niya’y mga nars ang papalabas sa katapat na gusali.

Sa paglabas ng opisina, sinalubong siya ng isang babaeng may bitbit na tray. Kasing edad ng kanyang ina. Ang rumihestro agad sa isip niya. Nagpakilala itong team leader ng mga volunteer sa House of Hope. Ipinahayag nitong may 30 nurses na nag-o-OJT sa loob ng 15 araw. Kapag fulltime volunteer na, maa-assign sa pag-assist sa mga nars. At ipinakilala rin nito ang tatlo pang volunteer.

Sila ang makakasama niya sa isang kuwarto.

Dinala siya sa loob ng main building. Tahimik ang labas ngunit habang papasok sila sa pinakaloob ng gusali ay nagsimulang nauulinigan niya ang samu’t saring boses. May bulong. May hiyaw. May daing. May tawa ‘t halakhak. May umiiyak. May kani-kaniyang emosyon.

At nahalina siyang tumula. Ang tula na kaniyang pinakamamahal.

Page 43: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

43

noiɈɔiʇ-ƨnɒɿɈ

But, you may say, we asked you to speak about women and fiction – what has that got to do with a room of one’s own? I will try to explain…

A Room of One’s Own, VIRGINIA WOOLF

Page 44: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

44

AلاᆿAلا

Hindi na siya nagtaka nang mabasa ang isa sa mga nobela ni Haruki Murakami tungkol sa isang batang si Kafka na may kakayahang makikipag-usap sa mga pusa. Naalala niya noong kaniyang kabataan. Nalaman niyang naiintindihan niya ang bawat ngiyaw ng pusa nang isang gabing magkuwento ang kaniyang ama. Ayon pa nito, mayroon daw isang bal-bal na nais kunin ang batang may alagang pusa.

“Kung mabibilang mo ang aking balahibo, ibibigay ko sa iyo ang aking amo…” nakakapanindig balahibo na pagsasalaysay ng kaniyang ama. “Iyon ang ibinigay na kasunduan ng pusa sa gutom na halimaw. Nagsimulang magbilang ang bal-bal mula sa buntot ngunit hindi niya matapos-tapos. Sa tuwing nasa kalagitnaan na siya, nabibitawan niya ang malikot na buntot at makikintab na pinong

balahibo. Magdamag itong bigo at tuluyang lumayo.”

Nakatitig lamang siya nang tuldukan ng kaniyang ama ang nakapanghilakbot na kuwento. Narinig niya ang pagngiyaw ng kaniyang alaga. Sumiksik ito sa kaniyang hita. At malambing nitong pinababaon ang matutulis na kuko.Tinitigan niya. At nagsimula itong magwika. “Darating ang mga panahong tulad nito ay mananatili na ring kuwento ang lahat-lahat. Silipin mo sa aking balintataw… sa pagsapit ng pag-aagaw-dilim ng palibot, nakakandong ako sa iyo. Hinahaplos-haplos mo ang malalambot kong balahibo. Nararamdaman ko roon ang iyong mga pangungulila. Patuloy kang aasa. Maghihintay. Mangangarap na kukunin at babalikan.”

Napaluha siya. Hindi sa takot sa pagkagat ng dilim at pagdating ng bal-bal. Kundi

may hindi nagbalik at tangay ang kuwentong pinakamamahal niya.

Page 45: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

45

AI⅃ƎᆿO

Gusto niyang maging tulad ni Ofelia, sa isang pelikula ni Guillermo del Toro. Nakakausap ang mga engkantada at engkanto. Paulit-ulit niyang pinapanood ang pellikulang iyon. Hindi siya nagsasawa. Iyon ang kaniyang pinakapaborito. Hindi lang iyon, Ofelia rin ang ngalan ng kaniyang ina.

Naalala niya noon sa isang liblib na barangay kung saan siya ipinanganak at nagkamulat. Kapag may dumalaw na mga paru-paro sa kanilang bahay, “may bisita tayo ngayong gabi.” Ang wika ng kaniyang ina nang masilayan ang mga

abuhing kulisap na paikot-ikot sa gasera.

“Ofelia, huwag nating hintayin na darating ang panahong madadamay tayo. Mainit ang mga mata nila sa mga dayo. Mapagkakamalan din tayong mga rebelde.” Halos pabulong na pahayag ng kaniyang ama. Hindi man niya

naiintindihan ang nais ipahiwatig ng ama ngunit nakaramdam siya ng takot.

Pinilit niyang hindi matulog sa gabing iyon. Ngunit idinuyan siya ng antok. Sa kaniyang panaginip, nagpakita ang hindi niya mawari kung mga aswang, laman-lupa o mga engkanto. “Sino po sila?” Balot ng pagtatakang tanong niya. Ngumiti lang ang mga ito. Itinaas ang mga kamao. Nagliparan ang sanlibong paruparo. At tinangay silang parang mga tuyong dahon sa gitna ng kagubatan. Napabalikwas siya mula sa pagkahimbing. Habol-hininga. At narinig na lamang

niya ang sunud-sunod na putok ng bari. Nakakabingi. Nanunuot sa kalamnan.

Nagmadali siyang pumanaog sa hagdanan. At nakita niya ang kaniyang inang umiiyak sa harap ng tatlong duguang bangkay. Papalayo naman ang mga naka-

fatigue na may bitbit na M16.

Nagdilim ang kaniyang palibot. Sa isang napakagandang umaga’y umambon ang mga patay, punit-punit na pakpak ng mga paru-paro. Muli siyang nabulahaw sa malalaking boses ng unipormadong sundalo. “Ito ang sabi ni Meyor. May mga

naglipanang aswang sa barangay. Pumapatay at tinatangay ang mga bangkay.”

“Ngunit nasaan ang mga katawan nina Ka Dencio?” Lumuluhang tanong ng kaniyang ina.

Dumungaw siya sa bintana. Nakita niya ang mga pinutol na tatlong puno ng saging. Wala ni bakas ng dugo. Walang makakapagsabi. Mananatili na lamang

isang alamat ang kaniyang bangungot sa gabing iyon.

Page 46: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

46

AЯTƎԳ

Natutunan niyang matulog na lang pagkagaling sa trabaho. Mag-isa siya sa kaniyang bahay. Nais sana niyang mag-alaga ng pusa o kaya aso upang kahit papano’y may makakasama siya. Tanging mga aklat ang karamay niya, panonood ng mga pelikula at pakikinig ng musika sa tuwing naiinip siya.

At nang minsang mawalan ng kuryente, bigla siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan. Malungkot niyang tinitigan ang kaniyang celfon na tila naghihingalo. Paubos na ang baterya nito.

Isang oras niyang minatyagan ang wall clock na nakasabit sa itaas ng kaniyang ulunan. Una’y kumukumpas ang bawat tiktak sa bawat lunok niya ng laway. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Kalauna’y nararamdaman niyang tila nangungutya ang tunog na iyon. At napaluha siya sa di maipaliwanag na pagkamingaw, ng kaniyang pag-iisa. Gasgas ang kaniyang paghinga. Parang dumadahak sa katahimikan, at sa kalaliman ng madaling-araw.

Sinimulan niyang igala ang kaniyang paningin sa buong silid. Malamlam ang rabaw ng sementadong pader. Kasimpusyaw ng liwanag ng ulilang lampshade. Namamanhid sa lamig ng Pebrero ang sahig na marmol. At tila pagitan ng mga

alaala ang magkatapat na sofa. Sinimulan niyang ibuka ang kaniyang bibig.

Una ay nagpakilala siya. Ang kaniyang pangalan sa mga panahon ng kaniyang kabataan. “Ako si Petra.”

Pagkatapos, isa-isa niyang kinausap ang mga bagay na nakapalibot sa kaniya mula appliances, mga gamit sa sala, sa kusina, ang kaniyang mga damit, pati na rin ang unan, kumot at kama. Nagkaunawaan sila sa kani-kanilang mga dahilan kung bakit sila naroroon sa kuwadradong silid.

Sinundan iyon ng isang magdamag na katahimikan. At niyapos siya ng pagkahimbing tulad ng isang paslit, ng mga nagdaang dekada ng kaniyang kamusmusan.

Page 47: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

47

ИA⅃AӘИAԳ ӘИA⅃AW

Malaking katanungan sa kanya kung saan hinango ang kanyang pangalan. Naisip niyang sa pangalan ng mga hari, sa mga alamat o kaya mula sa mga kuwento at nobela. Hinanap niya. Nagsaliksik ngunit wala siyang mahagilap na detalye tungkol sa pinagmulan.

“Bakit?” kunot-noong nagbalik-tanong ang kanyang ina. Parang nais nitong itanong kumbakit sa dinami-dami ng inaasahang tanong ay laging tungkol sa kanyang pangalan.

“Gusto ko lang malaman,” pahayag niya habang isinusulat sa blankong papel

ang bawat letra ng kaniyang pangalan.

Inisa-isa na niya ang maaaring pinahanguan ng kaniyang pangalan. Ngunit iling lamang ang naisasagot ng kaniyang ina. “Ayoko ring manghula. Ngunit ang ama mo lamang ang makakasagot niyan.”

Paano nga ba niya matatanong ang isang tao na hindi pa niya nakikilala sa tanang buhay niya? Sasabihin na lang ng kaniyang ina, “Iniligaw ng kagubatan ang iyong ama.”

Lumipas ang maraming taon. Hindi nasagot ang kaniyang katanungan. Nag-asawa siya’t nagkaanak. Nagpatuloy na naging palaisipan sa kaniya ang sariling pangalan. Parang nasa gitna siya ng madawag na gubat. Walang mapa. Walang palatandaan. Unti-unting nilamon siya ng katandaan. At naulila ang kaniyang panganay na walang pangalan.

Page 48: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

48

ИA⅃AӘИ ӘИI⅃UH

Nang maulila siya, nagmagandang-loob ang kapatid ng kaniyang ina. Kapangalan ito ng asawa ng dating diktador. Hindi man naging Ferdie o kaya Makoy ang pangalan ng napangasawa ngunit nanatiling Imelda si Imelda. Mahilig din itong mangolekta ng sapatos. Lagi rin itong nakasuot ng Filipiniana sa tuwing dumadalo sa mga pagdiriwang. At dahil naging anak-anakan siya, pinangalanan siyang Bongbong. Ngunit tulad ng mga teleserye ang pagmamagandang-loob ay katumbas iyon ng pagtrato sa kaniya bilang katulong. Hindi siya nakatiis.

Nasa terminal siya ng bus paluwas sa lungsod, maluha-luha ang kapitbahay nilang isang matandang dalaga nang ikuwento niya ang pagpapalayas sa kanya. Pinatuloy siya nito. Dinamitan. Pinag-aral. Mabait si Janice. Isa itong public teacher. Naging personal tutor na rin niya. Ngunit nagpasya siyang iwanan ang napakabait na nanay-nanayan. Simula noon, hindi na narinig ang panunuksong

‘anak ni Janice’.

Iniligaw niya ang kaniyang sarili sa lansangan, sa iba’t ibang lugar at bubong na masisilungan. Nagsimulang dumami ang naging kaniyang pangalan. Tinawag siyang Basilio, o kaya Crispin. Rizal, Bonifacio, Marcelo, at Diego. Minsan naman ay Digong, Erap, Noynoy at kung sino-sino pang ngalang hindi na kilala’t matandaan. Hanggang sa nakaramdam siya ng takot na baka tuluyan na niyang makalimutan ang kaniyang pangalan. Naghanap siya nang naghanap ng lugar

na maaaring makakatulong upang di niya kailanman makakalimutan.

Hanggang sa mapagod siya’t sa huling hantungan niya muli siyang

pinangalanan.

Page 49: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

49

⸮OلاA OИIƧ

Isa siya sa mga lumuwas ng Maynila mula sa kanilang malayong probinsiya dahil sa kahirapan. Nagpalit siya ng pangalan. Kailangan daw ng alyas sabi ng kanilang handler sa isang bar sa Ermita. Isa siya sa mga ledge dancer na walang sawang umiikot-ikot at naglalambitin sa tubo para sa kanilang mga customer,

mga kliyenteng DOM, sakang, chekwa pati na rin mga afam.

Nakuha niya ang kaniyang pangalan sa unang free shot na inalok sa kanya ng isang customer. Magdamag siyang kapangalan ang isang mamahaling alak. Magdamag siyang pandilig sa lalamunan ng mga parokyano. At bago matulog sa gabing iyon, huhubarin niya ang wig, maglulublob sa bath tub. Gabi-gabi niyang tatanggalin ang duct tape sa kaniyang beywang at kaselanan. Gabi-gabi siyang humihiwalay sa tunay niyang pagkatao at pangalan.

Ngunit, isang gabi tila nilasing siya ng pagtataka. Inuusal niya ang kaniyang ginagamit na pangalan. Lahat lumilingon. Lahat nagsasabing iyon din ang pangalan nila. Iba’t ibang mukha. Iba’t ibang anyo. Iba’t ibang pagkatao ang

nagpakilala.

Lumayo siya. Naghanap siya sa salamin. Tinitigan niya iyon. Nagbabanta ang pagtatanong ng kaniyang pagkalito. Naghahanap ng sagot ang kaniyang galit. Binasag niya iyon. At natunghayan niya ang kaniyang sarili sa nagkalat na

bubog. Pira-piraso. At walang humpay na nagtatanong. Sino ako?

Page 50: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

50

AƧU⅃ઘ

Babae ang tawag niya sa nagli-lipstick, nakatingkayad sa high heels at naka-palda’t blusa.

Matagal niyang pinagmasdan ang kaniyang sarili sa salamin, “puwede naman pala akong maging babae.” Ang nawika niya habang hinahawi ang napakaiksing bangs.

Hinubad niya ang suot. Maayos na maayos na itinupi. Maingat na maingat na parang pagtupi ng kaniyang laruang pamaypay. Inilapag niya ito sa kaniyang kandungan. Tila naghehele ng kaniyang paboritong manika. Sa halip na ibalik ito sa aparador, natukso siyang bitbitin ito at sa loob ng kaniyang kuwarto muling

isinuot ang paboritong damit ng kaniyang ina.

Matagal niyang pinagmasdan ang retratong nakakuwadro. Naroon ang kaniyang inang yakap siya suot ang blusa na ngayo’y hawak niya. Nakangiti man ito ngunit nababakas niya roon ang pinagdaanan nang iwanan sila ng kaniyang ama simula pa noong siya’y nasa unang baitang.

“Nagbalik na siya sa kaniyang tunay na pamilya.” Ang paliwanag ng kaniyang

ina.

Animo’y nabasag na salamin ang kaniyang memorya nang marinig ang pagkatok sa pinto, “Papa, nakahain na po ang hapunan. Kain na raw po tayo sabi ni Mama,” ang kaniyang bunsong anak na babae sa pinto ang kumakatok.

Nagmadali siyang naghubad ng blusa’t palda, pinahiran ang lipstick, at itinapon

sa sulok ang high heels.

Muli niyang itinupi ang damit. Hinaplos ang kuwelyo, ang magkabilang manggas. Ang linya ng bawat tahi mula sa balikat, dibdib hanggang sa sidsid, at ang nakahelirang mala-perlas na mga butones ay tila mga mumunting kuwento sa kaniyang alaala. Maingat na maingat niyang tiniklop tulad sa pag-iingat niya sa

pagkakakilala sa tinatawag niyang babae.

Page 51: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

51

ƧAƧOЯ

Sa beauty contest, malaya niyang naipakikilala ang kaniyang sarili bilang si Rosa. Naikukubli niya ang kaniyang totoong pagkatao. Kaya dumadayo siya sa mga piyesta, kung saan makikipag-agawan siya sa korona. At idadambana bilang Miss Gay Sanlibutan!

Naglayas siya pagkatapos niyang grumadyet sa hayiskul. Nagdesisyon siya matapos bugbugin ng kaniyang ama. At tulad ng mga gasgas na mga kuwento tungkol sa beking isinilid sa sako’t inilublob sa dram, tinanong din siya noon ng kaniyang ama. Nakapaligid ang kanilang mga kapitbahay. Pinagpiyestahan ang kanilang eksena.

“Ano’ng pangalan mo?”

At sumigaw siyang tulad ni Darna. “Rosa, Papa!”

Animo’y isang alamat ang kaniyang pangalan. Kaya sa bawat beaucon na kaniyang sinasalihan, Rosa ang isinisigaw ng mga manonood. Para siyang naglalakad na flower vase. Kekembot-kembot siyang suot ang headdress na punong-puno ng rosas.

“Kung hindi tao, hindi hayop, ano ang gusto mong maging at bakit?” Ang itinanong ng isa sa mga hurado sa Q&A portion.

“Gusto kong maging bulaklak. Maging rosas.”

Palakpakan ang mga tao.

Sa gitna ng daan-daang audience, biglang may sumigaw. “Rodrigo!”

Tila tumigil ang mundo ni Rosa. Gayundin ang mga nakapalibot sa kaniya.

“Excuse me po, sino po sila?” Nagtunog chismosa ang emcee nang marinig ang sumigaw na manonood.

Umakyat ito sa stage at kinuha ang mikropono.“Kaisa-isang anak na lalaki ko si Rodrigo. Rodrigo junior. Ang tanging magdadala ng aking apelyido.”

Napapikit si Rosa. Nakakabingi ang bulungan ng mga audience. Sumabay sa

grounded na mikropono.

Hindi na niya narinig pa ang mga sumunod na binitiwang salita ng kaniyang ama. Nagising na lamang siyang muli nang tanungin uli ng emcee.

Page 52: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

52

”Thank you for that wonderful question and needs a wonderful answer. Papa, madlang pipol, gusto kong maging bulaklak. Maging rosas...”

Mula sa kaniyang dibdib, hinugot niya ang isang retratong nakaipit sa kaniyang

bra. Ang retrato ng kaniyang namayapang ina hawak-hawak ang isang rosas.

Page 53: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

53

ИIUϘƎИИAM

Pinangalanan siyang Imang. Siguro nga dahil maihahalintulad ang itsura niya sa bida sa Kampanerang Kuba. Hindi man siya kuba ngunit nakakakuba ang panlalait at panunukso ng mga tao sa kaniya. Pinili niyang magtago, magtalukbong, magbalabal upang itago ang kaniyang pangit na anyo.

Magdi-disiotso na siya sa susunod na linggo. At tulad ng mga karaniwang magde-debut, humiling siya ng isang regalo. Kahit wala siyang 18 roses at debut party, isang napakagandang gown man lang ang matatanggap niyang regalo. Sa may eskaparate sa isang boutique, nakita niya ang isang napakagandang mannequin. Napatigil siya. Nahiwagaan sa kaniyang nakita.

“Ito ba ang gusto mo, Fatima?” Ang kaniyang inang masaya dahil sa halos dekada ay ngayon lang nagpasya uling lumabas si Imang. Tinawag ng kaniyang

ina ang saleslady upang isukat ng anak ang gown na suot ng manikin.

Umiling siya. “Gusto ko siya.” At niyakap ang walang buhay na estatwa.

Walang pagsisidlan ang tuwa ni Imang. Itinapon niya ang kaniyang bandannang pantakip sa mukha. Inalis niya ang kaniyang balabal. Nagmadaling isinuot ang

gown at ginaya ang mannequin.

Tila nagulat ang mga nakapalibot. Napatigil sila’t ilang sandali ay nagtawanan.

“Imang! Imang! Imang!” Sigaw ng mga tao.

Patakbo siyang lumayo sa mga naroroon at nilisan ang boutique.

Dumating ang kaniyang kaarawan, suot niya ang napakagandang gown. Bago niya hinipan ang kandila, nag-wish siya. Niyakap niya ang kaniyang ina bilang pasasalamat sa natanggap na regalo. Malayang nangilid ang kaniyang luha habang pinagmamasdan ang mannequin sa kaniyang harapan.

Kinabukasan, nagisnan niya ang katuparan ng kaniyang hiling.

Page 54: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

54

noiɈɒzi)lɒnoƨɿɘq(ɘb

Granted: I’m an inmate in a mental institution; my keeper watches me, scarcely lets me out of sight, for there’s a peephole in the door…

The Tin Drum, GÜNTER GRASS

Page 55: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

55

HԳAЯӘO⅃OH

Kagabi pa niya iniiyakan ang kanyang inggit sa isang kaibigan na kinumusta ang mga taong lumisan sa pamamagitan ng isang Facebook status. Marahil nasilip niya ang repleksiyon ng kahapon. Kailan niya matatanggap na ang paglimot ay katumbas rin ng pagpapatawad? At ang mga alaala ay hindi kailanman

maibabaon sa lalim ng anim na talampakan. O sa pananaginip nang paulit-ulit.

Hindi siya sigurado sa kanyang mga nararamdaman. Napapangalanan lang niya tulad ng mga bagay-bagay sa kaniyang palibot. Kaya patuloy niya itong isinasalaysay, isinusulat kung minsan kinakausap, at nakikipagkuwentuhan. Nagbabakasakaling mabigyan ng katauhan. Umaasang makikilala ang mga ito

nang lubusan.

Noong malubha na ang kalagayan ng kaniyang ama. Nakaratay ito sa ospital dahil sa pneumonia, hindi na niya ito nagawang dalawin pa. Pinatigas niya ang kaniyang kalooban sa mga hinanakit na pilit niyang ikinukubli simula pa noong pitong taong gulang lamang siya nang abandunahin sila ng kanilang ama.

Paulit-ulit niyang itong pinapapaalala sa kaniyang sarili. Para itong paulit-ulit na pagsaksak sa kaniyang dibdib. Para itong paulit-ulit na pagkukuwento. Parang paulit-ulit na pagbabalik sa isang malagim na bangungot at niyayakap niya ito sa kaniyang pamamahinga tuwing gabi.

Tiningnan niya ang orasan sa pader. Naririning niya ang panghihinayang nito,

hindi lang sa kaniyang pag-iisa kundi sa kaniyang desisyon sa gabing iyon.

“Kumusta ka?” wika niya.

Animo’y isang hologram ang nagpakita sa kaniyang harapan. Unti-unting nabuo

ang hulagway mula sa mumunting dagitab. Kawangis niya ito.

“Mabuti naman.” Ang payak na tugon. “Ikaw?” Balik-tanong sa kaniya.

Natulala siya at hindi niya masagot nang tuwiran ang imahen. Nais niyang mahawakan ang mukha ng kausap. Mula sa malamlam na liwanag ng lampshade sa kaniyang silid, nahipo niya ang kaniyang sariling kalungkutan.

Page 56: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

56

ЯOTƆƎႱOЯԳ

Pinapanood niya ang isang pelikula sa projector. Nakatingala siya sa kisame. Doon niya isinentro ang liwanag ng aparato. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang bawat eksena sa palabas. Paulit-ulit na niya itong napapanood. Naalala niyang ito rin ang paboritong pelikula ng kaniyang ama. Ang ‘Dito Sa Pitong Gatang’ ni FPJ. Kumukumpas-kumpas pa ang kaniyang mga daliri at

napapasipol siya sa tuwing kinakanta ng bida ang soundtrack ng pelikula.

Nang matapos ang palabas, pinatay na niya ang projector. Sandali siyang natigilan nang mapansin niya ang kaniyang anino. Una niyang inilahad ang kaniyang palad, pinagalaw niya ang kaniyang mga daliri, ang kaniyang kamay at

bumuo ng iba’t ibang anyo. At siya’y nagsimulang magkuwento.

May isang batang kandong ng kaniyang ama. Sa likod ng liwanag, iisa ang kanilang anino. Iisa ang kanilang mukha. Iisa ang kanilang katawan. Iisa ang kanilang puso. Nainggit ang bal-bal sa mag-ama. Dumating ito sa kalaliman ng gabi. Himbing noon ang pusang alagang nagbabantay sa bata.

Nakipagpustahan ang bal-bal sa kaniyang ama. “Kung mabibilang ko ang

iyong anino, kukunin ko ang iyong anak.”

“Ngunit iisa lang ang anino ko at ng aking pinakamamahal na anak.” Ang

tugon ng ama.

Humalaklak ang bal-bal bilang tanda ng kaniyang pagkapanalo sa pustahan. Ngunit sa halip na ang bata ang makuha, nagpatangay ang kaniyang

ama sa halimaw.

Madilim pa rin ang kaniyang kuwarto. Sandali niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang muling pagdilat, binuksan niya uli ang projector at muling

pinanood ang pinakamamahal na alaala.

Page 57: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

57

Ⴇμ

Adik siya sa sine. Hindi maaaring hindi siya makapapanood sa isang linggo. Kapag nauubos niya ang pelikula sa sinehan, sinusuyod niya ang iba pang palabas online. Dina-download ang mga nagugustuhan niyang magagandang

pelikula.

Nakasalang ang isang pelikula. Ilang saglit pa, animo’y pelikulang Lars von Trier nang slowmo ang bawat eksena sa kaniyang balintataw. Sa apat na sulok ng iskrin, sa kaniyang silid, napansin niya ang sarili sa loob, sa loob ng isang dimensiyon. Hindi na niya masukat ang espasyo, hindi niya matantiya ang pagitan ng bawat segundo, at ang hangganan ng bawat sulok sa kaniyang

kinaroroonan.

Ni-lock niya ang pinto. Isinara ang mga bintana. Inayos ang pagkakatabing ng mga kurtina. Naupo siya sa gilid ng kama. Pinapakiramdaman ang natuklasang mga pagitan, at mga puwang sa kaniyang palibot. Sinuri ang kinalalagyan ng kaniyang mga pandama. Tulad ng pagnanais niya ngayong maipalawanag ang konsepto ng mga linya sa siwang ng dingding, ng hugis-parisukat ng kaniyang kinatatayuan, ng kabuuang sulok ng kaniyang silid.

Kinapa niya ang kaniyang dibdib. Nais niyang salatin ang kaniyang puso. Puso

na walang hugis. Walang anyo. Walang hulagway.

Sa kaniyang muling pagkurap, tila mga blangkong flashcards ang lumitaw sa

iskrin. Iskrin na walang mukha. Walang katawan. Walang kaluluwa.

Page 58: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

58

ИIMA⅃AƧ

Isang tinted glass ang nakaharang sa pagitan mula sa durungawan ng hotel at sa katapat nitong apartment. Marahil ang pinakakaraniwang pakiramdam niya na laging mayroong isang hadlang, sa pagitan ng kaniyang kalungkutan at sa tinatanaw na kasiyahan. Maaaring isang party, isang selebrasyon, may nakita siyang cake. Siguro nga nagtapos na sa kolehiyo ang binatang kasing edad niya sa kabilang gusali. Hindi siya kumurap. Parang pagtitig niya sa isang traumatikong karanasan. Alin nga ba ang pinakanakakatakot niyang danas na di niya makalimutan, at di niya nais kalimutan? Tila sandaling huminto ang kaniyang isip, parang nagbuklat ng aklat ng mga alaala. Ngunit hindi pa rin niya maaninaw dahil sa nakaharang na tinted glass. Dumungaw siya sa kabilang bintana. Doon niya nakita ang kaniyang sarili na naglalakad sa parehong kalye araw-araw, may determinasyon, at may destinasyon. Magdidilim na parang iskrin ng TV ang kaniyang tinutunghayan. Pagkaraan, nakaramdam siya ng pagkabalisa nang hindi na niya kayang sundan pa ang memoryang iyon. Nais niyang ituloy ang pangkaraniwang pamumuhay sa araw-araw na kahit maging teleserye na lang at paulit-ulit na problemahin ang inuulit-ulit na mga tagpo’t sukdulan ng kuwento. Natatakot ba siya sa kaniyang pag-iisa? Isang matinding takot na tila ba mag-isa siyang palutang-lutang sa napakalawak na laot. Ngunit hindi niya binitawan ang posibilidad na magbalik sa kaniyang sarili, ngunit paano kung ang sariling realidad ay kaniya lamang nilikha. Isang pagkalito na tila ba karaniwan lamang ito sa mga naranasan niya noon. Kaya nais na lamang niyang tuluyang lumutang sa gitna ng laot. Ang kaniyang katawan ay simpleng tumutugon sa kung ano ang nakikita nito at mga nararamdaman. Inisip niya ngayong walang banta, ipinapalagay niya na walang mali sa kaniyang mga naiisip. Ngunit ito naman ang bumubuo ng higit pang takot, at nagpabilis sa pagkontrol ng kaniyang sarili. Naghalo ngayon ang matinding takot at pagkabalisa. Salamin ng espasyo at laot ang nakikita niya. Hindi niya kayang basagin dahil mistulang bubog na ang kaniyang damdamin.

Page 59: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

59

TOઘOЯ

Pakiramdam niya, hindi siya ang namamahala ng kaniyang mga saloobin, at ng kaniyang mga ginagawa. Ang pakiramdam niya, siya ay isang robot, may isa pang nagmamaniobra sa kaniyang paggalaw at pag-iisip. Kung minsan, nararamdaman niya ang di pakikipag-ugnayan ng kaniyang sarili, at sa nagmamando sa kaniya. Hindi abstrakto ang kaniyang pakiramdam. Tila di numero ito, may proseso at aktwal na proseso. Ngunit may mga pagkakataong ang kaniyang mga saloobin ay nagpapatunay na siya ang nagmamay-ari nito. Sinisiyasat niya sa pamamagitan ng konsentrasyon sa bawat maliit na detalye. Ngunit pansamantala lamang ang mga ito, panandalian pa. Kung kaya naisip niyang mas makakabuti ngang maging isang robot. Sa katunayan, naisip niyang ang kalagayang ito ay mekanismo lamang ng kaniyang utak at hindi ng kaniyang puso. Ngunit paano nga ba maipaghihiwalay ang dalawa? Ano nga ba ang pamamaraan na maibukod ang pag-iisip sa kaniyang mga nararamdaman? Bakit siya nandito sa katawang ito? Sino siyang may ulo, balikat, mga kamay, mga paa? Sa kaniya ba talaga ang pusong tumitibok sa ilalim ng kaniyang dibdib? Ang mga katangungang lalong nagdulot ng pagkabalisa. Ang bawat maliit na kaluskos, paggalaw, pag-usad, pagpilantik ng dila, at kahit ang kaniyang malalim na buntong-hininga ay nagiging takot. Nagdurusa siyang labis ngunit alam niyang gawa-gawa lamang ito ng kaniyang katawan, ng kaniyang mga pandama at saloobin. Pinakiramdam niya uli. Muling naramdaman ang isang hadlang sa pagitan ng isip at katawan, hanggang sa punto kung saan ang katawan, o ang mga bahagi nito ay hindi na nabibilang sa kaniyang pagkatao. Wala siyang baterya. Hindi siya pinapagalaw ng elektrisidad, ng mekanikal, ng kompyuter o ano pa mang pamamaraan ng makinarya at teknolohiya. Ngunit binubuo siya ng mga piyesa, ng mga turnilyo, alambre, plastic at bakal . Ito ang kaniyang dugo’t laman.

Page 60: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

60

ИAƧAЯO

Para siyang naghihingalo sa tuwing nararamdaman niyang umiinog ang kaniyang mundo. Para iyong mahinang ikot ng orasan, tahimik ni walang tiktak siyang naririnig. Parang paggapang iyon ng kaniyang mga daliri sa kaniyang lalamunan. Pakiramdam niyang nabago ang oras. Segundo-segundo. Minuto-minuto. Oras-oras nagbabago ito. Maaaring hindi niya natatantiya ang bawat puwang at mga pagitan ng mga sandal. Maaari ring iniisip niyang ang saglit ng isang mahabang panahon ang nakalipas. Siyempre, walang aktwal na pagsisinungaling ng panahon. Ang lahat ng oras ay eksakto at naayon ito sa mga naganap, sa nagaganap, at sa magaganap. Isang gabi, nakaramdaman siya ng kakaibang sindak, hindi tulad ng mga napapanood niyang horror films, o mga nababasang Stephen King novels o kaya ang Tatlong Gabi, Tatlong Araw ni Atalia o ang nakakapanindig na graphics ni Malonzo. Kundi ang pagkasindak niya sa oras, kung paano ito naglakbay, kung paano ito nagbago, natakot siyang lubos na walang kahulugan ang kasalukuyan, ang nakalipas at ang hinaharap. Hindi nagbabago ang panahon, ang oras. Ang kaniyang pag-iisip at pagkabalisa ang nagbabago sa lahat nang ito. Marahil ito ay kapareho sa kaniyang pinapanood na pelikula. Lumipas ang oras na hindi niya namalayan. Lumpias ang oras na naroon siya tangay ng bawat eksena sa pelikula. At patuloy na inililihis ng kaniyang sariling kaisipan. Ang haba ng oras ng kaniyang pananatili sa pelikula ay hindi mahalaga. Hindi isang dahilan. Ang kaniyang pagpasok sa mundo ng kaniyang pinapanood na pelikula ay tila isang portal upang maglakbay siya sa ibang dimensiyon, sa ibang realidad, sa ibang imahinasyon, na hindi aktong sa kaniyang kasalukuyan. Parehong may buhay iyon, iyon ang naisip niya. Hindi nga lang niya matantiya ang kung alin siya mas komportable manatili upang hindi pagdudahan ang oras na hawak niya ngayon. Isang araw, nagmamaneho siya, nakarating siya sa kaniyang patutunguhan at halos hindi maalala ni anumang mga detalye sa biyahe. Ni hindi niya matandaan ang kaniyang dinaanan. Marahil dahil nakatuon sa kaniyang isip ang iba pang mga bagay. Marahil nakikipaghabulan ang kaniyang isip sa kung sino ang kaniyang daratnan, o kaya nakikinig kay Lana del Rey sa kaniyang Born To Die. Ibig bang sabihin na ang oras ay nagsisinungaling? Ibig bang sabihin na ang oras ay bumabalik? Lumiliko? Bumabaluktot? Napupunit? Naglalaho kung minsan at dudugtong sa bagong kabanata, ng pagsisimula, ng pagtatapos. O kahit saan sa kaniyang alaala? Ito ang itinuturing niyang hadlang. Kinutya ng kaniyang dila’t ngala-ngala ang bawat segundo ng kamay ng orasan. Tik-tak-tik-tak-tik-tak, hanggang sa malusaw pati ang kaniyang mga sandali.

Page 61: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

61

wɒlɒb

Hayaan mo muna akong magpaalam Sinindihan mo na ang aking mitsa…

Bago Mo Ako Ipalaot, LUNA SICAT CLETO

Page 62: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

62

WA⅃AႧ ƎƆИAЯTИƎ

Umuulan. Maaaring iyon ang naiwang ulan ng nagdaang Bagyong Maring kahapon. Huminto ang sinakyan kong Uber sa tapat ng karatula, ENTRANCE DALAW sa harap ng Caloocan City Jail. May ilang tao na nakapila sa covered walkway na nakasandig sa tinitingala kong pader ng kulungan. Nakisilong sa kalawanging yero na atip ng paanan. Nagtanong kung anong mga kahingian sa pagdalaw. Agad naman akong binigyan ng direksyon ng ale na kasama sa nakapila. Pinadiretso niya ako sa bungad. At doon ako muling nagtanong sa guwardiya. Isang lalaking nakauniporme ng abuhing polo shirt. May hawak itong

bolpen at filer na may nakaipit na papel.

Alas-kuwatro y medya na. Tapos na raw ang oras ng dalaw, ang agad na pahayag ng lalaking bantay. Itong nakapila ay nasa listahan na raw at sila na lang ang maaaring papasukin. Kailangan ko rin daw magkaroon ng ID. Ang proseso ay tuwing alas-diyes hanggang alas-dose ng tanghali. Kung magpapa-ID, walang ibang dadalhin maliban sa isang valid ID at pambayad sa pagpapaisyu ng card. Kung mag-isa at walang mapag-iwanan ng cellphone at bitbit na handbag, hindi maaaring iwan sa information desk, o sa tagabantay.

Wala silang baggage counter. Oo nga't hindi naman ito mall.

Lumabas ako. Muling tumingala. Matutulis ang barb wire sa tuktok ng sementadong pader na kahit ibong gala matatakot dumapo roon. Sa kabilang kanto, may nagtitinda ng fishball. Naalala ko si Ma' Rosa. Parang closing credit ng pelikula ang pagdaloy ng naipong tubig-ulan sa kanal. Kasingdilim ng screen

ang langit at marami akong nais isumpa.

Page 63: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

63

ƖƐმμ-٢Ɩ-ႱƆƆ

Mula Martes hanggang Biyernes tuwing alas-diyes hanggang alas-dose ng tanghali ang pagpapa-ID ayon sa nakapaskil na abiso sa isang puting short bond paper. Sumunod ako sa pila. Panlima ako sa kukuha ng ID. At ang ilan na mas maaga pa sa amin ay nakapila na rin sa kabilang linya para sa dalaw. May ID na sila. Naghihintay sa pagsapit ng ala-una. Unang pinapasok ang isang buntis, pangalawa ang matanda, sumunod ang mag-asawa, pagkatapos ako na. Mabilis ang inspeksyon. Dahil bago pa man kami pumila para makapasok, alam na namin ang patakaran sa loob ng kulungan. Maliban sa isang malaking tarpaulin na nakalista lahat ng paalala, mga dapat at di dapat, mga bawal, mga kailangang dalhin, doon pa lang sa pila, iyong mga parating dumadalaw o yung matagal nang dumadalaw ay nagbibigay na sa amin ng instruksiyon, ng kani-kanilang abiso at kani-kaniyang paalala. Sa bungad ng inspection area, may nakaharang na rehas. Malayang nakakalusot ang paningin ko. Ngunit nang isara na ng guwardiya ang pedestrian gate, ang panandaliang pananatili ko roon ay parang

isang dagang nakulong sa screen trap.

Itinuro ng bantay ang opisina kung saan ang proseso ng pagpapa-ID. Sa hallway, kasalukuyang may ilang lalaking naka-yellow t-shirt, may marka sa likod nitong BJMP INMATE. Dalawa ang nagkikiskis ng sementadong sahig para ilapat ang bagong tiles. Iyong tatlo naman ay nagkukumpuni ng isang mesa at upuan. Nakiusyoso ang iba. Nanghihingi ng barya iyong nasa likod ko na kanina pa nakabuntot. Sumenyas na pangkain lang daw. Inabutan ko ng sampu. Kumalansing ang dalawang singkong barya sa kanyang palad. Napalingon ang kanyang kasama. Animo'y asong bahay na nakarinig ng kaluskos at bago tumahol, agad na akong pumasok sa ID Section. Dalawang personnel ang nakaharap sa desktop. Isa ang humingi ng valid ID. Isa naman ang nag-i-encode. Inabot ang form ng isang lalaking nakasuot ng black shirt, may nakasulat sa likod na CRIMINOLOGY INTERN. Ilan sa mga hininging pagkakakilanlan sa form ang pangalan, pangalan ng dadalawin, relasyon, address, contact number at iba pang pangunahing detalye. Isa-isa kaming tinawag para kunan ng retrato (harap, tagilid sa kanan at kaliwa) gamit ang cellphone at ilang minuto lang ang lumipas, pinirmahan na namin ang ID, ni-laminate at inabot namin ang kwarenta pesos na bayad. Hindi ko na binilang ang aking sukli. Mas nakatuon ang tingin ko sa whiteboard kung saan may nakasulat

na numerong 2278. Iyon ang bilang ng preso sa loob ng Caloocan City Jail.

Ilang minuto ang lumipas, tinawag ako ng personnel at inabot sa akin ang laminadong ID card. Nakatatak ang aking pangalan. At sa ibaba ang isang

control number: CCJ-17-4631.

Page 64: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

64

AIЯƎႧИIЯAلا

Marami na ang nakapila sa bungad. Puno na ang covered walkway. Parang may Sale sa mall. May kanya-kanyang bitbit na nakasilid sa plastic bag. Iyong ale na napagtanungan ko kahapon ay naroon na rin sa pila. Nilapitan niya ako. At tinawag niya rin ang kasabay kong buntis na lumabas mula sa pedestrian gate.

Hihintayin namin ang ala-una. At dahil may kaniya-kaniya silang bitbit, nagpasya na rin akong bumili ng pagkain para sa unang dalaw ko sa araw na iyon. Sa karinderia, umorder ako ng apat na hiwa ng adobong manok, isang order ng nilagang baka, apat na takal ng kanin, isang litrong bottled water. Nagtabi naman ako ng sandaan para raw iaabot sa brigada sa loob. Sandaan dahil unang dalaw ko. Maging sietenta na lang sa susunod ko pang pagbisita. Hindi ko na inusisa ang ale kung para saan ang bayad. Pero ayon sa kaniya, tulong daw iyon para sa mga preso na walang dalaw.

Tanghaling tapat na. Naupo ako sa monoblock chair sa karinderia. Natatanaw ko ang pagdami ng pagdating ng mga dadalaw. Dumadagsa na rin ang mga langaw sa malansang mesa sa aking harapan. Hawak-hawak ko ang supot ng biniling pagkain. May dumaan na aso at inamoy-amoy ang gilid ng aking upuan. Agad kong inangat ang aking bitbit. Hindi ko siya binugaw. Kusa siyang lumayo.

Natanaw ko siyang muling gumala sa eskinita.

Tumayo ako't tinungo ang pila. Naghalo ang amoy ng mga bitbit na pagkain sa masansang na kanal, sa tumutulong pawis, sa bawat hininga, sa mga kimkim na sulinanin at mga alalahanin. Nanunuot iyon sa aking ilong hanggang sa aking sikmura. Doon ko naramdaman ang tumitinding init ng katanghalian. Doon ako

nakaramdam ng matinding pagkagutom.

Page 65: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

65

AƎЯA ӘИITIƧIV

Pagkatawid ko mula sa Inspection area, sinalubong ako agad ng isang naka-yellow t-shirt. Ilang metro ang layo, isa pang gate, iginiya niya ako papasok sa animo’y eskinita. Pagkatapos, tumambad na sa akin ang ilan pang mga preso. Lahat nakadilaw. Parang nasa bulwagan. Parang may pagpupulong. Sunud-sunod ang pagpasok ng dalaw. Nagpalista uli ako. Iyon daw ang listahan ng mga papasok na dalaw maliban pa sa labas sa mismong mga awtoridad. Dito naman, ibang awtoridad na. May sarili rin silang listahan. Isang spiral notebook kung saan isusulat ang pangalan, numero ng selda ng dadalawin, oras ng pagpasok at awtomatiko ring mag-aabot ng pera kahit barya para sa kanilang koleksiyon. Iyon daw ay donasyon para sa mga preso na walang dalaw, o may magkakasakit. Isa sa nakabantay roon ay naka-apple cut hair. Kung ‘di lang ipinagbawal ang shorts, pareho sana kaming nag-pekpek shorts sa araw na 'yun. Naka-yellow spaghetti strap na fit na fit kay chanda at tinalbog ang p’wet ni jollibee. In-entertain ako ni Ana. Ana Fegi ang pakilala niya upang maiwagayway ang kaniyang kulot na hairuray at pinangalanan niya akong Donita Rose. Siya na raw

ang bahalang magpatawag sa Selda 3 sa aking dinadalaw.

Bitbit ko ang plastic bag na may lamang pagkaing inorder ko kanina sa

karinderia. Mas marami ngayon ang nanghihingi ng barya.

"Akin yan!" Binugaw ni Ana.

Nagtanong ang isa kung anong selda. Sabi ko, tres.

"Onse ka di ba?" Baling niya kay Ana. Ngunit di siya pinakinggan ng reyna. Pinaalis sila't muli akong chinika ng nakikipag-friendiva. Inutos na raw niyang hanapin sa loob. Kaya maghintay na lang muna ako.

“Sino pala ang dinadalaw mo? Buti at nakapasok ka? Bawal ang beki kung hindi Thursday,” pagtataka niya.

“Kapatid ko.”

“Ano’ng kaso?”

Hindi ko direktang masasagot si Ana. Gusto ko sanang maglitanya ng pinakamemorableng script sa pelikula ni Nora o kaya ni Vilma. Ngunit pinipi ako ng pangutngutya ng ceiling fan. Sa bawat ihip, tinutuyo ang aking mga matang kanina pa nais pigisin ang mga pag-aalala. Biningi ako ng samu’t saring boses sa visiting area. Hindi ako nagpahalatang natulala. Iginala ko ang aking paningin sa mga nakapalibot na rehas, sumusuot sa mga pagitan ng bakal at kawalang-

katiyakan.

Page 66: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

66

ƧAƧOԳAلاAИ ӘИA

Napangiti ako nang tawagin ako ni Ana sa bago kong stage name. Donita Rose. Bakit kaya iyon ang napili niya? “Kamukha ko ba siya?”

Umiling siya. “Si Anne Curtis. Ang diyosa ang kamukha mo, gurl.” Paseryoso ang

kaniyang tugon.

Napatawa niya ako. Paboritong artista pala niya si Donita kaya iyon ang bet niyang itawag sa akin. "Nakabartolina na ba gurl ang aking eyeliner at fonda?" Patawa ko pa nang siguraduhing di pa naagnas ang aking powder foundation. Chinika niya ako't pinaupo sa monoblock sa sulok na natatamaan ng hangin mula sa ceiling fan. Ngunit mas interesado pa siyang tanungin ako tungkol sa aking pagdalaw. Parang hindi siya makapaniwala na narito ako ngayon sa loob, kasama sila, ang mga preso. Parang di niya maubos-maisip habang tinitingnan ang aking anyo. O baka pinagdududahan niya ang aking pag-aalala, o kinukuwestiyon niya ang aking responsibilidad at naging pabaya ako sa aking

kapatid?

Pinisil niya ang aking palad matapos kong isalaysay ang ilang memorya at hanggang saan ko kayang isalba ang aking bunsong kapatid. “Napakalambot ng palad mo. Pero alam kong napakatibay ng iyong puso. Gow, gow, gow lang, gurl.”

Ilang minuto pa, pumasok ang isang unipormadong jail guard. Nakasunod sa kanya ang sandosenang nakaposas, tigdadalawa sa iisang posas. Sa bulwagan, pinapila, binilang at pinatulungko. Lumipas ang mga sandali, isa pang jail guard. Kinalabit ako ni Ana. “Gurl, ayun ‘ata ang bantay nila.” Parehong may nakasunod na mga preso. Tumayo ako sa upuan. Doon ko nasilayan ang mukha ng aking kapatid. Nakatanaw siya sa kung saan. Tanaw na walang inaasahan. Tinawag ko siya. Tinawag ko ang kanyang pangalan. Inangat niyang malaya ang kanyang kaliwang kamay. Tumingala. Pinahid ng palad ang mukha. Hindi ako tuminag. At nang mahawakan ko na ang kanyang palad, doon na ako pumikit.

Page 67: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

67

WA⅃AႧ ӘИAИU

Hinubad ang kanyang posas. Inabot ko sa kanya ang aking dala. Para siyang nagbukas ng isang mamahaling regalo. Nananabik sa bitbit kong supot ng pagkain. Bago siya sumubo, tinawag niya ang dalawa pa niyang kasamang

nakatulungko sa hanay ng iba pang preso sa gitna ng visiting area.

"Kumusta ka na?" Iyon pa rin ang una kong nawika.

"Okey ra ko. Inani man g'yud." Pagpapatatag niya sa nag-aalala kong pangungumusta. Nais niyang ipahiwatig na maluwag niyang tinanggap ang kanyang sitwasyon. Ako man din, hinanda ko ang aking sarili na hindi maluha.

Wika ko pa nga, dapat Angelica Panganiban acting.

Niyaya niya akong kumain. Tumanggi ako. Hindi ako nakaramdam ng gutom kahit di pa ako kumakain mula agahan hanggang tanghalian. Sunud-sunod ang kanyang pagsubo. Gayundin ang kanyang mga kasama. Inaabutan niya ng hiwa ng adobo kapag napapansin niyang wala nang ulam ang kasalo. Naalala ko noong mga bata pa kami. Sa isang itlog na piniprito ni Mama, hinahati sa aming tatlong magkakapatid. Kadalasan, mas malaking bahagi ang para sa bunso. Ngunit sa aming tatlo, ako ang panganay at sa akin ang mas malaking parte. Hindi sa dahil paborito ako ni Mama. Ako kasi ang laging nagkakasakit. May balinguyngoy. Kaya siguro mas nakatuon sa akin ang pag-aalaga ng aming ina.

"Naa koy hearing unya." Pahayag niyang may gaganaping pagdinig ng kanyang kaso sa Regional Hall of Justice sa Caloocan. Branch 125. Ala-una y medya ng hapon.

Maingay ang visiting area. Sa likod namin, may nag-uusap na mag-ina. Tahimik. Ni hindi ko naririnig ang kanilang boses. Sa tapat namin ang isang babaeng nangunguna kanina sa paglilista ng pangalan, ngayo'y nakakandong,

nakikipaglandian sa inmate. Halatang lagi na siyang dumadalaw.

Bago ako nagpaalam dahil mauuna at hihintayin ko siya sa Hall of Justice, tinanong ko siya kung anong dadalhin ko sa susunod na pagbisita.

Isa sa binilin niya ang tsinelas. Nawala raw ang kanyang tsinelas na bigay lang

din sa kanya. Nanghiram lang daw siya sa kanyang kasama.

"Gusto nimo'g boots?" Kapwa kami natawa.

Page 68: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

68

Sinilip niya ang suot kong itim na desert boot with heels. Ngunit, hindi ko

matingnan ang kaniyang mga paa.

Page 69: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

69

टςƖ HƆИAЯઘ

Sumakay ako ng tricycle, kuwarenta pesos ang pamasahe mula city jail papuntang Caloocan Judicial Complex. Katatapos lang ng ulan. Maputik ang daan. Mangilo ang pagdaloy ng tubig-ulan na hinihigop ng manhole. Umaalingasaw ang alimoum. Parang suka ng lasing na may hangover. Mapanghi

ang amoy ng tambutso.

Humakbang ako sa escalator na di umaandar. Sa first floor ang Branch 125 ayon sa security guard. Naupo ako sa bench. Malapit sa pinto ng hall. Pinulot ang isang pirasong papel sa sahig. Pinunasan ko ang putik sa aking sapatos. Sa kanang bahagi ng hallway, bukas ang fire exit. Natatanaw ko ang mayabong na puno. Ilang minuto pa, dumating na ang ilang preso. May nakatanod na

dalawang pulis. Nakita ko ang aking kapatid sa pinakadulo ng pila.

Ilang minuto ring naghintay ako. Pinakiramdaman ko muna kung hindi masyadong istrikto ang bantay. At nang magsimula na itong makipagkuwentuhan sa kanyang binabantayang preso, minabuti kong lapitan na ang aking kapatid. Kaposas niya ang isang American national, negro, at sabi taga-Angeles. Drug-related ang kaso. Di ko alam kumbakit sa Caloocan nakulong. May naglako ng turon at banana cue, inalok ko si Tonton. Dalawa ang binili namin. Hindi kumain ang negro. Wala rin akong ganang kumain. Inabot niya sa kanyang kasamang nakaupo sa likod.

Anim ang unang tinawag. Panghuling pangkat sina Tonton. Halos lahat ng mga kasama niya ay kasong may kinalaman sa droga. At kahit nga sa kanilang selda,

at brigada, ganun din raw.

Naunang pumasok ang mga preso sa hall kasama ang dalawang pulis na bantay. May isang lalaking tagapag-ugnay sa kung sino ang maaaring pumasok sa hukuman. Hindi kami agad pinapasok. Naroon ang complainant ni Tonton, kasama ang kanilang witness. Isang bata. At tulad ng nararamdaman ng aking kapatid, hindi ko rin matingnan ng mata sa mata. Nakaw-tingin. Hindi rin

kailanman nag-abot ang aming paningin.

Page 70: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

70

ИAHAႧAЯAԳ ӘИA

Maraming pagkakataon ding nasa yugto ako ng paghihintay. Isa ito sa pinakamatagal at pinakamahabang paghihintay na kaya kong magbalik sa nakaraan. Iyong mga panahong naghihintay kami sa aming ama. Iyong mga panahong paulit-ulit kong inuusal, “Tay, kung nasaan ka man ngayon, lagi at lagi kitang hihintayin sa paradahan. Madatnan mo sana ako sa last trip, pauwi sa

kung saan mo kami iniwan…”

Parang paradahan nga rin itong hallway ng korte. May mga magkahelirang upuan. May mga nakaupo. Lahat nag-aabang. Lahat naghihintay. Lumabas mula sa silid ng Branch 125 ang lalaking tagapag-ugnay. Pinapasok kami. Lumabas naman ang ibang naroroon. Siguro, sila rin ay kapamilya ng biktima at ng nasasakdal. Inanunsyo ang pagdinig sa kaso ni Tonton. At dahil menor de edad ang witness, tantiya ko'y mga trese anyos, at hindi kasama ang nanay nito, kaya nagpatawag sila ng taga-DSWD upang kasamang umupo. Nalaman ko rin na sa naunang dalawang hearing ay di dumalo ang complainant. At ngayon sa ikaapat na pagdinig, kasama na ang batang testigo sa krimeng nagawa ng aking kapatid. Patong-patong ang mga papel sa harap ng hall. Naka-bundle, nakakarton, nakasalansan. Anim na preso ang nakaupo sa kaliwang bahagi. Sa likod nila ang dalawang pulis. Sa kanang hilera ako pinaupo. Sa unahan ko ang DSWD representative, katabi ko ang isang witness sa iba pang preso na naroon. Nag-leave pa raw siya sa trabaho para manumpa. Nadismaya siya nang i-reset ang kanilang hearing sa susunod na buwan. Kulang na sa oras. Mag-aalas singko na.

Tugon ko, nag-leave din ako para sa aking kapatid. At magkaiba kami ng panunumpa. Siya, sa hukom. Ako, sa aking kadugo.

Page 71: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

71

OИUԳ ӘИA

At nang simulan ang pagdinig, pinalabas rin kami. Ganoon pala pag bata ang testigo. Naiwan ang abogado, at taga-DSWD.

Naupo kami uli sa bench, sa labas malapit sa pinto ng Branch 125. May nakapagitang mag-asawa. Nakatitig lang ako sa salaming pinto. Nababasa ko roon ang isang tula ni Allan Popa: Wala kang magagawa kundi sulatin muli ang landas palabas/ Ng bilangguan na magbibigay ng panandaliang ginhawa/ Kahit na naglalandas ang isinusulat patungo sa bagong bilangguan./ “Nakita ng iyong mga mata ang ginawa ng iyong kamay.”

Nagsimulang magkuwento ang lalaki sa dulo. Taga-Bulacan daw sila. Umabsent siya sa trabaho para sa hearing. Kanina pa raw silang umaga at hapon na natawag. Ama siya ng biktimang biente siete anyos. May dalawang batang naulila ang kanyang anak.

Nagsisimula nang mag-uwian ang mga empleyado. Nag-uunahan ang mga yabag sa hallway. Samu't saring boses, tunog, bulong, kaluskos. Naririnig ko ang pagkalansing ng mga susi. At ang alingawngaw ng pag-lock ng mga pinto. Nilingon ko ang bukas na pintuan ng fire exit. Nalalambungan ng pag-aagaw-dilim ang mayabong na puno. Tinitigan ko iyon na para bang nais kong ihulagway ang hugis ng hanging di ko nakikita na pumapalibot sa kaniyang mga sanga, bumubulong hanggang sa kaliit-liitang tangkay, at pinagtatakhan ang tahimik na pag-ihip sa kaniyang kabuuan. Animo’y ang punong iyon, isang nakalahad na palad. At mailalarawan ko na lamang ang mga dahon nito'y parang nagliliparang langkay ng mga uwak.

Page 72: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

72

I⅃AઘAԳ ИAAႧلا

Sinalubong ko siya nang makalabas sa court room. At dahil nakasunod rin ang

pulis, halos pabulong ang aming pag-uusap.

“Unsa may ingon sa witness?” tanong ko kung ano ang naging salaysay ng batang testigo. Alam kong isang mahabang usapan kung ikukuwento niya sa akin. Nais ko lang marinig siguro kung anuman ang nais niyang sabihin sa akin sa pagkakataong iyon. Sa likod ng isip ko, maaaring papaniwalaan ng husgado ang humarap na witness dahil menor de edad ito. Mas nakikita ang katapatan ng isang bata, sa kawalang muwang nito na hindi maaaring magsinungaling lalo na sa mabibigat na bagay. Ngunit gusto ko lang iparamdam na kaming dalawa lang

ang magkakampi. Kami lang at wala nang iba.

Pababa na kami sa patay na escalator. Nauuna ako sa kanya. Para bang nais ko siyang igiya sa daan. Iyong mga panahong binabaybay namin ang kalye upang dalawin ang aming ama. Nauuna ako lagi. Tila ako ang nagmamapa sa kung papano namin matatagpuan ang taong dalawang dekada nang hindi namin nakita. Ako ang nauunang sumisilip sa gate kung naroon ba si Tatay. At ako ang unang papasok sa isang bahay. Sa isang bahay na hindi namin pag-aari ngunit ipinaglalaban naming pag-aari kami ng isa sa mga nakatira roon. O ang pagkakataon ngayon ay ilusyon ko na lang dahil alam namin parehong paglabas sa gusaling ito’y magkakahiwalay na kami. At wala na akong panahong maituro sa kanya ang daan pabalik sa aming tahanan.

Page 73: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

73

ႧAOЯ ƎИA⅃-OWT

Naghanap ako ng mabibiling pagkain o kahit anong maiabot ko kay Tonton. Ngunit bago ko matawid ang tindahan sa kabilang kanto, agad nang pinasakay sa isang shuttle ang mga preso. Naiwan akong nakatayo sa harap ng judicial building. Magulo at masikip ang trapik. Naroon ang nakakandadong sasakyan sa helira ng mga traysikel at nakaparadang kotse.

“Ugma, magkita ‘ta.” Iyon ang huli kong nawika at tila iniwang pangako na

magkikita kami uli bukas sa jail.

Muli siyang sumilip sa pagitan ng bintanang de rehas ng shuttle. Pinilit niyang iangat ang kaniyang mga kamay na nakaposas. Kasimbigat iyon nang itinaas ko ang aking palad upang gantihan ang kaniyang pagkaway. Pagkatapos, isiniksik ko sa bulsa ng aking pantalon ang pamamaalam. Nasasalat ko ang mga naipong barya nang ikuyom ko. Mariing pagkuyom na tila may nais pigisin sa pagitan ng aking mga daliri.

Binaybay ng shuttle ang ruta ng mga sasakyang nakikipag-unahan, nakikipagsiksikan sa makipot na two-lane road. Sa kanan, ang kanto ng katabing Veterans Bank, ngayon ko lang napansin ang isang pushcart. May mga tinda ring pagkain at sari-saring kakanin. Kung kinabisado ko lang sana bago ako pumasok sa gusali, nabilhan ko pa sana ng pagkain si Tonton bago ikinandado ang pinto ng shuttle. Dire-diresto ang tungo ko sa Branch 125 pagkarating ko kanina. Nagmamadali akong parang mali-late sa isang pagpupulong. Nagmamadali akong parang maiiwan sa biyahe. At di ko inasahang maiiwan akong mag-isa ngayon. Ako nga ba ang naiwan? O baka may iniwan akong hindi ko na naabutan? Nakalimutan kong hindi ko pala sinusundo ang aking kapatid. Hindi tulad noong nasa elementarya pa kami. Sa tuwing uwian sa hapon, kung sino ang mauunang makalabas sa classroom ay maghihintay sa gate. At sabay

naming tatahakin ang daan pauwi.

Tumawid ako. At sinundan ang usad ng mga sasakyan sa kabilang kanto.

Page 74: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

74

ƎVAƎ⅃ YƆИƎӘЯƎMƎ

Hindi pa man ako nakapagpaalam sa aking among Arabo, nakapagpa-book na ako ng ticket. Sigurado akong papayagan niya ako sa plano kong emergency leave. May promo ang Saudi Airlines kaya nagkataong halos kalahati lang ang plane ticket kumpara sa peak season. Aabot rin sa 4000 Saudi Riyal na nasa limampung libong piso lalo na kapag Disyembre o kaya tuwing Eid dito sa Kaharian. Ilang buwan nang nalaman ko ang pagkakakulong ni Tonton. Tumawag ako kay Mama. Nagkaroon pa kami ng di pagkakaunawaan sa nangyari sa aking kapatid. Ayoko talagang pumunta siya ng Maynila. Gusto kong manatili lang siya sa Cagayan de Oro kahit anong mangyari. Si Mama kasi ang nagbigay sa kanya ng pamasahe. Iyon ang isinisisi ko kay Mama. Iyon ang pinagdidiinan ko. At kahit anupaman, nangyari at nangyari na. Ngunit lagi kong iniisip, ilalaban ko ang kapatid ko. Nang nakaraang taon din. Setyembre 2015. Nagkaroon din kami ng problema. Nakulong din siya sa amin. Nakasaksak ng aming kapitbahay.

Nakulong siya ng ilang buwan. At naareglo namin.

Nagbiro pa nga ako noon. Saan ba niya gustong mag-birthday? Sa loob o sa ‘laya’. Nobyembre a-nuwebe ang kaniyang kaarawan. At nakalaya na siya noon. Mas magaan ang kaso niya. Parang gusto kong sabihin, nakasaksak lang naman. Mas magaan nga kumpara sa kaso niya ngayon. Noon, hospital bills at danyos perwisyo lang. Ngayon, buhay na ang kanyang babayaran.

Hindi ako nakakatulog ng ilang gabi habang nambubulaw ang sinapit ng aking kapatid. Kahit pinapagaan ko pa ang aking alalahanin at sabihing hindi na ako nagulat nang malamang nakulong ulit siya. Sanayan lang ang pagpapakulong. Ang minsang nawiwika ko sa kaniya kapag sinisermonan ko. At magpapakonkensya siya. Nagbabago naman ang bawat tao. Mawawala na ang galit ko. O pagkukunwari kong galit. Matatabunan iyon. Mapapahupa. At babalikan ko na lang ang aming mga pinagdaanan noong aming kabataan. Kumbaga, kung may pagkukulang ako bilang nakakatandang kapatid, doon ko nais simulan siyang akayin sa mga panahong wala pa kaming kaalam-alam sa

tinatawag na problema. Iyong mga panahon ng kamusmusan.

Naalala ko pang nag-uunahan kaming magkakapatid na sasalubong sa aming ama. Ako ang laging nauunang magpapakandong at mauupo na lamang sila sa tabi. Ipapakita ko ang aking papel sa eskwela na laging may markang 100% kapalit ay limang piso. Samantala, tig dadalawang pisong barya naman para sa dalawa kong kapatid na hindi nakakuha ng perfect score. Noong hindi na nagbalik si Tatay, may inabot sa akin si Tonton, siya ang aming bunso. Ipinatago

Page 75: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

75

niya sa akin. Araw-araw siyang nagtatanong kung kailan mapapalitan ng singkong papel ang kanyang test paper na may perfect score. At pag-iipunan ko iyon. Tumatanggap ako ng nagpapagawa ng project at assignments mula sa aking mga kaklase. At sabi ko na lang sa kaniya, ibabalik mo ang singko pagkauwi ni Tatay. Hindi na nangyaring magbalik pa ang aming ama. Ngunit lagi kong pangako sa kaniya, simula pa noon, hanggang sa umalis ako papuntang Saudi Arabia. Lagi at laging akong magbabalik. Dahil lumisan ako, ngunit hindi kailanman ang aking puso.

Page 76: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

76

nɒɒbnɒϱnɒƨ

Nagbabago ang mga daan. Tuwid na landas ay nababaliko, kundi man ay nagsasanga; nag-aanyaya ng pasya, kung kakanan o kakaliwa sa isang kanto, o dederetso…

Anino ng Yapak, REUEL MOLINA AGUILA

Page 77: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

77

ZUЯƆ ATИAƧ ,TTIЯTИƎMU⅃ઘ

Hindi na niya maalala kung kailan siya huling sumakay ng rutang pa-Blumentritt. Parang paroo’t paritong mga dyipni ang bawat flashback na lumilitaw sa kaniyang balintataw. Paroo’t parito. Ngunit malinaw sa kaniyang memorya ang isang lalaking nagtitinda ng yosi at kendi sa kanto, sa tapat ng isang drugstore, katabi ang isang food chain, kahelira ang iba pang sidewalk vendors sa kalyeng iyon. Ang mamang siyang kakuwentuhan niya habang nag-aabang ng dyip papunta sa trabaho, at muling magsisindi siya ng yosi pag-uwi niya mula sa Malate. Binalikan niya ang puwesto ng lalaking iyon makalipas ang isang dekada

ngunit wala na roon.

Nagtanong-tanong siya sa mga katabing tindera, sa ilang mga tumatambay roon at maaaring may nakakakilala. Halos lahat nagsasabing wala silang balita, wala silang narinig tungkol sa matanda. Palibhasa’y hindi ito palaimik. Lagi itong tahimik. At isa nga sa ipinagtataka niya sa panahong iyon, kumbakit sila nagkakaroon ng mahabang kuwentuhan. Nagtataka rin ang ibang nakamasid at nakakapansin sa kanilang pag-uusap. Isang pag-uusap ng tila matalik na magkaibigang matagal nang nagkawalay. Isang pag-uusap na nasundan pa sa mga sumunod na maraming araw.

Tulad ng sinabi sa kaniya noon ng matandang lalaki habang rumaragasang tumatawid ang tren tuwing madaling-araw, huwag mapagod sa pagbabakasakali. Kung tatangayin man siya ng kapalaran sa abroad, iyon ang tanging payo sa kaniya ng matandang kausap.

Nasaan ka man ngayon, sana’y mabubuo natin ang ating mga kuwento. Ang

naibulong niya sa maalikabok na kanto sa Blumentritt.

At naipangako niyang muli siyang magbabalik. Muli siyang magbabakasali.

Page 78: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

78

ATIMЯƎ ,ЯA⅃IԳ ⅃ƎႧ HM

Maraming beses na silang nag-away ng kaniyang ina. At aminado siya, siya ang madalas na may kasalanan. Hanggang sa umalis siya ng kanilang bahay. Talaga, lalayas ako! paghihimagsik niya. Ang hirap maghanap ng outlet kung anumang problema meron sila ng kaniyang pamilya. Ang ginawa niyang paglalayas, alam niyang di tama, di sapat. Pero di ba paralelismo naman ang mga bagay-bagay kaya alam niyang may naghihintay pang pambawi kung saan man siya nagkulang?

Nakipagsapalaran sa Maynila nang anim na taon. Nagtrabaho bilang waiter sa mga bar sa Ermita. Tanda niya ang del Pilar street kung saan ang daan niya umaga’t gabi. Dalawang kilometro ang haba nitong magdudugtong sa Ermita at Malate na minsa’y nilakad niya sa paghahanap ng trabaho. Maliban sa mga hotel, restaurant at establisyamento, madadaanan din ang mismong bungad ng Ermita Church na kaharap ang dalampasigan ng Manila Bay. Naalala niyang dito siya sandaling naupo noon sa kaharap na fountain habang sinisipsip ang biniling buko juice. Nag-alangan siyang pumasok sa simbahan. Ang kapayaan ay sumainyo… ang narinig niyang mga katagang patapos na ang misa. Ngunit ang totoo’y sa loob-loob niya, nakaramdam siya ng matinding guilt lalo na ang pagsuway sa kaniyang ina. Pinagmasdan na lang niya ang mga papalabas na mga tao mula sa loob ng katedral.

Sa kaniyang walang humpay na pagsuyod sa kahabaan ng del Pilar, napadpad siya sa isang recruitment agency na nagpapaalis ng mga manggagawang Pinoy papuntang Saudi Arabia. Nag-aalangan siyang ipaalam ang planong pangingibang-bayan. Naisip niyang wala rin naman sigurong pakialam ang kaniyang pamilya kung saan niya nais pumunta. Ni hindi nito tinanong kung kailan siya magbabalik sa kanilang probinsiya o kailan siya tuluyang uuwi sa kanila.

Mga tatlong buwan ang lumipas, lulan siya ng taxi habang binaybay ang huling kanto ng MH del Pilar papuntang NAIA. Handa na siyang tawirin ang milya-milyang layo papuntang Gitnang Silangan. Aalis na po ako. Dalawang taon pa ang aking pag-uwi pagkatapos ng aking pinirmahang kontrata. Ang huli niyang ipinadalang mensahe.

Naupo siya sa harap ng boarding gate. Hinintay ang reply ng kaniyang kahuli-hulihang ipinadalang text message.

Flight SV871 bound to Dammam, Saudi Arabia is now boarding, ang narinig

niyang anunsiyo sa intercom.

At tila pagtatapos ng misa, nagsitayuan ang sandaang pasahero at marahang pumasok sa pinto ng eroplano. Parang pamamanata, parang prusisyon. Tahimik

Page 79: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

79

niyang sinundan ang napakahabang pila. Kasintahimik ng kaniyang mga sulyap sa hawak-hawak niyang cellphone.

Page 80: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

80

A⅃IИAM ,ႧIلاUઘ ƧƎЯႧИA ИAƧ

Cno 2? Tinext niya ang isang numerong di niya nasagot dahil nasa trabaho siya.

Jowa mo! Ahahaha! Ang reply naman nito.

Nahulaan na niya agad. Naalala niya ang isang seaman, at naging kaibigan nang panahong pareho silang naghahanap ng trabaho. Nakasabay niya ito noon sa paglalakad-lakad sa mga eskinitang may nakahelirang recruitment agency sa Ermita. Kakalabas lang niya mula sa night shift, pero agad siyang umoo sa imbitasyon ng kaibigang kakababa lang mula sa anim na buwang pagsampa sa barko. Sa sobrang antok, napaidlip siya habang nakaupo sa front seat ng isang pampasaherong dyip pa-San Andres Bukid. Umalog ang dyip nang madaanan nito ang riles. Malapit na siya sa kaniyang pupuntahan. Saglit niyang nilingon ang magkabilang direksiyon ng riles. Madilim man ngunit masisilayan ang mga mapapanglaw na dagitab na lumalambong sa kabahayang nakatirik sa gilid ng daang-bakal. Napangiti siya. Ito ang dati nilang nakakagawian. Pareho nilang sinisilip ang magkabilang lagusan ng tren. At tahimik na magtatagpo ang kanilang mga mata. Huhulaan nila ang anumang bagay na kanilang nakita.

Manlilibre ng pamasahe ang taya.

Pumara siya sa kabilang kanto. Naroon naghihintay ang kaibigan. Agad siyang niyakap nito. Kumusta ka na?

Tahimik lang niya itong tinitigan.

Tinitigan din siya ng kaibigan. Andaya mo.

Taya ka.

At nasundan iyon ng tawanan.

Kumusta ka na?

Heto, byuti pa rin. Pagpapatawa niya.

Tara na. At inakbayan siya ng seaman.

Sa totoo lang, nahihiya siyang sumama lalo na sa inuupahan nitong boarding house noon. Naroon kasi ang housemates ng kaibigan at kung minsan, nagkakabiruan at tinutukso silang may namagitang hindi lang pagkakaibigan kundi pag-iibigan.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Sa apat na sulok ng kuwarto sa isang hotel sila naengganyong mamahinga. Ang kanilang muling pagtatagpo ay isang paghahanap ng matagal na nilang nahanap noon pa sa mga pasikot-sikot at mga

Page 81: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

81

eskinita sa Kamaynilaan. At ang tagpong ito ay mananatiling labirinto ng walang hangganan, ng walang sangandaan.

Page 82: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

82

.ႧV⅃ઘ AЯOЯUA

Naglalakad siya sa kahabaan ng Aurora Blvd. sa Cubao. Pabalik sa hotel kung saan siya naka-check in ng isang linggong pamamalagi sa Maynila. Parang dambuhalang sawa ang dumaang LRT. Tumingala siya at sinundan ng tingin ang papalayong tren. Magulo ang trapiko. Mausok. Matao. Papalubog na ang araw, nagsasara na ang ilang establisyemento, tulad ng mga bangko, at mga opisinang nadadaanan niya. Sa isang eskinita, may isang babae. Naalala niya agad ang kaniyang ina. Marahil kaedad siguro nito. Napansin niya ang tinda nitong yosi. Maayos nitong inihilera ang bawat kaha sa isang kahon. At nasa garapon naman nakasilid ang iba’t ibang klase ng kendi at chewing gum. Lumagpas siya ng ilang metro. Naisipan niyang bumili ng kahit anong paninda sa babae. May ilang barya siyang dinukot sa bulsa ng kaniyang pantalon. Tumigil na siya sa pagyoyosi. Nagtatalo ang isip niya habang nasa harap ng paninda. Sa gilid, nakita niya ang nakalatag na diyaryo. Diyaryo na lang. Pinili niya iyong diyaryong laging bitbit ng kaniyang yumaong ama. Sa kanto may pumaradang dyip, kumakaway ang isang binata. Kumaway rin ang tinderang babae. Ngumisi ito. Dali-daling tinungo ang lalaki bitbit ang isang plastic.

“Hapunan ng anak ko,” wika ng babae nang muling makabalik sa puwesto. “Paborito niya ‘yung pancit d’yan.” Tinutukoy ang panciteria na natatanaw mga-dalawang-kanto ang layo.

Inabot niya ang biente pesos. Agad hinalukay ng babae ang sinsilyo sa nakasukbit na sidepocket.

“Sa inyo na po.”

Ngumiti ang babae at nagpasalamat.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Dumako ang tingin niya sa panciteria. Biente pesos ang isang order ng pancit at may kasama itong siopao. Bitbit niya ang isang supot at tuluyan nang tinungo ang hotel na tinutuluyan. Tinangay siya ng elevator paakyat sa 10th floor. Pumasok sa kuwarto. Binuklat ang dyaryo, samu’t saring balita ang nabasa. Inihapag niya ang dalang pancit, tila sala-salabid ng mga hibla ang mga paroo’t parito sa gabing iyon. Dumadagundong na tren. Maingay na eskinita. Magulong kalye, busina, tambutso, samu’t saring boses. Ano nga ba at alin ang mas nakakasakal lunukin? Ni hindi niya masikmurang

tikman ang kaniyang hapunan.

Page 83: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

83

OIƆAᆿIИOઘ ӘИAƧAWI⅃

Sa Central Station siya bumaba. May naalala siya na nais bisitahin. Papalayo na ang tren. Nasisilip niya ang Manila Central Post Office sa di kalayuan. Nadaanan niya ang isang bus station, may mga nakapilang pasahero. Halos lahat yata nagmamadaling makauwi o makarating sa kung saan man nila nais tumungo. Ang Lawton ang transport hub na lagusan ng tatlong tulay patungong Binondo, Santa Cruz at Quiapo. Tanaw rin dito ang bungad ng Ermita at Intramuros. Sa bandang kanan ang abandonadong gusali ng theater center. Bitak-bitak ang sementadong pader, naghuhulos ang pintura. Animoy’ senyales ng naaagnas at naglalahong kultura. Tumawid siya sa overpass kasabay ang ilang mga komyuter na kabababa lang sa nagkukurus na landas ng mga dyip, FX, at bus. Kapansin-pansin ang ilang tolda sa liwasan. Nakapalibot ang mga streamers at plakard. Nakamarka sa mga pulang letra: NO TO MARTIAL LAW. NEVER AGAIN. KALINAW PARA SA MINDANAW. Maaaring tanda ang plasang ito ng mga protesta at demonstrasyon. Isa ito sa apat na freedom parks sa Maynila na kung saan makakapagsagawa ng rali na di na nangangailangan ng permit. Taong 1963, itinayo ang isang monumento sa gitna ng plasa at

ipinangalan sa Ama ng Himagsikan, kay Andres Bonifacio.

Tuluy-tuloy ang kaniyang paglalakad tungo sa post office. Tila hinahabol ng bawat hakbang ang mga sandali, at ang pag-iisa-isa sa mga katagang isinisigaw

ng mga raliyista.

Dito sa plasang ito madalas siyang maghihintay sa kaniyang kasabay sa pag-uwi. Minsang nakilala niya sa gitna ng rali. Minsang nakipagpalitan ng yakap at halik, ng tawa at hinagpis. At lumipas na ang dalawang dekada, mananatiling

sangandaan ang plasang ito ng kaniyang mga alaala.

Page 84: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

84

ATIИIلاƧƎ AƧ

Nadatnan siya ng madaling-araw. Dumungaw siya sa bintana ng hotel hanggang sa hinintay ang umaga. Pinunit niya ang isang pahina ng dyaryo. Pinunit nang pinong-pino. Tila mga balahibo ng ibon na nangalaglag mula sa ika-11 palapag. Tahimik na sinundan ng kaniyang paningin ang mga piraso. Gumaan ang

kaniyang pakiramdam. Wari’y kasama siyang nagpatianod sa grabidad pababa.

Muli niyang nilakad ang isang eskinita. Tumingala siya nang marinig ang pagdaan ng LRT. Hindi na niya ito sinundan ng tingin. Wala siyang nakikitang liwanag ng araw. Makulimlim. O sadyang natatabunan ng dambuhalang malls at gusali ang kaniyang nilalakarang kanto. Parang laging gabi. Ngunit hindi natutulog ang lungsod, ‘ikanga. Maaaring sa mga kapuspalad ang kasabihang ito. Hindi nakakatulog sa kalam ng sikmura. Nakakabulahaw ang walang

katapusang paghihingalo ng buhay.

Naglakad siya nang naglakad patungo sa kung saan, sa kung saan siya datnan ng hapon. Sana makakasumpong siya ng isang hangganan, naisip niya. At muli niyang maramdaman ang gaan, kasinggaan ng mga punit-punit, pirasong papel.

Page 85: A N Gpanitikan.ph/wp-content/uploads/2020/06/Ang-Liwayway-At... · 2020. 6. 26. · detalye lamang ng mga pandama ang nais ipahayag ng awtor. Ngunit sa pagpapabigat nito, mas ginagamit

85

…γolυɈυɈi

Ang batang iyon, higit sa lahat, ang nakatawag ng aking pansin, hindi sa una pa lamang malas kundi sa tinagal-tagal ng panahong aming ipinagkilala…

Walong Taong Gulang, GENOVEVA EDROZA MATUTE