23
Hulwaran ng Tekstong Ekspositori IKA-2 SEMESTRE, AY 2014-2015 G. MAR ANTHONY SIMON DELA CRUZ

4 - Tekstong Ekspositori

Embed Size (px)

DESCRIPTION

4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori4 - Tekstong Ekspositori

Citation preview

Page 1: 4 - Tekstong Ekspositori

Hulwaran ng Tekstong Ekspositori

IKA-2 SEMESTRE, AY 2014-2015

G. MAR ANTHONY SIMON DELA CRUZ

Page 2: 4 - Tekstong Ekspositori

Tekstong Ekspositori

Anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at maglahad ng ideya, konsepto, karanasan, at iba pa sa isang maayos na paraan.

Nabibigyan tayo ng pagkakataong makatuklas ng mga ideya o kaisipang makapaghahatid sa atin ng kalinawan o kasiyahan sa paksang pinag-uusapan. 

Page 3: 4 - Tekstong Ekspositori

Hulwaran ng Tekstong Ekspositori

Hulwaran - mga sisidlan, mga patern para sa paglalahad

Maaaring:1. Depinisyon2. Enumerasyon/Pag-iisa-isa3. Pagkakasunod-sunod4. Paghahambing at Pagtatambis5. Sanhi at Bunga6. Kalakasan at Kahinaan7. Problema at Solusyon

Page 4: 4 - Tekstong Ekspositori

1. Pagbibigay ng Depinisyon/Kahulugan

Ilang paraan ng pagbibigay-katuturan:

- Pormal na depinisyon (ayon sa antas, uri, atbp.)

- Sinonimo o kasingkahulugan- Paghahalimbawa/Pag-iisa-isa- Etimolohiya- Pagwawangis

Page 5: 4 - Tekstong Ekspositori

Depinisyon

Karaniwang nahahati sa tatlong bahagi: (1) ang termino o salitang binibigyan ng kahulugan; (2) ang uri, class o specie kung saan kabilang ang termino; at (3) mga natatanging katangian nito. Hal:

Ang babae (salitang nais bigyan ng kahulugan) ay isang uri ng tao (kaurian/klasipikasyon) na may kapasidad magsilang ng sanggol (kaibahan)

Ang mata ay bahagi ng katawan na ginagamit sa paningin.

Page 6: 4 - Tekstong Ekspositori

Anong paraan ng pagbibigay-kahulugan ang ginamit?

Jologs = Jol(ina’s) O(r)g?

Jolog. “Jol” (galing sa pangalan ng aktres) + “og” tulad ng mga panlaping –ite (Israelite) at –ian (Noranian)

Hulog. Mula sa mga grupong hip-hop na may maluluwang na kasuotan – mga pantalong “huhulug-hulog”. Eventually, ang “hulog” ay naging “julog” at naging “jolog”.

Jolog = Diyolog = Dilis + Tuyo + Itlog. Pagkain ng mga mahihirap. “Si Jun kumakain ng diyolog.” “Uy, diyolog, o.”

(Mula sa Jolography ni Paolo Manalo)

Page 7: 4 - Tekstong Ekspositori

Ang “tsismis” ay tinatawag ding alingasngas at bulung-bulungan.

Kapag sinabing Tomasino kaugnay niyan ang Salinggawi, tiger, dilaw at itim, España, baha!

Dalubhasa – Taong may natatanging kasanayan o kaalaman sa isang tanging larangan.

Ang taong galit sa mundo ay parang magasin, maraming isyu.

Anong paraan ng pagbibigay-kahulugan ang ginamit?

Page 8: 4 - Tekstong Ekspositori

2. Enumerasyon/Pag-iisa-isa

Estratehiyang naglalahad ng mga halimbawa na nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.

Nag-uuri/nagpapangkat sa malawak, kalat-kalat, buhaghag na mga datos; pangunahing elemento nito ang paglikha ng mga kategorya o mga batayan sa pag-uuri

Hal. Lahi, uri, kulay, kasarian, panahon, interes at iba pa.

Page 9: 4 - Tekstong Ekspositori

Isa-isahin mo nga!

Mga katangian ng isang “matuwid” na mamamayan.

Mga bagay na makikita sa loob ng opisina.

Mga popular na kurso sa UST batay sa dami ng mag-aaral.

Mga “kabaliwang” ginagawa ng isang taong bulag at hibang sa pag-ibig.

Page 10: 4 - Tekstong Ekspositori

3. Pagsusunod-sunod

Prosidyural (procedural): Paano nagaganap ang isang proseso mula simula hanggang wakas.

• una• at saka• pagkatapos• dagdag pa• bago ito• bukod pa rito• isa pa• sa huli

Page 11: 4 - Tekstong Ekspositori

Pa’no kung…

Mali-mali ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa:

Cook bookManual ng cellphone Solusyon sa MatematikaLab work sa KemistriPag-aplay ng make-up

Walang organisasyon ang pagtuturo ng guro?

Patalon-talon ang pagtalakay mo sa iyong sanaysay?

Page 12: 4 - Tekstong Ekspositori

Paki-ayos ang mga sumusunod:

1. Linising mabuti ang repolyo. Hiwain at itabi.

2. Idagdag ang bawang, sibuyas at kamatis. Igisa ang mga ito.

3. Timplahin ayon sa panlasa. Patayin ang apoy at ihain.

4. Idagdag sa sabaw ang hiniwang repolyo at haluin ng ilang minuto hanggang lumutong ang repolyo.

5. Idagdag ang hipon at isama sa gisa ng isang minuto.

6. Sa kawali, mag-init ng mantika. Ipirito ang hiniwang baboy mula 3 hanggang 5 minuto o hanggang mamula ito.

7. Ilagay ang 1 tasang sabaw ng gulay. Tikman.

Page 13: 4 - Tekstong Ekspositori

Kronolohiya -Pagkakasunod-sunod ayon sa panahon.

3. Pagsusunod-sunod

Aling mga pangyayari ang nauna o nahuli?

Pagtuon sa kasaysayan ng isang konsepto

noong una sunod samantalanghabang agad sa oras na iyonpagkatapos kasabay panghuli ‘di naglaonngayon hanggang sa

Page 14: 4 - Tekstong Ekspositori

4. Paghahambing at Pagtatambis

Nagtatanghal ng pagkakatulad /pagkakaiba ng pinapaksasa ibang konseptong kauri o konseptong madalas na naiiugnay rito.

subalit sa kabilang banda pero tulad ngdatapwat kasalungat samantalang kapareho ngngunit sa kabaligtaran sa kabilang dako

Page 15: 4 - Tekstong Ekspositori

Sige, ihambing mo nga.

Page 16: 4 - Tekstong Ekspositori

5. Sanhi at Bunga

Hulwarang nagpapakita ng mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang kaugnay na epekto nito.

kaya sa dahilang itoupang bilang resultadahil sa nagbunga ngsamakatwid kaya namanpara kung gayon

Page 17: 4 - Tekstong Ekspositori

Alam mo ba ang ang mga sanhi o bunga ng mga sumusunod?

Page 18: 4 - Tekstong Ekspositori

6. Kalakasan at Kahinaan

Hulwarang naglalahad ng positibo at negatibong posibilidad kaugnay ng isang bagay, sitwasyon, o pangyayari.

Page 19: 4 - Tekstong Ekspositori

‘Yong Totoo…

Ano-ano ang mga kalakasan at kahinaan ng mga mag-aaral ng parmasya sa UST relatibo sa mga mag-aaral ng parmasya sa ibang unibersidad sa Pilipinas?

Page 20: 4 - Tekstong Ekspositori

Mga Halimbawa ng Tekstong Ekspositori

1. Lagom-mas magaang pagpapahayag sa orihinal na akda; gaya ng:

a. halaw (abstrak) b. mga tala (notes) c. suring-basa (review) d. hawig (paraphrase) e. pagpapakahulugan o

(interpretation)

Page 21: 4 - Tekstong Ekspositori

2. Pamumuna (Kritisismo)3. Manwal4. Ulat5. Sanaysay6. Balita7. Editoryal

Mga Halimbawa ng Tekstong Ekspositori

Page 22: 4 - Tekstong Ekspositori

Ano ang Gamit ng mga Hulwaran?

Tulong sa pagtiyak sa pangunahing ideya ng isang talata o sanaysay

Tulong sa pagbabalangkas at paglalagom

Tulong sa paglinang o pagdebelop ng isang paksa

Naipaliliwanag ang kahulugan ng isang ideya at katuturan ng salita

Nalilinaw ang pagkilala sa isang bagay, tao o palagay

Tugon sa likas na pagkapalatanong ng tao.

Page 23: 4 - Tekstong Ekspositori

PANGKATANG GAWAIN