17
0 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Edukasyon sa Pagpapakatao Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________ Ikalawang Markahan - Modyul 1: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

  • Upload
    others

  • View
    36

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

0

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Edukasyon sa Pagpapakatao

Zest for Progress

Zeal of Partnership

10

Pangalan: ___________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Paaralan: ___________________________

Ikalawang Markahan - Modyul 1:

Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

Page 2: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

1

Ang modyul na ito ay inihanda para matugunan ang iba‘t ibang

paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang kahalagahan ng pagkukusa ng makataong kilos. Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay maaring

makatulong sa mga sitwasyong maaaring harapin ng mag-aaral sa kinabukasan. Kinikilala sa bawat sitwasyong ginamit ang iba‘t-ibang

kultura ng bawat mag-aaral na gagamit nito. Ang bawat aralin ay isinaayos ayon sa katangi-tanging paraan sa pagkatuto ng bata. Subalit ang mga

aralin ay maaring sagutin ayon sa ayos nito sa gamit na sangguniang aklat.

Pagkatapos mong pag-aralan at isagawa ang mga Gawain sa Modyul

na ito inaasahan na maipamamalas mo ang mga sumusunod:

5.1 Naipapaliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng

isip/kaalaman. (EsP 10MK-lla-5.2)

5.2 Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan. (EsP 10MK-llb-5.3)

Sa modyul 4, napag-usapan natin ang tungkol sa kahalagahan ng konsiyensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral na ito ay

nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos. Sa ating buhay, marami tayong mga nakakaharap na sitwasyon at natutugunan natin ang

mga ito ng ating mga kilos. At ang ating mga kilos minsan ay di natin lubos na namamalayan kung ano ang magiging epekto nito sa ating pagkatao at sa ating kapwa. Kaya kailangang nating maging isang mapanagutang

indibidwal.

Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong sariling karanasan.

1. Naranasan mo na bang nagpakita ng galit sa iyong kaibigan dahil lamang sa mis-understanding? Sa palagay mo may pananagutan ka

ba sa iyong ginawa? Bakit?

2. Paano mo naituwid ang iyong kamalian? Ipaliwanag.

ALAMIN

BALIKAN

Page 3: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

2

Gawain 2:

Panuto: Kinakailangan ay may gadget (cell phone, tablet o laptop) o diyaryo o anumang artikulo tungkol sa mga naganap na pangyayari sa ating bansa

tulad ng bomba sa Jolo, Sulu. Suriin ang balita kung ang mga kilos na ipinakita ng tauhan ay mapanagutan o hindi. Pagkatapos sagutin ang mga

tanong sa ibaba.

Sagutin ang sumusunod:

1. Ipaliwanag ang ipinakitang sitwasyon?

2. Dapat ba talagang managot ang may gawa ng kilos? Bakit?

3. Batay sa pangyayari o sitwasyon na inilahad, ano ang maaring

ipataw, pabuya, o kaparusahan? Ipaliwanag.

Gawain 3:Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Isulat sa iyong

kuwaderno ang iyong mga sagot.

TUKLASIN

Si Mr. Justo Perfecto ay isang magaling at istriktong Math teacher. Maraming

mag-aaral ang bumagsak sa kanya. Isa sa kaniyang mabait na estudyante

ang seryosong nakiusap sa kaniya na bigyan siya kahit man lang lowest

passing grade dahil kapag bumagsak siya pagagalitan at sasaktan siya ng

kanyang tatay. Ngunit sa computation ni Mr. Perfecto hindi siya nakapasa. At

iyon ang grado na binigay niya sa bata, hindi niya dinagdagan para makapasa.

Nung nakita ng bata ang kanyang grado, nakiusap siya kay Mr. Perfecto pero

hindi siya pinagbigyan at pinagalitan pa at minura, hindi siya umuwi ng bahay

sumama sa barkada nag-joy ride at naaksidente.

Tanong: Mapapanagot ba si Mr. Perfecto sa kaniyang ginawa? Bakit?

Sitwasyon

1

Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos

kung nagmumula ito sa kalooban na malayang

isinagawa sa pamamagitan ng isip o kaalaman at

natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan.

Page 4: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

3

Mga Tanong:

1. Ano ang iyong reaksiyon sa mga sitwasyon?

2. Kung ikaw si Mr. Justo Perfecto susundin mo ba ang bulong ng iyong

isipan na nararapat lang ibigay sa mag-aaral ang nakuha niyang

grado? Bakit Oo? Bakit hindi? Pangatwiranan.

3. Sa ikalawang sitwasyon, masasabi mo bang wala kang pananagutan

sa iyong ginawa? Bakit? Ipaliwanag.

4. Sa ikatlong sitwasyon, sa palagay mo wala ka bang pananagutan sa

hindi mo pagdalo sa kasal? Ipaliwanag.

5. Sa lahat ng sitwasyon sa itaas, paano dapat ipamalas ang makataong

kilos?

6. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpapamalas ng

makataong kilos sa araw-araw na buhay?

Sitwasyon 2. Nakita mo na hindi naisara ng mga kaklase mong

monitor sa araw na iyon ang inyong classroom. Minabuti mong

isara. Pero sira na pala ang pad-lock. Naisip mo na

responsibilidad ito ng mga monitor. Dahil nagmamadali ka hindi

mo ito ipinagbigay-alam sa mga security guard.

Tanong: Kung may mawawala o masisira na mga gamit sa loob,

mapapanagot ka ba?

Sitwasyon 2

Sitwasyon 3. Inimbithan kang dumalo sa kasal ng isa mong

kaibigan. At masaya kang bumili ng regalo para sa kanya. Ngunit

sa araw na iyon narinig mo ang balita sa kanilang barangay ay

may mga tao na naging positibo rapid-test ng Covid-19. Kaya

hindi ka tumuloy sa pagdalo sa kasal.

Tanong: May pananagutan ka ba sa iyong ginawang desisyon?

Bakit?

Sitwasyon 3

Page 5: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

4

Gawain 4

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanysay.

May dalawang uri, ng kilos ang tao - ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human act). Ang kilos ng tao ay mga kilos na nagaganap

sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kanilang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-bob. Ang kilos na ito ay masasabing walang

aspekto ng pagiging mabuti o masama - kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Hplimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal

na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata,upagkaramdam ng sakit mula sa isang sjgat, paghikab, at iba pa.

Ang makataong kilos (human act) naman ay kilos na isinagawa ng tao

nang may kaalaman, malaya, at-kusa. Ang- kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya‘t may kapanagutan ang tao

sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos-na-niloob, sinadya at kinusa sapagkal isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang

kilos na ito. Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya. Pananagutan ng taong nagsagawa

ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos. Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos, ito naman ay

kahiya-hiya at dapat pagsisihan. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos

sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili dahil may

kapanagutan (accountability). Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: kusang-loob, di kusang-loob, at walang kusang-loob.

1. Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang

gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.

Halimbawa: Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro.

Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase. Nagbubuo rin siya ng banghay-aralin (lesson plan) bilang

preparasyon sa kaniyang araw-araw na pagtuturo. Naghahanda siya ng mga angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang

pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.

SURIIN

Page 6: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

5

2. Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may

kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.

Halimbawa: Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC member para sa lokal at pambansang eleksiyon. Binulungan siya

ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng "dagdag-bawas."Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na

tungkulin kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa pa rin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang

miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kaniyang kalooban.

3. Walang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya't walang

pagsang-ayon sa kilos. Ang o na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya't walang pagkukusa. Halimbawa: May

kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito

sa kaniyang pagbabasa, pakikipag kuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya

dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si Dean dahil iyon ay isang

manerismo niya.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat

mapanagutan? Ipaliwanag.

2. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang karapat-dapat na panagutan? Bakit?

3. Kailan natin matutukoy na ang Gawain o kilos ay hindi makakapanagot sa masamang epekto ng makataong kilos? Ipaliwanag.

4. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o hindi mabuti? Pangatwiran.

Page 7: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

6

Gawain 5 TUKUYIN MO…

Panuto: Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang kolum ay

nagpapakita ng presensiya ng kilos na kusang-loob, di kusang-loob, o walang kusang loob at kung ito ay mapanagutang kilos. Lagyan ng tsek (/)

kung ang kilos ay ginamitan ng isip, kilos-bob, at mapanagutan, at ekis naman (X) kung hindi.

Mga Kilos at Gawain

ng Tao

Kusang

Loob

Di

Kusang Loob

Walang

Kusang Loob

Mapa-

nagutan

Hindi

Mapana-gutan

1.Pagsigaw dahil sa pagkagulat sa paputok

2.Pagtuturo ng guro sa kaniyang klase nang handa at may

pagnanais na magbahagi ng

kaniyang kakayahan ayon sa learning

competency ng kaniyang aralin

3.Pagkurap ng mata

Mga Kilos at Gawain ng Tao

Kusang

Loob

Di Kusang

Loob

Walang Kusang

Loob

Mapa-

nagutan

Hindi Mapana-

gutan

4. Pagsisikap na

bumuo ng mga tanong na may

mapanuring pag-iisip sa ginagawang

investigatory project

5. Paghimas sa tiyan dahil sa gutom

6. Pagtanggi sa isang

alok ng barkada na

PAGYAMANIN

Page 8: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

7

Sagutin ang mga tanong:

1. Aling kilos ang nagpapakita ng paggamit ng isip at kilos-loob? Ipaliwanag.

2. Aling kilos ang nagpapakita ng hindi paggamit ng isip at kilos-loob?

Bakit?

3. Bakit mahalaga na magpakita ng kapanagutan sa mga kilos na ginagawa?

4. Paano magiging mapanagutan ang isang tao sa kaniyang piniling kilos?

5. Bilang mag-aaral sa Baitang 10, ano-ano ang iyong mga ginagawa sa

araw-araw na nagpapakita ng makatao at mapanagutang kilos? Ipaliwanag.

Gawain 6 Sariling Hakbang!

Panuto: Sa iyong ―journal notebook‖ isulat ang sagot sa mga gawain. Maging malikhain sa paggawa. Magbigay ng mga hakbang o pamamaraan

na iyong magagawa sa mga sumusunod:

magpunta sa comedy

bar dahil sa maaga pa ang pasok bukas

at may report sa trabaho kinabukasan

na dapat tapusin

7.Pagsasalita habang

natutulog

8. Paghikab ng malakas na hindi tinatakpan ang bibig

9. Pagsauli ng sobrang sukli sa

tindera sa palengke

10. Pagdala ng drayber ng taxi sa ospital sa kaniyang

matandang pasahero na inatake

sa puso

Pamamaraan ng pagsasabuhay ng makataong kilos bilang isang:

1. Nakatatandang

kapatid

1. 2.

3.

Page 9: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

8

Gawain 8

Panuto: Gunitaing muli ang isang pangyayari sa iyong buhay kung kailan

ikaw ay nakagawa ng isang kilos na di-kusang loob. Ano ano ang aral na

natutunan mo sa karanasang iyon? Ipaliwanag.

2. Isang kapitbahay 1. 2. 3.

3. Mag-aaral

1.

2. 3.

4. Group Leader

1.

2. 3.

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman 10

Pagkamalikhain 15

Ideya/Paliwanag 15

Kabuuan 40

ISAISIP

Ang aking di-makalimutang karanasan…….

Ang aral na natutuhan ko mula rito….

Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain

Page 10: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

9

Gawain 8: Kilos Mo, Pananagutan Mo!

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman 10

Pagkamalikhain 15

Ideya/Paliwanag 15

Kabuuan 40

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman 10

Pagkamalikhain 15

Ideya/Paliwanag 15

Kabuuan 40

ISAGAWA

Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain

Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain

Ikaw ay taimtim na nagbuo ng desisyon na mag-aasawa at

bubuo ng isang masayang pamilya, ano-ano ang mga

hakbang na iyong susundin para maging matagumpay ang

iyong plano? Isalaysay.

Page 11: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

10

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng

tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Sino ang nagsabi na ang kilos ng tao ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may control at pananagutan sa kaniyang sarili?

A. Santo Tomas de Aquino

B. Agapay C. Aristoteles

D. Felicidad Lipio 2. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya

ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang_______ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa

kanya na nakikita niya bilang tama.

A. Isip C. Kilos-loob B. Kalayaan D. Dignidad

3. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain na

nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda

niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?

A. Oo, dahil siya na lamang -ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.

B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.

C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral. D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.

4. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa

ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?

A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat. B. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.

C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito. D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung

ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang mating

bunga.

TAYAHIN

Page 12: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

11

5. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko

sa kaniya?

A. Walang kusang-loob B. Kusang-loob

C. Di kusang-loob D. Kilos-loob

6. Para sa bilang na 6, 7 at 8.Tukuyin kung anong uri ng kilos ang ipinakita sa sumusunod na mga sitwasyon?

A. Kusang-loob.

B. Di Kusang-loob. C. Walang Kusang Loob.

D. Makataong Kilos.

6. Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC member para sa lokal at pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng kaniyang chairman

na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng "dagdag-bawas." Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na tungkulin kaya hindi siya

pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa

kaniyang kalooban.

7. Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro. Gumagamit siya ng iba't ibang istratehiya sa pagtuturo para sa

kaniyang klase. Nagbubuo rin siya banghay Taralin (lesson plan) bilang preparasyon sa kaniyang araw-araw na pagtuturo. Naghahanda siya ng mga

angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.

8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa

kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at

nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin

si Dean dahil iyon ay isang manerismo niya.

Page 13: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

12

9. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa

damdamin?

A. Panliligaw sa crush. B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.

C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan. D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.

10. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?

A. Paglilinis ng ilong B. Pagpasok nang maaga

C. Pagsusugal D. Maalimpungatan sa gabi

11. Sa paggawa ng mabuti dapat piliin ng tao alin ang

A. Mas madaling isagawa B. Mas nakakapagbigay ng malaking pakinabang sa mga karamihan

C. Nakakasiya sa Diyos at sa kapwa tao D. Higit na nakabubuti sa kaniyang kamag-anak

12. Sa paggawa ng kilos dapat piliinnng tao ang

A. mas mataas ang kabutihan

B. mas higit ang ibubungang pakinabang C. nagdudulot na higit na personal na kaayusan

D. mas malawak ang kapakinabangan

13. Ang sinasabing ‗pinakamataas na layunin‘ ay tumutukoy sa

A. Tagumpay ng pamilya

B. Masayang pamilya C. Tagumpay sa pamumuhay D. Tagumpay sa mundo at sa kabilang buhay

14. Ang uri ng kilos ay naayon sa uri ng

A. Kaalaman

B. Kasanayan C. Kapaligiran

D. Paniniwala

15. Malalaman ang nilalaman ng kalooban ng tao mula sa kaniyang

A. Kaalaman

B. Hilig C. Hinanakit

D. Kilos at salita

Page 14: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

13

Susi sa Pagwawasto

SANGGUNIAN

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul

para sa Mag-aaral, DepEd-BL, Muling Limbag 2017,pp 83-96

Pearls from the Path, Moulana Afzal Ismail Vol. 3, 2011 First Edition,

p. 54

TAYAHIN

1.C

2.A

3.C

4.D

5.C

6.B

7.A

8.C

9.B

10. C

11. C

12. A

13. D

14. D

15. D

Page 15: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

14

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Bajar E. Salih, SST-II

Basilan NHS, Isabela City Division

Editor: Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II

Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

Henry R. Tura, CID Chief

Elsa A. Usman, LR Supervisor

Violeta M. Sta. Elena, ADM Coordinator

Page 16: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

15

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you‘ll never forget Oh! That‘s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden...

Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break, Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake To dye with its crimson the waking ray.

My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene,

Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound 'T is I, O my country, raising a song unto thee.

And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good -by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away,

Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children‘s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.

I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children‘s children—forever.‖

Page 17: 10 · 2021. 1. 15. · upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. 8. May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang

16