56
1

Overcoming Objections Kickass Way

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Handle and Answer Objections like a pro

Citation preview

1

2

3

DISCLAIMER The Following is for information purposes only. The Author assumes no responsibilty for the use or misuse of this training manual, or for any injury, damage and/or financial loss sustained to persons or property as a result of using the information in this document or any other element included in this E-Book. Although it is the author’s intention to provide the most effective and up to date methods and knowledge to ensure the highest possible standard and quality of business practices associated with network Marketing and Home Business, the author of this Manual and the creator of this course cannot guarantee your future results and/or success as there are some unknown risks in any business and on the internet that cannot be foreseen. Because of the rate in which conditions change, the author reserves the right to alter and update this ebook and his opinion based on the new conditions. The use of this information should be based on your own due diligence, and you agree that the author of this eBook is not liable for any success or failure of your business that is directly and indirectly related to the use of this information.

4

Table of Contents Welcome To ‘Overcoming Objections, Kickass Way’…..……………..….…6 I’m Just Curious…………………………………………………………………..7 Turning Point……………………………………………………………………...8 Handle With Care……………………………………………………………….12 Always And Always Keep This In Mind……………………………………….13 Objection #1 Pag-Isipan Ko Muna…………………….………………………14 Objection #2 Magkano Na Ba Kinikita Mo D'yan………..………..…………17 Objection #3 Networking Ba 'To? ………..………..………..………..………19 Objection #4 Pyramiding Ba 'To? ………..………..………..………..………21 Objection #5 Paano Kung Wala Akong Mainvite? ………..………..……….23 Objection #6 Doubts………..………..………..………..………..…………….25 Objection #7 Wala Akong Pera………..………..………..………..………….26 Objection #8 Part Time Tapos Maglalabas Ng Pera………..………..……..29 Objection #9 Wala Akong Time………..………..………..………..………….32 Objection #10 Tanong Ko Muna Sa Asawa Ko, Kay Misis, Kay Mister, Sa girlfriend ko, sa pusa ko?...................................................36 Objection #11 Paalam Po Muna Ako Sa Mama Ko, Sa Papa Ko, Sa Kapatid ko, sa tita ko, sa kapitbahay namin?........................................38 Objection #12 Small Time………..………..………..………..………..………41

5

Objection #13 Hindi Ko Linya 'Yan………..………..………..………..……...42

Hindi ako magaling sa sales

Hindi ako magaling magbenta

Hindi ko kaya 'yang ginagawa n'yo Objection #14 Ipon Muna Ako………..………..………..………..……..........44 Objection #15 Alam Ko Na 'Yan……..………..……….……..………..……..46 Objection #16 Pautang Na Lang Muna Ko Sa'yo Tapos Bayaran Na Lang Kita……..………..……….……..………..………...47 Objection #17 Nasubukan Ko Na Yan Dati My Kakilala Ko Na-Try Yan, Wala Naman Nangyari……..………..………..49 Objection #18 Ilang Beses Na 'Kong Nainvite Sa Networking, Parepareho Lang……..………..……….……..………..……….…….....…….52 Its important that you keep this in mind... ……..………..…………………...55 Last And Final Words……..………..……….……..………..…………………56

6

Dear friend and fellow networker,

Welcome to "OVERCOMING OBJECTIONS, KICKASS WAY", let me say CONGRATULATIONS, dahil hindi ka nag dalawang isip mag take action para sa personal and technical skills development mo in our chosen field and passion, which is Network Marketing. Dahil nag take ka ng action at steps para mapalapit ka pa lalo sa success mo, isa kang quality leader basta ipagpatuloy mo lang yan. The information you are about to read in this ebook contains strategies and techniques not only from me, but from other uplines as well. I surveyed and asked a few fellow networkers and beginners on areas where they find it hard in their network marketing career, and you will read it in the following pages. Matututunan mo kung paano sumagot sa mga common objections na naeexperience ng bawat networker at kapag na-apply mo ng tama at pinag-aralan ang mga un, makakatulong ito sa'yo. Your awesome friend to success!

7

I’m Just Curious Minsan ba, sobrang dami mong nakakausap at nagsabi na magjojoin daw sila, pero hindi naman? Nakakasawa ba na every time my client ka hindi nagjojoin? Pagod ka na bang gamitin ang mga strategies at techniques na hindi naman effective? Nauubusan ka na ba ng mga tamang isasagot sa clients mo? Na try mo na ba lahat ng scripts na tinuro sa'yo pero wala pa din? Tipong sobrang ready to pay-in na tpos kapag ifofollowup mo na ang irereply sa'yo:

Ang lupet no? Natatawa na lang ako. Kapag ganoon kasi, ayon sa isang book na nabasa ko. May mga invites ka talagang gusto magjoin, kaya nga lang, kahit anung positive nila, may mga questions at clarifications pa rin sila. At 'un ang kailangan mong matutunan kung paano sumagot ng mga objections ng clients mo. Good news! Dahil itong ebook na 'to ay para sa'yo. Willing akong ituro lahat ng mga natutunan ko, dahil gusto kitang tulungan maachieve mo ang success mo. Most of the objections is about realizations, gusto ko kasi ma realize nila at ipaintindi kung anu ang network marketing, ayoko ng babarahin or aawayin (which is mali talaga). Gusto ko ung tipong pag-uwe nila, maiisip nila lahat ng sinabi mo at nai-share mo sakanila.

8

TURNING POINT

“There comes a time in your life, when you felt like you’ve just had enough.”

Bago ko simulan, my gusto lang akong ishare sayo, baka maka relate ka o nangyari na ito sayo. "Noong bago pa lang ako sa network marketing, alam naman nating lahat na ang gagawin mo ay mag-invite. Un ang laging tinuturo at mindset sa akin dati (which is hanggang ngayon naman). Ang kulang ko dati ay hindi ko pa gaano master sumagot sa mga objections, pero I still get by. Kapag my mga invites naman ako, nasasagot ko naman ng maayos, pero hindi pa ako masyado nagfocus sa pag-aaral on how to handle objections, ang mindset ko ay invite lang ng invite! At ang mga susunod mong mababasa ang magpapatunay na nagkamali ako. Nagbago ang buhay ko mula nung araw na iyon, at un ang araw na kahit kailan hindi ko malilimutan. It was a great and pleasant day,

I was full of hope and the eagerness was overflowing matched with my burning desire to succeed. Like any other day, merong Business Opportunity Meeting (BOM) at lahat ay kailangan magdala ng invite kasi malupet at matindi ang speaker. Syempre, networker eh, meron akong dalang dalawang invite. Isang kakilala at bonus dahil nagdala pa ng isang friend (jackpot!), plus mukang may-kaya naman sila.

9

So ngayon eto na, ang saya saya ko silang sinalubong at binati. Syempre firm handshake daw tapos greet them with their name sabay smile ☺

Syempre MBM muna (meeting before meeting), nilibot ko sila sa office then establish rapport. Biglang nagtanung ung isa, Invite: "Networking ba to?" (May kasamang taas ng kilay)

Sumagot naman ako ng ibang term, so parang hindi na rin ang sagot ko. Nung OK na, dinala ko na sila sa orientation room. Habang naglalakad kami, nagtanung nanaman sya,

Invite: "Joyce sure ka bang hindi to networking?! Kasi nakapunta na ata ung friend ko dito"

10

Ang sabi ko, "hindi" pero this time. Grabe sobrang kabado na ko, talagang pinagpapawisan na ko kasi hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko. Nung nakaupo na kami, nagtatanong nanaman!

Invite: "Mukang familiar ung place e, Nakapunta na ko dito! Networking to eh! Joyce wag mo kong lolokohin ah! Nakakahiya sa friend ko! di ba tinanong kita kahon pa kung networking?! Ang sabi mo hindi! Tapos ganito?? Hay naku! Aalis na kami!"

Then sabay walk-out, pinahiya na ko. At hindi pa nakuntento, talagang hiningan pa ako ng isang daang piso! Wala na daw kasi silang pamasahe, last money na daw nila un ng friend nya etc etc, daming sinabi. Akala daw kasi nila trabaho talaga (e work naman talaga ung offer ko...) Did I mention that they both looked pretty? Grabe! Hindi ko inakala. Ang tindi talaga! Maiyak-iyak na ko, tinawag ko na mga upline ko kasi hindi ko alam gagawin ko. Ang sabi na lang sakin ng isang upline bigay ko na lang daw P100 ko para lang matapos na. So cut it short, binigay ko na ang isang daang pisong pinaglaban nila sa akin. Pero umiyak talaga ako pagkaalis nilang dalawa. Sobrang negative ng araw na un, naabsorb ko lahat. Kino-comfort ako ng mga uplines at crosslines ko, buti na lang my mga ka-team akong sobrang supportive. Sabi nila sakin,

"OK lang yan! Kwento mo yan pag naging successful ka. Tapos pag nagka kotse sagasaan mo! (Joke lang un! He he he!)"

11

Mula sa araw na iyon, nagsawa na ako na lagi akong minamaliit. Lagi akong binabara at ang baba ng tingin sakin. My life turned upside-down, sinabi ko sa sarili ko na kahit kailan hindi na ako makakapayag na ganunin ulit ako ng kahit sino. I studied very well and enhanced my self-confidence. Everytime na my kausap ako lagi kong tinatandaan ang araw na un. Nagpapasalamat ako sakanilang dalawa kundi dahil sakanila hindi ako magbabago at mag-iimprove. Sa susunod na may gumanon sakin, ngayon alam ko na ang gagawin. Hindi na ako makakapayag na my gumanun ulit sakin, dahil alam ko ung pakiramdam. Hindi maganda, hindi nakakatuwa. Since that day on, hindi na ako ginanun ng invite ko. Kahit hanggang ngayon :) Masaya ko sa mga nangyari noong nakaraan, dahil kung hindi un hinayaan ni Lord, kung ano ako nung nagsisimula malamang ganun pa din ako. Kaya pag my naencounter kang same situation, be thankful it happened! 'Cause these are the things that will improve and make you a better person.

12

HANDLE WITH CARE

May mga tao kang maiinvite sa business natin that looks negative. 'Ung tipong nag-eexplain ka tapos nakabusangot pa. Excited na excited ka pang mag present tapos hikab naman ng hikab with matching kamot sa ulo. Nakakainis no?

Pero ito 'ung isa sa mga natutunan ko sa networking na proven. Don't judge! Kasi kung sino pa ung mga mukang positive sila pa 'ung hindi nagjojoin, at kung sino naman ang negative sila pa ang nagjojoin. Hindi mo talaga masasabi, so don't judge.

13

ALWAYS AND ALWAYS KEEP THIS IN MIND... Here's the 5 steps on how should your conversation be:

1. Encourage / Emphatize 2. Question / Clarify 3. Confirm Your Understanding 4. Address the Problem or Objection 5. Check for Agreement

Kapag sasagot ka ng objections, always and always be CONFIDENT! Your prospects need you more than you need them Ikaw ang nakakaalam ng pagyaman, hindi sila Kailangan nila ng tulong mo Kapag nagkamali ka, tuluy tuloy lang. Hindi naman nila alam ang

sinasabi mo 'Wag na 'wag mong aawayin ang invite mo Bigay mo kung anong gusto nila, agree first then disagree Lagi mong ibalik ang tanong nila sakanila Eye contact, straight body, facial expressions, kailangan swak sa

sasabihin at kausap mo. Kailangan my touch at lagi mong banggitin ang panga lan nya Build trust and rapport Wag kang magsisimula hanggat hindi OK ang kausap mo, patawanin

mo muna or pangitiin mo In everything you do, work at it with all your heart and give your 101%

best effort Just ENJOY and have fun!

Ngayon, ready ka ba? Kung ganun, pwede kang kumuha ng ballpen at pen for taking down notes.

14

OBJECTION #1 PAG-ISIPAN KO MUNA

Kapag sinabi 'to ng invite mo, 50/50 pa s'ya kung magjojoin or hindi. Pero base sa aking experience, mga nagsasabi nyan, most of them ay ayaw. But don't lose hope kasi kapag nasagot mo naman at na-satisfy ang kausap mo, pwede s'ya magjoin. Madami akong sagot para dito. Ok ito na,

Invite: "Pag-isipan ko muna" You: "Ok, ano ba ung pag iisipan mo?" Invite: "Syempre my perang involved, mahirap maglabas ng basta basta" You: "Naintindihan kita, kasi ganyan din na-feel ko nung nainvite ako. Pero na-realize ko kung pag-iisipan ko pa, baka lahat ng kaibigan ko mainvite. Baka sila nagka kotse na, ako nag-iisip pa din. Lalo na kung yumaman sila, tapos ako pinag-iisipan ko pa din. Mas OK sabihin, bute na lang nagjoin ako agad. Kesa, sayang!

15

Eto pa,

Invite: "Pag-isipan ko muna" You: OK lang naman, pero ito na lang ang isipin mo. Ung mga kumikita dito ng sobrang laki, dati din naman nilang pinag-isipan. Pero bakit nagjoin pa rin sila? Pause for a bit... You: "Pwede ka naman magjoin bukas, next week, next month or kahit next year pa nga eh, pero nagjoin ka pa din, nasayang lang oras. Tsaka bakit mo pa papatagalin? Kung pwede ka naman kumita na agad."

Or

Invite: "Pag-isipan ko muna" You: "My tanong ako sayo. Ang pagyaman ba pinag-iisipan?" Invite: "Hindi" You: Ano pa pag-iisipan mo? And paano mo pag-iisipan ang bagay na hindi mo pa alam? Kaya nga magjojoin para malaman kung pano yumaman.

Or

Invite: "Pag-isipan ko muna" You: Tanungin kita, my yumaman na ba sa kakaisip? Puro isip lang? Invite: Wala pa... You: Curious lang ako, gusto mo ba talagang yumaman? Invite: Oo naman!

16

You: Un naman pala eh, alam mo ang mga mayayamang tao ginagawan agad ng paraan at action kapag nakakita ng opportunity. Kaya sila lalong yumayaman eh. Mga taong maparaan lang ang yumayaman.

Share this pic para mas marealize nila kung anung mawawala lalo sakanila

kung hindi sila nag decide agad.

17

OBJECTION #2 MAGKANO NA BA KINIKITA MO D'YAN

Nako! Wala ng mas titindi pa kung ito ang pambungad sa'yo ng invite mo, nung una kong narinig to kulang na lang maglaho ako sa harap nya. Nung baguhan pa lang ako, for me this is the heart-stopping question. Mautal-utal pa 'ko sa pagsagot dito. Eto ngayon ang isasagot mo,

Invite: Magkano na ba ang kinita mo dyan? You: Magkano ang gusto mo marinig para ma-impress ka?

Kapag sinabi mo to kailangan matindi ang confidence mo, dapat my eye contact at straight body. Dont forget to smile, baka kasi mayabangan sayo ang kausap mo. Invite: P30,000 (Kung kinikita mo na ang digits na yan ang sabihin mo,)

You: Eh di good! Yan ang kinikita ko dito. Kapag sinabi ko sayi na pwede mo din itong kitain, willing ka bang gawin ung mga ginagawa ko? Invite: Oo naman, paano ba?

18

You: Osige, ganito ang gagawin mo para makapag simula ka na (Join na sya nyan. Sponsor mo na sya ngayon sa network marketing business mo) Ngayon... Kung hindi mo pa kinikita yan, OK lang. Ang gagawin mo ay mag kwento ka lang ng mga success stories from your company. Ganito ang sabihin mo,

YOU: hindi ko pa kinikita ang ganyang income, pero let me tell you about... (Dyan mo na ikwento ang story ng upline mo na ganyan din ang income) <NAME> na kumikita na ng P30,000/WEEK or more. Ganito ang ginawa nya.. (Kwento mo lang). Ngayon alam mo na, willing ka din bang gawin ang ginawa nya pra kumita ka din kagaya nya?

INVITE: Oo naman! YOU: Osige, ganito ang gagawin mo para makapag simula ka na... Again, sponsor mo na sya.

19

OBJECTION #3 NETWORKING BA 'TO?

Lahat naman ng networker nung nagsisimula, hindi nakatakas sa tanong na to. So you're on the right track. Sometimes the best way to answer an objection is to answer back with a question. Ibalik mo sakanila ang tanong nila. Kasi minsan hindi nila alam ang tinatanung nila. The same goes for Objection #4 and #5.

Invite: "Networking ba 'to?" You: "Ano ba pagkakaintindi mo sa networking? Invite: "Yung recruit recruit, invite invite, benta benta, 'pag wala ka na-recruit wala kang kikitain"

O kaya 'ung mga sagot ay SCAM o pera pera lang, ipaintindi mo sakanya ng mabuti ano ba talaga ang networking.

You: So hindi mo pala naintindihan ang inexplain ko sayo? Or

You: So hindi mo pala naintindihan ang networking?

You: Network is a group of interconnected people. Lahat kasi ng tao nag nenetworking eh. Ano ba ung ABS-CBN? Kapamilya... NETWORK. GMA? Kapuso...NETWORK. Kung scam pala ang networking ibig sabihin lahat ng lumalabas sa tv scam?

Ito pa, dagdag mo,

20

You: Lahat ng tao nagnenetworking, kahit ikaw mismo. Hindi ka lang aware. Nagpaload ka, nagfacebook ka. nagkwento ka. Lahat un networking. Ibig sabihin scammer ka din pala? Hahaha!

Ito pa ulit,

You: May tanong ako sayo, nag ffacebook ka? (Syempre OO yan!) E di ba ayaw mo sa networking? Oh eh di wag ka ng facebook. Networking un eh. Facebook is a Social networking site.

Give ka lang ng other examples na my networking system din para mas maintindihan nya.

21

OBJECTION #4 PYRAMIDING BA 'TO?

You: MY NAKITA KA BANG PYRAMID DITO SA OFFICE? KUNG NAGHAHANAP KA NG PYRAMID DUN KA SA EGYPT!

O kaya eto,

You: PYRAMID BA KAMO? WALA DITO NUN. PUNTA KA EGYPT, MADAMI DUN.

Ha ha ha joke lang! Huwag mong sabihin yan! Pero kung gusto mo patawanin invite mo, sige go ahead. Prefer ko kung close friend mo talaga, at MAKE SURE na kaya mo to ipull-off ha? Nakakatawa lang kasi ang objection na to. Hindi naman nila alam ang pyramiding pero tanong sila ng tanong. This is your response,

You: Ano ba ibig sabihin ng pyramiding sayo? Invite: Ung my pinaka taas, tapos lahat dapat mag recruit. Scam. (O kung ano pa man ang sabihin nya) You: Yan ba ung ilegal? You: Yan ba ung walang products? You: Ung sabi kikita ka kahit WALA kang gagawin? Basta mag-invest ka lang?

22

Invite: Oo You: Ahhh.. My tanong ako sayo. (Pause ka konti) You: So un ba ang hanap mo? Kasi kabaligtaran ito ng lahat ng sinabi ko.

Pag inexplain mo naman kasi ang MLM Business mo: >my products na kapalit >hindi to puro recruit, madaming compensation plan >hindi ka nag guarantee na pagkajoin nya kikita na agad sya ng walang ginagawa. Your income will base on your effort. Isa pa to,

Invite: Pyramiding ba yan? You: Alam mo, kahit saan ka tumingin lahat ng nasa paligid mo pyramid. Isipin mo, church, trabaho mo, government, mcdonalds, kahit bahay mo run like a pyramid. Ibig sabihin my namamalakad or nasa pinaka taas, at my mga taong sumusunod dun sa taas.

Magbigay ka lang ng example, katulad ng organizational chart na meron ding nasa taas tapos sya nasa baba. Tapos chain of command, etc etc.

23

OBJECTION #5 PAANO KUNG WALA AKONG MAINVITE?

Usually kasi ang mga nagtatanong ng ganito ay natatakot lang, kailangn lang tulungan mo sila at i-guide step by step. At ang iba naman, alam nila kapag networking daw kailangan madami kang kaibigan para ma-recruit, which is mali!

Invite: "Paano kung wala akong mainvite?" You: "Paano kung meron?" Invite: "O sige, paano kung hindi ako kumita?" You: "Paano kung kumita ka?" Invite: "O sige, paano kung hindi ako magka kotse dyan?" You: "Paano kung magka koste ka?" Invite: "eh paano kung hindi ako yumaman?" You: "eh paano kung yumaman ka?"

People always think of what could go wrong, why not think of what could go right? Di ba?

24

You can also try this one,

Invite: "Paano kung wala akong mainvite?" You: Ilan ba ang friends mo? Invite: Konti lang eh or wala ako masyadong kilala You: Ibig sabihin, sa 20years (age ng kausap mo) of existence mo ganun lang ang bilang ng friends mo? You: kasama na dyan elementary, highschool, college, kapit-bahay mo, pinsan, magulang at relatives? Invite: Hindi naman.. You: Ibig sabihin madami kang kakilala. Meron at meron kang maiinvite. Ikaw nga nainvite kita, sila pa kaya.

Kailangan mo din itong maintindihan at ng kausap mo, all you need is a key person. Kung iniisip mo na hindi kayang invite LAHAT ng friends mo, OK lang. Kahit nga dalawa o isa lang na alas ang mapa join mo OK na, kasi for sure meron din siyang kakilala.

25

OBJECTION #6 DOUBTS

Is this an objection? Hmm, well... Maybe, maybe not, kasi wala naman siguro magsasabi sa'yo na "nagdududa kasi ako kaya ayoko muna magjoin". Itong doubts kasi, nasa utak lang nila. Kailangan ma-address mo din ito kahit hindi n'ya sabihin. Pwede kang magsimula ng ganito,

You: "Alam mo nung nainvite ako, nagduda din naman ako, lahat! Kahit nga mga top earners nagduda din, pero bakit nagjoin sila? Invite: Bakit? You: Before sila nagjoin, my mga nagkakotse na, my yumaman na. Kung magdududa sila 1month, 1year o kahit 5years pa. Mga tao dito tuluy tuloy lang. You: Ibig sabihin kahit magduda ka, kami kumikita na, my naiinvite, my nagjojoin. Kung gusto mo magduda ka pa din, OK lang naman samin. Pero tanungin mo sarili mo. OK lang ba? After 1year magduda ka, anung meron pa rin sayo? Invite: Duda pa rin Kailangan pag sinabi mo tong mga malupit na linyahan natin, malumanay ka. Soft ang voice mo, but still confident! Posture ayusin. OK?

26

OBJECTION #7 WALA AKONG PERA

Nako! Sobrang dali lang sagutin nito. Mga nagsasabi nyan, nag-eexcuse lang talaga or walang pera. Makikita mo naman kasi sa kausap mo kung may pera o wala e.

Kung kausap mo, ang ganda ng porma at talagang ma-image tapos ang sabi sayo...

Invite: Wala akong pera Sagutin mo ng ganito, You: Ahh talaga.. Wala kang pera? Hindi halata ah, Ang ganda pa naman ng pormahan mo tapos wala ka pa lang pera. Yan tayo eh. Ha ha ha! Joke lang ulit yan. Baka sapakin ka ng invite mo o kaya bka hindi na magjoin :)) Again, kung gusto mo ikaw ang bahala, KUNG kaya mong ideliver yan.

27

Pero ito na talaga,

Invite: Wala akong pera You: Alam mo naintindihan kita, kasi nung nainvite ako ganyan din sinabi ko. Pero un nga ang reason kung bakit nandito ka eh, para hindi mo na sabihin yan. Kasi imaginin mo, wag kang magjoin, wag mong gawan ng paraan to. Tapos nainvite ka nanaman, ano sasabihin mo? Wala akong pera? (Sabay smile o tawa)

Or pwede ito

Invite: Wala akong pera You: OK lang bang tapatin mo ko? Invite: Ano un?

You: Wala ka talagang pera? O hindi mo lang masabi na hindi ka interesado dahil mabait kang tao at para hindi ako maoffend?

Kung hindi sya interested, hingi ka na lang ng mga referral. Sabihin mo to.

You: Sabi na eh <pause> OK lang :) tong opportunity na pinakita ko sayo hindi ito para sa lahat. Mga piling tao lang. <Pause> Ang hinahanap namin is ung mga taong my pangarap at gustong umasenso. Anyway thank you for your time and Godbless!

Pero kung sinabi nya na interested talaga sya at wala syang pera sabihin mo,

You: Kung talagang gusto mo, turuan kita ng mga ways para maka generate ka ng pang join mo..

Turuan mo na sya ng (W.B.U.S.H) withdraw, benta, utang, sanla, hiram o hingi. Kwento mo din story mo pano mo nagawan ng paraan. Ito pa isang napaka gandang script

Invite: Wala akong pera

28

You: Alam mo, Naintindihan kita. Walang wala din ako nung nainvite ako. Pero my tanong lang ako sayo Invite: Ano un? You: Gusto mo ba talagang yumaman? (My kasamang kunot-noo) Invite: Oo naman! You: Ahh talaga? ako din, kaya nga na realize ko to eh... Sabi ko sa sarili ko, P8000 (amount ng membership fee) hindi ko magawan ng paraan, pagyaman pa kaya? Masakit pero totoo. (smile)

Isa pang additional to!

You: Curious lang ako, gusto mo ba HABANG BUHAY mong sasabihin yang 'wala akong pera?' Invite: Syempre hindi! You: Oh diba? Yan ang sinasabi ko sayo. Kaya mo din yan gawan ng paraan. Ako eto ginawa ko... (Kwento ka)

29

OBJECTION #8 PART TIME TAPOS MAGLALABAS NG PERA

Hindi tayo aware minsan, pero ganito ang iniisip ng mga kausap natin. Kung ang approach mo sa invite mo ay for part time tapos maglalabas ng malaking pera, syempre magwewelga yan ha ha ha! Ipaintindi mo to sakanya,

Invite: Akala ko kasi talaga part time o trabaho e You: Alam mo ganyan din reklamo ko sa nag-invite sakin. Part time nga tapos pinaglalabas ako ng pera tsaka akala ko talaga trabaho. Di ba? Invite: Oo nga You: Pero my narealize ako, KAHIT SAAN pala ako magpunta maglalabas din ako ng pera. Ganun din eh! <Pause ka> You: My tanong ako sayo, nung nag-apply ka ba or kapag mag-aaply ka hindi ka ba gagastos kahit PISO?? Invite: Syempre hindi! My requirements, SSS, GSIS, clearance, medical, pamasahe mo pa, print ng resume tpos mga pictures pa, etc etc

30

(Lahat ng gastos sya na magsasabi, kea no sweat ;) )

You: Oh tignan mo! Di ba ang dami! Parehas lang eh! Ang pinag kaiba, ung iinvest mo dito balik na agad sayo, tapos pwede ka pang kumita ng <maximum potential income sa company nyo> 720K/month! Tatapatin kita, sa trabaho kahit kailan hindi mo un kikitain. My boss ka pa dun, time in time out. Tapos ung kikitain mo babawasan pa. You: Pili ka ngayon kung san mo mas gusto. Parehas mo lang din naman tatrabahuhin e, syempre sa work pag di ka nagtrabaho tatanggalin ka. Dito you get paid for what you give.

Meron pa akong isa pang option para sayo. Dugtong mo lang tong script,

You: Sa work mo ba kapag pinaglabas ka ng pera or pang requirements mo magwewelga ka? Magagalit ka kapag paglalabasin ka ng pera? Sasabihin mo ba sa employer mo, 'BA YAN, NAGHAHANAP NGA AKO TRABAHO TAPOS AKO PA MAGLALABAS NG PERA?' Invite: Hindi You: Oh diba hindi? Lahat ng bagay sa mundo kailangan mo ng pera para kumita ka at makasurvive ka.

Ito pa parealize mo sakanya,

You: Sa work mo ba sure kang tatanggapin ka, eh naglabas ka na ng pera? Invite: Hindi You: Tignan mo, nag-aaply ka nga dun. Di ka nga sure kung tatanggapin ka o hindi, pero willing kang maglabas ng pera at gawan ng paraan. Kasi alam mo ung kapalit e, sweldo mo.

Madami ka pang options kagaya nito, kaya maganda talaga kung mag-e experiment ka at paghalu-haluin mo lahat ng scripts,

31

Option 1:

You: Magagalit ka ba sa employer mo kapag hindi ka na-hire tapos nagamit mo na pera mo sakanila? Pwede mo bang sabihing scammer sila?

Option 2: You: Ang malupet dito sa MLM (name ng company mo), naginvest ka na ng pera, agad agad my babalik sayo, sobra sobra pa doon sa pwede mong kitain!

32

OBJECTION #9 WALA AKONG TIME

Itong objection na 'Wala akong time' ay isa sa pinaka favorite kong objection sa lahat. Dahil ubod ng daling sagutin to, kasi wala talagang lusot. At isa pa ay hindi ko na naririnig to kapag may kausap ako. Kasi sa simula pa lang bago ako mag present, sinasabi ko na: "Kaya ka nandito ay dahil meron kang extra time (kailangan mong mag pause at iemphasize ito), ibig sabihin doon sa extra time mo, gusto mong kumita. Tama ba?" At ito pa... "Itong ipapakita ko sa'yong opportunity, hindi mo kailangang itigil ang ginagawa mo, isasabay mo lang. Kung ano 'ung usual mong gingawa tuloy mo lang" Ibig sabihin, doon pa lang hindi na niya pwedeng idahilan sa'yo na wala s'yang time. Pero 'wag kang mag-alala dahil ituturo ko pa rin sa'yo. Here it goes... Kung ESTUDYANTE sabi sayo

33

Invite: "Wala akong time" You: "Hindi mo naman kailangan tumigil sa pag-aaral, pwede mo 'tong gawin sa free time mo"

And magkwento ka or share ng mga success stories from your company na dati ding student. Alam kong meron un, at sure akong maiinspire sila.

You: Curious lang ako. (Tigil ka saglit) Ano point bakit ka nagaral? Hindi ba para kumita ng pera? Invite: Yes You: Oh, itong pinapakita ko sayo kikita ka na ng pera pag ginawa mo, kagaya ni ....<share ka ng story ng uplie mo>. Student nag start pero ngayon ung kinikita lagpas pa sa mga prof nya. Ano point? Kahit student ka pa lang pwede ka ng kumita agd, bat mag-aantay ka pa pagka graduate mo?

Kung EMPLEYADO naman, ito ang sagot mo,

Invite: "Wala akong time" You: "Tanungin kita, d'yan sa trabaho mo sapat na ba ang kinikita ko?"

(Ang sagot n'ya, hindi. kaya nga and'yan 'sya ngayon sa harap mo)

Invite: "Hindi nga eh"

You: "D'yan nga sa trabaho mo nagbibigay ka pa rin ng 9hrs araw-araw kahit na alam mong kulang ang sweldo, nagtitiis ka. Pero dito ang pwede mong kitain sobra sobra tapos hindi ka magbibigay ng time?"

Eh pano naman Joyce kung tambay ang invite ko? Syempre tambay punong puno ng extra time yan. Ung iba tambay na lang sa computer shop dahil walang magawa.

34

Imbes na ubusin ung oras sa hindi naman nagpo-produce ng wealth, edi dun na lang sya sayo di ba. :) Etong question na to pwedeng pang lahatin, kapag sinabi ni la na 'wala akong time,

You: Sure ka? Wala kang time? as in busy ka 24hrs sa school / work mo? As in whole day? Invite: Hindi, syempre po magpapahinga pa, busy pa sa project / paperworks, tulog etc etc etc You: tanong ko lang, bakit ka nagpunta dito in the first place kung wala ka pa lang time para mag part time? joke lang ba un?

At kung sa bandang huli, after mo syang kausapin at sinabi pa rin nya

sayo:

“May emergency lang, kailangan ko ng umalis”

35

“May gagawin pa kasi ako sa….”

“Madami pa po akong aasikasuhin sa…”

“blah…blah…blah…”

Never ending excuse, tapatin mo na sya

“May balak ka pa bang magjoin or interesado ka pa rin sa business?”

Kung no, that’s great! Wala na talaga yang balak bumalik or mag join. OK

lang atleast hindi na masasayang oras mo ng kakaantay sakanya or

kakatxt mo.

36

OBJECTION #10 TANONG KO MUNA SA ASAWA KO, KAY MISIS, KAY MISTER, SA GIRLFRIEND KO, SA PUSA KO?

This can be answered in a lot of ways also, but this depends on the rapport you have established with your client / prospect

Invite: Tanong ko muna sa asawa ko, kay misis, kay mister, sa partner ko, sa pusa ko? Etc etc You: Ikaw muna tatanungin ko. Masaya ba asawa mo na madami kayong pinagkakautangan? Invite: hindi You: syempre, sino ba naman matutuwa kung madami kang utang. Ang malupet nyan, ipagpapalam mo pa tong bagay na solusyon na nga sa problema nyo tapos pag-iisipan nyo pa parehas. Pwede naman ikaw mismo gawan mo ng action. Para ikaw na mismo magbayad sa mga utang nyo

Sabihin mo to kapag gusto mo ng straight-to-the-point-mabilisan para malaman mo kung interesado ba or hindi, (applicable din to sa objection #11)

37

You: OK lang no problem kung gusto mo magpaalam. Sa experience ko kasi dito, ang mga taong my SARILING DECISION at my action ung umaasenso, so siguro hindi to para sayo.

Kung babawiin nya ang sagot nya, baka pumasa na sya sayo. Totoo naman kasi yan, kung konting desicion lang hindi na sya makapg decide for him/herself, paano pa kaya siya mag jojoin? Paano sya tatagal sa business naten.. Moving on, nako maganda tong sumunod! (applicable din to sa objection #11)

Invite: Tanong ko muna sa asawa ko, kay misis, kay mister, sa partner ko, sa pusa ko? Etc etc You: So ibig mo bang sabihin ay magpapaalam ka muna sa asawa mo kung pwede mo bang makuha ang pangarap mo o hindi? (Smile o tawa)

Etong sumunod matindi! Grabe, (applicable din to sa objection #11)

Invite: Tanong ko muna sa asawa ko, kay misis, kay mister, sa partner ko, sa pusa ko? Etc etc You: Kung magpapaalam ka pa, para mo na ring sinabi na 'Hon, kunin ko pa ba pangarap natin o huwag na?' (HA HA HA!)

Natawa ako dito nung nabasa ko ito. Epic eh! Iwanan mo pa ng mga ganitong last words: "Kung ikaw kuntento ka na sa buhay mo at OK ka na sa kalagayan mo, ang tanong dyan, kuntento na ba ang asawa't anak mo?" (Kung my anak sya)

38

OBJECTION #11 PAALAM PO MUNA AKO SA MAMA KO, SA PAPA KO, SA KAPATID KO, SA TITA KO, SA KAPITBAHAY

NAMIN?

Lahat na ng tao babanggitin makapag excuse lang hehehe!

Invite: Paalam po muna ako sa mama ko, papa ko, kapatid ko, tita ko, kapitbahay namin. You: Anong papaalam mo? Invite: Ito pong pinakita nyo sakin, tsaka hihingi po ako ng perang pang join You: OK yan maganda ang idea mo, however hindi naman nila napakinggan lahat ng narinig at naintindihan mo. Paano un? Invite: Basta po ako ng bahala / Explain ko po sakanya / You: Diba bawal magkwento at magpaliwanag? Ang gawin mo iset mo ng appointment, akong bahala kumausap. Ipapaintindi ko sakanya ung business natin.

Another option,

39

Invite: Paalam po muna ako You: Gusto mo ba talaga makuha pangarap mo?

Invite: Yes po You: Bakit magpapaalam ka pa? Parang sinabi mo na, 'Ma kuhanin ko ba pangarap ko? Huwag mo kong payagan please You: pag nagkwento ka di ka papayagan sa ganito dahil karamihan negative.

Isa pa ulit,

Invite: Paalam po muna ako You: Alam mo ok naman magpaalam eh, kaso ok lang bang tanungin kita? You: Naka try ka na uminom? Mag yosi?

(Kung yes ang sagot nya...)

You: Nagpaalam ka pa ba? 'Ma mag-iinuman lang kami' Syempre hindi diba? Kasi ALAM MONG hindi ka papayagan.

Isa pang example

You: Diba ipagpapaalam mo pa tong pagyaman? Curious lang ako, pag nanliligaw ka ba tinatanong mo ba muna sa mama at papa mo kung gusto nya yun para sayo?

Or alternate mo ito

You: Diba ipagpapaalam mo pa tong pagyaman? Curious lang ako, Paano kapag my pakakasalan ka na? nagpapaalam ka ba muna sa mama at papa mo?

40

Invite: Hindi naman po, papayagan naman po ako You: Paano kung hindi pumayag? Edi hindi mo na kukunin pangarap mo? You: Ang gusto kong marealize mo, hindi naman parents mo ang tatrabaho nito e, ikaw. Ikaw naka attend, ikaw nakaintindi, ikaw kukuha ng pangarap mo, hindi sila. You: At the end of the day, hindi naman parents mo or kung sino man ang gagawa ng future mo, IKAW. At the end of the day, Ang mag ssuffer sa mga consequences ng decisions mo at nila... Wala ng iba kundi IKAW at ikaw lang, hindi sila.

Last words ulit kaibigan, "Akala ko ba pangarap mong tulungan ang family mo? Eh bakit magpapaalam ka pa? Malaki ka na, dapat my sarili ka ng kusa" Dapat alam mo ang reason nya or deepest why bakit sya nasa harapan mo ngayon at naghahanap ng opportunity.

41

OBJECTION #12 SMALL TIME

There are just people na ang tingin sa networking ay mababa o small time. Ibig sabihin minamaliit nila ang mga nasa field ng MLM. Mayroon akong isang crossline, she's also a networker, ang sabi ng tita n'ya sa kanya

"Ano ba yan, ang baba naman ng pangarap mo at sumali ka d'yan."

Grabe no? kung lalaki ka ito sabihin mo,

You: Ahh ganon ba tingin mo dito? Small time pala kumita ng P20,000 - P30,000 isang linggo no? Tapos Pwede pang umabot ng P100,000 per week.

You: Kung small time pala to bakit ang daming nag jojoin na mga

businessman?

You: Kung kinikita ko or ng mga tao dito small time, paano pa kaya

ung mga nagtatrabaho na my P10,000 – P20,000 per MONTH? Hindi

ba’t mas small time un? Edi mas small time pa sila?

Magkwento ka ng top earners sainyo na kumikita ng 6-7 figures ang

cheque. Tignan natin kung small time pa rin ang MLM.☺

42

OBJECTION #13 HINDI KO LINYA 'YAN

HINDI AKO MAGALING SA SALES HINDI AKO MAGALING MAGBENTA

HINDI KO KAYA 'YANG GINAGAWA N'YO

You: Eh di good! Hindi naman kami naghahanap ng magaling at linya ang sales! Hindi ko rin to linya, ang hinahanap namin ung mga taong interesadong yumaman at my pangarap. Another script,

Invite: HINDI KO TO LINYA You: My tanong ako sayo, ano course mo? For example ang sabi nya Invite: Engineer / Nurse / Psychology / Marketing You: Pagka enroll mo ba magaling ka na ba dyan agad? Linya mo ba yan? Invite: Hindi You: Oh tignan mo. Kaya yan ang course mo, kasi alam mo at ng magulang mo, after mo magaral o pagaralan yan, dyan ka kikita ng malaki. Typical, aral tapos trabaho.

43

You: Ganun din dito, walang kaso kung hindi mo to linya. Ung mga kumikita dito ng milyon, dati din namang walang alam. Kaya kami nandito para ituro sayo lahat ng nalalaman namin. Pinagkaiba lang, ang ituturo namin sayo kung paano ang pagyaman.

Tapos ito pa,

Invite: HINDI AKO MAGALING MAGBENTA

You: Eh di good! Hindi din naman ako magaling magbenta e, hindi nga ako nagbebenta eh. Tsaka hindi naman kita binentahan, pinakita ko sayo opportunity

44

OBJECTION #14 IPON MUNA AKO

YOU: OK lang mag-ipon, yan din ang sinabi ko nainvite ako dito.

YOU: Tanong ko lang, ilang taon ka na?

INVITE: 23 (kung ano man ang age na kausap mo)

Ngayon ito ung iba’t ibang response para sa objection na ‘to:

YOU: Ibig sabihin hanggang ngayon wala ka pa ring ipon?

YOU: Gaano ka na katagal nag-iipon? Sa tingin mo ba kapag

pinagpatuloy mo pa rin ang ginagawa mo makakaipon ka?

Maganda itong pang huling banat,

45

YOU: Kapag ito pinag-ipunan mo pa, for sure hindi ka na makapag simula.

Kung gusto mo talaga gawan mo ng paraan. Madaming yumaman dahil

maparaan sila. Kung hindi mo gagawan ng paraan, kung ano ka ngayon,

ganon pa din magiging result mo after ilang years.

Make sure kapag sinabi mo tong mga lines, ‘wag masyado nakaka offend.

As much as possible be kind and gentle. You just want to make them

realize, na hindi puro ipon ang sagot sa kahirapan.

Ikaw na bahala mag mix and match sa mga scripts, kasi ikaw ang

nakakaalam sa invite mo at depende kasi sa rapport na na-establish mo

ang flow ng usapan nyo.

46

Objection #15 Korni ng networking

"Ew! Networking, korni ah"

You: Na feel ko din yan nung nainvite ako. ☺ Goodmorning sa gabi tapos Power! Power! Hehehe. Pero my narealize ako.

You: OK lang maging korni, my kotse naman! Ung naglalakad at gumigising ng maaga para pumasok sa trabaho ang korni! (hahaha!) You: OK lang maging korni, ung kinita naman dito pang tunay na lalaki (kung lalaki ka, eto ung linyahan mo)

Mga additional lang,

You: Alam mo nung nagjoin ako, nakornihan din ako. Goodmorning sa gabi tapos power power daw :)) pero ito narealize ko, si Pacman ba korni? Invite: Oo You: Pero mayaman? Ano point, OK lang maging korni. MAYAMAN NAMAN!

47

OBJECTION #16 ALAM KO NA 'YAN

Nako! Madali lang sagutin ng objection na 'to. Kapag sasabihin mo ang script na ito MAKE SURE to deliver this as gentle as possible and you need to smile. Kasi baka mayabangan sa'yo ang invite mo at hindi na s'ya magjoin. Kung sinabi sayo to sa kalagitnaan ng talk mo, ito sabihin mo,

You: Ahh talaga? ☺ Alam mo na pala to.. Explain mo naman sakin lahat paano

Syempre sabihin nyan 'BASTA!' O kea ung objection na 'Networking'. Tanungin mo lang sya ng tanungin regarding sa knowledge nya sa eexplain mo. Kung hindi, proceed ka na.

Invite: Alam ko na yan You: "OK lang bang tanungin kita? Curious lang ako"

Invite: "Ano 'yun?"

48

You: "Kung alam mo na pala ito and alam mo ng madaming yumayaman, bakit hindi mo pa tina-try? Bakit hanggang ngayon naghahanap ka pa rin ng part time?"

49

OBJECTION #17 PAUTANG NA LANG MUNA KO SA'YO TAPOS BAYARAN NA LANG KITA

Itong objection na ito ay bihira ko marinig, siguro mga 2-3x pa lang sa buong pagnenetwork ko. Itong script na ituturo ko ay sagot ko mismo sakanila

Invite: "Pautang na lang ko sa'yo tapos bayaran na lang kita" You: "Kung iniisip mo din naman palang mangutang, bakit hindi sa kakilala mo?"

Or pwede mo ding itry 'ung susunod, kung sakaling may sabihin pa s'ya sayong objection at para na rin magka-idea ka.

Invite: "Pautang na lang ako sa'yo tapos bayaran na lang kita" You: "Alam mo sinabi ko din 'yan dati sa nag-invite sa'kin kasi nasa isip ko nun malaki naman kinikita nila, e 'd pautangin na lang nila ako. Kaso... Nasa isip ko din kapag hindi ako kumita, OK lang hindi sila bayaran mayaman na naman sila e."

50

You: "Ganun din nasa isip mo no? Tama ba?" ☺ Ito 'ung tatandaan mo, kaya nila sinasabi 'yan kasi iniisip nila na malaki na ang kinikita mo at madali lang sa'yo magpautang. Ginagawa ka nilang comfort zone, easy way para makapag join sila. Tinuro sa'amin na bawal magpautang.

Bakit kamo? Gaano ka kasigurado na babayaran ka nila? Knowing na ang tingin nila sa'yo ay mayaman na? At isa pa, how sure na tatrabahuhin nila ang business kung pang join lang hindi magawan ng paraan, 'Di ba?

Para mafeel nila na talagang kailangan nilang mabawi 'ung pinuhunan nila, iba rin kasi kapag galing talaga sa sarili nilang bulsa o inutang nila from their friends / relatives. Pero depende pa rin sa'yo, kung close friend mo at talagang nagtitiwala ka sakanya na babayaran at iwowork-out nya naman ang business, sige. Ikaw ang magdecide. Make sure na talagang gagawin n'ya. Ang gusto ko kasi 'pag closing, sila mismo magko-close sa sarili nila sa networking business at after ko kausapin, my maiiwan ako sakanilang palaisipan. 'Ung hindi sila makakatulog sa gabi, tapos iisipin nila 'ung negosyong pinakita mo. Matatahimik lang sila kapag nagjoin sila sa 'yo. Ang sarap nun 'di ba? Imagine that. Tsaka madami na rin akong narinig ng ganitong story mula sa ibang company na pinapautang nila ung mga nakakausap, iba naman binibigyan ng libreng account. Tapos ayun, hindi na active he he he! Hindi pa tayo tapos, meron pa tayong susunod na scripts.

51

Invite: Pautang muna ako sayo You: Curious lang ako, kapag ba nag aapply ka at kailangn mo ng pera for requirements, mangungutang ka ba sa employer mo? (Sabay tawa) You: Boss pautang muna ko, kapag sinuwelduhan mo na ako babayaran kita (hahaha)

Last one, You: OK lang bang tapatin kita? Alam mo kasi narealize ko, kung P*,*** (membership sa company nyo) di magagawan ng paraan, pagyaman pa kaya.

52

OBJECTION #18 NASUBUKAN KO NA YAN DATI

MY KAKILALA KO NA-TRY YAN, WALA NAMAN NANGYARI

Itong mga nagsasabi ng ganito, medyo AKNY (alam ko na yan). Gusto nyang patunayan na tama sya. Meron naman, nag try nga pero 6months-1year lang. Iba naman, ayaw na subukan kasi my bad experience sila sa networking or ung kakilala nila, kaya parang ayaw na nila mag try ulit. Kailangan lang ma-twist mo ung paniniwala nila, by asking the right questions.

Invite: Nasubukan ko na yan dati You: Ah ok, ano nangyare? Invite: Walang nangyare You: Umatend ka ba ng trainings? Invite: yes (either yes or no OK lang) You: Sumunod ka ba sa upline mo? Invite: no (either yes or no OK lang) You: Nag active ka ba sa MLM mo?

53

Invite: Oo naman, nag-invite pa nga ako e Hayaan mo sya, kahit anong sagot nya OK lang. Ito naman ang pinaka importante sa lahat,

You: Tinapos mo ba ang networking career mo? Or

You: Tinapos mo ba ang nasimulan mo? Invite: Hindi

(Yan at yan lang ang isasagot nya, kasi kung nagnenetwork pa din sya, dapat wala sya ngayon sa harap mo)

Me: Ahh kaya naman pala walang nangyari. OK lang yan, naintindihan kita, nagjoin na rin kasi ako dati sa MLM, as in nagbayad. Ayun walang nangyare, until nainvite ulit ako. This time talagang tatapusin ko to.

Maganda kung magkwento ka rin ng experiences mo, para makarelate kayo sa isat isa, at napaka importanteng kumunek ka sa kausap mo, gagaan ang loob nya sayo. Kung first time mo naman sa MLM, mag kwento ka ng experience ng kakilala mo, kung meron.

You: Alam mo, hindi mo kasi makukuha ang resultang gusto mo kung hindi mo rin lang tatapusin.

Kahit pa ikwento nya ung nangyari sa kakilala nya o kahit sinong tao pa, OK lang. Same lang din ng scripts, baguhin mo lang ng konti.

54

Objection #19 Ilang beses na 'kong nainvite sa networking, parepareho lang

You: Ayaw mo nun? Ibig sabihin hindi ka tinatantanan ng opportunity? ---- You: Hindi ka ba nagtataka? Ang daming beses mo na palang nainvite bakit hindi ka pa din nagjojoin? --- You: Alam ko everything happens for a reason. Hindi coincidence na paulit ulit kang naiinvite, pwede namang nasa bahay ka lang at nagrerelax, o kaya natutulog o nasa trabaho. Pero bakit nandito ka? Baka eto na ung matagal mo ng inaantay at pinagdadasal. Ayaw mo lang i-grab ung opportunity. Kung sabi nya sayo, madaming beses na sya naiinvite, tanong mo ano reason bakit hindi pa rin sya nagjojoin.

55

ITS IMPORTANT THAT YOU KEEP THIS IN MIND... Kaya nila nsasabi ang mga objections na 'yan ay dahil hindi pa nila naiintindihan ang concept ng network marketing. Ang goal mo ay ipaintindi sakanila kung bakit nila kailangang gawin or magjoin sa business mo. Kaya ka din nag-iinvite ay para tulungan sila. Kung ang mga prospects mo ay hindi mo kakilala, kailangan mo ding intindihin na my mga doubts pa yan. Matuwa ka pa nga kapag nagtatanong sila kasi ibig sabihin interesado sila sa pinakita mo. Ung mga taong mukang positive at hindi nagtatanong, un pa ung hindi nagjojoin. Noong nagsisimula pa lang ako, syempre nahirapan din ako. Kasi minsan nakakalimutan ko na ito pala ang dapat na sinasabi. Dati din sobrang kinakabahan ako kapag tanungan portion na, kasi baka may itanung na talagang hindi ko alam ang isasagot! Pero dahil halos araw araw akong my kinakausap, ay nasanay akong sumagot ng mga objections at kahit ano pa ang ibato nila saakin, alam ko na kaya kong sagutin. Masasabi ko sa'yo, mag experiment ka! Promise! EXPERIMENT, EXPERIMENT AT EXPERIMENT! Try different approaches, 'wag ka lang mag rely sa paulit-ulit na tinuturo at makaluma, you need to innovate! Try mo iba't ibang klase ng scripts at techniques, training palagi sa office, 'kinig ka sa iba't ibang malulupit na uplines kung paano sila sumagot ng objections at pagsama-samahin mo, and you'll see the difference from the old you. Proven and tested. Ganon lang ginawa ko kaya ang dami kong nasasagot, kaya madami din akong natuturo sa aking team. When answering objections... CHILL, RELAX and most important, SMILE :)

56

LAST AND FINAL WORDS

Remember, kahit na anong ganda ng approach at sagot mo sa lahat ng objections ng clients mo, hindi mo sila maicclose kung walang proper follow-up. Balewala lahat ng effort mong kausapin s'ya kung hindi ka mag follow-up. Lahat ng ito hindi magiging effective kung hindi mo iaapply. Kailangan mo itong paulit-uliting basahin at gawin. Repetition is the key to mastery. Congratulations! I hope nag-enjoy ka, at sana madami kang natutunan. Until next time, you'll be seeing more from me. Thank you and Godbless!