Upload
michelle-ramos-magpantay
View
2.239
Download
119
Embed Size (px)
Citation preview
Sintaktika ng Filipino i
i
• •
RESTY•MENDOZA•CEÑA
N G
©Resty Mendoza Ceña 2011
iii
Paunang Salita ix
1 Parirala 1 1.1 Kategoryang Pangsintaktika 1 1.2 Balangkas Ng Parirala 2 1.3 Pagmamarka Ng Balangkas 6
Sangahan 6 Markadong Panaklong 7 Ulo, Layon, At Pantiyak 8 Paglawak Ng Parirala 10
1.4 Sunuran Ng Mga Sangkap Ng Parirala 11 1.5 Gabay Sa Pagsusuri 12
2 Pariralang Pang-‐‑Ukol 2.1 Pang-‐Ukol
Kaangkinan Ng Pang-‐Ukol 2.2 Pariralang Pang-‐Ukol 2.2 Balangkas Ng Pariralang Pang-‐Ukol
Sunuran Ng Mga Sangkap Ng Pariralang Pang-‐Ukol 2.3 Paglalagom
3 Pariralang Pantakda 3.1 Pantakda
Mga Uri Ng Pantakda Posisyon Ng Pantakda Sunuran Ng Mga Pantakda Pantakda At Mga Pang-‐Angkop Banghay Ng Mga Pantakda
3.2 Pariralang Pantakda Ulo Ng Pariralang Pantakda Layon Ng Pantakda Pantiyak Ng Pantakda Ulilang Pantakda
3.3 Balangkas Ng Pariralang Pantakda Sunuran Ng Mga Pantakda Sunuran Ng Mga Sangkap Ng Pariralang Pantakda
3.4 Paglalagom
4 Pariralang Pang-‐‑Abay 4.1 Pang-‐Abay
Panagano Bilang Pang-‐Abay 4.2 Pariralang Pang-‐Abay 4.3 Balangkas Ng Pariralang Pang-‐Abay 4.4 Paglawak Ng Pariralang Pang-‐Abay
Sunuran Ng Mga Sangkap Ng Pariralang Pang-‐Abay
IV SINTAKS NG FILIPINO
4.5 Paglalagom
5 Pariralang Pangngalan 5.1 Pariralang Pangngalan
Ulo At Kaganapan Halaw Na Pangngalan Pantiyak Pangngalan?
5.3 Kailanan Ng Pangngalan Kasunduan Sa Bilang Ng Pang-‐Uri At Pangngalan Kung Pandiwa Ang Panturing Kailanan Ng Pang-‐Uri Sa Pandamdam Kailanan Ng Pantakda At Pangngalan
5.4 Balangkas Ng Pariralang Pangngalan Sunuran Ng Mga Sangkap Ng Pariralang Pangngalan
5.5 Paglalagom
6 Pariralang Pandiwa 6.1 Mga Bahagi Ng Salitang Pandiwa
Ugat Ng Pandiwa Tinig Ng Pandiwa
6.2 Balangkas Ng Mga Sangkap Ng Pandiwa Pariralang Pandiwa (Vp) Pariralang Paraan (Vp) Pariralang Panahon (Aspp) Pariralang Tinig (Ip)
6.3 Pariralang Pandiwa Bilang Panturing 6.4 Balangkas-‐Argumento Ng Pandiwa
Ubod-‐ At Gilid-‐Argumento Pagmamarka Ng Mga Argumento Ng Pandiwa Katransitibuhan Sangahan Ng Mga Argumento Sunuran Ng Mga Sangkap Ng Pariralang Pandiwa
6.5 Paglalagom
7 Pariralang Pang-‐‑Uri 7.1 Mga Sangkap Ng Pang-‐Uri
Ulo At Mga Pangkayariang Sangkap Pahambing, Pasukdol, At Pasidhi Pagsubha Ng Katangian Sunuran Ng Mga Panlapi Sa Pang-‐Uri Kaganapan Ng Pariralang Pang-‐Uri Pantiyak Ng Pang-‐Uri Tungkulin Ng Pang-‐Uri
7.5 Balangkas Ng Pariralang Pang-‐Uri Ulo At Mga Pangkayariang Sangkap
v
Pangpang-‐Uri Hambingan Kasukdulan Kasidhian Kailanan Pantiyak Ng Pariralang Pang-‐Uri
7.6 Pariralang Pang-‐Uri Bilang Panturing Sunuran Ng Mga Sangkap Ng Pariralang Pang-‐Uri
7.6 Paglalagom
8 Sugnay 8.1 Prototipikong Sugnay 8.2 Saan Galing Ang Simuno? 8.3 Mga Sugnay Na Walang Simuno
Sugnay Na Pandiwain Na Walang Tinig Sugnay Na Pang-‐Uriin Na Walang Pangpang-‐Uri Sugnay Na Pandamdam Sugnay Na Palso Ang Pandiwa Sugnay Na Pangkalikasan At Pangpanahon Sugnay Na Pangmayroon Sugnay Na May Ulong Kapangngalanin
8.4 Balangkas Ng Sugnay Sugnay Na Pandiwain: Intransitibo Sugnay Na Pang-‐Uriin Sugnay Na Pandiwain: Transitibo Mga Sugnay Na Walang Simuno
8.5 Panaguring Di-‐Pandiwaiin O Di-‐Pang-‐Uriin Sunuran Ng Mga Sangkap Ng Sugnay
8.6 Paglalagom
9 Pangungusap 9.1 Pangungusap Bilang Parirala
Pangganap Ng Panlabas Na Pangungusap Simuno Ng Mahugnayang Pangungusap
9. 2 Balangkas Ng Pariralang Pangkaganapan Pangungusap Bilang Layon Pangungusap Bilang Simuno Panlabas Na Sugnay Bilang CP
9.3 Sa Kaliwang Gilid Ng CP Pariralang Puwersa Pariralang Paksa Pariralang Tampok Pariralang Nahahanggahan
9.5 Paglalagom
10 Negasyon
VI SINTAKS NG FILIPINO
10.1 Negasyon Ng Pangungusap Pagsalungat Pagbawal
10.2 Negasyon Ng Sangkap Ng Pangungusap Negasyon Ng Obliko Negasyong Panghambing Hindi … Kundi, Huwag …Kundi X-‐Hindi/Huwag-‐Y Hindi/Huwag … Ni (…O …) Kongklusyon Mga Sangkap Na Hindi Masasalungat
10.3 Dobleng Negasyon 10.4 Balangkas Ng Kayariang Negasyon
Balangkas Ng Pangungusap Na Negasyon Balangkas Ng Pariralang Pagsalungat
10.5 Paglalagom
11 Tanong 11.1 Sangkap-‐Tanong
Simuno-‐Tanong Sabit-‐Tanong Panaguri-‐Tanong
11.2 Maramihang Tanong 11.3 Oo/Hindi-‐Tanong
Takda-‐Tanong 11.4 Posisyon Ng Ba Sa Pangungusap 11.5 Nakapaloob Na Tanong 11.6 Balangkas Ng Tanong
Balangkas Ng Simuno-‐Tanong Balangkas Ng Sabit-‐Tanong Balangkas Ng Tanong Oo/Hindi
11.7 Paglalagom
12 Pagpaloob Ng Sugnay 12.1 Relatibisasyon 12.2 Komplementasyon 12.3 Nominalisasyon
Balangkas Ng Nominalisasyon 12.4 Adberbyalisasyon 12.5 Pangalawang Panaguri
Panaguring Depiktibo Balangkas Ng Depiktibo Panaguring Resultatibo Balangkas Ng Resultatibo
12.6 Sunurang Pandiwa Kayariang Pasanhi
vii
12.7 Paglalagom
13 Ilan Pang Mga Kayarian 13.1 Paglipat Ng Sangkap
Pagtampok Pagpaksa Pagtuon Pagtaas Paglipat Ng Sangkap Sa Kanan Paglutang Ng Pantakal
13.2 Pagkaltas Ng Sangkap Pagkaltas Sa Mahugnayang Sangkap Pagpulak Ng Sugnay Pag-‐Uka
13.4 Ang Ayos Ng Mga Paningit Paningit Na Panghalip Na Panao Paningit Na Partikulo Pag-‐Akyat Ng Paningit
13.5 Ugnayan Ng Mga Pangngalanin Pagtatali Ng Mga Pangngalanin
13.6 Paglalagom
14 Kongklusyon
Katawagan 14
Sanggunian 34
Indeks 38
ix
PAUNANG SALITA
inusuri at inilalarawan sa librong ito ang mga kayariang pangbalangkas “syntactic construction” ng Filipino. Ang tuon ng pagsusuri ay ang mga
sangkap na bumubuo ng kayarian, ang ugnayan ng mga sangkap sa isa’t isa, at ang pagpapatong-‐‑patong ng mga kayarian para bumuo ng palaki at palaking kayarian. Ang paglalarawan ng mga kayarian ay ginagabayan ng isang mahalagang haka-‐‑haka tungkol sa kayariang pangbalangkas ng mga wika ng tao: na lahat ng uri ng kayarian ay sumusunod sa isang balangkas-‐‑anyo, ang anyong Pantiyak-‐‑Ulo-‐‑Layon1 “Head-‐‑ Specifier-‐‑Complement.” Sa pananaw na ito, ang isang kayarian ay binubuo ng isang ulong sangkap “head constituent” na maaaring mangailangan ng layon o kaganapan “complement” at tumanggap ng panturing o pantiyak “specifier,” halimbawa, ang kayariang pariralang pandiwang malakas uminom ng basi, na ang ulo ay ang pandiwang uminom, ang layon ay ang pangngalang basi, at ang panturing ay ang pang-‐‑abay na malakas. Sa pariralang talagang para kay Ampi, ang ulong para ay may layon na kay Ampi at panturing na talagang. Ang kapana-‐‑panabik sa pag-‐‑iisip na ito ay ang mga diwa na, una, ang mga kayarian ng wika, sa pinakaubod, ay may napakasimpleng balangkas, na binubuo ng tatlo at talong sangkap lang na bawa’t isa ay kumakatawan sa isa sa tatlong ugnayan sa isang kayarian, at ikalawa, na sapat ang simpleng balangkas na ito na magsilbing kasangkapan sa pagsusuri at unipormeng paglalarawan ng lahat ng kayarian – mula sa panlapian ng mga pandiwa hanggang sa mahuhugnayang pangungusap, gaano pa man kasalimuot ang kayarian. Malalim ang implikasyon ng mga diwang ito sa pamamaraan ng pag-‐‑aaral ng wika. Sapagka’t isang anyong balangkas lang ang hinahanap at inilalarawan, walang pagkakataong magpakita ng malalawak na pagkakaiba-‐‑iba ang representasyon ng mga kayarian. Nakakatulong ang ganitong kahigpitan sa matipid at walang ligoy na pagsusuri – madaling makita ang kalapatan o hindi ng mga datos sa nasabing balangkas-‐‑anyo at, mahalaga rin, madaling usisain ng nag-‐‑aaral kung siya ay nasa tamang daan. Pakikinabangan ang librong ito ng mga nagpapakadalubhasa, nananaliksik, nagtuturo, at nag-‐‑aaral ng wikang Filipino. Bukod sa kaalaman sa iba’t ibang kayarian ng Filipino, matututuhan ang isang mabisa at simpleng paraan ng pagsusuri at paglalarawan ng balangkas. Magagamit ang paraan sa pag-‐‑aaaral ng iba pang wikang Pilipino. Napapanahon ang gawaing ito. Nagsisimula nang turuan ang mga bata sa
1 Ang ayos ng tatlong sangkap na ulo, pantiyak, at layon ay magkakaiba sa mga wika. Sa Ingles, na isang wika na mahigpit ang ayos ng mga sangkap sa isa’t isa, ang sunuran ay pantiyak-‐‑ulo-‐‑kaganapan. Susundin natin ang kumbensyong ito, kahit na sa Filipino, may kalayaan ang ayos ng mga sangkap sa isa’t isa.
S
X SINTAKS NG FILIPINO
mababang paaralan sa wikang kinagisnan. Kakailanganin ng mga sumusulat ng mga librong pangpaaralan ang hambingang paglalarawan ng mga kayarian ng iba’t ibang wika ng bansa, para makabuo ng mga plano at pamamaraan sa paglipat ng wika ng pagtuturo mula sa wika ng rehiyon tungo sa pambansang wika at sa Ingles. Unang baba ang edisyong ito ng isang pagtatangka na tipunin sa isang sangguniang libro ang mga kayarian ng Filipino. Kung may tanong at panukala ang babasa, inaanyayahan na bisitahin ang webpurok facebook.com/sintaktika, at doo’y makipaghunta sa may-‐‑akda at sa ibang bumabasa ng libro; naruruon din ang pagwawasto sa mga mali, dagdag na paliwanag, at sagot sa mga pagsasanay. MARAMING SALAMAT sa mga kaibigan na tumulong sa proyektong ito: Ma. Lourdes Bautista ng La Salle University, Teresita Ramos ng University of Hawaii, Precy Espiritu, retiradong propesor at nagtatag ng Ilocano Program sa University of Hawaii, at Ricardo Ma. Nolasco ng Unibersidad ng Pilipinas-‐‑Diliman. At kay Mhawi Rosero, na tumulong sa paggawa ng glosariya. Sa National Council for Culture and the Arts, maraming salamat sa suporta. Resty Mendoza CeÑa
xi
Para kina Estelita Alano-Ceña at Jonathan James Cena,
mga tagahanga.
1
1 PARIRALA parirala pantiyak ulo layon
ng parirala ay isang sunuran ng mga sangkap "ʺconstituent"ʺ na bumubuo ng isang organisasyon o balangkas “structure.” Ang mga sangkap ay salitang
pangnilalaman "ʺlexical word"ʺ (halimbawa, bili, kain), salitang pangkayarian "ʺfunctional word"ʺ (halimbawa, ang mga partikulong ba, nga, ni), at mga panlaping pangkayarian (halimbawa, -‐‑um-‐‑, mag-‐‑, sing-‐‑), o isa ring parirala. Kung pangkayarian ang sangkap, maaaring walang itong representasyon na mabibigkas (lilinawin ang puntong ito sa mga susunod na pakasa). Sa ating pag-‐‑aaral, pagtutuunan natin ang anyo at pangbalangkas na katangian ng parirala at ng mga sangkap nito, hindi ang kanilang kahulugan. Ang mga salita, panlapi, at parirala ay kabilang sa tinatawag na kategoryang pangsintaktika “syntactic category.” Pagbalik-‐‑aralan natin ang mga kategoryang pangsintaktika.
1.1 Kategoryang Pangsintaktika Ang mga sangkap ng pangungusap (panlapi, salita, parirala, sugnay) na nagsasalo sa isang tipon ng mga morposintaktikong katangian (halimbawa, mga salitang banghay sa ma-‐‑) at gumaganap ng parehong tungkuling pangbalangkas (halimbawa, tagaturing ng pangngalan) ay bumubuo ng isang kategoryang pangsintaktika. Kilala ang mga kategorya sa tawag na mga bahagi ng pananalita, halimbawa, pangngalan, pang-‐‑uri, pantukoy, at ilan pa. Makikita sa ibaba ang isang listahan ng mga pangkaraniwang kategorya ng salita. Kategorya ng Salita Takda2 Halimbawa pangngalan noun N bahay, bundok, balita pandiwa verb V bumili, ininom, dinalhan pang-‐‑uri adjective A mabait, sabik, napakabait pang-‐‑abay adverb Adv talagang, sapilitan, pausad pang-‐‑ukol preposition P para, tungkol, dahil pangtukoy determiner D ang, si, ng, ni, sa, kay panghalip pronoun Pron siya, kami, ako, kayo 2 Tulad ng pagtangkilik natin sa pang-‐‑agham na mga daglat sa Ingles, halimbawa, H2, O, Na, gagamitin natin ang mga takda na batay sa pangalan ng mga kategorya sa Ingles.
A
2 SINTAKS NG FILIPINO
Ang mga parirala ay nabibilang din sa mga kategorya. Ang kategorya ng parirala ay ang kategorya ng ulo nito. Kung ang ulo ay pangngalan, ang parirala ay pariralang pangngalan “noun phrase.” Ang pariralang bahay sa bukid ay isang pariralang pangngalan sapagkat ang ulo nito (bahay) ay isang pangngalan. Samakatuwid, ang isang parirala ay walang iba kundi isang malaking anyo ng salitang ulo. Nasa listahan sa ibaba ang mga kategoryang pangsintaktika ng mga karaniwang parirala; ilan pa ang idaragdag sa usapan. Kategoryang Pangsintaktika ng Parirala Takda pariralang pangngalan noun phrase NP bahay sa bukid pariralang pandiwa verb phrase VP bumili ng basi pariralang pang-‐‑uri adjective phrase AP maganda sa tingin pariralang pang-‐‑abay adverb phrase AdvP talagang mabilis pariralang pangtakda determiner phrase DP ang baha, sa bukid pariralang pang-‐‑ukol prepositional phrase PP para kay Ampi Gaya ng nabanggit na, ang mga panlapi, tulad ng mga panlaping pandiwain (halimbawa, i-‐‑, um-‐‑, -‐‑in) ay bumubuo rin ng sarili nilang pangsintaktikang kategorya. Tatalakayin natin ang mga kategoryang ito sa tamang panahon.
1.2 Balangkas ng Parirala Ang mga sangkap ng isang kayarian, alam natin ay hindi hindi lang humihilera mula kaliwa pakanan. Bumubuo sila ng isang balangkas. Ang ibig sabihin, ang mga sangkap ay may ugnayang pangbalangkas “syntactic relation.” Sa pariralang ni Ben, ang ni ay ulo “head” ng layong Ben at ang Ben ay layon “object” o kaganapan3 “complement” ng ulong ni. Pariralang pantakda “determiner phrase” ang uri ng pariralang ito sapagka’t ang ulong ni ay isang pantukoy (na isang uri ng pantakda). Ang isang ugnayan ay binubuo ng dalawa at dalawa lang na sangkap (ni at Ben sa ibaba). Ang binubuo ng ugnayan ay isang mas malaking sangkap (ang balangkas na ni Ben) na ang kategorya ay ang kategorya ng ulo (ni). Gagamitin natin ang sangahan “tree diagram” sa paglalarawan ng ugnayang pangsintaktika. Isang halimbawa ng sangahan ang makikita sa ibaba.
3 Ang kaganapan ay isang sangkap na kinukumpleto ang pangbalangkas na kahilingan ng ulo. Sa librong ito, ituturing na magkakasingkahulugan ang mga katawagang layon, kaganapan, at komplemento. Magsingkahulugan din ang panturing at pantiyak. Maluwag ang gamit natin sa katawagang ulo: ulo ng layon at ulo ng parirala. Gayon din, ang pantiyak ay pantiyak ng ulo, pantiyak ng ulo at layon, at pantiyak ng parirala.
1 PARIRALA 3
3
ni Ben (ulo) (layon/kaganapan) Ang sanib ng dalawang sangkap ay nagbubunga ng isang (mas malaking) balangkas, sa halimbawa sa itaas, ito ang pariralang ni Ben. Ngayon, bumuo tayo ng isa pang mas malaking balangkas. Isanib natin ang salitang aso sa balangkas na ni Ben, at ang mabubuong balangkas ay ang pariralang aso ni Ben. Dalawang ugnayan ang inihahayag ng nabuong balangkas: (i) ulo: ang aso ay ulo ng ni Ben at (ii) kaganapan: ang ni Ben ay kaganapan ng ulong aso. Ganito ang larawan ng ugnayan. aso ni Ben (ulo) (layon/kaganapan) Mahalagang isipin na sa balangkas na ni Ben ang relasyon ng ni (ulo) at Ben (layon) ay siya ring relasyon sa pariralang aso ni Ben ng aso (ulo) at ni Ben (layon). Samakatuwid, isang anyo ng balangkas lang ang ginagamit: ulo -‐‑ layon. Mahalaga ring isipin na ang isang ugnayan ay binubuo ng dalawa at dalawa lang na sangkap. Ang pariralang aso ni Ben ay binubuo ng dalawang sangkap: aso at ang pariralang ni Ben, tulad ng makikita sa sumusunod na sangahan, hindi ng mga sangkap na aso, ni, at Ben. Isang sangkap aso ni Ben Ang buong pariralang aso ni Ben ay isang sangkap din, na maaaring makipag-‐‑ugnayan sa isa pang sangkap, halimbawa, sa pang-‐‑uring matapang. Ang ugnayan ay nagbibigay ng lalo pang malaking parirala: matapang (na) aso ni Ben. Ang ugnayan ng matapang sa pariralang aso ay panturing o pantiyak “specifier.” Inilalarawan ang mga ugnayan tulad ng sa sangahan sa ibaba. Muli, ang pinagsasanib ay dalawang sangkap lang: matapang at aso ni Ben.
4 SINTAKS NG FILIPINO
matapang (na4) aso ni Ben (panturing) (ulo) (layon) Ang pantiyak ang ikatlong ugnayang bumubuo ng balangkas. Ang ugnayang pantiyak, ulo, at layon ang tatlo at tatlo lang na ugnayan sa balangkas. Ilang halimbawa ng mga pantiyak, ulo, at layon: Pantiyak Ulo Layon Uri ng Parirala madalas bumili ng basi pariralang pandiwa (VP) mukhang sawa sa mangga pariralang pang-‐‑uri (AP) talagang tunay na mabilis pariralang pang-‐‑abay (AdvP) talagang para kay Ampi pariralang pang-‐‑ukol (PP) tunay na may pangarap pariralang pangmayroon (ExistP, o DP) talagang kayong mga Pinoy pariralang panghalip (PronP, o DP) mahusay na mayor ng Maynila pariralang pangngalan (NP) Saan galing ang mga “ugnayan,” na ipinahahayag at bumubuo ng balangkas? Sa mga katangiang leksikal ng ulong salita. Ang mga leksikal na katangian ang nagdidikta ng anyo ng balangkas. Ang ulong salitang bumili ay nangangailangan ng layon, at tumatanggap ng pantiyak. ‘Nakalista’ sa leksikon (o diksyunaryo sa isip “mental dictionary”) ang mga katangian leksikal ng salita. Halimbawa, ang entri ng bahay sa leksikon ay may taglay na impormasyon na, bukod sa iba pa, nakikipag-‐‑ugnay ito bilang ulo ng isang pariralang panglunan at natuturingan ng pariralang pang-‐‑uri. Ipapaliwanag natin ang mga takdang DP at AP sa mga susunod na kabanata. ENTRI SA LEKSIKON Mga katangiang leksikal /ba:hay/ [+N, _(DPLUNAN)] hal.: bahay sa bukid [+N, AP_] hal.: malaking bahay “Kung ginagamit na pangngalan (N), tumatanggap ng layon na pariralang pantakda (DP) na
panglunan.” “Kung ginagamit na pangngalan (N), tumatanggap ng panturing na pariralang pang-‐‑uri (AP).” Ang entri naman ng sa ay may takda na obligadong magkaroon ito ng layon:
4 Hindi natin pinapansin ang mga pang-‐‑angkop (na, -‐‑g, -‐‑ng) sapagka’t isang detalye ito ng pagbigkas, na inaalagaan ng ponolohiya.)
1 PARIRALA 5
5
ENTRI SA LEKSIKON sa [+P, _NP] hal., para sa bansa “Ginagamit na pang-‐‑ukol (P), at sapilitang may layong pariralang pangngalan (NP).” Samakatuwid, ang balangkas ay bunga ng ekspresyon ng mga pangbalangkas na katangian o kahilingan ng ulong salita. Laging may ulo ang isang balangkas (bagama’t maaaring hungkag ang anyo nito). Sa itaas, inilarawan ang sangahan ng isang parirala na ang ulo ay pangngalan. Ngayon, ilalarawan natin ang balangkas ng isang parirala na ang ulo ay pandiwa, halimbawa, madalas bumili ng basi. Una, isanib ang ulong ng sa layong basi; mabubuo ang pariralang ng basi. ng basi Ikalawa, isanib ang pandiwang bumili sa pariralang ng basi: = b(um5)ili b(um)ili ng basi ng basi Panghuli, pagsanibin ang pang-‐‑abay na madalas at ang pariralang bumili ng basi. madalas b(um)ili ng basi Ang madalas bumili ng basi ay isang pariralang pandiwa dahil sa pandiwa ang ulo (bumili). Samantala, ang matapang (na) aso ni Ben ay isang pariralang pangngalan dahil sa pangngalan ang ulo (aso). Mahalaga na isaisip na ang dalawang pariralang ito, na magkaiba ang uri, ay kapwa naghahayag ng magkakaparehong tatlo at tatlo lang na ugnayan: ulo, layon, at pantiyak. Hindi sila nagkakaiba sa anyo ng balangkas; nagkakaiba sila sa mga mga leksikal (at semantikong) katangian ng mga sangkap. Sa librong ito, ipapalagay natin na lahat ng uri ng balangkas, maliit man (tulad ng balangkas ng isang panlaping pandiwa, na hindi pa natin naipapakita) o malaki (tulad ng balangkas ng pangungusap, na hindi pa rin natin naipapakita) ay may hanggang sa tatlong ugnayan – ulo, pantiyak, layon. Ang anyong Ulo-‐‑Pantiyak-‐‑Layon
5 Paamaya-‐‑maya, ihihiwalay natin ang panlaping -‐‑um-‐‑ sa ugat bili, at bibigyan ito ng sariling balangkas.
6 SINTAKS NG FILIPINO
ang ‘hulmahan’ na magsisilbing gabay sa pagbuo at pagsusulit sa katumpakan ng mga balangkas na ating tatalakayin. Para madaling makilala at matukoy ang mga bahagi ng sangahan, mamarkahan ang mga buko “node” ng sangahan.
1.3 Pagmamarka ng Balangkas
Sangahan Sapagka’t ang lahat ng parirala ay nailalarawan ng anyong Ulo-‐‑Pantiyak-‐‑Layon, madadali ang usapan kung bibigyan ng pangalan ang mga buko ng sangahan. Ang mga buko ng sangahan ay mamarkahan natin ng takda ng kanilang kategoryang pangsintaktika. ? Anong mga sangkap ito? ? ? ? ? Nasa ibaba ang sangahan ng pariralang pangngalang (NP) matapang (na) aso ni Ben na ang mga buko ay minarkahan ng takda ng kategorya. Sinasabi ng sangahan na ang ulo ay isang pangngalan (N), na may layong pariralang pantakda (DP) at pantiyak na pariralang pang-‐‑uri (AP). Ang ugpungan ng N at DP ay isa ring parirala – ang N’ (“n-‐‑bar”), na isang balangkas na mas malaki sa N pero mas maliit sa NP. Ang NP ang pinakamalaking parirala na ang ulo ay N; ang sangkap sa itaas nito, kung mayroon man, ay bahagi na ng ibang balangkas. NP AP N’ matapang (na) N DP aso ni Ben Ang N, N’, at NP ay magkakasing-‐‑uri: pangngalan. Magkakapareho sila ng gamit o lugar sa pangungusap, halimbawa, sa ibaba, bilang layon ng ang:
1 PARIRALA 7
7
Nasunog ang bahay. Nasunog ang bahay sa bukid. Nasunog ang malaking bahay sa bukid. Nasa ibaba ang sangahan ng pariralang pandiwang (VP) madalas uminom ng basi. Ang ulo ay V, ang sumusunod na parirala sa itaas a V’ (“v-‐‑bar”), at ang malaking parirala ay VP. Pantiyak ang pariralang pang-‐‑abay (AdvP) madalas, at layon ang pariralang pantakdang (DP) ng basi. VP AdvP V’ madalas V DP uminom ng basi Ang V, V’, VP ay mga pandiwa; magagamit ang isa kung saan nagagamit ang isa pa. Uminom ang sundalo. Uminom ng basi ang sundalo. Madalas uminom ng basi ang sundalo. Karaniwan nang hindi na ipinapakita ang takda ng maliit na parirala (D’, N’, V’, atbp.) kung hindi sila kasangkot sa usapan.
Markadong Panaklong Sa itaas, inilarawan natin ang balangkas ng parirala sa pamamagitan ng sangahan “tree diagram.” Isang alternatibong paglalarawan ang tinatawag na markadong panaklong “labelled bracketting.” Ilang halimbawa ng balangkas na inilalarawan sa markadong panaklong: (i) bukid [NP bukidN] Sa itaas, ang pariralang bukid ay isang NP na may ulong bukid. Wala itong layon
at wala ring pantiyak. (ii) sa bukid [DP saD [NP bukidN]] = [DP sa bukid]
8 SINTAKS NG FILIPINO
Ang pariralang sa bukid ay isang DP na binubuo ng ulong sa at layong pariralang pangngalang NP bukid. Ang ulong sa ay walang pantiyak. Ang bukid ay ulo ng NP na walang layon at walang pantiyak.
(iii) malaking bahay [NP [AP malakingA] bahayN] = [NP malaking bahay]] Ang pariralang malaking bahay ay isang NP na binubuo ng ulong bahay na walang
layon pero may pantiyak – ang pariralang AP malaking na walang sariling layon o pantiyak.
(iv) malaking bahay sa bukid [NP [AP malakingA] bahayN [DP sa bukid]] = [NP malaking bahay sa bukid]] Tulad ng malaking bahay pero may layong DP sa bukid. May kahirapang basahin ang notasyong markadong panaklong, kaya’t kikilingan natin ang gamit ng sangahan. Mainam gamitin ang markadong panaklong kung kailangang isama ang sangahan sa teksto, tulad nito: [NP [AP malakingA] bahayN].
Ulo, Layon, at Pantiyak Ang parirala o balangkas ay binubuo ng ulo, na isang kategoryang salita (o bahagi ng salita), at ng layon at pantiyak, na kapwa malalaking parirala. Ulo Ang ulo, sa pamamagitan ng mga katangiang leksikal, ang nagbibigay ng anyo sa isang parirala, halimbawa, kung nangangailangan ito ng layon o kung anong uri ng layon ang tinatanggap. Naito ang listahan ng mga uri ng salita na nakakatayong ulo ng parirala. Pansinin na ang mga panghalip ay itinuturing na pantakda. Mga Salitang Nakakatayong Ulo ng Parirala Kategorya Daglat Halimbawa pangngalan N bahay bahay sa bundok pandiwa V bumili bumili ng basi pang-‐‑uri A sabik sabik sa anak pang-‐‑abay Adv tunay tunay na mabilis pang-‐‑ukol P para para kay Ampi pantakda D
1 PARIRALA 9
9
pangmayroon D, Exist6 may may pangarap panglunan D, Loc na nasa bukid panghalip panao D, Pron kayong kayong mga Pinoy panturo D, Dem ito itong bata panlunan D, Pron dito dito sa parang pamilang D, Num(ber) isa isang bata pansukat Q(uantifier) lahat lahat ng bata pantukoy D sa sa bukid Ang kategoryang pantakda “determiner” ay binubuo ng ilang sabkategorya, tulad ng makikita sa itaas. Layon Samantalang ang ulo ay isang salita (o bahagi ng salita), ang layon ay isang parirala, na maaaring lumitaw na salitang ulo lang kung wala itong sariling layon at pantiyak. Ang ulo ang nagtatakda at namamahala sa sangkap na nakakatayong layon nito. Nasa ibaba mga karaniwang ulo, at ang parirala na kanilang tinatanggap na layon. Halimbawa Ulo Layon Ulo Layon D NP [saD [NP malayong bukid]] N DP [bahayN [DP ng panday]] V DP [bumiliV [DP ng bahay]] A DP [sabikA [DP sa anak]] Pron NP [kayoPRNng [NP mga Pinoy]] Adv AdvP [talagaADVng [ADVP mabilis]] Pantiyak Parirala rin ang pantiyak, na maari isang ulong salita lang. Ang pariralang pang-‐‑abay ang pinakagamiting pantiyak; nagsisilbi itong pantiyak ng A, V, Adv, Pron, D, at P. Ang pariralang pang-‐‑uri at ang pangngalan ay pantiyak ng N. Ulo ng Halimbawa Pantiyak Parirala Panturing Ulo AdvP A [[ADVP maanghang na] masarapA] AdvP V [[ADVP mabilis] tumakboV] AdvP Adv [[ADVP talagang] tunayADV] AdvP Pron [[ADVP kahit] kayoPRON]
6 Exist = existential, Loc = locative, Pron = pronoun, Dem = demonstrative, Num = numeral, Q = quantifier.
10 SINTAKS NG FILIPINO
AdvP D [[ADVP kahit] lahatD] AdvP P [[ADVP talagang] paraP] AP N [[AP magandang] bataN ] NP N [[NP Amerikanong] doktorN ]
Paglawak ng Parirala Ang isang parirala ay napapahaba nang gayon na lang. Magsimula tayo sa isang simpleng parirala: madalas magpinta ng bahay. Maaaring pahabain ang parirala sa pamamagitan ng pagturing sa madalas, halimbawa, tutuong madalas, at ang pinahabang panturing na tutuong madalas ay maaari rin na turingan, halimbawa, talagang tutuong madalas. Gayon din, ang bahay ay maaaring turingan ng malaki, at sabitan ng kaganapan na sa bukid. Ang resulta ay pinalawak na pariralang talagang tutuong madalas magpinta ng malaking bahay sa bukid, na ang sangahan ay makikita sa ibaba. VP AdvP Adv AdvP talagang Adv AdvP tutuong madalas z V’ V DP magpinta D NP ng AP N’ malaking N DP bahay D NP sa bukid Anong katangian ng balangkas Ulo-‐‑Pantiyak-‐‑Layon ang nagpapaubaya ng ganitong paglawak? Ito ang bagay na ang pantiyak at layon ay kapwa malalaking parirala, na kapag pinalawak, ang pantiyak at layon ng pinalawak na parirala ay maaari rin na malalaking parirala. Dahil dito, masasabing walang hanggan “unbounded” ang paglaki ng parirala. Pero may praktikal na hanggahan ang paglaki ng parirala sapagka’t darating ang punto na wala nang magagamit na lapat na ulo, o ang ulo ay hindi
1 PARIRALA 11
11
nangangailangan ng pantiyak at layon. Mukhang masalimuot ang parirala sa itaas, pero kung tutuusin binubuo ito ng isang parirala (ang sangahang madalas magpinta ng bahay) na ang pantiyak at layon ay binubuo ng mga patong ng balangkas Ulo-‐‑Pantiyak-‐‑Layon. Huminto ang paglaki ng parirala sapagkat ang pinakamababang parirala ng pantiyak AdvP (madalas) at ang pinakamababang parirala ng layon NP (bukid) ay kapwa isang salita, kaya’t walang pantiyak at layon na maaaring palawakin pa. Ang kakayahan ng mga pariralang pang-‐‑abay na magpatong-‐‑patong (talagang tutuong … madalas) ay kakayahan ring ng pariralang pang-‐‑uri (madulas, maputik, makipot,…, mapanganib), ng pariralang pandiwa (inisip magsimulang magplanong … mag-‐‑aral), at ng pariralang pantukoy (sa bahay sa sibuyasan sa bukid … sa Bongabon). Ang ganitong kakanyahan na magpayabong ng balangkas, sa pamamagitan ng pagpaloob ng isang sangkap (halimbawa, AdvP) sa sarili nitong depinisyon (“Ang AdvP ay binubuo ng AdvP at …) ay tinatawag na rekarsibong kakanyahan “recursive property” ng wika. Ipinalalagay na ang kakanyahang ito ay likas sa pag-‐‑iisip ng tao at tao lang, at siyang pinakamahalagang pagkakaiba ng mga wika ng tao at ng ‘wika’ ng ibang mga hayop.
1.4 Sunuran ng mga Sangkap ng Parirala Ang dayagram sa ibaba ay isang pagtatangka na bihagin ang isang mekanikong paraan ng pagbuo ng mga pariralang pang-‐‑abay, pang-‐‑uri, pandiwa, pangngalan, pang-‐‑ukol, at pantukoy sa ating wika. Inilalarawan sa dayagram ang sunuran at kombinasyon ng mga sangkap. Para bumuo ng isang parirala, tahakin ang mga daan mula sa kaliwa pakanan; hindi makatataas liban kung may palaso ang daan, tulad ng daan mula sa D tungo sa NP. Ang arkong palaso ang kumakatawan sa rekarsibong kakanyahan ng sistema; ito ang paraan para makakapamulot ng mahigit sa isang sangkap, halimbawa, sinubukang umpisahang buksan.
AdvP
A
V
P
D
NP
12 SINTAKS NG FILIPINO
Isang paalala na sapagka’t anyo ang batayan ng dayagram, at hindi nito iniintindi ang kahulugan, maaaring humantong sa isang parirala na tama ang balangkas pero wala naman saysay, halimbawa, mabulas maghilik ng basi. Pagtrabahuhin natin ang sistema. Ilan sa mga mabubuong parirala:
talagang-‐‑AdvP mahusay-‐‑A si D Ben-‐‑NP bumili-‐‑V ng-‐‑D pansit-‐‑NP
bumili-‐‑V para-‐‑P sa-‐‑D Inang-‐‑NP magaling-‐‑A (na) abogado-‐‑NP Pag-‐‑isipan Mahuhugot ba mula sa dayagram ang mga parirala sa ibaba, at kung hindi, paano babaguhin ang dayagram? ang Amerikanong pilotong doktor sa batalan sa bahay sa bukid naging doktor (pansinin: naging *ang doktor) mataas para sa bata Payag ba kayo na may daan mula sa AdvP tungo mismo sa D? Magbigay ng halimbawa. Sapat ang ganitong paraan ng paglalarawan ng isang sistema kung binubuo nito ang lahat at lahat lang ng sunuran o parirala na tinatanggap sa wika. Ang ibig sabihin: (i) walang matatahak na daan na hahantong sa ano mang sunuran na hindi tinatanggap, at (ii) may daan sa lahat ng sunuran na tinatanggap sa wika (hindi natin mapapatunayan na tama ito sapagka’t wala tayong sapat na panahon na sulitin ang lahat ng halimbawa!). Sa inyong pagsusulit, kung may matutuklasang maling daan, o kung kulang ang mga daan, tangkaing sinupin ang sistema.
1.5 Gabay sa Pagsusuri Tungo sa mabisang pag-‐‑aaral ng mga susunod na kabanata, naito ang ilang diwa na magsisilbing gabay: (i) Ang balangkas ay naghahayag ng hanggang sa tatlo at tatlo lang na ugnayan: ulo, layon at pantiyak. Iisa ang ulo ng bawa’t balangkas, pero maaaring may mahigit sa isang pantiyak at layon, o wala ng mga ito, depende sa ulo. Sa pagsusuri, tanungin: ano ang ulo ng balangkas? May mga layon ba ito? May mga panturing? Ang pinakasimpleng balangkas ay binubuo ng ulo lang, na walang pantiyak at layon.
1 PARIRALA 13
13
(ii) Ang sa unang tingin ay masalimuot na balangkas ay walang iba kundi isang Ulo-‐‑Pantiyak-‐‑Layon sa pinakamataas na lebel, at ang mga balangkas sa ibaba ay pagpapalawak lang ng pantiyak at layon, na mga parirala rin kaya’t mayroon ding pantiyak at layon na maaari ring palawakin pa. (iii) Saan naninirahan ang layon at pantiyak? Sa bawa’t wika, may kanonikal na ayos ang mga sangkap. Ang layon ay karaniwang namamalagi sa kanan ng ulo, bihira itong umalis sa lugar na ito. Ang pantiyak ay makiling lumitaw sa kaliwa ng ulo, pero may kalayaang lumitaw sa alinmang gilid ng ulo. (iv) Sa simpleng pananalita, ang pagsusuri ng balangkas ay paghahanap ng sagot sa dalawang tanong: Una, ano ang mga sangkap na kailangang ng isang ulo sa partikular na gamit at ano ang anyo ng kanilang representasyon (ang unang baba ng balangkas), at ikalawa, anong pagbabago ang pinapayagan sa kanonikal na ayos ng mga sangkap at ano ang pangbalangkas na katuturan ng pagbabago (ang mga baryasyon)?
14
KATAWAGAN adberbyalisasyon : adverbialization. Tumutukoy sa proseso ng pagsabit ng sugnay na
pang-‐‑abay sa ulong tinuturingan. Sa kumakanta habang maliwanag ang buwan, ang ginuhitang sangkap ang sugnay na pang-‐‑abay, at ang kumakanta ang ulo na tintuturingan nito.
alternatibo-‐‑tanong : alternative question. Isang uri ng sangkap-‐‑tanong na naghahain ng pagpipilian ng sagot. Bibili ka ba ng basi, tuba o syoktong?
antesedente : antecedent. Antesedente ang tawag sa pangngalanin na kareperensya ng panghalip at repleksibo, halimbawa, ang ginuhitang simuno sa Paniwala si Hambogi sa sarili niyai (na siyang tinutukoy ng niya).
antesendenteng sugnay : antecedent clause. Sa prosesong pagpulak ng sugnay, ang tinutukoy na sugnay ng naiiwang pananong, halimbawa, ang ginuhitang sugnay sa pinulak na kayariang Gusto ni Barok ng alak, pero hindi ko alam kung ano.
aplikatibo : applicative. Aplikatibo ang isang simunong pangngalanin kung nagdadala ito ng gampaning lunan, pinagmulan, hantungan, tagapakinabang, kagamitan, dahilan, at ilan pa, hal., ang ang dalaga sa pangungusap na Binilihan ni Ben ng basi ang dalaga. Aplikatibo rin ang ang tawag sa Tinig ng pandiwa ng nasabing simuno, sa anyo o panlapi (i-‐‑/-‐‑an) ng pandiwa, at sa uri ng pangungusap. Ang termino ay salin ng “applicative,” na tumutukoy sa layong hinalaw “derived or applied object”. Tng makro-‐‑gampanin.
aspekto, panahon : aspect. Panlapi sa pandiwa na tumutukoy sa daloy ng panahon – kung binabalak o nasimulan na ang aksyon, kung tapos na, kung katatapos, o kung sisimulan pa lang. Ipinalalagay na ang isinasaad na panahon sa pandiwang Filipino ay aspekto sa halip na panahon o tense. Tinatawag natin ang aspekto sa librong ito na Panahon. Tng Tinig, Paraan.
balangkas : structure. Tumutukoy sa mga sangkap ng isang kayarian at sa ugnayan ng mga sangkap sa isa’t isa. Ang kayariang parirala, halimbawa, ay may tatlong sangkap: ulo, pantiyak, at kaganapan, na tumatayo sa mga ugnayang ulo, kaganapan ng ulo, at pantiyak ng ulo-‐‑kaganapan.
balangkas Ulo-‐‑Pantiyak-‐‑Layon : X-‐‑bar structure. Balangkas na binubuo ng tatlong sangkap: ulo, pantiyak, at layon, na nagdadala ng tatlong ugnayan: ulo-‐‑ng, pantiyak-‐‑ng, at kaganapan-‐‑ng. Itinuturing na lahat ng balangkas, maliit o malaki, ay may anyo ng ganitong balangkas.
balangkas-‐‑argumento : argument structure. Ang sistema ng ugnayan ng ulo at mga ubod-‐‑argumento nito, halimbawa, ang balangkas-‐‑argumento ng binili: (DPAgt DPPat/Subj), o ng ibinili: (DPAgt DPPat DPApl/Subj).
KATAWAGAN 15
15
buko : node. Sa sangahan, ito ang simula o dulo ng isang sanga, o ugpungan ng dalawang sanga. Minamarkahan ang mga buko ng kategoryang pangsintaktika (NV, VP, D, N, atbp.). Tng sangahan.
CVr : consonant-‐‑vowel reduplication. Tumutukoy sa pag-‐‑ulit ng unang CV ng ugat (bibili, mabibilis) o tangkay (papabilihin). Kung ang salitang binabanghay ay pandiwa, ang CVr ay naghuhudyat ng Panahon na hindi pa tapos (bumibili, bibili), at kung ang salita ay pang-‐‑uri (mabibilis), ng maramihang bilang.
di naihihiwalay na pag-‐‑aari : inalienable possession. Pag-‐‑aari na sa karaniwang usapan ay itinuturing na hindi maihihiwalay sa may-‐‑ari, halimbawa, ang mga bahagi ng katawan : paa ni Ben, pakpak ng ibon.
di natuturan : indefinite. Tumutukoy sa kahit ano o sinong miyembro ng isang pangkat na hindi tiyak o hindi ispesipiko ang reperensya, halimbawa, pusa sa isang pusa, may pusa. Ihambing sa ispesipikong pusa sa ang pusa.
di tahasang tanong : indirect question. Tanong na sinisipi ng nagsasalita, halimbawa, ang ginuhitang sangkap sa Itinatanong ni Ben kung nasaan si Ampi. Kasingkahulugan ng nakapaloob na tanong.
di tuwirang layon : indirect object. Ang kasangkot sa pangyayari na hindi tahasang naaapektuhan ng aksyon, halimbawa, sa Ingles, Mary sa : Ben bought Mary a book. Sa Filipino, ang katumbas na pangngalanin ay isang pariralang obliko : Bumili si Ben ng libro para kay Mary.
di tuwirang sipi : indirect quote. Pangungusap na ang sipi ay pananalita ng nagsasalita, hindi ng sinisipian. Pinangunguluhan ng isang pangganap ang sipi at hindi ikinukulong ang sipi sa mga panipi, halimbawa, Sinabi ni Ben na bibili siya ng basi. Ihambing sa pangungusap na tuwirang sipi : Sinabi ni Ben, “Bibili ako ng basi.”
diing-‐‑panghambingan : contrastive stress. Paghahambing sa pamamagitan ng pagbibigay diin o pansin, halimbawa, sa pangungusap na Tuba, iinumin ni Mhawi, pero siyoktong, hindi, ang tuba at ang siyoktong ay binibigyan-‐‑diin sa pamamagitan ng pagpaksa, at sa ganitong paraan sila ay pinaghahambing.
dobleng negasyon : double negation. Kayarian na binubuo ng dalawang negasyon, ang ibig sabihin, sinasalungat o ipinagbabawal ang isang pagsalungat o pagbawal. Huwag hindi kayo susulat, Hindi hindi sila umalis, ?Hindi huwag kayong susulat.
dobleng transitibo : Double-‐‑transitive. Kayarian na may tatlong ubod-‐‑argumento, halimbawa, Pinadalhan ni Ben ng pansit ang Tatang, na ang ginuhitang mga sangkap ang tatlong argumento. Tumutukoy din sa pandiwa ng ganitong kayarian, at sa panlapi ng ganitong pandiwa.
ergatibo : ergative. Kaukulan “case” na iginagawad ng pandiwa sa tagagawa na layon nito. Sa Binili ng bantay ang basi, ang bantay ay nasa kaukulang ergatibo. Tumutukoy din sa ganitong uri ng parirala.
16 SINTAKS NG FILIPINO
gagad-‐‑tanong : echo question. Tanong na hindi inililipat ang salitang pantanong, hal., Bumili sino ng ano?
gampanin, gampaning-‐‑tematiko : role, thematic role. Tumutukoy sa papel na ginagampanan ng mga kasangkot sa pangyayari, halimbawa, tagagawa, pasyente, lunan, kagamitan, tema, tagaranas, dahilan, at ilan pa. Sa Bumili ang panday ng tuba sa palengke, ang panday ay gumaganap na tagagawa ng aksyon, ang tuba ay pasyente o apektado, at ang palengke ang lunan ng aksyon.
gantihang pandiwa : reciprocal verb. Tng tugunang pandiwa. gilid-‐‑argumento, panlabas na argumento : external argument. Mga argumento na
nagdaragdag ng konteksto sa pangyayari: lunan, panahon, dahilan, laanan o nakikinabang sa aksyon, at ilan pa. Sa Bumili ang sangko ng basi sa tindahan para sa Inang noong Linggo, gilid-‐‑argumento ang lunan (sa tindahan), pinaglalaanan (para sa Inang), at panahon (noong Linggo). Mga pariralang pang-‐‑ukol (PP) ang tumatayong gilid-‐‑argumento ng pandiwa.
haliling-‐‑anyo, ibang anyo : variant form. Baryasyon. hambingang anyo: comparative form. Anyo ng salitang pang-‐‑uri na nagsasaad ng
magkapantay o di magkapantay na antas. Sa paghahambing, maaaring ipakita na pantay ang antas ng pinaghahambing (magkasingbait), o ang isa sa pinaghahambing ay mas mataas ang antas (mas mabait kaysa) sa tunutukoy na katangian. Ang panlaping (mag)(ka)sing-‐‑ ay nagsasaad ng pantay na antas. Ang di-‐‑pantay na antas ay gumagamit ng pariralang pang-‐‑abay : {mas|lalo|higit|hamak} … kaysa, halimbawa, Higit na mabait si Ben kaysa kay Ampi.
henetibong pangmay-‐‑ari : possessive genitive. Gampanin ng pariralang pangmay-‐‑ari kung ang ulong pangngalan ay maaaring ariin o ituring na pag-‐‑aari, halimbawa, sa bantay ng kompanya, ang pariralang pangmay-‐‑aring ng kompanya ay isang henetibong pangmay-‐‑ari sapagka’t ang ulong pangngalang bantay ay maaaring ituring na pag-‐‑aari ng kompanya. Tng henetibong tagagawa.
henetibong tagagawa : agentive genitive. Gampanin ng pariralang pangmay-‐‑ari kung ito ay may potensyal na maging tagagawa ng ulong pangngalan, halimbawa, sa ang libro ni Ben, ang pangmay-‐‑aring ni Ben ay henetibong tagagawa sapagka’t mababasa na siyang sumulat ng libro. Tng henetibong pangmay-‐‑ari.
hubad na pang-‐‑uri : bare adjective. Pang-‐‑uri na walang panlaping, halimbawa, pikon, payat, pandak, atbp.
ibang anyo, haliling anyo: variant form. baryasyon intransitibo : intransitive. Tumutukoy sa kayarian na tumatanggap ng isang ubod-‐‑
argumento lang, halimbawa, Sininok si Ben. Ang pandiwa ng ganitong kayarian, at ang panlapi ng ganitong pandiwa, ay tinatawag na pandiwang intransitibo at panlaping intransitibo. Tng katransitibuhan, transitibo, doble-‐‑transitibo.
kaantasan (ng pang-‐‑uri): degree. Tumutukoy sa anyo ng pang-‐‑uri na naglalahad ng antas ng katangian. Ang antas ng katangian ay maaaring lantay “positive” na
KATAWAGAN 17
17
inihahayg ng panlaping ma-‐‑ (mabait) at ka-‐‑ (kabait); hambingan “comparative”, na inihahayag ng sing-‐‑ (singbait); sukdulan “superlative”, na inihahayag ng pinaka-‐‑ (pinakamabait), o masidhi “intensive”, na inihahayag ng napaka-‐‑ (napakabait).
kaganapan, komplemento, layon : complement, object. Ang sangkap na bumubuo o tumutugon sa pangbalangkas na pangangailangan ng isang ulo. Sa bumili ng basi, ang basi ang kaganapan ng pandiwa; sa pariralang para sa sundalo, ang sa sundalo ang kaganapan ng para.
kailanan, kabilangan : number, plurality. Ang bilang – maramihan o isahan – ng pangngalan o pang-‐‑uri. Ginagamit ang partikulong mga para ihayag ang maramihang bilang (mga libro), at ang ‘panlaping’ CVr sa pang-‐‑uri (maliliit). Tng CVr.
kasidhian (ng pang-‐‑uri): intensity. Isang kakanyahan ng pang-‐‑uri ang maghayag ng kasidhian “intensity” ng tinutukoy na katangian. Isang paraan ng pagsasaad ng kasidhian ang panlaping napaka-‐‑, halimbawa, Napakabait ni Ben.
katatapos na Panahon: recent perfective. Panahon o aspekto na katatapos pa lang, na ipinakikita sa pandiwa sa pamamagitan ng mga panlaping ka+CVr, halimbawa, Kabibili ni Ben ng basi.
kategoryang pangsintaktika : syntactic category. Ang isang kategoryang pangsintaktika ay binubuo ng mga sangkap ng pangungusap (panlapi, salita, parirala, sugnay) na nagsasalo-‐‑salo sa anyo at pangbalangkas na katangian, tungkulin, o lugar. Halimbawa, ang mga salitang binanghay sa um-‐‑ (bumili, kumuha, atbp.) na nagagamit na ulo ng panaguri ay kabilang sa kategoryang pangsintaktika na pandiwa. (V) Ilan pa sa mahahalgang kategorya ang pangngalan (N), pantakda (D), pang-‐‑uri (A), pang-‐‑abay (Adv), pang-‐‑ukol (P), at ang mga katumbas na parirala: pariralang pandiwa (VP), pariralang pangngalan (NP), pariralang pantakda (DP), pariralang pang-‐‑uri(AP), at pariralang pang-‐‑abay (AdvP).
katransitibuhan : transitivity. Tumutukoy sa pangangailangan o kakayahan ng pandiwa ng magdala ng mga ubod argumento. Ang intransitibo ay tumatanggap lang ng isang ubod-‐‑argument: simuno, halimbawa, Tumakbo si Ben. Ang transitibo ay nangangailangan ng dalawang ubod-‐‑argumento: simunong layon at ergatibo, halimbawa, Uminom si Ben ng basi. At ang dobleng transitibo ay tumatanggap ng tatlong ubod-‐‑argumento : ergatibo, layon, at aplikatibong simuno, halimbawa, Ibinili ng kuya ng pansit ang Inang. Tng intransitibo, transitibo, doble-‐‑transitibo.
katumbas : correlate. Sangkap sa isang antesedenteng sugnay na tinutukoy ng naiwang pananong sa pag-‐‑uka ng sugnay. Halimbawa, ang alak sa pangungusap na Gusto ni Ben ng alak, pero hindi ko alam kung [anong alak ang gusto ni Ben] ang tinutukoy ng pananong na ano.
kayariang katatapos : recent perfective construction. Kayariang naghahayag ng katatapos na Panahon sa pandiwa, na tinatakdaan sa pamamagitan ng mga panlaping ka+CVr, halimbawa, Kabibili ni Ben ng basi.
18 SINTAKS NG FILIPINO
kayariang pasanhi : causative construction. Kayarian na nagsasaad ng pagsanhi o pag-‐‑utos na gawin ang isang bagay, na tinatakdaan sa pamamagitan ng panlaping pa-‐‑, halimbawa, Pinabili ni Ben si Ampi ng tuba.
kompirmasyon-‐‑tanong : confirmation question. Tanong na humihingi ng sagot na oo o hindi, hal., Bumili ka ba ng basi? o ng pagkakaroon o kawalan ng isang bagay, hal., May basi ba si Ben? o ng kompirmasyon ng kinaroonan ng isang bagay, hal., Nasa-‐‑bukid ba si Ben?
komplementasyon : complementation. Isang paraan ng pagpaloob ng sugnay, na ang ipinapaloob na sugnay ay tumatayong argumento ng mataas na pandiwa o pang-‐‑uri. Ang pandiwa o pang-‐‑uri ang ulo ng kayarian, at ang nakapaloob na sugnay ang kaganapan ng ulo. Sa pangungusap na Nakita ko na nagmumog si Ogg ng lambanog, ang sangkap na ginuhitan ang nakapaloob na sugnay, at tumatayo itong kaganapan o argumento ng mataas na pandiwang nakita.
lantay na antas (ng pang-‐‑uri) : positive degree. Ang lantay na antas ay ang simpleng pagkakaroon ng katangian, na ipinahahayag ng mga pangpang-‐‑uring ma-‐‑ (mabait) at ka-‐‑ (kabait) o ng paggamit ng kayariang pandamdam (Ang bait ni Ben.)
layon : object. Sinonimo ng kaganapan. leksikalisado : lexicalized. Ang isang pangkayariang tungkulin ay leksikalisado kung
likas na bahagi ito ng kahulugan ng salita. Sa Tagalog, halimbawa, ang kasarian sa pangngalan ay leksikalisado : lalaki ang sangko, kuya, Tatang, at Inkong; babae ang ditse, ate, Inang, at Impo. Sa kabilang dako, ang kasarian sa abogado – abogada ay nasa pangbalangkas (morpolohiya) na tungkulin ng mga ‘panlaping’ -‐‑o/-‐‑a (isang paraan ng pagmamarka ng kasarian na hiniram sa Kastila).
leksikon : lexicon. Ang kabatiran ng isang likas na tagapagsalita tungkol sa anyo, kahulugan, bigkas, at gamit ng mga morpema at salita, kasama ang mga impormasyong morposintaktika ng morpema o salita, tulad ng kategorya, sabkategorya, balangkas-‐‑argumento – mga pangbalarilang impormasyon na katangi-‐‑tangi sa morpema o salita at nagsisilbing gabay sa kanilang gamit.
mahugnayang pangungusap : complex sentence. Pangungusap na binubuo ng isang pangunahing sugnay at isa o mahigit pang sugnay na di-‐‑makapag-‐‑iisa.
makro-‐‑gampanin : macro-‐‑role. Makro-‐‑gampanin ang katawagang inilapat natin sa pangkat ng mga gampanin na ipinahahayag ng isang set ng panlaping Tinig. Ang makro-‐‑gampaning tagagawa ay binubuo ng mga gampaning tagagawa at tagaranas, at minamarkahan ng mga panlaping mag-‐‑/-‐‑um-‐‑. Ang makro-‐‑gampaning pasyente ay binubuo ng mga gampaning pasyente, tema, at apektado, at minamarkahan ng i-‐‑/-‐‑an. Ang makro-‐‑gampaning aplikatibo ay binubuo ng mga gampaning lunan, tagapakinabang, dahilan, at ilan pa, at minamarkahan ng i-‐‑/-‐‑an.
markadong panaklong : labelled bracketing. Alternatibong pagsasalarawan sa balangkas ng parirala, na ang mga sangkap ay ikinukulong ng mga panaklong na
KATAWAGAN 19
19
minamarkahan ng kategorya ng mga sangkap, halimbawa, ang pariralang pandiwang bili ng basi ay mairerepresenta bilang: [VP [V bili] [DP [D ng [NP basi]]]].
modelong balangkas : Ang isang modelong balangkas ay naghahayag ng tatlo at tatlo lang na uri ng pangsintaktikang relasyon : ulo-‐‑ng, layon-‐‑ng, at pantiyak-‐‑ng. Ang simpleng anyong Pantiyak-‐‑Ulo-‐‑Layon ang batayan ng lahat ng balangkas ng kayarian sa wika. Maaaring may mahigit sa isang layon, at mahigit sa isang pantiyak.
naiwang pantanong : remnant. ekspresyong pantanong na naiiwan sa lugar ng isang buong tanong sa proseso ng pagpulak ng sugnay, halimbawa, ang ano sa Gusto ni Ben ng inumin, pero hindi ko alam kung ano.
nakapaloob na tanong : embedded question. Ang nakapaloob na tanong ay siping tanong, na pinangungunahan ng pangganap na salitang kung, karaniwang hindi sinisingitan ng partikulong ba, at hindi nagtatapos sa pataas na tono. Halimbawa, ang ginuhitang sugnay sa Gustong masiguro ni Ben kung sino ang bibili ng basi.
negasyon : negation. Kayarian na ang isang sangkap ay pinabubulaanan, sa pamamagitan ng pagsalungat, pagbawal, pagtanggi, o pagtatuwa.
negasyong hambingan : constrastive negation. Kayarian na ang pagpabulaan ay bahagi ng paghambing ng sangkap na sinasalungat sa isa pang sangkap. Sa pangungusap na Hindi bumili kundi nanghingi si Ben ng basi, sabay sa pagtanyag sa bumili ang pagpabulaan dito. Isa pang anyo ng negasyong hambingan ang makikita sa pangungusap na Uuwi si Ben sa Sabado, hindi sa Linggo, na dito ang Linggo ay sinasalungat at siya ring layon ng paghahambing. Sa negasyong hambingan, ang pinaghahambing na mga sangkap ay magkakasingtungkulin – halimbawa, parehong pandiwa, simuno, layon, o obliko.
negasyong pangbalangkas : structural negation. Tumutukoy sa pagsalungat (hindi) at pagbawal (huwag), na may representasyon na sariling balangkas sa halawan; tumatayo silang partikulong negatibo “negative particle” at nagsisilbing ulo ng sariling parirala,halimbawa: Hindi umalis si Ben, Huwag kayong lalayo. Sa kabilang dako, ang kataliwasang pangsemantiko, na tumutukoy sa pagtatuwa (wala) at pagtanggi (ayaw), ay hindi mga partikulong negatibo : ang ayaw ay pandiwa na ang kahulugan ay katumbalikan ng pandiwang ibig; ang wala ay pantakda na katumbalikan ng mayroon.
negasyong pangsemantiko : semantic negation. Tng negasyong pangbalangkas. nominalisasyon : nominalization. Isang paraan ng pagpaloob ng sugnay, na ang sugnay
na ipinapaloob, na halaw sa isa ring sugnay, ay tumatayong pangngalanin. Halimbawa, ang pandiwaing pangungusap na Tumungga si Ogg ng basi ay ipinaloob sa isang pariralang DP (ang pagtungga ni Ogg ng basi).
oo/hindi-‐‑tanong : yes/no question. Ang oo/hindi-‐‑tanong ay nagtatanong sa realidad o katutuhanan ng sangkap na tinatanong. Karaniwan nang sinisingitan ang oo/hindi-‐‑
20 SINTAKS NG FILIPINO
tanong ng partikulong ba, at nagtatapos ito sa tonong pataas, halimbawa, Sundalo (ba) si Ben?
pag-‐‑uka : gapping. Pagkaltas sa inuulit na bahagi ng panaguri. Sa halimbawang Bumili si Ben ng basi, at bumili si Ogg ng lambanog, kinaltas ang inuulit na pandiwang bumili sa kanang sugnay.
pag-‐‑uulit ng salita : word reduplication (WDr). Sa pandiwa, naghahayag ng Paraang kondisyunal, halimbawa, Bumiling-‐‑bumili lang si Ben ng basi, tanggap na siya. Sa pang-‐‑uri, naghahayag ng kasidhian, halimbawa, magandang-‐‑maganda.
pag-‐‑uulit ng ugat : root reduplication (RTr). Sa pandiwa, naghahayag ng Paraang di-‐‑nararapat o di-‐‑inaasahan, halimbawa, Bumili-‐‑bili ka pa ng matsing, hayan!, o tentatibo at may pag-‐‑uulik-‐‑ulik Bumibili-‐‑bili lang po, o kasabikan Biling-‐‑bili na ako ng iPad. Sa pang-‐‑uri, naghahayag ng pagka-‐‑dimunitibo, halimbawa, mabango-‐‑bango. Sa pang-‐‑uri pa rin, kung nauunlapin ng pagka-‐‑, naghahayag ng lalo pang kasidhian, halimbawa, Pagkalungkot-‐‑lungkot ng mga kambing.
pagbawal : negasyon. Negasyon na gumagamit ng salitang huwag, halimbawa, Huwag kayong lalayo.
pagkaltas ng katumbas na pangngalanin : equi(valent)-‐‑NP deletion. Proseso na nagkakaltas ng isa sa dalawang pangngalanin na iisa ang reperensya. Halimbawa, ang pagkaltas ng siya sa panloob na sugnay sa Nagpaalam ang bantayi sa kaibigan [CP bago siyai umalis], na dito ang bantay at ang siya ay tumutukoy sa isang tao.
pagpaksa : topicalization. Isang paraan ng pagbibigay ng pansin sa isang sangkap ng pangungusap, na ang sangkap ay inililipat sa unahan ng pangungusap at sinusundan ng munting pahinga (sa pagsasalita) o ng kudlit (sa pagsulat), halimbawa, Si Ben, uuwi pala bukas, Sa Sabado, magsasaya tayo.
pagpaloob ng sugnay : clause embedding. Proseso ng pagsuson-‐‑suson ng mga pangungusap (o sugnay) sa isang pangungusap, halimbawa, Nakasalubong ako ng sundalo na may pasang pusang nag-‐‑aapoy ang mga mata na binubuo ng tatlong sugnay: Nakasalubong ako ng sundalo, May pasang pusa ang sundalo, Nag-‐‑aapoy ang mga mata ng pusa.
pagpulak ng sugnay : sluicing. Isang kayarian na kinasasangkutan ng pagkaltas na isang tanong-‐‑sugnay at iniiwan ang isang salitang pantanong sa lugar na dapat sana’y kakitaan ng isang buong tanong. Sa pangungusap na Gusto ni Ben ng alak, pero hindi ko alam kung anong alak ang gusto ni Ben, ang tanong-‐‑sugnay na anong alak ang gusto ni Ben ay pinulak at ang naiwan ay ang pantanong na ano.
pagsalungat : negasyon. Negasyon na gumagamit ng salitang hindi, halimbawa, Hindi umuwi si Ben.
pagtampok : focusing. Isang paraan ng pagbibigay ng pansin sa isang sangkap ng pangungusap, sa pamamagitan ng paglipat ng sangkap sa unahan ng pangungusap at sinusundan ng partikulong ay, halimbawa, Si Ben ay madalang maligo na dito ang simunong si Ben ay itinampok.
KATAWAGAN 21
21
pagtampok : Isang paraan ng pagbibigay-‐‑pansin sa isang sangkap, sa pamamagitan ng paglipat ng sangkap sa kaliwang gilid ng pangungusap at ang sangkap ay inihihiwalay sa iba pang bahagi ng pangungusap sa pamamagitan ng partikulong ay, halimbawa, Sa Sabado ay uuwi si Ben, Si Ben ay uuwi sa Sabado.
pagtanggi : negation. Negasyon na gumagamit ng salitang ayaw, halimbawa, Ayaw ng mga tao ng manhid na gobyerno.
pagtatambal ng sugnay : clause coordination. Proseso ng pagdudugtong-‐‑dugtong ng mga pangungusap sa pamamagitan ng mag partikulong at, subali’t, nguni’t, o, pero, at atbp.
pagtatuwa : negation. Negasyon na gumagamit ng salitang wala, halimbawa, Walang mapapala sa sobrang pakumbaba.
paksa : topic. Sa diskurso, ang paksa ay lumang impormasyon, o isang impormasyon na nabanggit o naiintindihan na sa usapan. Ang paksa ay inihahayag sa simuno, at ang panaguri ay bagong impormasyon na inihahain tungkol sa simuno.
palsong pandiwa : pseudo-‐‑verb. Tinatawag na palsong pandiwa ang mga pandiwang gusto, ayaw, ibig, at nais, kung ginagamit na walang banghay. Sa ganitong gamit, wala silang simuno, kung ang pasyente o layon ay di-‐‑tiyak, halimbawa, Gusto ni Ben ng pansit. Kung tiyak ang pariralang layon, kailangan ang simuno, halimbawa, Gusto ni Ben ang basi. Maaaring gamitin ang mga palsong pandiwa bilang karaniwang pandiwa, na may panlapi, halimbawa, Ginusto ni Ben ang layaw.
pamilang : numeral. Salita na naghahayag ng bilang, halimbawa, isa, dalawa, tatlo; itinuturing na kabilang sa kategoryang pantakda
panagano : modal. Salitang nagsasaad ng paningin ng nagsasalita tungkol sa pangyayari o kalagayan na inihahayag ng pangungusap, halimbawa. (karapat-‐‑)dapat, kailangan, (kun)wari’y, mistula, parang, talaga, tila,tunay, maaari, sana. Posibilidad, alinlangan, kasiguraduhan, pangngailangan, kahilingan at mga katulad na diwa ang isinasaad ng mga panagano. Karaniwang sinusuri ang panagano na pang-‐‑abay.
panaguri : predícate. Ang panaguri inihahaing impormasyon tungkol sa simuno, na maaaring isang pariralang pandiwa (Tumakbo si Ben), pangngalan (Sundalo si Ben), pang-‐‑uri (Makulilit si Ben), pang-‐‑ukol (Para kay Ben ang alak), o pantakda (na maaari namang pariralang pantukoy (Ang panday ang dumating), pangmayroon (May pera si Ben), panghalip (Ako ang susuko), pamilang (Sampo ang dumating), at ilan pa). Ang kategorya ng ulo (pandiwa, panag-‐‑uri, atbp.) ay siya ring tawag sa uri ng panaguri, halimbawa, panaguring pandiwain, panaguring pang-‐‑uriin.
panaguri-‐‑tanong : predicate question. Ang panaguri-‐‑tanong ay nagtatanong sa panaguri, halimbawa, ang tanong na Nasaan si Ben? na nagtatanong sa panaguri ng Nasa bukid si Ben.
panaguring depiktibo o panglarawan : depictive predicate. Pangalawang panaguri na naglalarawan sa isang argumento ng argumento ng pangunahing panaguri,
22 SINTAKS NG FILIPINO
halimbawa, ang panaguring lasing sa Iniluto ni Ben ang isda na lasing. Tng panaguring resultatibo.
panaguring pandiwain : verb phrase. Panaguri na ang ulo ng parirala ay isang pandiwa, halimbawa, tumakbo sa ilog.
panaguring pantulong : auxiliary predicate. Ang mga panagano (dapat, maaari), na itinuturing na mga pang-‐‑abay (Dapat para sa Inang ang basi) ay maaari ring suriin na pandiwang pangkalagayan na ‘tumutulong’ sa panaguri, tulad ng pagtulong ng mga “auxilliary verb” ( must, may, should, atbp.) sa Ingles. Tng pandiwang pantulong.
panaguring resultatibo o panghinatnan : resultative predicate. Pangalawang panaguri na resulta o kinahinatnan ng unang panaguri, halimbawa, ang panaguring magalang sa Lumaki si Ben na magalang. Tng panaguring depiktibo.
panahon : aspect. Ginagamit ang katawagang Panahon para tukuyin ang aspekto sa pandiwa. Tng aspekto.
panahunan : tense. Kategorya sa pandiwa na naghahayag ng panahon. Tng. aspekto. pandamdam : exclamation. Pangungusap na naghahayag ng malakas na emosyon,
halimbawa, Ang bait ni Ben! pandiwang nahahanggan : finite verb. Pandiwa na nahahanggahan ang Panahon,
halimbawa, Bumili/bumibili/bibili si Ben ng basi. Ihambing sa pandiwang di-‐‑nahahanggahan ang panahon, halimbawa, ang pawatas na bumili sa Gusto niyang bumili ng basi.
pandiwang pangkalagayan : stative verb. Pandiwa na naghahayag ng kalagayan sa halip na aksyon : sabik, sanay, alam, atbp. Alam ni Ben na magdasal. Itinuturing din na pang-‐‑uri ang mga ito.
pandiwang pangkalikasan : phenomenon verb. Pandiwang tumutukoy sa isang pangyayaring pangkalikasan, halimbawa, Umulan sa Maynila. Kung banghay sa -‐‑um-‐‑ ang pandiwa, walang simuno ang pangungusap. Kung banghay sa -‐‑in-‐‑, ang lunan ng pangyayari ay simuno, halimbawa, Inulan ang Maynila.
pandiwang pantulong : auxiliary verb. Pandiwa (halimbawa sa Ingles, might, should, would) na kasama ng leksikal na pandiwa, na nagdaragdag ng pananaw o damdamin ng nagsasalita tungkol sa aksyon o pangyayari.
pandiwari : gerund. Nominalisadong anyo ng pandiwa, halimbawa, ang pagsulat sa pariralang ang pagsulat ng bantay ng tula. Sa tungkulin sa pangungusap, pangngalan ang pandiwari, pero sa panloob na balangkas, pandiwa pa rin ito.
pang-‐‑ukol : preposition. Isang saradong kategorya ng mga salita na di nababanghay na karaniwang ginagamit para iugnay ang isang pangalan sa ibang bahagi ng pangungusap. Sa pariralang libro para kay Ampi, iniuugnay ng pang-‐‑ukol na para ang layon nitong Ampi sa libro, at ang bunga ng pag-‐‑ugnay ay limitahan o linawin ang tinutukoy ng pangngalang libro.
pang-‐‑ukol : preposition. Kategorya na binubuo ng mga salita na sa tradisyunal na pag-‐‑iisip ay hindi nababanghay, at may tungkuling mag-‐‑ugnay ng isang pangngalanin
KATAWAGAN 23
23
(ang layon ng pang-‐‑ukol) sa ibang bahagi ng pangungusap (ang salitang tinuturingan). Sa pariralang libro para sa bata, ang para ang pang-‐‑ukol, at ang bata at libro ang mga salitang pinag-‐‑uugnay.
pang-‐‑uri : adjective. Ang salitang pang-‐‑uri ay binubuo ng salitang ugat at mga panlaping pangkayarian. Ang ugat ang tumatayong ulo ng pariralang pang-‐‑uri.
pang-‐‑uring panghalip : pronominal adjective. Tradisyunal na tawag sa mga panghalip na iyo, akin, atin, atbp. sa gamit na nagtuturing ng pangngalan, halimbawa, iyong libro, aking sapatos, ating responsibilidad.
pang-‐‑uring panturo : demonstrative adjective. Tradisyunal na tawag sa mga panghalip na ito, iyan, iyon, atbp. sa gamit na nagtuturing ng pangngalan, halimbawa, itong basi, iyang baril, iyong bata.
pangalawang panaguri : secondary predicate. Isang panaguring pang-‐‑uriin na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang argumento ng pangunahing panaguri. Ang pangunahing panaguri ay isang pangyayari “event”, samantalang ang pangalawang panaguri ay isang kalagayan “state” na pansamantala at kasabay ng pangyayari. Sa pangungusap na Hubad natulog ang mananayaw, ang hubad ay pangalawang panaguri, na tumuturing sa mananayaw, na simuno ng pangunahing panaguring natulog.
pangdi-‐‑inaasahan : unexpected. Salitang pantakda na naghahayag pagtaliwas sa inaasahan, halimbawa, ma, ni, kahit, maski: Ni si Ben, hindi dumating.
pangdiin : emphasizer. Salitang pantakda na nagbibigay-‐‑diin, halimbawa, mismo. pangganap : complementizer (C). Partikulo na nagmamarka at tumatayong ulo ng
pariralang pangkaganapan (CP), halimbawa, na sa Sinabi ni Ben [na uminom ng basi si Ampi]. Ang kung ay isa pang pangganap : Itinanong ni Ben [kung uminom ng basi si Ampi]. Sa malayang pangungusap, itinuturing na hungkag ang anyo ng pangganap, halimbawa, [ ø Bumili si Ben ng basi]
pangganap na patanong : interrogative complementizer. Sa sugnay na panloob, ang pangganap na kung, halimbawa, Itinanong ni Ampi [kung palabiro si Ben]. Sa sugnay na panlabas, hungkag ang anyo ng mga pangganap, halimbawa, [ ø Bababa ka ba?].
pangganap na paturol : declarative complementizer. Sa sugnay na panloob, ang pangganap na na, halimbawa, Naniwala si Ben [na palabiro si Ampi]. Sa sugnay na panlabas, hungkag ang anyo ng mga pangganap, halimbawa, [ ø Bumili si Ben ng basi].
panghalip na paari : possessive pronoun. Panghalip na nagsasaad ng pag-‐‑aari ng tinutukoy na pangngalan, halimbawa, aking libro, kaniyang paalala, kanilang payo, atbp.
panghalip na panao : personal pronoun. Panghalip na humahalili sa mga pangalan, tulad ng ako, ikaw, siya, sila, atbp. Ibinibilang ang mga panghalip na panao na pantakda.
panglipat na pandiwa : verb of transfer. Pandiwang naglilipat ng isang elemento: bili, abot, bigay, hain, atbp. Binigyan ni Ben si Ampi ng pansit.
24 SINTAKS NG FILIPINO
pangmudmod na paraan : distributive mode. Paraan na naghahayag ng maramihan o paulit-‐‑ulit na paggawa sa aksyon. Sa pinagbibili, ang pangmudmod na paraan ay dala ng mga panlaping -‐‑ag at CVr (ang pag-‐‑ulit ng unang CV bi ng ugat na bili).
pangngalanin : nominal. Tumutukoy sa DP, at sa NP rin. pangpang-‐‑uri : adjectivalizer. Tng. panlaping pangpanguri. pangungusap : sentence. Ang pangungusap, tulad ng sugnay, ay isang parirala na
inaasahan at karaniwang may simuno. Nagdadala ito ng tinatawag ng puwersa ng pananalita – paturol, patanong, pandamdam, pautos, pasubali, pahiwatig, at mga katulad. Isang parirala ito na ang ulo ay isang salitang pangganap (na, kung o hungkag ang anyo), ang kaganapan ay ang pariralang impleksyon (IP), at ang pantiyak ay isa sa mga layon ng pandiwa, na siyang tumatayong simuno ng pangungusap.
pangungusap na nagtutumbas : equative sentence, identificative sentence. Pangungusap na ang panaguri ay nagpapakilala o nagtutumbas ng identidad ng simuno, halimbawa, Si Ben ang sundalo.
pangungusap na pandamdam : exclamative sentence. Pangungusap na nagsasaad ng malakas na emosyon, halimbawa, Ang bait ni Ampi!
paningit : clitics. Mga maliliit na salita na sumisingit sa kanan ng unang leksikong salita ng pangungusap, halimbawa ang mga salitang mo, rin, naman, pala sa Ayaw mo rin naman pala ng magugulong bata.
panlapi : affix. Morpemang nagsasaad ng mga pangkayariang tungkulin, halimbawa ang panlaping Tinig na -‐‑in sa kainin, ang panlaping ma-‐‑ sa pang-‐‑uring mabait, at ang panlaping taga-‐‑ sa pangalang tagasulat.
panlaping Panahon : aspectual affix. Panlapi sa pandiwa na nagsasaad ng daloy ng panahon ng aksyon: (i) kung nasimulan na n-‐‑/-‐‑um-‐‑/-‐‑in/, halimbawa, nagdala, bumili, binili, (ii) kung patuloy pa: n-‐‑/-‐‑um-‐‑/-‐‑in/ + CVr, halimbawa, nagdadala, bumibili, binibili, at (iii) kung binabalak pa lang: CVr, halimbawa, (dadalhin, bibilhin).
panlaping pangkatangian : attributive affix. Tng. panlaping pangpang-‐‑uri. panlaping pangmaramihan ng pang-‐‑uri : adjective plural affix. Ipinakikita ang
maramihang bilang sa pang-‐‑uri sa pamamagitan ng ‘panlaping’ CVr o ng pag-‐‑ulit ng unang katinig at patinig ng ugat o sanga, halimbawa, malalambing
panlaping pangpang-‐‑uri : adjectivalizing affix. Ang pagiging pang-‐‑uri ng isang salita ay itinatakda ng panlaping pangpang-‐‑uri. May dalawang panlaping pangpang-‐‑uri : ma-‐‑ at ka-‐‑. Ang mga pangpang-‐‑uring ito ay nagsasaad ng simpleng pagkakaroon ng katangian.
panlaping Paraan : mode affix. Panlapi sa pandiwa na nagsasaad ng paraan ng pagkakagawa ng aksyon, halimbawa, ang pasanhing pa-‐‑ (pakuha), pakiusap ki-‐‑ (pakibili), pangmudmod ang-‐‑ (manguha), atbp.
panlaping Tinig : voice affix. Panlapi sa pandiwa na nagsasaad ng gampaning tematiko ng simuno. Ang mga panlaping Tinig ay ang mga sumusunod : (i) Tinig tagagawa
KATAWAGAN 25
25
mag-‐‑/-‐‑um-‐‑, na nangangailangan ng tagagawang simuno (Bumili si Ben ng gitara), (ii) Tinig pasyente i-‐‑/-‐‑in, na humihingi ng pasyenteng simuno (Iluto/lutuin mo na ang manok), at (iii) Tinig aplikatibo i-‐‑/-‐‑an, na humihingi ng simunong lunan, tagapakinabang, atbp. (Ibinili ni Ben ng gitara si Ampi). Tng aplikatibo.
pantakal : quantifier. Salitang pantakda na naghahayag ng kwantidad, halimbawa: ilan, lahat, bawa’t isa.
pantakda : determiner. Salitang nagbibigay ng reperensya o ispesipikong kumakatawan sa pangngalan. Ilang halimbawa ng pantakda ang pantukoy na ang sa pariralang ang basi, ang panturong iyon sa iyong pusa, at ang pangtakal na lahat sa lahat ng tao.
pantantiya : approximator. Salitang pantakda na naghahayag ng diwang “humigit-‐‑kumulang.”
pantiyak : specifier. Sangkap na tagaturing ng ulo(-‐‑kaganapan) ng parirala. ‘Tinitiyak’ o nililimitahan nito ang tinutukoy ng ulo, halimbawa, mabait sa mabait na dalaga. Ginagamit din ang katawagang pantiyak para tumukoy sa lugar nito sa sangahan, at sa relasyon nito sa ulo-‐‑kaganapan ng parirala. Sinonimo ng panturing.
pantukoy : article, determiner. Pantukoy ang mga salitang ang, ng, sa, si, sina, ni, nina, kay, kina na nagbibigay ng represensya sa tinutukoy na pangngalan. Kabilang ang pantukoy sa mga pantakda.
panturing : modifier. Sinonimo ng pantiyak. panturo : demonstrative. Ang mga panghalip na tumuturo sa pangngalan at ginagamit na
pantakda: ito, iyon, iyan, ire, nito, niyon, niyan, nire. paraan : verb mode. Bahagi o panlapi ng pandiwa na tumutukoy sa paraan ng
pagkakagawa sa aksyon – pasanhi, tugunan, di-‐‑sinasadya, naipagtagumpay, atbp. Halimbawa, ang paraang pasanhi na taglay ng pa-‐‑ sa pabili: Pabili ka kay Ben ng siopao. Maka-‐‑leksikal ang mga panlaping Pasanhi, kaya’t itinuturing sila na (maliit na) pandiwa.
parirala : phrase. Sangkap o sunuran ng mga sangkap na bumubuo ng isang organisasyon o balangkas, halimbawa, mahinang kumain ng pansit. May tatlong bahagi ang isang parirala: ulo, (kain sa ating halimbawa), pantiyak o panturing (mahina), at kaganapan o layon (ng pansit). Ang isang partikular na parirala ay maaaring walang pantiyak at/o layun, kaya’t binubuo ng ulo lang. Tng balangkas.
pariralang hambingan : comparative phrase (CompareP). Pariralang pangkayarian na naghahayag ng hambingan sa pang-‐‑uri. Sa paghahambing na pareho ang antas, ginagamit ang sangkap na (ka)sing-‐‑, halimbawa, kasingbait, singbait. Sa paghahambing na di pantay ang antas, ginagamit ang pariralang pang-‐‑abay mas…(kay(sa)), halimbawa, mas mabait kaysa.
pariralang impleksyon : inflection phrase (IP). Ang pariralang impleksyon (IP) ang ulo ng sugnay. Naghahayag ito ng gampanin ng simuno kung pandiwain ang panaguri, o ng katangian ng simuno kung pang-‐‑uriin ang panaguri.
26 SINTAKS NG FILIPINO
pariralang kailanan (ng pang-‐‑uri) : number phrase (NbrP). Pariralang pangkayarian sa pang-‐‑uri na naghahayag ng kailanan ng tinuturingang pangngalan. Sa maramihan, ginagamit ang ‘panlaping’ CVr o pag-‐‑ulit ng unang katinig at patinig ng ugat o sanga, halimbawa, mababait.
pariralang kailanan (ng pangngalan) : number phrase (NbrP). Tumatayong ulo ng pariralang kailanan (NbrP) ng pangalan ang mga. Walang pantiyak ito, pero sapilitang may layon – ang pariralang pangngalan. Halimbawa : [NbrP mga [NP bantay]].
pariralang karurukan : Pariralang nagpapakita ng kasidhian na pinangunguluhan ng salitang karurukan (tulad ng ubod, hari, reyna) at sinusundan ng ugat na pang-‐‑uri. Halimbawa : Ubod ng bait ni Ben sa anak.
pariralang kasidhian : intensive phrase (IntenseP). Pariralang pangkayarian na naghahayag ng kasidhian ng katangian ng pang-‐‑uri. Ginagamit ang panlaping napaka-‐‑, halimbawa, napakabait.
pariralang kasukdulan : superlative phrase (SuperP). Pariralang pangkayarian na naghahayag ng kasukdulan ng katangian ng pang-‐‑uri. Ginagamit ang panlaping pinaka-‐‑, halimbawa, pinakamabait.
pariralang nahahanggan : finiteness phrase (FinP). Sangkap na nagtatakda kung ang Panahon sa pandiwa ng sumusunod na layong sugnay ay nahahanggan “finite” o hindi nahahanggahan “nonfinite.” Ang pangganap na na ang ulo ng pariralang nahahanggan. Sa Mabilis na tumakbo si Ben, na may pangganap na na, ang aksyon ng panloob na sugnay (na tumakbo si Ben) ay tapos na o nahahanggahan, at sa Mabilis tumakbo si Ben, na walang pangganap ang aksyon ay pawatas o o di-‐‑nahahanggan.
pariralang paksa : topic phrase (TopicP). Parirala na inililipat sa unahan ng pangungusap para bigyan ng ibayong pansin, halimbawa, Si Ben, uuwi bukas. Tng. pagpaksa.
pariralang panahon : aspect phrase (AspP). Pariralang pangkayarian na naghahayag ng Panahon sa pandiwa. Ang ulo ay Asp (mula sa “aspect”), wala itong pantiyak, at ang kaganapan ay ang maliit na vP. Halimbawa, ang sangkap na m-‐‑ sa magbili, na nagiging na lumilitaw na n-‐‑ sa nagbili na nagpapakita ng anyong tapos na.
pariralang pandiwa : verb phrase (VP). Parirala na ang ulo ay isang pandiwang ugat, na ang pantiyak ay kung mayroon ay pariralang pang-‐‑abay, at layong pariralang pantakda, halimbawa, masarap kumain ng papaet, na dito ang ulo ay kain, ang panturing ay masarap at ang layon ay papaet.
KATAWAGAN 27
27
pariralang pang-‐‑abay : adverbial phrase. Parirala na ang ulo ay isang pang-‐‑abay, na ang pantiyak kung mayroon ay isa ring pariralang pang-‐‑abay, at ang layon kung mayroon ay isang pariralang pantakda. Sa pariralang pang-‐‑abay na talagang mahusay (maglangoy) kaysa kay Ben, ulo ay ang pang-‐‑abay na mahusay, pantiyak ang talagang, at layon ang kay Ben; tumatayong pantiyak ang parirala ng pandiwang langoy. Ang pariralang pang-‐‑abay ay tumatayong pantiyak ng
pariralang pang-‐‑ukol : prepositional phrase (PP). Parirala na ang ulo ay isang pang-‐‑ukol, na ang pantiyak kung mayroon ay isang pariralang pang-‐‑abay, at may obligadong layon na pariralang pantakda. Sa pariralang pang-‐‑ukol na talagang para sa kanya, ulo ang pang-‐‑ukol na para, pantiyak ang pariralang pang-‐‑abay na talaga, at layon ang pariralang pantakdang sa kanya. Nagsisilbing oblikong parirala ng pandiwa ang pariralang pang-‐‑ukol (halimbawa, bumili para sa kanya), at panaguri ng pangungusap (halimbawa, Para sa kanya ang regalo).
pariralang pang-‐‑uri : adjective phrase (AP). Parirala na ang ulo ay isang ugat na pang-‐‑uri, na ang pantiyak kung mayroon ay isang pariralang pang-‐‑abay, at ang layon kung mayroon ay isang pariralang pantakda. Sa pariralang pang-‐‑uri na masyadong (ma)bait sa asawa, ulo ang bait, pantiyak ang masyado, at kaganapan ang sa asawa.
pariralang pangkagamitan : instrumental phrase. Ang parirala na ginamit sa pagsasagawa ng aksyon, na ang kategorya ay pariralang pantakda, halimbawa, ang ginuhitang sangkap sa Pumutol si Ampi na kawayan sa pamamagitan ng gulok. Nakakatayong simunong aplikatibo ang kagamitan, halimbawa, Ipinangputol ni Ampi ang gulok ng kawayan, o Ipinutol ni Ampi ang gulok ng kawayan.
pariralang pangkaganapan : complementizer phrase (CP). Parirala na ang ulo ay isang pangganap (C), at ang layon o kaganapan ay pariralang impleksyon (IP), halimbawa, [CP [C na [IP tumungga ng tuba si Beto]]]. Hinati ang CP sa apat na parirala : pariralang puwersa (ForceP), pariralang pangtampok (FocusP), pariralang pangpaksa (TopicP), at pariralang panghanggahan (FiniteP).
pariralang pangkayarian : functional phrase. Pariralang nagdadala ng pangkayariang tungkulin sa halip na kahulugang semantiko, halimbawa, ang mga pariralang Tinig at Panahon sa pandiwa, ang pariralang kabilangang NbrP na tumuturing sa pangngalan.
pariralang pangmay-‐‑ari : possessive phrase. Pariralang tumatayong kaganapan ng pariralang pangngalan, halimbawa, ni Ben sa libro ni Ben.
pariralang pangngalan : noun phrase. Ang pariralang pangngalan (NP) ay may ulong pangngalan (N), at tumatanggap ng kaganapang pariralang pangtukoy (DP), at panturing o pantiyak na pariralang pang-‐‑uri (AP) o pariralang pang-‐‑abay (AdvP). Nagsisilbing layon ng pantakda ang pariralang pangngalan.
pariralang pangnilalaman : substantive phrase. Uri ng parirala na ang ulo ay may dalang semantikong kahulugan at leksikal na katangian (hal., kung kailangan nito ang layon
28 SINTAKS NG FILIPINO
o hindi). Kabilang dito ang mga salitang pangngalan, ugat ng pandiwa at ng pang-‐‑uri, pang-‐‑abay, pantakda, pang-‐‑ukol, at pangtukoy.
pariralang pantakda : determiner phrase (DP). Ang pariralang pantakda ay isang kayarian na pinangunguluhan ng isang pantakda (D), na maaaring may layon (kaganapan) at panturing (pantiyak). Sa pariralang talagang silang mga Novo-‐‑Ecijano, ang ulo ay sila, ang pantiyak ay talaga, at ang layon ay mga Novo-‐‑Ecijano. pariralang pantukoy : determiner phrase. Parirala na ang ulo ay isang pantukoy (hal., ang, ng, ni, sa). Sa pariralang ni Ben, ang ulo ng parirala ay ang ni na isang pantukoy. Ang pariralang pantukoy ay isang uri ng pariralang pantakda na tinatawag din na determiner phrase.
pariralang paraan : mode phrase (ModeP). Parirala na ang ulo ay maliit na pandiwa sapagkat ang Paraan ay isang panlaping may pagka-‐‑leksikal. Halimbawa nito ay ang Nagpataba ang bantay. Taglay ng pandiwang nagpataba ang panlapi ng Paraang pasanhi : pa-‐‑.
pariralang puwersa : force phrase (ForceP). Parirala na ang ulo ay ang pangganap (na, kung, o hungkag) na nagtatakda ng puwersa ng pangungusap. Isa sa mga pariralang hinugot mula sa CP.
pariralang sabit : adjunct phrase. Parirala na nakikipag-‐‑ugnayan sa pandiwa sa pamamagitan ng pang-‐‑ukol, halimbawa, ang mga sangkap na initiman sa mga sumusunod : umiyak dahil sa lungkot, bumili para kay Ampi, tumawa hanggang sa sininok. Tng. pariralang pang-‐‑ukol.
pariralang tampok : focus phrase (FocusP). Pariralang bunga ng pagtampok. Isang parirala na inilipat sa unahan ng pangungusap para bigyan ng ibayong pansin, Si Ben ay uuwi bukas. Ang FocusP ay isa sa mga parirala na hinugot mula sa CP. Tng. pagtampok.
pariralang Tinig : voice phrase. Tng. pariralang impleksyon. pautos : command. Pangungusap na nagsasaad ng utos., halimbawa, Uminom pa kayo! pinulak na sugnay : elided clause. Ito ang nawawalang bahagi ng tanong na kinakaltas sa
proseso ng pagpulak. Sa pangungusap na Gusto ni Ben ng alak, pero hindi ko alam kung [anong alak ang gusto ni Ben] ang ginuhitang sangkap ang pinulak na sugnay.
pronominalisasyon : pronominalization. Ang paghalili ng isang panghalip sa isang pangngalan na may antesedente na nasa ibang sugnay (o pariralang pantakda). Sa pangungusap na Narinig ng bantay [na ibinili siya (= bantay) ng basi ni Ampi], ang panghalip na siya ay pumalit sa pangngalang bantay, na kareperensya ng bantay sa mataas na sugnay.
putol na sugnay : truncated clause. Sa mga putol na sugnay, ang naiiwan ay ang panaguri o bahagi ng panaguri. Halimbawa, sa tanong na Sino ang bida?, ang sagot na Si Erap ay isang putol na sugnay, na mahihinuhang galing sa Si Erap ang bida. Maraming sugnay ang binubuo ng panaguri lang o bahagi ng panaguri. Ang mga tinapyas na bahagi ay nililinaw ng diskurso.
KATAWAGAN 29
29
puwersa : illocutionary force. Ang puwersa ay nagbabadya ng uri ng pangungusap : paturol, patanong, padamdam, pautos, pasubali, at mga katulad. Ang pangganap ang nagdadala ng puwersa.
rekarsibong kakanyahan ng wika : recursive property of language. Tumutukoy sa kakayahan ng wika na magpalawak ng kayarian sa pamamagitan ng pagpapatong-‐‑patong ng mga kayarian. Isinasagawa ang ganitong pagpapatong-‐‑patong sa pamamagitan ng pagpaloob ng kategoryang pangsintaktika (halimbawa, CP, AP, VP, atbp.) sa depinisyon ng nasabing kategoryang pangsintaktika. Isang karaniwang halimbawa ang depnisyon ng sugnay : “Ang sugnay ay binubuo ng panaguri at simuno na alin man ay maari ring sugnay …”
relatibilisasyon : relativization. Isang paraan ng pagpaloob ng sugnay. Ang kayariang relatibisasyon ay binubuo ng isang pangngalan at isang sugnay na panloob na tumuturing sa pangngalan. Tinatawag na sugnay na relatibo ang nakapaloob na sugnay, at ulo ng sugnay na relatibo ang pangngalanin na kinakabitan ng sugnay. Ikinakabit ang sugnay sa ulo sa pamamagitan ng isang partikulong pangganap – ang pangganap na na. Sa Inantok ang bantay na uminom ng basi, ang na uminom ng basi ang relatibong sugnay at ang bantay ang ulo nito.
relatibisasyon : relativization. Isang paraan o kayarian na nagsasabit ng sugnay sa isang pangngalan para tumayong panturing ng pangngalan, halimbawa, sa libro [na sinulat ni Ben] ang sugnay na na sinulat ni Ben ang libro ay panturing ng libro.
relatibong sugnay : relative clause. Sugnay na tumuturing sa isang pangngalan, halimbawa, ang sugnay na na bumili ng basi sa ang bantay na bumili ng basi.
relatibong sugnay na pugot ang ulo : headless relative clause. Relatibong sugnay na hindi kakikitaan ng ulong salita, halimbawa, ang [bumili ng basi]. Ihambing sa karaniwang relatibong sugnay na may ulo : ang taong [bumili ng basi] na ang tao ay nagsisilbing ulo ng sugnay na panloob.
reperensya : reference. May reperensya ang pangngalan kung ito ay may partikular at natatanging kinakatawan tulad ng pangngalang sundalo sa Dumating ang sundalo na tumutukoy sa isang partikular na tao.
repleksibisasyon : reflexivization. Sa isang sugnay na may dalawang pangngalanin na magkapareho ng reperensya, ang isa sa mga pangngalanin ay pinapalitan ng panghalip na repleksibo. Sa pangungusap na Hangang-‐‑hanga ang bantay sa bantay, kung ang dalawang instansya ng bantay ay tumutukoy sa isang tao, ang isa sa kanila ay pinapalitan ng panghalip na repleksibo, kaya : Hangang-‐‑hanga ang bantay sa kaniyang sarili.
repleksibo : reflexive. Ang repleksibo ay isang panghalip na paari (niya, iyo, atin, inyo, kaniya, kanila) na sinasamahan ng salitang sarili, halimbawa, sarili niya, kaniyang sarili
sabit-‐‑tanong : adjunct question. Kayariang ang tinatanong ay ang sabit na parirala. Ang sabit parirala ay pariralang pang-‐‑ukol o pariralang pantukoy na ang pantukoy ay sa,
30 SINTAKS NG FILIPINO
kay, kina. Inililipat sa kaliwa ng pangungusap ang sabit na parirala, at doon, pinapalitan ng salitang pantanong na paano, saan, kailan, bakit, kangino, ilan, alin, magkano ang pangngalaning tinatanong. Halimbawa, Kailan bibili si Ben ng basi? Para kangino binili ni Ben ang basi?
salitang karurukan : Mga salitang nagpapahayag ng kasidhian ng pang-‐‑uri (tulad ng ubod, hari, reyna, nuno, atbp.) na sinusundan ng ugat na pang-‐‑uri, halimbawa, nuno ng sipag.
salitang pangkayarian : function word. Salitang nagdadala ng pangkayariang tungkulin, halimbawa, ang, mga, sa, at. Tng salitang pangnilalaman.
salitang pangnilalaman : substantive word. Salitang may leksikal na kahulugan, halimbawa, bata, matanda, dalaga, binata. Tng salitang pangkayarian.
salitang pangtaliwas : negator. Salitang naghahayag ng kataliwasan, tulad ng hindi (pagsalungat) at huwag (pagbawal).
salitang pantanong : question word. Ang mga pantanong na ano, sino, bakit, kailan, saan, paano, ilan, alin, at gaano.
sangahan : tree diagram. Ginagamit para ilarawan ang balangkas ng isang kayarian, ang sangahan ay binubuo ng mga tangkay at buko. Bawa’t buko ng sangahan ay isang pangsintaktikang kategorya (NP, N, VP, P), liban sa mga dulong buko, na tinatayuan ng mga salita o panglapi (ang, ni, bata, -‐‑um-‐‑). Mula sa sangahan, mababasa ang ugnayang pangbalangkas ng mga sangkap.
sangkap : constituent. Mga salitang leksikal o makahulugan (hal. bili, kain) at mga salita o bahagi ng salita na pangkayarian, tulad ng mga panlapi (hal., -‐‑um-‐‑, mag-‐‑, -‐‑in) at mga partikulo (hal., ba, nga, ni).
sangkap-‐‑tanong : wh-‐‑question. Tanong na humihingi ng paglinaw o pagtiyak sa isang sangkap ng pangungusap. Ang sangkap na tinatanong ay inirerepresenta ng mga salitang pangtanong (sino, ano, kailan, bakit, paano, atbp.) na tumatayo sa kaliwa ng pandiwa. Halimbawa, Ano (ba) ang binili mo?
saradong kategoryang pangbalangkas : Closed sintactic category. Ang saradong kategoryang pangbalangkas, tulad ng pang-‐‑ukol at pangtukoy, ay hindi madaling nadaragdagan ng miyembro. Iparis ang kategoryang pangtukoy (halimbawa, ang, ng, sa) sa kategoryang pangngalan, na isang bukas na kategorya “open category” na madaling tumanggap ng bagong salita.
simuno : subject. Sa tradisyunal na balarila, ang parirala na pinangungunahan ng pantukoy na si (si Ben), ang (ang dalaga), o sina (sina Ben), o ng mga panturong ire (ireng pansit), iyan (iyang baso), iyon (iyong tao,), ito (itong sundalo). Ang simuno ay isa sa mga ubod-‐‑argumento ng pandiwa.
simuno : subject. Sa tradisyunal na balarila, ang sangkap ng pangungusap na minamarkahan ng mga pantukoy na ang/si/sina, halimbawa, si Ben sa Bumili si Ben ng basi. Sa kayariang tumbasan “equational construction”, halimbawa, Ang basi ang binili ni Ben, walang pagkakasundo kung alin ang simuno.
KATAWAGAN 31
31
simuno-‐‑tanong : subject question. Ang simuno-‐‑tanong ay nagtatanong sa simuno, halimbawa, Sino ang bumili ng basi?, Ano ang binili ni Ben?
simunong reserbasyonal : reservational subject. Simuno ng pandiwang banghay sa reserbasyonal, na anyo, halimbawa, ang barong sa Ipinagkasal ni Ben ang barong. Ang reserbasyonal na panlapi ng pandiwa ay ipang-‐‑ (na panlapi rin ng Tinig kagamitan “instrumental”).
sugnay : clause. Ang sugnay ay isang parirala na sa karaniwang anyo ay may pantiyak na siyang tumatayong simuno. Halimbawa, ang Ipinadala ang pansit ay isang sugnay, na ang pantiyak na ang pansit ay tumatayong simuno. Ihambing sa pariralang VP nagpadala ng pansit, na walang simuno kung kaya’t hindi sugnay.
sugnay na adberbyal : adverb(ial) clause.Tng. sugnay na pang-‐‑abay. sugnay na kasidhian : intensive clause. Sugnay na ang panaguri ay isang pariralang
pang-‐‑uri na nasa kasidhiang anyo, halimbawa, napakabilis. Sapagka’t walang panlaping pangpang-‐‑uring ma-‐‑ ang pang-‐‑uri, hindi ito humihiling ng simuno, halimbawa, Napakabilis ni Ben, sa halip na *Napakabilis si Ben.
sugnay na kasukdulan : superlative sentence. Sugnay na ang panaguri ay isang pariralang pang-‐‑uri na nasa kasukdulang anyo, halimbawa, pinakamabilis. Sapagka’t may panlaping pangpang-‐‑uring ma-‐‑ ang pang-‐‑uri, nangangailangan ito ng simuno, halimbawa, Pinakamabilis si Ben.
sugnay na katatapos : recent perfective clause. Sugnay na ang pandiwa ay banghay sa panlaping ka-‐‑ + CVr, halimbawa kabibili. Sapagka’t walang panlaping Tinig, ang pandiwa ay hindi nangangailangan ng simuno, halimbawa, Kabibili ni Ben ng pansit.
sugnay na pandiwain : verbal clause. Sugnay na ang panaguri ay isang pariralang pandiwain. Sa sugnay na pandiwain, ang panlaping Tinig ang humihingi ng simuno.
sugnay na pang-‐‑abay : adverbial clause. Sugnay na pumapaloob sa paraan ng adberbyalisasyon. Tulad ng simpleng pang-‐‑abay, ang sugnay na adberbyal ay karaniwang tumuturing sa pandiwa, pang-‐‑uri, at pang-‐‑abay. Sa Tinungga ni Ben habang nananalangin ang lambanog, ang ginuhitang sangkap ay sugnay na pang-‐‑abay na tumuturing sa pandiwang tinungga.
sugnay na pangmayroon : existential clause. Sugnay na ang panaguri ay isang pariralang pangmayroon pinangungunahan ng salitang may. Ang kayarian ay nagsasaad ng pagkakaroon : May giyera, o pag-‐‑aaari : May pera si Ben, o lunan, May kubo sa bukid.
sugnay na pangngalanin : nominal clause. Sugnay na hinalaw mula sa isang sugnay sa paraan ng nominalisasyon, na ang sugnay ay nanunungkulan bilang isang pangngalan. Sa ang pagbili ni Ben ng basi, ang ginuhitang sangkap ay halaw mula sa Binili ni Ben ang basi, at tumatayo itong kaganapan ng pantakdang ang.
sugnay na relatibisado : relative clause. Tawag sa sugnay na nagdaan relatibisasyon. Sa relatibisasyon Nasunog ang bahay na nakatayo sa libis, ang sugnay na nakapaloob
32 SINTAKS NG FILIPINO
(nakatayo sa libis), na tinatawag na sugnay na relatibisado ay tumuturing sa isang pangngalan (bahay) na bahagi ng mataas na pangungusap (Nasunog ang bahay)
sugnay na sinasabitan : host clause. Sugnay na kinapapalooban o tumatangkilik sa isa pang sugnay. Sa Narinig ni Ben ang balita na tumungga si Tess ng tuba, ang ginuhitang sangkap ang sugnay na sinasabitan.
sukdulan, kasukdulan : superlative. Ang panlaping pinaka-‐‑ ay naghahayag ng kasukdulan ng katangian.
sunurang batayan ng mga sangkap : canonical order of constituents. Ang natural o batayan na ayos ng mga sangkap sa isang wika. Sa Filipino, ang sunurang batayan ay ulo-‐‑pantiyak-‐‑kaganapan : BumiliHEAD si BenSPEC ng basiOBJ
sunurang pandiwa : serial verb. Isa pang kayarian na kakikitaan ng mahigit na isang panaguri. Ito ay balangkas na nagtataglay ng magka(ka)sunod na mga pandiwa, hal., Nagsimulang sumulat si Ben kay Ampi. Maaaring suriin ito na binubuo ng dalawang sugnay : Nagsimula si Ben at Sumulat si Ben kay Ampi.
tagapagpakilala ng sugnay : clause introducer. Salita o parirala na naglulunsad ng isang sugnay, halimbawa, ang gayon man, sa Gayon man, mabuting tao pa rin siya.
tahasang tanong : direct question. Tanong na inihahain sa kausap, na sa karaniwang diskurso ay inaasahang magbibigay ng sagot.
takda-‐‑tanong : tag question. Isa pang uri ng kompirmasyon-‐‑tanong, na dito ang kayariang deklaratibong pangungusap ay kinakabitan ng isang takda-‐‑tanong na hindi ba, hal., Bumili si Ben ng basi, hindi ba?
tinig : voice. Isang bahaging pangkayariang ng salitang pandiwa na naghuhudyat ng gampanin ng simuno. May tatlong anyong Tinig : tagagawa, na ipinahahayag ng mga panlaping mag-‐‑/-‐‑um-‐‑, pasyente ng mga panlaping i-‐‑/-‐‑in, at aplikatibo ng mga panlaping i-‐‑/-‐‑an. Sa halawan, ang Tinig, na binibigyan ng markang I (mula sa “Inflection”), ang ulo ng sugnay. Tng katransitibuhan, intransitibo, transitibo, aplikatibo.
transitibo : transitive. Tumutukoy sa kayarian na ang pandiwa ay tumatanggap ng dalawang ubod-‐‑argumento: simuno at kaganapan, halimbawa, Binili ni Ben ang pansit, na ang dalawang kaganapan ay ang ergatibong ni Ben at ang simuno-‐‑layong ang pansit. Tumutukoy din sa uri ng ganitong pandiwa, sa panlapi ng ganitong pandiwa, at sa uri ng pangungusap. Tng katransitibuhan, intransitibo, doble-‐‑transitibo.
tugunang pandiwa, sagutang pandiwa : reciprocal verb. Banghay sa pandiwa (mag…an) na naghahayag na ang mga tagagawang kasangkot sa aksyon ay ginaganap ang aksyon sa isa’t isa, halimbawa, Nagsuntukan sina Ben, Nagsalpukan ang mga alon.
tuwirang sipi : direct quote. Pangungusap o bahagi ng pangungusap na sa pagsulat ay ikinukulong ng mga panipi, halimbawa, ang ginuhitang sangkap sa “Ang bait ni Ben,” bulong ni Maya.
KATAWAGAN 33
33
ubod-‐‑argumento, panloob na argumento : core-‐‑argument, internal argument. Isang pangalanin na tuwirang binibigyan ng gampaning tematiko “thematic role” ng pandiwa. Sa pangungusap na Binili ng bantay ang basi para sa Inang, ang tagagawang bantay at ang pasyente na basi ang mga ubod-‐‑argumento ng ulong pandiwang binilli. Ihambing sa panlabas na argumentong para sa Inang, na ang nagbibigay ng gampaning laanan sa Inang ay ang pang-‐‑ukol na para. Ang ubod-‐‑argumento ay minamarkahan ng partikulong ng (at madalas din ng sa) kung hindi simuno, o ng ang/si kung simuno.
ugat, salitang ugat : root. Ang bahagi ng salita na nagdadala ng ‘nilalaman’ o kahulugan ng partikular na salita, halimbawa, bili, kuha, at kain.
ugnayang pangbalangkas : syntactic relation. Ugnayan ng mga sangkap ng isang parirala. May tatlong ugnayan : ulo-‐‑ng, pantiyak-‐‑ng, layon-‐‑ng. Sa pariralang mabilis uminom ng basi, ang (um)inom ay ulo, ang basi ay layon, at ang mabilis ay pantiyak.
ulilang pantakda :. Pantakda na maaring gamitin na walang layon at panturing, halimbawa, ang mga panghalip na panao (ikaw, ako), panturo (ito, iyon), pamilang (isa, dalawa).
ulo (ng parirala) : (phrase) head . Sangkap ng parirala na nagtatakda ng anyo at gawi ng parirala.
ulo ng sugnay na relatibo : head of the relative clause. Pangngalanin na kinakabitan at tinuturingan ng relatibisadong sugnay. Sa ang sundalo na nagpaputok ng baril, ang sundalo ang ulo at ang na nagpaputok ng baril ang sugnay na relatibo.
34
SANGGUNIAN Billings, L. 2005. Ordering clitics and postverbal R-‐‑expressions in Tagalog: a unified
analysis? In A.Carnie, S.D. Collberg, & H. Harley (eds.), Verb First: Papers on the Syntax of Verb Initial Languages. Amsterdam/Philadelphia: John Benjamins Publishing. 303–339
Blake, Frank R. 1925. A Grammar of the Tagalog Language. New Haven: American Oriental Society. http://name.umdl.umich.edu/AGY9509.0001.001
Blake, Frank. 1906. Expression of case by the verb in Tagalog. Journal of the American Oriental Society 27, 183-‐‑189.
Blake, Frank. 1916. The Tagalog verb. Journal of the American Oriental Society. 36. 396-‐‑414
Bloomfield, Leonard, 1917 [Johnson Reprint: 196711*. Tagalog Texts with Grammatical Analysis.Urbana, IL: University of Illinois Press.
Capell, Arthur. 1964. Verbal systems in Philippine languages. Philippine Journal of Science 93:231-‐‑249.
Cena, Resty M. & Ricardo Ma. D. Nolasco. 2011. Gramatikang Filipino: Balangkasan. UP Press, Quezon City.
Constantino, Ernesto A. 1970. The deep structure of Philippine languages. The Archive 1: 65-‐‑79. Quezon City: Department of Oriental Languages and Linguistics. University of the Philippines.
Cruz, Emilita L. 1975. A Subcategorization of Tagalog Verbs. Quezon City: University of the Philippines (= The Archive Special Monograph No.2).
de Guzman, Videa P. 1996. Lexical categories in Tagalog. In Pan-‐‑Asiatic Linguistics: Procedings of the Fourth International Symposium on Languages and Linguistics, vol. 1. 307-‐‑96. Mahidol University
de Guzman, Videa P. 1978. Syntactic Derivation of Tagalog Verbs. Oceanic Linguistics Special Publication no. 16. Honolulu: University of Hawaii Press.
de Guzman, Videa P. 1997. Verbal affixes in Tagalog: inflection or derivation?. In: Odé, Cecilia & Wim Stokhof (eds.), Proceedings of the Seventh International Conference on Austronesian Linguistics, 303-‐‑325. Amsterdam: Rodopi.
de Guzman, Videa P. 1999, On the ng-‐‑agent and the ng-‐‑patient in Tagalog. Lecture Series: Ergativity in Philippine languages. Diliman: University of the Philippines.
Dell, François. 1983-‐‑84. An aspectual distinction in Tagalog. Oceanic Linguistics 22-‐‑23: 175-‐‑206.
Demond, Henry S. V. D. 1935. Elements of Tagalog Grammar. Manila: Catholic Trade School. http://name.umdl.umich.edu/AQJ7883.0001.001
Gil, David. 1993. Tagalog semantics. Berkeley Linguistic Studies 19:390–403. Gonzales-‐‑Garcia, Lydia. 1999. Makabagong Balarilang Pilipino. Binagong edisyon.
Maynila: REX Bookstore.
KATAWAGAN 35
35
Himmelmann, Nikolaus P. 1999. The lack of zero anaphora and incipient person marking in Tagalog. Oceanic Linguistics, Volume 38, no. 2 (December 1999)
Hirano, Takanori .2005. Subject and topic in Tagalog. Paper presented at Taiwan-‐‑Japan Joint Workshop on Austronesian Languages. Taipei: National Taiwan University.
Katagiri, Masumi. 2006. Topichood of the Philippine topic. Revised version of a paper presented at the 10th ICAL, Puerto Princesa, Philippines.
Kaufman, Daniel. in progress. Aspect, individuation and lexical category in Tagalog. ms. Cornell University
Kroeger, Paul. 1998. Clitics and clause structure in Tagalog. In Pagtanaw: Essays on Language in Honor of Teodoro A. Llamzon, ed. by Ma. Lourdes S. Bautista. Manila: Linguistic Society of the Philippines.
Latrouite, Anja & Ralf Naumann. 1999. On the interpretation of Tagalog voice affixes. Proceedings of AFLA 6 Conference. University of Toronto.
Lendoyro, Constantino. 1909. The Tagalog Language. Manila: J. Fajardo. http://name.umdl. umich.edu/AAX2353.0001.001
Llamzon (S.J.), Teodoro A. et al. 1974. Makabagong Balarila ng Wikang Tagalog. Quezon City: Ateneo de Manila Press.
Llamzon, Teodoro A. (1976) Modern Tagalog: A functional-‐‑structural Description, The Hague: Mouton.
Lopez, Cecilio. 1937. Preliminary study of affixes in Tagalog. In Selected Writings of Cecilio Lopez in Philippine Linguistics, 1977, ed. by Ernesto Constantino. Quezon City: University of the Philippines.
MacKinlay, William E. W. 1905. A Handbook and Grammar of the Tagalog Language. U.S. War Department, Washington. http://name.umdl.umich.edu/ABS5202.0001.001
Paglinawan, Mamerto. 1910. Balarilang Tagalog. Maynila: Limbagang Magiting ni Honorio Lopez. http://name.umdl.umich.edu/ACA0770.0001.001
Maclachlan, Anna. 1989. The morphosyntax of Tagalog verbs: the inflectional system and its interaction with derivational morphology. In McGill Working Papers in Linguistics 6: 65-‐‑84, ed. by Benjamin Shaer.
McFarland, Curtis D. 1976. A Provisional Classification of Tagalog Verbs. Tokyo: Institute for the Study of Languages and Cultures of Asia and Africa.
McKaughan, Howard P. 1973. Subject versus topic. In Parangal kay Cecilio Lopez, ed. by Andrew B. Gonzalez, 206-‐‑213. Quezon City: Linguistic Society of the Philippines.
Mercado, Raphael. Focus constructions and WH-‐‑questions in Tagalog: a unified analysis. Toronto Working Papers in Linguistics 23.1: 95-‐‑118
Nagaya, Naonori. 2004. Depictive construction and grammatical relations in Tagalog. Tokyo University Linguistic Papers (TULIP) 23 (2004) 119-‐‑150.
Nagaya, Naonori. 2006. Preferred referential expressions in Tagalog. Tokyo University Linguistic Papers (TULIP) 25 (2006) 83-‐‑106
Nakamura, Masanori. 2000. On raising in Tagalog. Lingua 110, 391–408. Naylor, Paz B. 1995. Subject, topic, and Tagalog syntax. In Subject, Voice and Ergativity,
36 SINTAKS NG FILIPINO
ed. by David Benett, Theodora Bynon, and George B. Hewitt, 161–201. London: School of Oriental and African Studies.
Naylor, Paz B. 2005. On the stative predicate: Tagalog “existentials” revisited. In Hsiu-‐‑chuan Liao and Carl R. Galvez Rubino (eds.), Current Issues in Philippine Linguistics and Anthropology, 419-‐‑435. Manila: Linguistic Society of the Philippines and SIL.
Nolasco, Ricardo Ma. 2003. Ang Pagkatransitibo at Ikinaergatibo ng mga Wikang Pilipino: Isang Pagsusuri sa Sistemang Bose [Transitivity and Ergativity in Philippine Languages: An Analysis of Voice Systems]. Ph.D. dissertation, UP: Diliman.
Nuger, Justin. 2004. Case/Possessive homophony in Tagalog and its implication for scrambling. 2nd Annual Harvard Undergraduate Linguistics Consortium.
Pittmann, Richard. 1966. ‘Tagalog -‐‑um-‐‑ and mag-‐‑. An Interim Report’ . Papers in Philippine Linguistics 1:9-‐‑20 Canberra: Pacific Linguistics, Series A8
Potet, Jean-‐‑Paul G. 1991. An adverbial-‐‑to-‐‑verbal morpheme transfer in classical Tagalog. Lingua 86 (1992) 146.
Rackowski, Andrea and Norvin Richards. 2005. Phase edge and extraction: A Tagalog case study. Linguistic Inquiry 36(4):565-‐‑599.
Rackowski, Andrea. 2002. Subject and specificity: the case of Tagalog. In The Proceedings of NELS 32, ed. by Mako Hirotani, Amherst: GLSA.
Rackowski, Andrea. 2002. The case of voice in Tagalog. In Proceedings of AFLA 9: Cornell University.
Ramos, Teresita V. 1974. The Case System of Tagalog Verbs. Canberra: Dept. of Linguistics, Research School of Pacific Studies, Australian National University.
Ramos, Teresita V. 1971. Tagalog Structures, Honululu: Univ. Press of Hawaii. Ramos, Teresita V. 1975. The role of verbal features in the subcategorization of
Tagalog verbs. Philippine Journal of Linguistics 6:1-‐‑24. Reid, Lawrence A. 2002. Determiners, nouns or what? Problems in the analysis of
some commonly occurring forms in Philippine languages. Oceanic Linguistics 41.2:295-‐‑309.
Richards, Norvin. 1996. Syntax versus semantics in Tagalog wh-‐‑movement. In UCLA Occasional Papers in Linguistics 21: Recent Papers in Austronesian Linguistics, 259-‐‑257, ed. by M. Pearson.
Richards, Norvin. 2005. The agreement sequence for successive-‐‑cyclic movement in Tagalog and English. Mayfest 2005: Wh-‐‑fest; University of Maryland.
Rizal, Jose P. 1893. Mga pag-‐‑aaral ukol sa wikang Tagalog. Translated from “Estudios Sobre la Lengua Tagala”, Cecilio Lopez. Daluyan, Tomo VIII, Bilang 3, 1997.
Ross, John. 1967. Constraiants on Variables in Syntax. Ph.D dissertation. Mass.: MIT. Rubino, Carl R. G. 1998. The morphological realization and production of a
nonprototypical morpheme: the Tagalog derivational clitic. Linguistics 36:1147–1166.
Santiago, Alfonso O. & Norma G. Tiangco. 2003. Makabagong Balarilang Filipino. Binagong edisyon. Maynila: Rex Bookstore Inc.
Santos, Lope K. 1939. Balarila ng Wikang Pambansa. Ikalawang pagkapalimbag (1944), Manila: Surian ng Wikang Pambansa.
KATAWAGAN 37
37
Sabbagh, Joseph. 2006. The syntax of existential sentences in Tagalog. ms. McGill University.
Saclot, Maureen Joy. 2004. On the Transitivity of the Actor Focus and Patient Focus Constructions in Tagalog. MA thesis. University of the Philippines, Los Banos.
Schachter, Paul. 1973. Constraints on clitic order in Tagalog. In Parangay kay Cecilio Lopez: Essays in Honor of Cecilio Lopez on His Seventy-‐‑fifth Birthday, ed. by Andrew B. Gonzalez, F.S.C., 214-‐‑231. Quezon City: Linguistic Society of the Philippines.
Schachter, Paul & Fe T. Otanes. 1972. Tagalog Reference Grammar, Los Angeles, California: UCLA Press.
Sityar, Emily. M. 1989. Pronominal Clitics in Tagalog. M.A. thesis, UCLA. Wolfenden, E.P. 1961. A Restatement of Tagalog Grammar. Manila: Summer Institute of
Linguistics and the Institute of National Language.
38
INDEKS