8
G ugunitain ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang ika-50 anibersaryo ng pagtatatag nito sa darating na Disyembre 26. Sa mga susunod na bu- wan, ilunsad natin ang masigla at malawak na kampanya para ipagdiwang ang natamong mga tagumpay ng uring manggagawa at sambayanang Pilipino sa limang dekadang pagsusulong ng mga rebolusyonaryong pakikibaka sa gabay ng Partido. Tinatawagan ng Partido ang lahat ng rebolusyonaryong pwersa, lahat ng api at pinagsasamantalahan na luma- hok sa pagdiriwang para ibayong pag- tibayin ang determinasyon na isulong nang buong sigasig ang demokrati- kong rebolusyong bayan. Taluntunin natin ang nagdaang 50 taong rebolusyonaryong pakikibaka, mula sa pag-usbong hanggang sa pagsulong, sa mga pag-atras at mu- ling pag-abante, at sa mga tagumpay, kabiguan at mas malalaking tagum- pay. Bakasin natin ang kasaysayan ng rebolusyonaryong pakikibaka para sa pambansa at panlipunang paglaya. Humalaw tayo ng mga aral at inspira- syon sa mga sakripisyo ng mga martir EDITORYAL at bayani at mga naunang salinlahi ng mga proletaryong rebolusyonar- yo. Itanghal natin ang mga tagumpay sa nagdaang 50 taon ng rebolusyo- naryong pakikibaka. Malalaking ta- gumpay ang nakamit ng sambaya- nang Pilipino sa pagsusulong ng ar- mado at iba't ibang anyo ng pakiki- baka. Sa pangungulo ng Partido, tuluy- tuloy na lumalakas ang Bagong Huk- bong Bayan (BHB) at matatag na isi- nusulong ang matagalang digmang bayan. Tuluy-tuloy na nag-iipon ng lakas ang BHB sa armadong pakiki- MATAGUMPAY ANG REYD na isinagawa ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) laban sa Philippine National Police (PNP) Municipal Station sa bayan ng Lapinig sa Northern Samar noong Agosto 10, ala-1:44 ng madaling-araw. Sa inisyal na mga ulat, nakasamsam ng di bababa sa siyam na armas at iba pang gamit ang mga Pulang mandirigma. Dalawang tauhan ng pulis ang naiulat na sugatan. Dahil dito, sinuspinde ng PNP ang matataas na upisyal sa prubinsya, kabi- lang ang hepe ng mga pulis sa Lapinig. Samantala, limang mag- kakasunod na operasyong haras ang inilunsad ng BHB- North Central Mindanao Region. Sa Misamis Orien- "Reyd...," sundan sa pahina 3 "Buong sigasig...," sundan sa pahina 2

 · G ugunitain ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang ika-50 anibersaryo ng pagtatatag nito sa darating na Disyembre 26. Sa mga susunod na bu-

  • Upload
    hamien

  • View
    231

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLIX Blg. 16

Agosto 21, 2018

www.phi l ippinerevolution. info

Gugunitain ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang ika-50 anibersaryong pagtatatag nito sa darating na Disyembre 26. Sa mga susunod na bu-wan, ilunsad natin ang masigla at malawak na kampanya para ipagdiwang

ang natamong mga tagumpay ng uring manggagawa at sambayanang Pilipino salimang dekadang pagsusulong ng mga rebolusyonaryong pakikibaka sa gabay ngPartido.

Tinatawagan ng Partido ang lahatng rebolusyonaryong pwersa, lahat ngapi at pinagsasamantalahan na luma-hok sa pagdiriwang para ibayong pag-tibayin ang determinasyon na isulongnang buong sigasig ang demokrati-kong rebolusyong bayan.

Taluntunin natin ang nagdaang 50taong rebolusyonaryong pakikibaka,mula sa pag-usbong hanggang sapagsulong, sa mga pag-atras at mu-ling pag-abante, at sa mga tagumpay,kabiguan at mas malalaking tagum-pay. Bakasin natin ang kasaysayan ngrebolusyonaryong pakikibaka para sapambansa at panlipunang paglaya.Humalaw tayo ng mga aral at inspira-syon sa mga sakripisyo ng mga martir

Buong sigasig na ipagdiwangang ika-50 taon ng Partido

EDITORYAL

at bayani at mga naunang salinlahing mga proletaryong rebolusyonar-yo.

Itanghal natin ang mga tagumpaysa nagdaang 50 taon ng rebolusyo-naryong pakikibaka. Malalaking ta-gumpay ang nakamit ng sambaya-nang Pilipino sa pagsusulong ng ar-mado at iba't ibang anyo ng pakiki-baka.

Sa pangungulo ng Partido, tuluy-tuloy na lumalakas ang Bagong Huk-bong Bayan (BHB) at matatag na isi-nusulong ang matagalang digmangbayan. Tuluy-tuloy na nag-iipon nglakas ang BHB sa armadong pakiki-

Reyd ng BHB

sa Northern

Samar, tagumpayMATAGUMPAY ANG REYDna isinagawa ng mga Pulangmandirigma ng BagongHukbong Bayan (BHB) labansa Philippine National Police(PNP) Municipal Station sabayan ng Lapinig saNorthern Samar noongAgosto 10, ala-1:44 ngmadaling-araw. Sa inisyalna mga ulat, nakasamsamng di bababa sa siyam naarmas at iba pang gamit angmga Pulang mandirigma.Dalawang tauhan ng pulisang naiulat na sugatan.Dahil dito, sinuspinde ngPNP ang matataas naupisyal sa prubinsya, kabi-lang ang hepe ng mga pulissa Lapinig.

Samantala, limang mag-kakasunod na operasyongharas ang inilunsad ng BHB-North Central MindanaoRegion. Sa Misamis Orien-

"Reyd...," sundan sa pahina 3"Buong sigasig...," sundan sa pahina 2

Agosto 21 , 2018 ANG BAYAN2

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

Tomo XLIX Blg. 16 | Agosto 21, 2018

Nilalaman

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loko,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

ANG

instagram.com/sine.proletaryo

@prwc_info

fb.com/groups/cppinformationbureau

[email protected]

Editoryal: Buong sigasig na ipagdiwang

ang ika-50 anibersaryo ng Partido 1

Reyd ng BHB sa Northern Samar 1

Pagpapanday ng Partido sa Charlie 3

Mga martir ng Panay, pinarangalan 5

Mga magsasaka, pinaslang ng AFP 6

Pagtatayo ng mga detatsment 7

Pagtitipon ng katutubo sa Ilocos 8

Protesta laban sa crackdown 8

baka. Kaagapay ng masang mag-sasaka, isinusulong nito sa buongbansa ang rebolusyong agraryo atbinubuo ang organisadong lakas ngmasa at ang kanilang mga organong kapangyarihang pampulitika. Sabuong Pilipinas, itinatatag ang de-mokratikong gubyernong bayanmula sa antas baryo paitaas.

Binubuo ng Partido ang mala-wak na pagkakaisa ng sambaya-nang Pilipino. Pinamumunuan nitoang National Democratic Front,ang pinakamalapad na pinakakon-solidadong bahagi ng nagkakaisangprente. Pinakikilos nito ang de-mokratiko at patriyotikong mgasektor para lumahok sa armadongpakikibaka. Ito ang nasa gulugodng malalawak na nagkakaisangprenteng demokratiko at anti-pa-sista. Sa dalawang pagkakataon,1986 at 2001, nasa unahan angPartido ng malawak na pag-aal-sang bayan na, katuwang ng ibapang mga pwersa, ay nagpabagsaksa nakaupong reaksyunaryongrehimen.

Ang Partido ay malawak at ma-lalim na nakaugat sa masangmanggagawa, magsasaka at ibapang demokratikong uri at sektor

sa buong bansa. Ito ang nasa tali-ba ng hukbong bayan, ng mga or-ganisasyong masa, ng nagkakai-sang prente at ng mga organo ngkapangyarihang pampulitika. Ini-lunsad ng Partido ang IkalawangKongreso nito noong 2016 na nag-patibay ng Konstitusyon at Prog-rama na ibayong pinayaman nghalos limang dekada ng rebolusyo-naryong karanasan at mga tagum-pay. Ginagamit na ngayon ang mgadokumentong ito upang malawakna magrekrut ng bagong mga ka-sapi ng Partido.

Ang mga tagumpay na ito aytuntungan para dalhin ang pam-bansa-demokratikong rebolusyonsa mas mataas na antas sa mgadarating na panahon. Masidhi angpaghahangad ng sambayanang Pi-lipino na isulong ang rebolusyon saharap ng lalong nagnanaknak nabulok na sistemang malakolonyal atmalapyudal. Palala nang palala angkinasasadlakan nitong pamalagiangkrisis. Ang sagadsaring pasistangpaghahari ng rehimeng US-Duterteat ng pinakakinamumuhiang mgareaksyunaryong pangkatin ay kaa-kibat ng lalong paglala ng krisis ngnaghaharing sistema.

Kung gayon, dapat ibayong isu-

long ang maka-uri at demokrati-kong mga pakikibaka ng masangmanggagawa, magsasaka at ibapang api at pinagsasamantalahanguri at sektor. Dapat ibayong pala-wakin at palakasin ang nagkakai-sang prente laban sa pasista atpapet na rehimeng Duterte. Itaasat palawakin ang kamulatan ngmamamayang Pilipino at ikawingang kanilang araw-araw na pakiki-baka sa kabuuang pambansa-de-mokratikong kilusan.

Ilunsad ang matataginting nataktikal na opensiba kasabay ngpaggunita sa ika-50 taong aniber-saryo ng Partido. Bigwasan angmga kriminal na pasistang yunit atupisyal ng rehimeng US-Duterte.Lubos na biguin ang desperadongtangka ni Duterte na gapiin angarmadong rebolusyon. Itanghalang armadong pakikibaka bilangpangunahing anyo ng pakikibaka atitaas ang diwang mapanlaban ngsambayanan at ang kanilang pag-asa sa rebolusyonaryong pakikiba-ka.

Ang patuloy na pagsulong ngrebolusyong Pilipino sa lahat nglarangan ang patunay ng wastongpaglalapat ng Partido ng unibersalna teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo sa kongkretong kalagayanng Pilipinas at ang puspusang pag-baka sa rebisyunismo at iba't ibanganyo ng suhetibismo at oportunis-mo. Ang teorya at praktika ng re-bolusyong Pilipino ay walang patidna umuunlad.

Ang pagdiriwang sa ika-50 ani-bersaryo ng Partido sa mga dara-ting na buwan ay ginintuang pag-kakataon para gamitin angMarxismo-Leninismo-Maoismo pa-ra lagumin ang karanasan sa lahatng andana at larangan ng pagre-rebolusyon. Magbalik-aral sa Una'tIkalawang Dakilang Kilusang Pag-wawasto at gamiting gabay angmga aral at prinsipyo upang pa-ngingibabawan ang mga kahinaanat baklasin ang mga sagka sa pag-sulong ng rebolusyon.

Okasyon din ito para ibayongpalalimin ang paggagap sa lumala-lang kalagayang malakolonyal atmalapyudal ng Pilipinas sa harapng papalalang krisis, nagtatagal nadepresyon at tumatalim na mgakontradiksyon ng pandaigdigangsistemang kapitalista. Ilahad ang

"Buong sigasig...," mula pahina 1

ANG BAYAN Agosto 21 , 2018 3

tal, hinaras ng BHB-Misamis Ori-ental ang nag-ooperasyong yunitng 58th IB sa Pulo, Bantaawannoong Agosto 9. Isa ang patay samga sundalo.

Sa Bukidnon, Agosto 8, alas-12ng tanghali, pinaputukan ng BHBang nag-ooperasyong yunit ng 1stSpecial Forces Battalion sa Bara-ngay Bontongon, Impasug-ong.Dalawa ang sugatan sa mga sun-dalo.

Sa sunod na araw, hinaras ng

BHB ang howitzer crew sa Bara-ngay Bolunay sa parehong bayan.Isa ang patay sa mga sundalo.

Sa Manolo Fortich sa parehongprubinsya, pinagbabaril ng BHBang detatsment ng CAFGU sa Gui-lang-guilang noong Agosto 12,alas 9:20 ng gabi.

Noong Agosto 17, alas-10:36ng gabi, pinaputukan ng BHB angcommand post ng 2nd SpecialForces Company sa Dalwangan,Malaybalay City.

"Reyd...," mula pahina 1

nagpapatuloy na paghahari atpanghihimasok ng imperyalis-mong US sa ekonomya, pulitika,militar at kultura ng Pilipinas atpagkontrol nito sa neokolonyalna estado.

Ilantad ang sumisidhing mgaanyo ng pagsasamantala, pang-aapi at pagpapahirap sa masa ngmga naghaharing uri. Gamitinitong batayan upang ibayongpaunlarin ang mga taktika sapagpukaw, pag-oorganisa atpagpapakilos sa malawak namasa. Iluwal ang malawak nakilusan para sa panlipunangpagsisiyasat para ilantad angaktwal na kalagayan ng eko-nomya sa kabuuan at sitwasyonng masa. Hamunin at pakilusinang mga intelektwal na punitinang ilusyon ng "pag-unlad" atalamin ang kongkretong kalaga-yan ng masang Pilipino.

Sa mga darating na buwan ngpaggunita sa ika-50 anibersaryong Partido, kilalanin at itanghalang mga bayani at martir ng re-bolusyong Pilipino. Gawin silanginspirasyon at huwaran ng wa-lang-pag-iimbot na paglilingkodsa masa at komunistang tapangat optimismo.

Pakilusin ang pinakamalakingbilang ng mga makata, pintor,dibuhista, kompositor, mang-aawit at iba pang artista upangmagluwal ng pinakamaramingposibleng bilang ng rebolusyo-naryong likhang sining. Itampoksa mga ito ang 50 taon kabaya-nihan ng sambayanang Pilipinosa walang humpay na rebolu-syonaryong paglaban nila sa im-peryalismo, pyudalismo at bu-rukratang kapitalismo. Itaguyodang sining na para sa bayan atitanghal ito sa lansangan at mgakomunidad, sa internet at mgabulwagan.

Ideklara sa buong daigdigang pagdiriwang sa ika-50 taonanibersaryo ng Partido. Ikalatang ginintuang sinag ng rebolu-syong Pilipino sa buong mundo.Mag-ambag sa pagbibigay liwa-nag sa daan tungo sa paniba-gong pagdaluyong ng mga de-mokratiko at sosyalistang rebo-lusyon ng uring manggagawa atmasang anakpawis sa buongmundo.

Ang pagpapandayng Partido sa Karlo

Bilang ambag sa paggunita sa nalalapit na ika-50 anibersaryo ngPartido, sisimulan ng Ang Bayan (AB) sa isyung ito ang serye ng mgaartikulo tungkol sa mga tampok na karanasan sa pagbubuo ng mgasangay ng Partido sa iba’t ibang larangan ng rebolusyonaryong ga-

wain. Nananawagan ang patnugutan ng AB sa lahat na mag-ambag sa seryeng ito sapamamagitan ng pagsumite ng inyong tampok na mga kwento.

Dalawampu't siyam na Pulang kumander at mandirigma ang nagsipag-tapos ng Intermedyang Kurso ng Partido (IKP) nitong huling linggo ngAgosto. Kabilang sila sa Karlo, isa sa mga kumpanya ng Bagong Huk-

bong Bayan (BHB) na kumikilos sa kabundukan ng Mindanao.Ayon kay Ka Rara, ang kalihim

ng sangay ng Partido sa loob ngKarlo, bahagi ang inilunsad na IKPsa pagkonsolida sa mga pwersa atpagpapatatag ng sangay ng Parti-do sa loob ng kumpanya. Sa ilalimng batas militar ng rehimeng Du-terte, tumindi ang atake ng ArmedForces of the Philippines (AFP) samga baryo at komunidad na kiniki-lusan ng Karlo.

Sa pagitan ng mga labananginilulunsad upang depensahan angmga baryo at magsagawa ng mgataktikal na opensiba, kailangan anggayong tipo ng mga pag-aaral paramasariwa at mapataas pa angpampulitikang kamulatan ng mgakasama.

Ang mga pormal na pag-aaraltulad ng IKP ay bahagi ng masinsinna programa ng sangay para sa

"Karlo...," sundan sa pahina 4

Agosto 21 , 2018 ANG BAYAN4

Karlo. Sa darating na mga buwan,layunin nina Ka Rara na ibayo pangmaparami ang bilang ng tauhan ngkumpanya at itaas ang kakayahannito sa paglulunsad ng mga taktikalna opensiba.

Upang makamit ito, kailanganang araw-araw na pagbubuo saPartido upang magsilbing direktorsa loob ng hukbong bayan. Batidnila Ka Rara na ang pagpapalakasng Partido sa loob ng Karlo ang su-sing kawing upang itaas ang kaka-yahan at determinasyon ng BHB naisabalikat ang mabibigat na tung-kulin sa pakikipagdigma.

Nakabatay ang arawang planong sangay sa binubuong kom-prehensibong plano para sa anim nabuwan, na hinati-hati sa buwanangmga taktikal na plano. Pinangungu-nahan ng komiteng tagapagpaganap(KT) ng sangay ang pagbubuo ngplanong ito. Tinatasa ang mga ga-wain ng sangay sa Karlo sa ideo-lohiya, pulitika at organisasyon, atnaghahanay ng panibagong plano.“Pinakamahaba ang oras na inila-laan namin sa paksa ng pulitika,”pagbabahagi ni Ka Rara. “Mula ga-waing militar, gawaing masa, pro-duksyon, medikal, hanggang sapangangalaga sa kalikasan.” Dag-dag dito, masigla rin ang gawain saideolohiya. Ayon pa kay Ka Rara,maliban sa mga pormal na edukas-yon, gustung-gusto ng mga kasamaang mga inilimbag na babasahin saPambansa Demokratikong Paaralanat karanasan sa Byetnam.

Lahat ng mahahalagang res-ponsibilidad sa kumpanya ng Karloay tinatanganan ng mga kagawadng KT. Sila ang pinakaabantengmga elemento ng Partido at itinu-turing na mga modelo ng disiplinaat pagpapatupad ng programa ngPartido. Sa Karlo, mahigit 15 angnasa KT na nakalubog sa mga pla-tun at iskwad at nagsisilbing mgaPulang kumander, upisyal sa puli-tika, lohistika, medikal, paniktik atiba pa. “Magrerekomenda pa kaming mahuhusay na kasama upangipaloob sa KT,” paglilinaw ni KaRara, “para sapat ang bilang ngmga kadre na mag-aasikaso sa mgagawain at sa masang kasapian ngPartido.”

Sa loob ng BHB, binubuo angsangay ng Partido sa loob ng mgakumpanya. Sa Karlo, mabilis na

naipatutupad ang mga plano ngsangay dahil sa katangian nitonghalos araw-araw ay tipon ang mgaplatun. Nagsisimula at nagtataposang mga araw na aktibong guma-gampan ng maliliit at malalakingtungkulin ang mga kasapi ng Parti-do bilang mga Pulang kumander atmandirigma. Sa paggising sa ma-daling-araw, magbabahagi na angmga giyang pampulitika ng men-saheng ipapasa sa bawat elemen-to. “Pwedeng mga rebolusyonar-yong sipi, o minsan naman,pang-militar na mga mensahe, ha-limbawa’y pagpamilyarisa sa alpa-betong militar.”

Kasunod nito, naghahanda rinng paksa na tatalakayin ng mgaiskwad habang nagkokonsultahanang yunit kumand, ang pamunu-ang militar ng yunit. Pagbalik ngmga kumander para sa arawangbriefing, kabilang sa inihahanayang pangunahing gawain batay satakdang araw. “Sinisimulan nanamin ang mga resolusyon namag-uukol ng araw sa bawat pan-gunahing gawain,” ani Ka Rara.Halimbawa nito, ang mga Lunesay inilalaan sa gawaing literasiya-numerasiya, ang mga Sabado aypara sa gawaing militar at iba pa.“Sa ganyang pag-iiskedyul na na-min ipinapasok ang mga gawain,para sa bawat linggo, walang na-lalaktawan,” dagdag pa niya.

Pagsapit ng hapon, magkokon-sultahan ang pampulitikang seks-yon upang tasahin ang takbo ngmga gawain. Ang pagtatasa aymula sa nauna at regular na mgapagtatasa ng mga grupo ng Partidosa iskwad at platun.

Bawat grupo ng Partido sa isk-wad ay nagtatasa bawat linggo, atbawat dalawang linggo naman anggrupo ng Partido sa platun. Mata-

pos ang ikalawang pagtatasa nggrupo ng Partido sa mga platun,susumahin ito ng sangay sa Karlopara sa kasalukuyang buwan. Ba-tay dito’y pauunlarin ang progra-ma.

Dahil pangunahi’y panlabangyunit, tinitiyak ng sangay sa Karlona kanunay o pamalagiang mataasang diwa at kakayahang lumabanng bawat upisyal at mandirigma.Paano ito tinitiyak? “Batay sa pla-no ng sangay, iniaatang sa yunitkumand ang pagbibigay ng pagsa-sanay sa pulitiko-militar, o mgacrash course bago ang mga ito,”ani Ka Rara.

Dagdag pa, naglalaan ang ku-mand ng di bababa sa 30 minutobawat araw para sa ehersisyongmilitar. Bawat ikalawang araw aynagkukumustahan ang mga timupang tasahin ang mapanlabangdiwa ng bawat mandirigma. Tu-wing ikatlong araw naman aymayroong punahan at pagpuna-sa-sarili.

Kabilang din sa pagpapanday saKarlo ang masinsin na pagsubaybaysa mga kasama kung epektibo si-lang nakagagampan sa iniatang namga gawain. Ang ginagawa nina KaRara, “kung nakikita ng sangay natila hindi interesado ang kasama saibinigay na tungkulin, agad naminsiyang binibigyan ng bagong ga-wain. Kinukonsulta kung ano anggusto niyang gampanan, at doonnamin siya pinabubwelo.” Hinihi-kayat ng mga upisyal sa Partido namagbukas ng kanyang saloobin angkasama nang sa gayon, “pagdatingng trabaho, wala nang mga ba-gahe.”

Masinsin din ang pagpanday samga nakikitaan ng potensyal. Ha-limbawa ni Ka Rara, kahit may ka-salukuyang nakatalagang iskwad

ANG BAYAN Agosto 21 , 2018 5

Mga martir ng PKP-Panay,pinarangalan

Pinararangalan ng National Democratic Front (NDF)-Panay at ng buongrebolusyonaryong kilusan ang pitong myembro ng komite sa propaganda

at edukasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa isla ng Panay.Ang pitong kasama ay brutal na

minasaker ng pinagsanib napwersa ng militar at pulis noongAgosto 15, hatinggabi, sa Bara-ngay Atabay, San Jose, Antique.

Sina Felix Salditos (Ka Dudi),Eldie Labinghisa (Ka Ipoy), PeterMecinas (Ka Elton), Karen Ceralvo(Ka Liway), Liezl Bandiola (Ka Ma-yang), Jason Talibo (Ka Bebe) atJason Sanchez ay maituturing nakabilang sa pinakamahuhusay naanak ng bayan. Inialay nila ang pi-nakamabunga at produktibong mgataon sa pagsisilbi sa mamamayanat pagsusulong ng rebolusyonar-yong kilusan sa Panay.

Ang apat sa pitong martir aymga kadre sa propaganda at kultu-ra. Nagsilbi sa rebolusyon siSalditos sa loob ng 40 taon bilangmakata, dibuhista at pintor. Kilalasiya sa sagisag sa panulat na siMayamor, at kamakailan bilangMaya Daniel sa social media. Gu-mampan siyang patnugot ng pang-masang pahayagan ng Panay, angDabadaba, at dibuhista ng komiksnitong Caduy. Ginagamit ng buongrebolusyonaryong kilusan ang kan-yang mga obra sa mga pag-aaral atpropaganda. Mayor siyang kontri-byutor ng Ulos at ng PRWC.

Si Labinghisa ay isa ring biswalna artista at makata habang sinaBandiola at Ceralvo ay paminsan-minsang nagsusulat ng tula habanggumagampan bilang mga instruk-tor ng mga pormal na pag-aaral ngPartido sa rehiyon.

Sa isang pahayag noong Agosto15, mariing kinundena ni KaConcha Araneta, tagapagsalita ngNDF-Panay, ang brutal na pagma-saker ng pinagsanib na pwersa ng301st IBde, 61st IB at pulisya sapitong kasama.

Inatake ng di bababa sa 100 ar-madong tauhan ng estado ang tini-gilan nilang bahay at pinaslang silahabang natutulog. Nasa BarangayAtabay noon ang mga kasama paramagsagawa ng pananaliksik at im-

bestigasyon sa kalagayan ng ma-mamayan ng Antique, ang pinaka-mahirap na prubinsya ng Panay.

Pinabulaanan ni Ka Concha angnilubid na mga kasinungalingan ngAFP at PNP para pagtakpan angang kanilang krimen. Masaker,hindi labanan, ang naganap. Hindiarmado at hindi maaaring ituringna mga kombatant ang pito. Ani KaConcha, hindi totoong unang nag-paputok ang mga kasama. Ang ta-nging nagpaputok ay ang mgamersenaryong tropa, na tumigillamang sa pagpapaulan ng balanang tiyak na nilang patay ang la-hat na nasa loob ng bahay.

Malaking kabulastugan din angipinakitang armas na ginamit diu-mano ng mga kasama para luma-ban. Napakalinaw na tanim naebidensya ang sinasabi ng pulis nagranada, .38 kalibreng pistola atisang M203 granada (walang riple)na hindi naniwala kahit ang midyasa kasinungalingang lumaban angmga kasama sa loob ng 30 minutogamit ang mga ito. Nagpalusot paang PNP na maghahain lamangdiumano sila ng mandamyento dearesto sa dalawa sa mga pinas-lang.

Ani Ka Concha, mahirap tang-gapin na sa isang iglap, nawalanang rebolusyonaryong kilusan ngmga kasamang punung-puno ngabilidad, talento, talino at kasiga-sigan. "Binigyan-buhay nila, ga-yundin ng musika, sigla at buhayang rebolusyonaryong propagandaat kultura para sa inaaping mama-mayan, para sa tunay na kalayaan,hustisya at kapayapaan," ani KaConcha.

"Hindi magtatapos sa ating mgaluha ang ating pagluluksa," sabi pani Ka Concha. "Nanaisin ng atingmga rebolusyonaryong martir naitransporma natin ang ating pig-hati sa tapang at itaas ang atingmga kamao at buong lakas na isi-gaw na isulong ang rebolusyon!"dagdag pa niya.

lider, pinapag-floating muna siyahabang may sinasanay na kahali-ling kumander. “Relyebo gyudang mga tao para makabwelo.”

“Karamihan ay mga kasapi nang Partido,” ani Ka Rara. “Angnatitirang ilang mandirigma, ba-go pa man marekluta, ay pinala-lahok na namin sa mga gawainkung saan sila nakikitaan ng po-tensyal. Agad silang pinahaha-wak ng tungkulin matapos su-mumpa bilang kasapi.” Ka-limitan, bawat kasapi ng Partidosa mga iskwad ay may hinaha-wakang tahas, o tungkulin, katu-lad ng pagiging upisyal sasuplay, medik, tim lider at ibapa. Sa loob ng anim na buwanhanggang isang taon, mabilis nanapalilitaw ng sangay ang ba-gong mga kasapi ng Partido natatangan ng mga responsibilidadat magpapatupad ng programang sangay.

Nasaksihan ni Ka Rara ang na-karaang apat na taon ng Karlo.Nang ipinakat siya sa kumpanya,nasa panahon pa ito ng pagbawimula sa mga kabiguan. Mula saisang platun, dinagdagan sila atnagpasampa hanggang sa mulinglumaki. Paglipas ng mga taon, ma-sasabing bata ang komposisyon ngsangay sa Karlo. Ang pinakama-tandang myembro ay 36 taong gu-lang pa lamang. Pero tiwala si KaRara sa mga maaabot ng kumpan-ya. Tiwala siyang kakayaningharapin ng mga kasama ang mgasakripisyo. Isang pribilehiyo parasa sangay na ngayon pa lamang,nakapag-aaral at nakapagsasanayna, dahil sa paglaki ng Karlo, kaa-kibat nito ang mas mabibigat naresponsibilidad.

Sa kung ano’ng tipo ng komiteang kanyang tinatanaw, maka-buluhan ang binitiwang mga sali-ta ni Ka Rara: “Himsog na kina-buhi sa Partido. Masiglangbuhay-Partido sa loob ng Karlo,para makita kung ano pa angkailangan para maabot ang mganais kamtin. Bilang pampu-litikang direktor ng kumpanya,dapat siya ang pinakasolido, pi-nakamaagap sa pagtanaw samga problema para maagap dingnabibigyan ng solusyon. Kung dilihimsog ang Partido, wala ang ta-nan.”

Agosto 21 , 2018 ANG BAYAN6

Mga magsasaka, pinataysa mga operasyong kombat ng AFP

Dalawang magsasaka ang patay at isa ang sugatan nang walang pakun-dangang inistraping ng mga elemento ng 23rd IB at CAFGU ang kanilang

pinagpapahingahang kubo noong Agosto 5, alas-5 ng umaga, sa Purok 4, Ba-rangay Oro, Esperanza sa Agusan del Sur. Napatay sina Juan Precioso atKent Montilla at nasugatan si Robert Tambilisan habang nakaligtas sa pama-maril sina Joseph Tambilisan at Tata Merano. Ang lima ay pawang mahihirapna magsasaka na nasa lugar para maghawan ng sakahan.

Noong araw na iyon, maagangbumaba sa kubo sina Precioso atJoseph Tambilisan para maghandasa pangatlong araw ng paghaha-wan. Hindi pa sila nakalalayo sakubo nang bigla na lamang silangpinaulanan ng bala. Agad na nama-tay si Precioso habang nakatakbo siTambilisan. Si Kent Montilla, nanoo'y nasa loob ng bahay, ay tina-maan sa ulo habang umiiwas samga putok.

Kinilala ang mga salarin na mgaelemento ng CAFGU, kasama angdalawang sundalo ng 23rd IB nanakabase sa mga detatsment ngCAFGU-CAA sa mga barangay ngTandang Sora at Guadalupe, kapwasa Esperanza. Para pagtakpan angkanilang krimen, idineklara ng AFPna mga myembro ng BHB ang mgamagsasaka, na diumano'y nakipag-putukan sa kanila. Pinasinungali-ngan ito ng mga residente ng Bara-ngay Oro at mga kamag-anak ngmga biktima.

Sa Bukidnon, isang magsasakaang pinatay at isa ang nasugatannang pagbabarilin sila ng mga ele-mento ng 403rd IBde sa Sityo Ca-maca, Barangay Bontongon, Impa-sug-ong noong Agosto 8, bandangalas-9 ng umaga. Napatay siAnyong Minio at sugatan ang kan-yang kapatid, parehong residenteng naturang barangay. Nagsasaga-wa noon ng "nakapokus" na opera-syong kombat ang mga sundalolaban diumano sa mga yunit ngBHB sa lugar. Katulad sa ibanginsidente, pinalabas ng AFP na mgaPulang mandirigma ang pinaslangnilang sibilyan.

Sa sunod na araw, tatlong besesna binomba at inistraping ng mgahelikopter ng AFP ang mga sakahansa itaas ng baryo. Nagdulot ito ngtakot sa mga residente at nagtulak

sa di bababa 40 indibidwal namagbakwit tungo sa sentro ngImpasug-ong. Pinagbawalan dinang mga residente sa mga kalapitna baryo na lumabas sa kanilangmga komunidad para bumili ngpagkain o tumungo sa kanilang mgasakahan.

Sa Masbate, tuluy-tuloy angpaghahasik ng teror ng militar saBarangay Talisay, San Fernando.Noong Agosto 11, iligal na pinasokat hinalughog ng mga sundalo mulasa 2nd IB at 19th MICO ang hindibababa sa siyam na bahay ng mgasibilyan. Pinagkukuha ng mga sun-dalo ang mga personal na gamit ngmga residente nito, kabilang angpera, selpon, telebisyon at magingpabango. Maliban sa pagnanakaway pinagsasampal at binugbog dinang mga biktimang sina Sally Bona,Ramon Bartolay at mag-asawangPaeng at Jeneve Bartolay. Angpangyayari ay pangatlong insidentena ng pang-aabuso at pagnanakawng mga sundalo sa lugar.

Sa Mt. Province, tuluy-tuloy nakinampuhan ng mga elemento ng81st IB ang Sityo Dandanac, Bara-ngay Tamboan, Besao mataposambusin ng BHB-Mt. Province angkanilang tropa noong Hulyo 14-15.Ginawang base ng mga sundalo angilang bahay ng mga residente, ka-bilang ang mga bahay nina CarolBagyan, tagapagtanggol ng kara-patang-tao at myembro ng Cordil-lera People's Alliance, at RhodaDalang, pinuno ng Center forDevelopment Programs in the Cor-dillera. Inobliga ng mga sundalo nakumuha ng "safe conduct pass" opalagiang magpaalam ang mga re-sidente para lumabas ng baryo athinigpitan ang kanilang mga kilos.Dahil dito, apektado angpagtatrabaho ng taumbaryo sa ka-

nilang mga sakahan. Nagresulta itosa pagkaantala ng kanilang pag-a-ni, at dahil dito, maging ang kani-lang kasunod na pagtatanim.

Sa Davao Oriental, sapilitangpinagbakwit ng 67th IB ang may200 Lumad at magsasaka saBarangay Tomoaong, Tarragonamatapos ang serye ng mga taktikalna opensiba na inilunsad ng BHB salugar noong Hulyo 27. Nagpatawdin ng blokeyo sa pagkain ang mgasundalo para pigilan ang pagbili ngpagkain ng mga magsasaka.

Pang-aaresto at panggigipitSa Sorsogon, iligal na inaresto

ng 31st IB si Amadeo Grayda,isang sibilyan, at pinalabas na ak-tibong kasapi ng BHB-Sorsogon ni-tong Agosto. Si Grayda, residenteng Barangay Catanusan, Juban aynoon pang 2009 tumiwalag sa BHB.Anang BHB-Sorsogon, ang iligal namga pang-aaresto ng mga sibilyangkatulad ni Grayda ay bahagi ngpaghahabol ng militar sa kanilangtarget na gapiin ang BHB sa buongbansa sa loob ng taon. Palatandaanito ng kanilang desperasyon.

Noong Agosto 11, iligal na ina-resto at sinampahan ng gawa-ga-wang kaso ang mag-asawang Ro-wena at Oliver Rosales, kapwa da-ting organisador ng COURAGE.Inaresto sila habang bumibyahe saBarangay Wawa, Balagtas, Bu-lacan. Noong 2015, ginawaran ngKorte Suprema ang mag-asawa ngwrit of amparo (proteksyon labansa sarbeylans at panggigipit mulasa AFP), kasama ng iba pang kasaping COURAGE.

Noong hatinggabi ng Agosto 8,hinarang ng Bureau of Immigrationat hindi pinapasok sa bansa si Prof.Gill Boeringer, isang Australian napropesor, sa dahilang dumalo diu-mano siya sa mga rali laban saAPEC noong 2015. Pinwersa siyangbumalik sa Australia noong Agosto14, matapos ng isang linggongpamamalagi sa loob ng paliparan.Myembro si Prof. Boeringer ngInternational League of Peoples'Struggles (ILPS) at aktibong su-musuporta sa mga pakikibaka ng

ANG BAYAN Agosto 21 , 2018 7

Mga detatsment ng AFP,itinatayo sa NEMR

Sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, lalong pinarami ng Armed Forces ofthe Philippines (AFP) ang mga itinatayo nitong detatsment ng militar

sa Mindanao. Partikular sa rehiyon ng Northeast Mindanao, hindi bababasa 100 ang mga detatsment ng AFP at CAFGU. Ilan sa mga ito ay ilangdekada nang nakatayo, tulad sa Padiay, Sibagat sa Agusan del Sur; Bol-hoon, San Miguel sa Surigao del Sur; Puting Bato, Cabadbaran sa Agusandel Norte; at Marga, Tubod sa Surigao del Norte. Sa kasalukuyan, mabilisna dinadagdagan ang mga ito.

Susing bahagi ng Oplan Kapa-yapaan at batas militar ang pag-lalatag ng mga detatsment na itosa loob o paligid ng mga sibilyangkomunidad. Ginagamit ang mgaito para tiktikan, takutin atgipitin ang mga sibilyan sa mag-kakanugnog na baryo at magha-sik ng ligalig sa mga komunidad.

Ang mga detatsment na ito aynagsisilbing gwardya ng umiiralnang mga imperyalistang negosyoat sa mga lugar na nais nilangsaklawin. Instrumento ang mgaito para ipagtanggol ang mga lu-pa at iba pang ari-arian ng mgadayuhang korporasyon, gayundinng mga lokal na panginoong may-lupa habang sinusupil ang mgakarapatan at kabuhayan ng ma-lawak na masang magsasaka atkatutubo sa kanayunan.

Sa loob ng mahabang pana-hon, nagsilbi ang mga ito bilangmga sentro ng mga gawaing anti-sosyal, tulad ng iligal na droga,pagnanakaw, pangingidnap at ibapang krimen.

Talamak sa mga detatsment

na ito sa pangingikil sa maliliit naminero, magtotroso at iba pangmaliliit na negosyo, kasabwat angmga grupong paramilitar. SaNEMR, kakutsaba nila ang pina-kamasasahol na paramilitar tuladng grupo nina Hasmen Acebedo,Marcos Bocales, Rico Maca atCalpet Egua. Binabayaran din silang malalaking kapitalista at pa-nginoong maylupa sa pang-aagawng lupa para sa mga komersyal naplantasyon at mina.

Sentro ng rekrutment ng CAFGUNagsisilbing sentro ang mga

detatsment ng sapilitang rekrut-ment para sa CAFGU. Lingid sakaalaman ng taumbaryo, isinasa-ma ng mga sundalo ang pangalanng mga residente sa listahan ngmga dapat magpa-"clear" sa mi-litar. Nagpapataw ang AFP ngkota sa mga upisyal ng barangaypara sa mga bagong rekrut naCAFGU at sapilitang ipinaiilalimsa pagsasanay-militar. Nagpa-pataw din ng kota ng mga bagongrekrut ang AFP sa mga upisyal ng

masang anakpawis sa iba't ibangbahagi ng mundo. Kabilang siya salistahan ng mga myembro ng ILPS,kapwa dayuhan at Pilipino, na ba-wal nang papasukin sa bansa. Di-rekta itong paglabag sa karapatanng mga indibidwal at mamamayanna lumahok sa anumang mga pag-kilos para sa pagsusulong ng bata-yang mga karapatang-tao at pun-damental na mga kalayaan.

Kontra-opensiba sa ligalMatagumpay na naipabasura ng

mga abugado ng apat na aktibistaang pagbibilang sa kanila sa lista-han ng mga "terorista" na inilabasng rehimeng Duterte noong Nob-yembre 2017. Pinirmahan ng Mani-la Regional Trial Court noong Hulyo27 ang isang resolusyong nagsasa-ad na hindi maaaring papanagutinsina dating Bayan Muna Rep. SaturOcampo ng Bayan Muna, RafaelBaylosis, Victoria Lucia Tauli-Cor-pus at Jose Melencio Molintas sakaso ng pagdedeklara sa PartidoKomunista ng Pilipinas at BHB bi-lang mga "teroristang organisa-syon." Ito ay dahil nakatuon angnaturang deklarasyon sa "organi-sasyon, asosasyon o grupo ng mgaindibidwal" at hindi sa partikularna mga indibidwal. Ang apat ay ka-bilang sa 600 indibidwal na ipina-dedeklara ng Department of Justicebilang mga terorista sa isang ka-song isinampa nito noong Pebrero.

Noong Agosto 8, ibinasura na-man ng korte sa Nueva Ecija anggawa-gawang kaso ng pagpaslanglaban sa apat na dating kongresistang blokeng Makabayan. Ipinakan-sela rin nito ang mandamyento dearesto laban kina Satur Ocampo,Teddy Casiño, Liza Maza at RafaelMariano. Ito ay pagkatapos mag-hain ng P2 milyong pabuya ang mgaalipures ng rehimeng Duterte paraituro ang kinaroroonan ng apat ba-go ang araw ng pagdinig.

Ayon sa Karapatan, umabot nasa 700 ang mga iligal na inarestong rehimeng US-Duterte. Nasa 129mga aktibista at tagapagtanggol ngkarapatang-tao ang iligal na ina-resto at sinampahan ng mga kasomula nang itayo ang Inter-AgencyCommittee on Legal Action (IACLA)noong Oktubre 2017. Ang IACLAay ahensyang binubuo ng mgaupisyal ng militar at pulis.

Agosto 21 , 2018 ANG BAYAN8

Unang pagtitipon ng mgakatutubo sa Ilocos, idinaos

Sa Ilocos Sur, nagtipon ang may 60 kinatawan ng mga tribong Bago,Isnag-Yapayao at Tingguian mula sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Uni-

on. Inilunsad nila ang First Ilocos Indigenous Peoples Convergence andConsultation noong Agosto 9 sa Cabugao, Ilocos Sur.

Sa pagtitipon, nagbahagi ng ka-ranasan at kalagayan ang iba'tibang grupong minorya sa rehiyon.Napapanahon ang aktibidad dahilpangunahing target ng proyektongimprastruktura ni Duterte angkanilang lupang ninuno. Pinangu-nahan ng Ilocos Region EcumenicalCouncil ang naturang aktibidad.

Ayon sa pahayag ng mga dele-gado, ang proyektong hydropowerat eko-turismo ng rehimen ay nag-papalala sa pangwawasak at sapi-litang pagpapalayas ng korpora-syong mina sa mga lupang ninuno.Kabilang sa mga inihapag na usa-pin ng mga dumalo ang hindi pag-kilala ng lokal na gubyerno sa ka-nilang kinatawan, tulad nang sa LaUnion.

Inihapag naman ng isangmyembro ng tribong Isnag-Yapa-yao ang hindi pagkilala ng lokal nagubyerno sa pagtanggi ng kanilangtribo na magbigay ng pahintulot samga dayuhang kumpanya ng ener-hiya sa Caunayan, Pagudpud saIlocos Norte. Dahil bigong maka-kuha ng pahintulot ang naturangkumpanya, nakipagsabwatan ito saNational Commission for Indige-nous Peoples na nagtayo ng isangpekeng organisasyon para matuloyang kanilang mga operasyon.

Binatikos naman ni Nick Ladenng tribong Bago at lider ng Timpu-yog ti Mannalon ti Karayan Buayaang National Irrigation Authoritysa pagtatayo nito ng dam sa kani-lang munisipyo sa kabila nangwalang permiso mula sa mga resi-dente.

Sa pagtatapos ng pagtitipon,

nilagdaan ng mga dumalo angisang deklarasyon ng pagkakaisa.Binigyang diin nila ang pagkakaitng rehimeng US-Duterte sa kani-lang karapatan na gamitin atpaunlarin ang kanilang lupang ni-nuno at ang pagbabalewala nito sakanilang mga pangunahing panga-ngailangan. Kinundena rin nila angpagkakait sa kanilang karapatanna mamuno, mamahala at paunla-rin ang kanilang kakayahan saekonomya at paunlarin ang kani-lang kultura.

Araw ng mga KatutuboNoon ding Agosto 9, naglunsad

ng koordinadong protesta ang mgabalangay ng Kalipunan ng Katutu-bong Mamamayan ng Pilipinas saiba't ibang syudad ng Maynila,Nueva Vizcaya, Baguio, Pampanga,Iloilo, Surigao del Sur, Davao Cityat Misamis Oriental bilangpaggunita sa Pandaigdigang Arawng mga Katutubo.

Sa mga protestang ito, kinun-dena nila ang sistematikong pag-labag ng rehimeng US-Duterte sakanilang mga karapatan. Sakanilang tala, umabot na sa 47katutubo ang pinaslang sa ilalimng rehimen. Nakapagtala rin silang 24 insidente ng pambobombana nagresulta sa sapilitang pag-babakwit ng 27,000 katutubo sabuong bansa. Nasa 384 naman angmga insidente ng pang-aatake saang mga komunidad ng katutubo.Sa Mindanao, 72 paaralan na ngmga Lumad ang nakasara dulot ngtuluy-tuloy na militarisasyon atpanggigipit ng AFP sa kanila.

barangay. Ang mga hindi naka-tutugon ay pinarurusahan.

Pinangangakuan ang mgarekrut ng CAFGU ng alawanspero madalas na hindi ito ibini-bigay o kung ibinibigay man aymalaki na ang kinaltas ng mgaupisyal. May mga pagkakataongitinuturing ng mga sundalo na"utang" ang mga sweldo ngCAFGU at pinababayaran pa sakanila nang may 20% interes.

Ang mga tauhan ng CAFGUay ginagawang alipin sa mgadetatsment. Ginagamit din silabilang pampain at panangga samga operasyong kombat.

Sa pangkalahatan, nagsisil-bing mga forward deployed forceang mga detatsment sa mga lu-gar na pinaghihinalaan ng AFPna mga base ng BHB. Sentro angmga detatsment na ito hindi la-mang ng mga operasyong kom-bat, kundi pati ng mga opera-syon ng mga peace and develop-ment team (PDT).

Salot sa mamamayanMalayung-malayo sa katoto-

hanan ang pahayag ng AFP nahiniling diumano ng mga sibilyanang pagtatayo ng mga de-tatsment sa kanilang mga ko-munidad. Sa aktwal, aktibongnilalabanan ng mamamayan angmga ito. Ilan lamang dito angkaso ng pagtutol ng mga resi-dente sa Lianga, Surigao de Surat Lagonlong, Misamis Oriental.Dito, sapilitang nagbakwit angmga residente ng mga komuni-dad na may itinayong mga de-tatsment para takasan angpang-aabuso at matinding mili-tarisasyon ng kanilang lugar.

Mahaba na ang listahan ngmga paglabag sa karapatang-tao sa mga komunidad na maydetatsment ng AFP at CAFGU.Marami nang kaso ng iligal napang-aaresto, pambubugbog,panloloob sa mga bahay ngsibilyan at pamamaslang angnaisadokumento sa mga lugarna ito. Madalas ding ipinapatawdito ang mga restriksyon tuladng curfew at mapaminsalangmga blokeyo sa pagkain at ko-mersyo na pumipigil sa kilos ngmga residente at umaapekto sakanilang kabuhayan.

Protesta laban sa crackdown

BILANG PAGKUNDENA sa pampulitikang panunupil at atake ng rehimengDuterte, nagprotesta ang mga progresibong organisasyon sa Mendiola,Maynila noong Agosto 16. Ayon sa kanila, muling binuhay ni Duterte angmekanismo ng rehimeng Arroyo sa pagsupil ng karapatang-tao. Itinaonang pagkilos sa paggunita sa unang taon ng pagkakapaslang kay Kian delosSantos sa ilalim ng hungkag na gera kontra-droga ng rehimen.