22
YUNIT II Pagpapalakas at Pagpapatatag ng Kalamnan I. Layunin . 1.Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas ng kalamnan at tatag ng kalamnan. 2. Naisasagawa nang wasto ang mga gawaing pisikal na nakapaloob sa aralin. 3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino Mga physical activity na nagdudulot ng muscular strength at muscular endurance Kasanayan: Lakas at Tatag ng Kalamnan Pagpapahalaga: Kalusugan na dulot ng malakas na katawan Sangggunian: Curriculum Guide Kagamitan: Larawan ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino Lubid o mahabang tela (siguraduhin na ang tela ay di nakakasugat kapag hinila ng mga bata) Pito Mesa na may bigat na kayang itulak ng mga bata Sako o bag na may pampabigat na damit o libro (Siguraduhin na ang bigat ng sako ay kakayaning dalhin ng mga bata) III. Pamamaraan A. Pang araw–araw na Gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan Pagtsek sa takdang-aralin ARALIN 1 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

YUNIT II

Pagpapalakas at Pagpapatatag ng Kalamnan

I. Layunin . 1.Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas ng kalamnan at tatag ng kalamnan. 2. Naisasagawa nang wasto ang mga gawaing pisikal na nakapaloob sa aralin. 3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain.

II. Nilalaman Paksa: Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino

Mga physical activity na nagdudulot ng muscular strength at muscular endurance

Kasanayan: Lakas at Tatag ng Kalamnan Pagpapahalaga: Kalusugan na dulot ng malakas na katawan Sangggunian: Curriculum Guide Kagamitan: Larawan ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang

Pilipino Lubid o mahabang tela (siguraduhin na ang tela ay di nakakasugat kapag hinila ng mga bata) Pito Mesa na may bigat na kayang itulak ng mga bata Sako o bag na may pampabigat na damit o libro (Siguraduhin na ang bigat ng sako ay kakayaning dalhin ng mga bata)

III. Pamamaraan A. Pang araw–araw na Gawain

1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan Pagtsek sa takdang-aralin

2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin.

3. Balik-Aral Tanungin kung paano nilalaro ang Syato. Tanungin din kung anong kasanayan ang pinahuhusay nito at anong tulong ang maidudulot sa katawan.

B. Panimulang Gawain Sagutin ang mga tanong sa SIMULAN NATIN na nasa LM.

Talakayin ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino at kung paano ito masusunod. Ipagawa ang Gawain I. Bumuo ng apat na pangkat. Ihanda ang bawat estasyon na iikutan ng bawat pangkat. Ipaalala ang mga pag-

ARALIN 1Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 2: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

iingat na dapat gawin. Ipakita ang tamang paraan sa paggawa ng mga nakalaan sa bawat estasyon.Ipagawa ang mga gawaing nakalaan sa bawat pangkat. Magtala ng 30 segundo hanggang isang minuto lamang para sa bawat estasyon.

C. Panlinang na Gawain Magkaroon ng talakayan sa ginawang gawain. Ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa “Ipagpatuloy Natin” at ipaliwanag ito.

D. Paglalapat Ipagawa ang nasa LM na “Gawin Natin”. Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin.Talakayin ang ginawang gawain.

E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.

IV. Pagtataya Ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa Suriin Natin.

V. Takdang-aralin Itala ang mga ginagawa ninyo sa araw-araw na nangangailangan ng lakas at tatag ng kalamnan. Ugaliing gawin ang mga ito sa tuwina upang mapalakas ang inyong katawan.

YUNIT II

Page 3: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

Pagpapalakas at pagpapatatag ng Kalamnan

I. Layunin 1. Nabibigyang halaga ang lakas at tatag ng kalamnan sa pakikilahok sa mga

gawain sa klase. 2. Naisasagawa nang maayos at tama ang mga gawaing nakalilinang sa lakas

at tatag ng kalamnan. 3. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan. 4. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga sa pagsasagawa

ng mga gawaing pisikal.

II. Nilalaman Paksa: Mga gawaing sumusubok sa lakas at tatag ng kalamnan

Pag-unawa sa pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan Kasanayan: Lakas at tatag ng kalamnan Pagpapahalaga: Pagtitiyaga sa mga gawain gaano man kahirap Sanggunian:Grade 4 P.E. Curriculum Guide Kagamitan: Larawan, bag, mga aklat

III. Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang gawaing pampasigla na nasa LM sa

nakaraang aralin. Ipaalala sa mga bata ang pag-iingat sa pagsasagawa.

3. Balik–aral: Balik-aralan ang nakaraang aralin.

B. Panimulang Gawain

Ipakita ang mga larawang nasa LM. Maaaring may nakahanda ang guro na malalaking larawan. Ipagawa ang

gawaing isinasaad sa LM.

ARALIN 2

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 4: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

Talakayin at magtanong sa mga bata kung ano ang nakita nila sa larawan. Itanong kung ang larawan ay nagpapakita ng gawaing magpapalakas at magpapatatag ng kalamnan.

C. Panlinang na Gawain Ipagawa ang gawain na sumusubok sa lakas at tatag ng kalamnan na makikita sa SIMULAN NATIN na nasa LM. Pagkatapos ng gawain, ipasagot ang tanong sa LM. Talakayin at ipaliwanag ang pagkakaiba ng may lakas at tatag ng kalamnan. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lakas at tatag ng kalamnan.

D. Paglalapat Ipagawa sa mga bata ang pangkatang gawain sa LM “Gawin Natin”. Ipaliwanag kung paano nagamit ang muscular endurance sa laro dito. Linawin ang pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan.

E. Paglalagom Tulungan ang mga bata na makabuo ng isang paglalahat na dapat nilang tandaan. Linawin ang pagkakaiba ng konsepto ng lakas at tatag ng kalamnan at kung anong mga pang-araw-araw na gawain na nangangailangan nito

IV. Pagtataya

Ipasagot ang mga sumusunod ng OO o HINDI.

OO HINDI1. Naisagawa mo ba nang tama ang mga gawaing

sumusubok sa tatag at lakas ng kalamnan.

2. Nauunawaan mo na ba ang pagkakaiba ng tatag at lakas ng kalamnan.

3. Nasisiyahan ka ba kapag pinagagawa ka ng mga gawain sa bahay at paaralan?

V. Takdang-aralin Ipagawa ang nasa LM. “PAGBUTIHIN NATIN.”

Ipaliwanag ang paggawa ng Fitness diary.

Page 5: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

YUNIT II

Pagpapaunlad ng Iiksi

I. Layunin 1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng agility (liksi) bilang sangkap ng

Physical Fitness. 2. Nasasabi ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal. 3. Naipapakita ang liksi sa pakikilahok sa obstacle relay.

II. Nilalaman Paksa: Kasanayan ng Kaliksihan Kasanayan: Agility (Liksi) Pagpapahalaga: Pagiging maingat sa sarili at kapwa Sangggunian: PE Curriculm Guide, Kagamitan: Tsart ng mga gawain, pito, cone, buklod o hulahoop

III. Pamamaraan

A. Pang araw–araw na gawain

1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan

2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin.

3. Balik Aral Punan ang patlang. Ang pagkakaroon ng lakas at tatag ng kalamnan ay mahalaga dahil______________________________. Ang ilan sa mga gawaing nagpapahusay ng kasanayang ito ay ang______,

B. Panimulang Gawain 1. Pahanayin ang mga bata.

ARALIN 3

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 6: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

2. Paghudyat gamit ang pito, ituro kung ang mga bata ay hahakbang pakaliwa o pakanan.Isaalang-alang ang konsepto ng mirror-image para sa mga bata. (Hal. Kung papupuntahin sa kanan, ituro ang pakaliwa.)

3. Ulit-ulitin ito sa loob ng limang minuto. Tingnan kung nakasusunod ang mga bata.

4. Magkaroon ng talakayan na may kaugnayan sa mga kilos na nagpapakita ng agility (liksi).

C. Panlinang na Gawain Ipagawa ang gawain na nasa LM na “Gawin Natin”. Pagkatapos ng gawain, magkaroon ng talakayan o pag-uusap sa isinagawa.Ipaliwanag ang kasanayang ginamit sa pagsasagawa ng mga gawain. Ipatukoy ang mga kasanayang nililinang sa gawain at itanong ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing katulad nito. Palawakin ang mga sagot ng mga bata.

D. Paglalapat Ipagawa ang larong nasa LM. Ipaliwanag ang pamamaraan ng paglaro. Ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin sa tuwing maglalaro. Pagkatapos ng gawain, pag-usapan ang naging karanasan at talakayin ang kasanayan na ginamit sa laro.

E. Paglalagom Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng konsepto Maaaring magbigay ng mga gabay na tanong.

IV. Pagtataya Ipasagot ang tanong sa LM na “Suriin Natin”. Sagot: 1. A 2. D 3. A 4. C 5. C

V. Takdang-aralin Pasulatan ang Fitness diary. Ipasulat ang kahalagahan ng ginawang

gawain na may kaugnayan sa kaliksihan ng katawan.

Page 7: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

YUNIT II

Paglinang ng Bilis

I. Layunin 1. Nakasusunod sa alintunin ng laro. 2. Natutukoy ang kahalagahan ng bilis sa pagkapanalo sa laro. 3. Nakakikilos nang mabilis at may direksyon ayon sa tuntunin.

II. Nilalaman Paksa: Mga gawaing pisikal na nagpapakita ng bilis Kasanayan: Bilis Pagpapahalaga: Sportsmanship; may pag-iingat at kasiyahan sa pagsa-

sagawa ng mga gawaing pisikal. Sangggunian: P.E 4 Curriculum Guide, tsart ng mga gawain Kagamitan: tsart ng mga gawain

III. Pamamaraan A. Pang-araw–araw na gawain

1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain:

Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin. Maaaring magbigay ang guro ng ibang pampasiglang gawain.

3. Balik-aral Ipagawa sa mga bata.

Isulat ang mga pang-araw-araw na kilos o gawaing ginagawa sa paaralan o sa bahay na nagpapahusay ng kaliksihan

12345

ARALIN 4

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 8: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

B. Panimulang Gawain Sabihin sa mga bata na magkakaroon sila ng paligsahan sa pag-aabot ng mga bagay. Maghanda ang guro ng mga premyo sa mga batang mabilis magbigay ng bagay na sasabihin ng guro. (Halimbawa: “Bigyan ako ng isang puting panyo, isang pares ng itim na sapatos at iba pa.) Pag-usapan ang ginawang gawain. Ipaalala sa mga bata ang mga dapat tandaang pag-iingat kapag naglalaro.

C. Panlinang na Gawain Ipaliwanag sa mga bata ang ibang kaalaman tungkol sa larong “Tapikan ng Tuhod”. Ipaalala muli ang mga pag-iingat na dapat gawin. Ihanda ang paglalaruan ng mga bata at gabayan ang mga bata sa paglalaro. Pagkatapos ng pagsasagawa, itanong sa mga bata kung ano ang kanilang pakiramdam. Pag-usapan ang mga naging karanasan sa paglalaro. Talakayin at ipaliwanag ang kasanayang nililinang sa pagsasagawa ng laro.

D. Paglalapat Talakayin ang pamamaraan sa larong Circle Chase. Ipaliwanag sa mga bata ang dapat gawin. Pagkatapos ng gawain, magkaroon ng talakayan kung paano isinagawa ang laro at mga kasanayang nililinang nito. Maaaring itanong ang nasa LM.

E. Paglalagom Magbigay ng mga gabay na tanong sa mga bata upang makabuo ng paglalahat.

IV. Pagtataya Ipasagot sa mga bata ang mga tanong ng OO o HINDI sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa kolum ng kanilang sagot.

Mga Tanong OO HINDI1. Nakasunod ka ba ng may pag-iingat sa alituntunin

ng laro?

2. Pinahalagahan mo ba ang mga gawaing tumutulong upang malinang ang kasanayan sa bilis?

3. Nagsisikap ka ba na sanayin ang iyong sarili na kumilos nang mabilis?

V. Takdang-aralin

Page 9: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

Ipatala sa mga bata sa kanilang kuwaderno ang mga gawain sa bahay o sa paaralan na tumutulong upang mapahusay ang kanilang bilis. Alamin ang mga paraan sa paglalaro ng Patintero para sa susunod na aralin.

YUNIT II

Patintero

I. Layunin 1. Nakasusunod sa mga alintunin ng laro. 2. Natutukoy ang kahalagahan ng laro sa pagpapaunlad ng mga sangkap ng

Physical fitness. 3. Nakakakilos nang mabilis at maliksi habang naglalaro.

II. Nilalaman Paksa: Paglaro ng Patintero Kasanayan: Bilis at Liksi Pagpapahalaga: Sportsmanship; may kasiyahan sa paglalaro ng invasion

games Sangggunian: P.E 4 Curriculum Guide Kagamitan: chalk, pito

III. Pamamaraan A. Pang araw–araw na gawain

1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain:

Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin. Maaaring magbigay ang guro ng ibang pampasiglang gawain.

B. Panimulang Gawain 1. Ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa SIMULAN NATIN na nasa LM. 2. Pag-usapan ang mga sagot. 3. Ipaalala sa mga bata ang mga dapat tandaang mga sangkap ng

Physical fitness. C. Panlinang na Gawain:

1. Ipaliwanag sa mga bata ang ibang kaalaman tungkol sa larong “Patintero” at mga halimbawa ng invasion games.

2. Linawin ang mga tuntunin ng laro.

D. Paglalapat

ARALIN 5

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 10: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

Ihanda ang paglalaruan ng mga bata para sa Patintero. Pagkatapos ng laro, itanong sa mga bata kung anong mga skill-related components ang ginamit sa laro. Pag-usapan ang mga naging karanasan sa paglalaro. Talakayin at ipaliwanag ang sportsmanship sa paglalaro.

E. Paglalagom Magbigay ng mga gabay na tanong sa mga bata upang makabuo ng paglalahat.

IV. Pagtataya Ipasagot ang mga tanong sa pamamagitan ng pagguhit ng sa wastong hanay.

Napakahusay Mahusay Kailangan pang husayin

Liksi sa pag-iwas sa pagtataya sa larong Patintero

Bilis ng pagtakbo sa larong Patintero

Magalang na pakikipaglaro Nauunawaan ang konsepto ng invasion games

V. Takdang-aralin Ipasulat sa kanilang Fitness Diary ang mga natutuhan tungkol sa pagpapalakas at pagpapatatag ng kalamnan. Ipasiyasat ang tungkol sa larong Agawang Panyo.

Page 11: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

YUNIT II

Agawang Panyo

I. Layunin 1. Nakikilala ang mga larong lumilinang sa kasanayan ng bilis at liksi.2. Naisasagawa nang may pag-unawa ang iba’t ibang gawain o laro na may

liksi at bilis.3. Naipakikita ang kasiyahan, pag-iingat at patas na pakikipaglaro sa kamag-

aral.

II. NilalamanPaksa: Mga larong lumilinang sa kasanayan ng bilis at liksiKasanayan: Bilis, liksi Pagpapahalaga: Pagiging masaya , pag-iingat sa sarili at pagiging isportsSangggunian: PE4 Curriculum Guide Kagamitan: Bola

III. PamamaraanA. Pang araw–araw na Gawain

1 . P agtsek ng attendance at angkop na kasuotang pampisikal na gawain2. Pampasiglang Gawain:

Ipagawa sa mga bata ang sumusunod:Jumping rope....……………………….16 na bilangPaekis-ekis na pagtakbo……………..16 na bilang

3.Balik Aral: Ipakumpleto ang nakasulat sa kahon. Maaaring isulat sa pisara o manila paper.

Kahapon kami ay naglaro ng ________________________. Natutuhan ko na ang mga larong ito ay nagpapaunlad ng__________________________. Nalaman ko na dapat palang gawin_____________ ang mga gawaing pisikal upang laging ___________ ang katawan.

ARALIN 6Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 12: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

B. Panimulang Gawain Ipakita sa mga mag-aaral ang mga gawaing pisikal na nasa larawan (ang larawan ay makikita sa LM) Itanong ang sumusunod: Ano ang ginawa sa mga bata? Nagagawa mo rin ba ito? Anong kakayahang pisikal ang kailangan mong gawin upang magawa mo ito? Ipagawa sa mga mga-aaral ang Gawain I (Pagbabalik tanaw) Itanong kung ano ang palagian nilang ginagawa sa nabanggit na laro. Itanong kung anong bahagi ng katawan ang ginamit at anong kasanayan ang nalinang nito.

C. Panlinang na Gawain Ilahad sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng bilis at liksi na mabasa sa LM. Pag-usapan ang mga dapat tandaan kung nagsasagawa ng mga gawaing pisikal. Ilahad ang kasunod na laro. Ihanda ang palaruan at mga kagamitan sa laro Ipabasa ang pamamaraan ng larong nasa LM na “Ipagpatuloy Natin”. Ipaliwanag ito sa mga bata at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin sa paglalaro. Pagkatapos ng laro talakayin ang kasanayan na nilinang sa larong isinagawa Maaring pasagutan sa mga bata ang mga tanong na nasa LM.

D. Paglalapat Ilahad ang larong Agawang Panyo. Ihanda ang mga kagamitan at ang palaruan. Ipabasa ang pamamaraan ng laro na makikita sa LM. Ipaliwanag ito sa mga bata at ipaalaala ang pagiging isport sa pakikipaglaro. Ipalaro ang Agawang Panyo sa Gabay Mo. Pagkatapos ng paglaro, talakayin ang kasanayan na nalinang sa larong isinasagawa.

E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.

IV. Pagtataya Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain na nasa LM “Suriin Natin”

V. Takdang-aralin

Page 13: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

Ipagawa ang gawain sa LM.

YUNIT II

Agawang Base

I. Layunin 1. Natatalakay ang larong Agawang Base at natutukoy ang kahalagahan ng

laro sa pagpapaunlad ng mga sangkap ng physical fitness 2. Naisasagawa nang maingat ang mga gawaing pisikal sa paglalaro ng

habulan 3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa

kapwa at patas na pakikipaglaro

II. Nilalaman Paksa: Invasion Game na Agawang Base Kasanayan: Bilis at Liksi Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok sa laro na may pag-iingat at tapat sa

kapwa kalaro. Sanggunian: PE 4 Curriculum Guide, Aklat sa PE Kagamitan: Puno, Upuan, Palaruan

III. Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Pag tsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain

Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin.

B. Panimulang Gawain 1. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng mga gawaing-bahay na

nagpapakita ng bilis at liksi. 2. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit kailangang isagawa nang palagian

ang mga gawaing pisikal.

C. Panlinang na Gawain 1. Ipabasa at talakayin ang mga pamamaraan ng paglaro ng Agawang Base.

ARALIN 7 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 14: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

2. Pag-usapan ang mga dapat tandaan kung nagsasagawa ng mga gawaing pisikal.

3. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mabilisang pagtakbo na paekis-ekis at pabalik-balik.

4. Itama ng guro ang mga galaw ng mga mag-aaral kung may mali sa isinasagawa.

5. Itanong sa mga mag-aaral kung nasisiyahan sila sa pagsasagawa ng kilos at bakit.

6. Itanong sa mga mag-aaral kung anong bahagi ng katawan ang ginamit sa isinagawang laro.

D. Paglalapat Ipalaro sa mga mag-aaral ang Agawang Base. Ipaalala na mas mabuti na bago magsimula sa pagsasagawa ng anumang gawaing pisikal, isagawa muna ang warm-up upang maiwasang mapinsala ang kalamnan.

E. Paglalagom Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga sangkap ng physical fitness na nagamit sa Agawang Base.

IV. Pagtataya Palagyan ng tsek (P) ang bawat kolum kung nagawa nila ang mga ito.

Mahina Katamtaman MabilisPagtakbo nang mabilis

Pagligtas ng kakampi

Paghuli ng kalaban

Maliksing pag-iwas na mataya

V. Takdang-aralin Ipasanay sa mga mag-aaral ang larong Agawang Base para sa paligsahan.

Ipagawa ang Gawain sa LM.

Page 15: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

YUNIT II

Lawin at Sisiw

I. Layunin 1. Natatalakay ang pinanggalingan ng larong Lawin at Sisiw at ang mga

alintuntunin at mga kasanayan nito. 2. Nakapaglalarawan ng mga alituntunin at kasanayan sa laro ayon sa

pamantayan. 3. Nakasusunod sa wastong paraan ng laro na may pag-iingat at naipakikita

ang sportsmanship sa paglalaro.

II. Nilalaman Paksa: Invasion Game – Larong Lawin at Sisiw Kasanayan: Paggalaw nang mabilis at maliksi, koordinasyon ng pangkat Pagpapahalaga: Determinasyon at disiplina sa sarili Sanggunian: PE 4 Curriculum Guide, Aklat sa PE Kagamitan sa pagtuturo: Mga larawan, panyo

III. Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain

Ipagawa ang pampasiglang gawain na ibinigay sa mga unang aralin. Maaaring baguhin o dagdagan.

3. Balik-aral: Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: Nasisiyahan ba kayo sa mga ginawa natin noong nakaraan? Ano-anong mga sangkap ng physical fitness ang iyong napaunlad? Dapat bang panatilihing malakas ang katawan? Bakit?

ARALIN 8

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto

Page 16: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

Naisulat mo ba sa iyong Fitness Diary ang natutuhang kasanayan sa larong Agawang Base?

B. Panimulang Gawain

Ang gawaing ito ay nakapagpapaalala sa mga bata sa mga nakikita o naranasang mga gawain.

Word Puzzle Game Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang laro at mga kagamitan nito. Invasion games tulad ng Lawin at Sisiw, Araw at Gabi, Agawang panyo, Zigzag relay, Agawang Base at iba pa.

Itanong sa mga bata kung anong mga laro ang nasa larawan.

Ipahanap at pabilugan ang mga salita na tumutugma sa mga laro at mga sangkap ng physical fitness.

C. Paglinang na Gawain

Gawin ang talakayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng sunod-sunod na larawan na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng larong lawin at sisiw. Pahalagahan din ang wastong pagsunod sa mga alituntunin at kasanayan nito. Tatalakayin ang mga kaisipan tungkol sa larong Lawin at Sisiw at ang mga alituntunin nito. Ilarawan kung bakit dinagit ng Lawin ang Sisiw.

D. Paglalapat

Pahanayin ang mga mag-aaral sa anim na hanay. Maglaban-laban ang pangkat 1 at 2, pangkat 3 at 4, pangkat 5 at 6. Sa iyong pangangasiwa, ipasanay sa mga bata ang wastong paraan sa paghawak ng baywang ng kasunod na manlalaro, pag-ilag at paekis-ekis habang naglaro. Ipasubok ang laro para masanay sa pagsunod sa mga alituntunin ng laro.

E. Paglalagom

Itatanong ng guro ang mga sumusunod: Ano-anong mga kasanayan ang malilinang sa larong ginawa? Ano ang dapat tandaan kapag naglalaro.

Page 17: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/YUNIT-2.docx · Web view3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity

Sa kasaysayan ng larong Lawin at Sisiw, ano ang ginawa ng Inahing Manok upang mabantayan ang kanyang mga sisiw?

Anong mga estratehiya ang ginamit upang hindi mahablot ng kalaban ang buntot? Batay sa mga naitala ninyong mga kasanayan sa inyong Fitness Diary, may pagbabago ba o mas naipauunlad ba ang mga sangkap ng physical fitness sa larong Lawin at Sisiw? Paano ito nakatulong sa inyo?

IV. Pagtataya Ipagawa ang Gawain sa LM na “Suriin Natin.” Palagyan ng tsek ang kolum na naglalarawan ng sagot ng bata.

V. Takdang-aralin Isulat sa inyong Fitness Diary ang iyong mga natutuhan na mga kasanayan sa paglaro ng Lawin at Sisiw.